Book of Common Prayer
Pagpuri sa Panginoon at babala laban sa di pagsampalataya.
95 (A)Oh magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon:
(B)Tayo'y magkaingay na may kagalakan (C)sa malaking bato na ating kaligtasan.
2 Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat,
Tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.
3 Sapagka't ang (D)Panginoon ay dakilang Dios,
At dakilang Hari sa lahat ng mga dios,
4 Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa,
Ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin.
5 Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa:
At ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa.
6 Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod;
Tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.
7 Sapagka't siya'y ating Dios,
At tayo'y (E)bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay.
Ngayon, kung (F)inyong didinggin ang kaniyang tinig!
8 Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba,
Gaya sa kaarawan ng Masa (G)sa ilang:
9 (H)Nang tuksuhin ako ng inyong mga magulang,
Tinikman ako, at nakita ang gawa ko.
10 Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon,
At aking sinabi, Bayan na nagkakamali sa kanilang puso.
At hindi naalaman ang aking mga daan:
11 Kaya't ako'y sumumpa sa aking poot,
(I)Na sila'y hindi magsisipasok sa aking (J)kapahingahan.
Iyak sa pagkahapis at Awit sa pagluwalhati. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Aijeleth-hash-Shahar. Awit ni David.
22 Dios ko, Dios ko, (A)bakit mo ako pinabayaan?
Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa akin, at sa mga salita ng (B)aking pagangal?
2 Oh Dios ko, ako'y humihiyaw sa araw, nguni't hindi ka sumasagot:
At sa gabi, at hindi ako tahimik.
3 Nguni't ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga (C)pagpuri ng Israel.
4 Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa iyo:
Sila'y nagsitiwala, at iyong iniligtas sila.
5 Sila'y nagsidaing sa iyo at nangaligtas:
(D)Sila'y nagsitiwala sa iyo, at hindi nangapahiya.
6 Nguni't (E)ako'y uod at hindi tao; Duwahagi sa mga tao, at (F)hinamak ng bayan.
7 (G)Silang lahat na nangakakita sa akin ay tinatawanang mainam ako:
Inilalawit nila ang labi, iginagalaw nila ang ulo, na sinasabi,
8 (H)Magpakatiwala ka sa Panginoon; iligtas niya siya:
Iligtas niya siya yamang kinaluluguran niya siya:
9 (I)Nguni't ikaw ang naglabas sa akin sa bahay-bata:
Pinatiwala mo ako nang ako'y nasa mga suso ng aking ina.
10 Ako'y nahagis sa iyo mula sa bahay-bata:
Ikaw ay aking Dios (J)mulang dalhin ako sa tiyan ng aking ina.
11 Huwag mo akong layuan; sapagka't kabagabagan ay malapit;
Sapagka't walang tumulong.
12 (K)Niligid ako ng maraming toro;
Mga malakas na toro ng Basan ay kumulong sa akin.
13 (L)Sila'y magbubuka sa akin ng kanilang bibig,
Na gaya ng sumasakmal at umuungal na leon.
14 Ako'y nabuhos na parang tubig, At lahat ng aking mga buto ay nangapapalinsad:
(M)Ang aking puso ay parang pagkit;
Natutunaw ito sa loob ko.
15 Ang aking kalakasan ay natuyo na parang bibinga;
(N)At ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala;
At dinala mo ako sa alabok ng kamatayan.
16 Sapagka't niligid ako ng mga aso:
Kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama;
(O)Binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa.
17 Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto;
Kanilang minamasdan, at pinapansin ako:
18 (P)Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila,
At kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan.
19 Nguni't huwag kang lumayo, Oh Panginoon:
Oh ikaw na aking saklolo, magmadali kang tulungan mo ako.
20 Iligtas mo ang aking kaluluwa sa tabak;
Ang aking minamahal sa kapangyarihan ng aso.
21 (Q)Iligtas mo ako sa bibig ng leon;
Oo, mula sa mga sungay ng torong gubat ay sinagot mo ako.
22 (R)Aking ipahahayag ang iyong pangalan sa aking mga kapatid:
Sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita.
23 (S)Kayong nangatatakot sa Panginoon ay magsipuri sa kaniya:
Kayong lahat na binhi ni Jacob ay lumuwalhati sa kaniya;
At magsitayong may takot sa kaniya, kayong lahat na binhi ni Israel.
24 Sapagka't hindi niya hinamak o pinagtaniman man ang kadalamhatian ng nagdadalamhati;
Ni ikinubli man niya ang kaniyang mukha sa kaniya;
Kundi (T)nang siya'y dumaing sa kaniya, ay kaniyang dininig.
25 (U)Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang kapisanan:
Aking tutuparin ang (V)aking mga panata sa harap nila na nangatatakot sa kaniya.
26 (W)Ang maamo ay kakain at mabubusog:
Kanilang pupurihin ang Panginoon na humanap sa kaniya;
Mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man.
27 Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala, at (X)magsisipanumbalik sa Panginoon:
At lahat ng mga angkan ng mga bansa ay magsisisamba sa harap mo.
28 (Y)Sapagka't ang kaharian ay sa Panginoon:
At siya ang puno sa mga bansa.
29 Lahat na matataba sa lupa ay magsisikain, at magsisisamba:
Silang lahat na nagsisibaba sa alabok ay magsisiyukod sa harap niya,
Sa makatuwid baga'y ang hindi makapagingat na buhay ng kaniyang kaluluwa.
30 Isang binhi ay maglilingkod sa kaniya,
Sasaysayin ang Panginoon sa susunod na salin ng lahi,
31 (Z)Sila'y magsisiparoon at mangaghahayag ng kaniyang katuwiran,
Sa bayan na ipanganganak ay ibabalita, yaong kaniyang ginawa.
Ang pagbabata sa pagpuri at panalangin ng tulong. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
40 (A)Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon;
At siya'y kumiling sa akin, at dininig ang aking daing.
2 Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, (B)mula sa balahong malagkit;
(C)At itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at (D)itinatag ang aking mga paglakad.
3 (E)At siya'y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga'y pagpuri sa aming Dios:
Marami ang mangakakakita at mangatatakot,
At magsisitiwala sa Panginoon.
4 (F)Mapalad ang tao na ginagawang kaniyang tiwala ang Panginoon,
At hindi iginagalang ang palalo, ni ang mga naliligaw man sa pagsunod sa mga kabulaanan.
5 (G)Marami, Oh Panginoon kong Dios, ang mga kagilagilalas na mga gawa na iyong ginawa,
(H)At ang iyong mga pagiisip sa amin:
Hindi malalagay na maayos sa harap mo;
Kung ako'y magpapahayag at sasalitain ko sila,
Sila'y higit kay sa mabibilang.
6 (I)Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran;
Ang aking pakinig ay iyong binuksan:
Handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi.
7 Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito, dumating ako;
(J)Sa balumbon ng aklat ay (K)nakasulat tungkol sa akin:
8 (L)Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko;
Oo, ang iyong kautusan ay (M)nasa loob ng aking puso.
9 Ako'y nagpahayag ng mabuting balita ng katuwiran (N)sa dakilang kapisanan;
Narito, hindi ko pipigilin ang aking mga labi,
Oh Panginoon, iyong nalalaman.
10 Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa loob ng aking puso;
Aking ibinalita ang iyong pagtatapat, at ang iyong pagliligtas:
Hindi ko inilihim ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan sa dakilang kapisanan.
11 Huwag mong pigilin sa akin ang iyong mga malumanay na kaawaan, Oh Panginoon:
Panatilihin mong lagi sa akin ang (O)iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan.
12 Sapagka't kinulong ako ng walang bilang na kasamaan.
Ang mga kasamaan ko ay (P)umabot sa akin, na anopa't hindi ako makatingin;
Sila'y (Q)higit kay sa mga buhok ng aking ulo,
At ang aking puso ay nagpalata sa akin.
13 Kalugdan[a] mo nawa, Oh Panginoon, na iligtas ako:
Ikaw ay (R)magmadaling tulungan mo ako, Oh Panginoon.
14 (S)Sila'y mangapahiya nawa at mangatulig na magkakasama
Na nagsisiusig ng aking kaluluwa upang ipahamak:
Sila nawa'y mangapaurong at mangadala sa kasiraang puri
Na nangalulugod sa aking kapahamakan.
15 Mangapahamak nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan
Na nangagsasabi sa akin, Aha, (T)Aha.
16 Mangagalak at mangatuwa nawa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo:
Yaong nangagiibig ng iyong kaligtasan ay (U)mangagsabi nawang palagi,
(V)Ang Panginoon ay dakilain.
17 (W)Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan;
Gayon ma'y inalaala ako (X)ng Panginoon:
Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas;
Huwag kang magluwat, Oh Dios ko.
Ihahandog ni Abraham si Isaac.
22 At nangyari pagkatapos ng mga bagay na ito, (A)na sinubok ng Dios si Abraham, at sa kaniya'y sinabi, Abraham; at sinabi niya, Narito ako.
2 At kaniyang sinabi, Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng (B)Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo.
3 At si Abraham ay bumangong maaga, at inihanda ang kaniyang asno, at ipinagsama ang dalawa sa kaniyang mga alila, at si Isaac na kaniyang anak: at nagsibak ng kahoy para sa haing susunugin, at bumangon at naparoon sa dakong sinabi sa kaniya ng Dios.
4 Nang ikatlong araw ay itiningin ni Abraham ang kaniyang mga mata at natanaw niya ang dakong yaon sa malayo.
5 At sinabi ni Abraham sa kaniyang mga alila, Maghintay kayo rito sangpu ng asno, at ako at ang bata ay paroroon doon; at kami ay sasamba, at pagbabalikan namin kayo.
6 At kinuha ni Abraham ang kahoy ng handog na susunugin, at (C)ipinasan kay Isaac na kaniyang anak; at dinala sa kaniyang kamay ang apoy at ang sundang; at sila'y kapuwa yumaong magkasama.
7 At nagsalita si Isaac kay Abraham na kaniyang ama, na sinabi, Ama ko: at kaniyang sinabi, Narito ako, anak ko. At sinabi, Narito, ang apoy at ang kahoy, nguni't saan naroon ang korderong pinakahandog na susunugin?
8 At sinabi ni Abraham, (D)Dios ang maghahanda ng korderong pinaka handog na susunugin, anak ko: ano pa't sila'y kapuwa yumaong magkasama.
9 At sila'y dumating sa dakong sa kaniya'y sinabi ng Dios; at nagtayo si Abraham doon ng isang dambana, (E)at inayos ang kahoy, at tinalian si Isaac na kaniyang anak at inilagay sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy.
10 At iniunat ni Abraham ang kaniyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kaniyang anak.
11 At tinawag siya ng anghel ng Panginoon mula sa langit, at sinabi, Abraham, Abraham: at kaniyang sinabi, Narito ako.
12 At sa kaniya'y sinabi, (F)Huwag mong buhatin ang iyong kamay sa bata, o gawan man siya ng anoman: (G)sapagka't talastas ko ngayon, na ikaw ay natatakot sa Dios, sa paraang hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak.
13 At itiningin ni Abraham ang kaniyang mga mata, at nagmalas, at narito, ang isang tupang lalake, sa dakong likuran niya na huli sa dawag sa kaniyang mga sungay: at pumaroon si Abraham, at kinuha ang tupa, at siyang inihandog na handog na susunugin na inihalili sa kaniyang anak.
14 At pinanganlan ni Abraham ang dakong yaon, ng (H)Jehova-jireh: gaya ng kasabihan hanggang sa araw na ito: Sa bundok ng Panginoon ay mahahanda.
10 Tungkol sa pagkaligtas na ito ay nagsikap at nagsiyasat na maigi (A)ang mga propeta, na nangagsihula tungkol sa biyayang dadating sa inyo:
11 Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro (B)ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila, (C)nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo, at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito.
12 Na ipinahayag sa kanila, na hindi sa ganang kanilang sarili, kundi sa ganang inyo, pinangasiwaan nila ang mga bagay na ito, na ngayo'y ibinalita sa inyo sa pamamagitan ng mga nagsipangaral sa inyo ng evangelio sa pamamagitan (D)ng Espiritu Santo na sinugo mula sa langit; na ang mga bagay na ito'y ninanasang mamasdan ng mga anghel.
13 Kaya't (E)inyong bigkisan ang mga baywang ng inyong pagiisip, (F)na maging mapagpigil kayo at inyong ilagak na lubos ang inyong pagasa sa biyayang (G)dadalhin sa inyo sa pagkahayag ni Jesucristo;
14 Na gaya ng mga anak na matalimahin, (H)na huwag kayong mangagasal na ayon sa inyong dating mga masasamang pita nang kayo'y na (I)sa kawalang kaalaman:
15 Nguni't yamang banal (J)ang sa inyo'y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan (K)ng pamumuhay;
16 Sapagka't nasusulat, (L)Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal.
17 At kung inyong tinatawagan, na Ama, siyang (M)walang itinatanging tao, na humahatol ayon sa gawa ng bawa't isa, ay gugulin ninyo sa (N)takot ang panahon ng inyong (O)pangingibang bayan:
18 Na inyong nalalamang (P)kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na (Q)ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang;
19 Kundi ng mahalagang (R)dugo, gaya ng sa (S)korderong (T)walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo:
20 (U)Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni't inihayag (V)sa mga huling panahon dahil sa inyo,
36 Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro, Panginoon, (A)saan ka paroroon? Sumagot si Jesus, Sa paroroonan ko, ay hindi ka makasusunod sa akin ngayon: (B)nguni't pagkatapos ay makasusunod ka.
37 Sinabi sa kaniya ni Pedro, Panginoon, bakit hindi ako makasusunod sa iyo ngayon? (C)Ang aking buhay ay ibibigay ko dahil sa inyo.
38 Sumagot si Jesus. Ang buhay mo baga'y iyong ibibigay dahil sa akin? Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Hindi titilaok (D)ang manok, (E)hanggang ikaila mo akong makaitlo.
38 At pagkatapos ng mga bagay na ito (A)si Jose na taga Arimatea, palibhasa'y alagad ni Jesus, bagama't lihim dahil sa katakutan sa mga Judio, ay namanhik kay Pilato na makuha niya ang bangkay ni Jesus; at ipinahintulot ni Pilato sa kaniya. Naparoon nga siya, at inalis ang kaniyang bangkay.
39 At naparoon naman si Nicodemo, (B)yaong naparoon nang una sa kaniya nang gabi, na may dalang isang pinaghalong (C)mirra at mga aloe, na may mga isang daang (D)libra.
40 Kinuha nga nila ang bangkay ni Jesus, at binalot nila ng mga kayong lino na may mga pabango, ayon sa kaugalian ng mga Judio sa paglilibing.
41 Sa dako nga ng pinagpakuan sa kaniya ay may isang halamanan; at sa halamana'y may isang bagong libingan na kailan ma'y hindi pa napaglalagyan ng sinoman.
42 (E)Doon nga, dahil sa Paghahanda ng mga Judio (sapagka't malapit ang libingan) ay kanilang inilagay si Jesus.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978