Book of Common Prayer
Ang pagakay ng Panginoon sa kaniyang bayan sa kabila ng pagkawalang tiwala. Masquil ni Asaph.
78 Makinig kayo, Oh bayan ko, sa aking kautusan:
Ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa mga salita ng aking bibig.
2 (A)Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga;
Ako'y magsasalita ng mga malabong (B)sabi ng una:
3 (C)Na aming narinig at naalaman,
At isinaysay sa amin ng aming mga magulang.
4 (D)Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak,
(E)Na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon,
At ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.
5 Sapagka't siya'y nagtatag ng (F)patotoo sa Jacob,
At nagtakda ng kautusan sa Israel,
Na kaniyang iniutos sa aming mga magulang,
Na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak:
6 (G)Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak;
Na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak:
7 Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios,
At huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios,
Kundi ingatan ang kaniyang mga utos:
8 At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang,
(H)May matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi;
Isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso,
At ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios,
9 Ang mga anak ni Ephraim, gayong may sakbat at may dalang mga busog,
At nagsitalikod sa kaarawan ng pagbabaka.
10 Hindi nila tinupad ang tipan ng Dios,
At nagsitangging magsilakad sa kaniyang kautusan;
11 At kanilang kinalimutan ang kaniyang mga gawa,
At ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ipinakita sa kanila.
12 Mga kagilagilalas na mga bagay ay ginawa niya (I)sa paningin ng kanilang mga magulang,
Sa lupain ng Egipto, (J)sa parang ng Zoan.
13 (K)Hinawi niya ang dagat, at pinaraan niya sila;
At kaniyang pinatayo ang tubig na parang bunton.
14 (L)Sa araw naman ay kaniyang pinatnubayan sila sa pamamagitan ng isang ulap,
At buong gabi ay sa pamamagitan ng tanglaw na apoy.
15 (M)Kaniyang pinuwangan ang mga bato sa ilang,
At pinainom niya sila ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman.
16 Nagpabukal naman siya mula sa bato.
At nagpababa ng tubig na parang mga ilog.
17 Gayon ma'y nagkasala uli sila laban sa kaniya,
(N)Upang manghimagsik laban sa Kataastaasan sa ilang.
18 At kanilang (O)tinukso ang Dios sa kanilang puso,
Sa paghingi ng pagkain sa kanilang pita.
19 Oo, sila'y nagsalita laban sa Dios;
Kanilang sinabi, Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang?
20 (P)Narito, kaniyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubuluwak,
At mga bukal ay nagsisiapaw;
Makapagbibigay ba siya ng tinapay naman?
Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan?
21 Kaya't narinig ng Panginoon, (Q)at napoot:
At isang apoy ay nagalab laban sa Jacob,
At galit naman ay napailanglang laban sa Israel;
22 Sapagka't sila'y hindi nagsisampalataya sa Dios,
At hindi nagsitiwala sa kaniyang pagliligtas.
23 Gayon ma'y nagutos siya sa mga langit sa itaas,
At binuksan ang mga pintuan ng langit;
24 (R)At pinaulanan niya sila ng mana upang makain.
At binigyan sila ng (S)trigo ng langit.
25 Kumain ang tao ng (T)tinapay ng makapangyarihan:
Pinadalhan niya sila ng pagkain Hanggang sa nangabusog.
26 (U)Kaniyang pinahihip ang hanging silanganan sa mga langit:
At sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ay pinatnubayan niya ang hanging timugan.
27 Pinaulanan naman niya sila ng karne na parang alabok,
At ng mga ibong parang buhangin sa mga dagat:
28 (V)At pinalagpak niya sa gitna ng kanilang kampamento,
Sa palibot ng kanilang mga tahanan.
29 Sa gayo'y nagsikain sila, at nangabusog na mabuti;
At ibinigay niya sa kanila ang (W)kanilang pita.
30 Hindi sila nagsihiwalay sa kanilang pita,
Ang kanilang pagkain ay nasa kanila pang mga bibig,
31 Nang ang galit ng Dios ay paitaas laban sa kanila,
At (X)pumatay sa mga pinakamataba sa kanila,
At sinaktan ang mga binata sa Israel.
32 Sa lahat ng ito ay (Y)nangagkasala pa sila,
At hindi naniwala sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa.
33 (Z)Kaya't kaniyang pinaram ang kanilang mga kaarawan sa (AA)walang kabuluhan,
At ang kanilang mga taon ay sa mga kakilabutan.
34 (AB)Nang kaniyang patayin sila, sila'y nangagusisa sa kaniya: at sila'y nagsibalik, at nagsihanap ng tapat sa Dios.
35 At kanilang naalaala na ang (AC)Dios ay kanilang malaking bato,
At ang Kataastaasang Dios ay (AD)kanilang manunubos.
36 Nguni't tinutuya nila (AE)siya ng kanilang bibig,
At pinagbubulaanan nila siya ng kanilang dila.
37 Sapagka't ang kanilang puso ay hindi matuwid sa kaniya,
Ni tapat man sila sa kaniyang tipan.
38 (AF)Nguni't siya, palibhasa'y puspos ng kaawaan, ay pinatawad ang kanilang kasamaan at hindi sila nilipol:
Oo, madalas na inihiwalay ang kaniyang galit,
At hindi pinukaw ang buo niyang poot.
39 (AG)At naalaala niyang (AH)sila'y laman lamang;
Hanging dumadaan, at hindi bumabalik.
40 Kay dalas na nanghimagsik nila laban sa kaniya sa ilang,
At pinapanglaw nila (AI)siya sa ilang!
41 At sila'y nagsibalik uli, at tinukso ang Dios,
At minungkahi ang Banal ng Israel.
42 Hindi nila inalaala ang kaniyang kamay,
Ni ang araw man nang kaniyang tubusin sila sa kaaway.
43 (AJ)Kung paanong kaniyang inilagay ang kaniyang mga tanda sa Egipto,
At ang kaniyang mga kababalaghan sa parang ng Zoan;
44 (AK)At pinapaging dugo ang kanilang mga ilog,
At ang kanilang mga bukal, na anopa't hindi sila makainom.
45 (AL)Nagsugo rin siya sa gitna nila ng mga pulutong ng mga bangaw na lumamon sa kanila;
At mga (AM)palaka, na nagsigiba sa kanila.
46 Ibinigay rin niya ang kanilang bunga sa tipaklong,
At ang kanilang pakinabang sa (AN)balang.
47 Sinira niya ang (AO)kanilang ubasan ng granizo,
At ang mga puno nila ng sikomoro ng escarcha.
48 (AP)Ibinigay rin naman niya ang kanilang mga hayop sa granizo,
At sa mga lintik ang kanilang mga kawan.
49 Ibinugso niya sa kanila ang kabangisan ng kaniyang galit,
Poot at galit, at kabagabagan,
Pulutong ng mga anghel ng kasamaan.
50 Kaniyang iginawa ng landas ang kaniyang galit;
Hindi niya pinigil ang kanilang buhay sa kamatayan,
Kundi ibinigay ang kanilang buhay sa pagkapuksa;
51 (AQ)At sinaktan ang lahat na panganay sa Egipto,
Ang panguna ng kanilang kalakasan sa mga tolda ni (AR)Cham:
52 Nguni't kaniyang pinayaon ang kaniyang sariling bayan na (AS)parang mga tupa,
At pinatnubayan sila sa ilang na parang kawan.
53 At inihatid niya silang tiwasay, na anopa't hindi sila nangatakot:
Nguni't (AT)tinakpan ng dagat ang kanilang mga kaaway.
54 At dinala niya sila sa hangganan ng kaniyang (AU)santuario,
Sa bundok na ito na binili ng kaniyang kanang kamay.
55 Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila,
At (AV)binahagi sa kanila na pinakamana (AW)sa pamamagitan ng pising panukat,
At pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda.
56 Gayon ma'y nanukso at nanghimagsik sila laban sa Kataastaasang Dios,
At hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo;
57 Kundi nagsitalikod, at nagsigawang may paglililo na gaya ng kanilang mga magulang:
Sila'y nagsilisyang (AX)parang magdarayang busog.
58 Sapagka't minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga (AY)mataas na dako,
At kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan.
59 Nang marinig ito ng Dios, ay napoot,
At kinayamutang lubha ang Israel:
60 (AZ)Sa gayo'y kaniyang pinabayaan ang tabernakulo ng (BA)Silo,
Ang tolda na kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao;
61 At ibinigay ang kaniyang (BB)kalakasan sa pagkabihag,
At ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway.
62 (BC)Ibinigay rin niya ang kaniyang bayan sa tabak;
At napoot sa kaniyang mana.
63 Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata;
At (BD)ang mga dalaga nila'y hindi nagkaroon ng awit ng pagaasawa.
64 (BE)Ang mga saserdote nila'y nabuwal sa pamamagitan ng tabak;
At (BF)ang mga bao nila'y hindi nanganaghoy.
65 Nang magkagayo'y gumising ang Panginoon na gaya (BG)ng mula sa pagkakatulog,
Gaya ng malakas na tao na humihiyaw dahil sa alak.
66 At (BH)sinaktan niya sa likod ang kaniyang mga kaaway:
Inilagay niya sila sa laging kadustaan.
67 Bukod dito'y tinanggihan niya ang tolda ng Jose,
At hindi pinili ang lipi ni Ephraim;
68 Kundi pinili ang lipi ni Juda,
Ang bundok ng Zion (BI)na kaniyang inibig.
69 At itinayo niya ang kaniyang santuario na parang mga kataasan,
Parang lupa na kaniyang itinatag magpakailan man.
70 (BJ)Pinili naman niya si David na kaniyang lingkod,
At kinuha niya siya mula sa kulungan ng mga tupa:
71 (BK)Dinala niya siya na mula sa pagsunod sa mga tupa ng nagpapasuso,
Upang maging pastor ng Jacob na kaniyang bayan, at ang Israel na kaniyang mana.
72 Sa gayo'y siya ang kanilang pastor ayon sa (BL)pagtatapat ng kaniyang puso;
At pinatnubayan niya sila sa pamamagitan ng kabihasahan ng kaniyang mga kamay.
21 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, (A)Inyong idagdag ang inyong mga handog na susunugin sa inyong mga hain, at (B)magsikain kayo ng laman.
22 (C)Sapagka't hindi ako nagsalita sa inyong mga magulang, o nagutos man sa kanila nang araw na inilabas ko sila sa lupain ng Egipto, tungkol sa mga handog na susunugin, o sa mga hain:
23 Kundi ang bagay na ito ang iniutos ko sa kanila, na aking sinasabi, (D)Inyong dinggin ang aking tinig, at ako'y magiging inyong Dios, at kayo'y magiging aking bayan; at magsilakad kayo sa lahat ng daan na iniuutos ko sa inyo, (E)sa ikabubuti ninyo.
24 Nguni't hindi nila dininig, o ikiniling man ang kanilang pakinig, kundi nagsilakad sa kanilang sariling mga payo at sa pagmamatigas ng kanilang masamang puso, at nagsiyaong paurong at hindi pasulong.
25 Mula nang araw na ang inyong mga magulang ay magsilabas sa lupain ng Egipto hanggang sa araw na ito, aking (F)sinugo sa inyo ang lahat kong lingkod na mga propeta, na araw-araw ay bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila:
26 Gayon ma'y hindi sila nangakinig sa akin, (G)o nangagkiling man ng kanilang pakinig, kundi pinapagmatigas ang kanilang leeg: sila'y nagsigawa ng lalong masama kay sa kanilang mga magulang.
Ang kasuklamsuklam ng Topheth at ang kanilang kaparusahan.
27 At iyong sasalitain ang lahat na salitang ito sa kanila; nguni't hindi sila mangakikinig sa iyo: iyo namang tatawagin sila; nguni't hindi sila magsisisagot sa iyo.
28 At iyong sasabihin sa kanila, Ito ang bansang hindi nakinig sa tinig ng Panginoon nilang Dios, o tumanggap man ng aral: katotohanan ay (H)nawala, at nahiwalay sa kanilang bibig.
29 Iyong gupitin ang iyong buhok, Oh Jerusalem, (I)at ihagis mo, at maglakas ka ng panaghoy sa (J)mga luwal na kaitaasan; sapagka't itinakuwil ng Panginoon at nilimot ang lahat ng kaniyang poot.
30 Sapagka't nagsigawa ang mga anak ni Juda ng masama sa aking paningin, sabi ng Panginoon: (K)kanilang inilagay ang kanilang mga kasuklamsuklam sa bahay (L)na tinatawag sa aking pangalan, upang lapastanganin.
31 At kanilang itinayo (M)ang mga mataas na dako ng Topheth, na nasa (N)libis ng anak ni Hinnom, (O)upang sunugin ang kanilang mga anak na lalake at babae sa apoy; na hindi ko iniuutos, o pumasok man sa aking pagiisip.
32 Kaya't, narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na hindi na siya tatawaging Topheth, o ang libis ng anak ni Hinnom man, kundi Ang libis ng Patayan: (P)sapagka't sila'y mangaglilibing sa Topheth, hanggang sa mawalan ng dakong mapaglilibingan.
33 At ang mga bangkay ng bayang ito ay magiging pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa; at walang bubugaw sa mga yaon.
34 Kung magkagayo'y (Q)aking ipatitigil sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem, ang tinig ng kalayawan at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalake at ang tinig ng kasintahang babae: (R)sapagka't ang lupain ay masisira.
13 Sapagka't hindi sa pamamagitan ng kautusan ginawa (A)ang pangako kay Abraham o sa kaniyang binhi na siyang magmamana ng sanglibutan, kundi sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya.
14 Sapagka't (B)kung silang nangasa kautusan ay siyang mga tagapagmana, ay walang kabuluhan ang pananampalataya, at nawawalang kabuluhan ang pangako:
15 Sapagka't (C)ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa't kung (D)saan walang kautusan ay wala ring pagsalangsang.
16 Dahil dito'y sa pananampalataya, upang maging ayon (E)sa biyaya; upang ang pangako ay lumagi sa lahat ng binhi; hindi lamang sa nasa kautusan, kundi pati naman sa nasa pananampalataya ni Abraham, (F)na ama nating lahat.
17 (Gaya ng nasusulat, (G)Ginawa kitang ama ng maraming bansa) sa harapan niyaong kaniyang pinanampalatayanan, sa makatuwid baga'y ang Dios, (H)na nagbibigay ng buhay sa mga patay, at tumatawag sa (I)mga bagay na hindi pa hayag na tila hayag na.
18 Siya na sumampalataya na nasa pagasa laban sa pagasa, upang maging ama ng maraming bansa ayon sa sabi, (J)Magiging gayon ang iyong binhi.
19 At hindi humina sa pananampalataya (K)na ipinalagay man ang kaniyang katawang tulad sa patay na (gayon siya'y may mga isang daang taon na), at ang pagkabaog ng bahay-bata ni Sara;
20 Kundi, sa pagtingin niya sa pangako ng Dios, ay hindi nagalinlangan sa pamamagitan ng di pananampalataya, kundi lumakas ng lumakas sa pamamagitan ng pananampalataya, na niluluwalhati ang Dios,
21 At lubos nanalig na ang Dios na nangako (L)ay may kapangyarihang makagawa noon.
22 Dahil dito'y ibinilang naman na katuwiran sa kaniya.
23 Ngayo'y (M)hindi lamang dahil sa kaniya isinulat, na sa kaniya'y ibinilang;
24 Kundi dahil din naman sa atin, na ibibilang sa ating mga nagsisisampalataya (N)sa kaniya na bumuhay na maguli sa mga patay, kay Jesus na ating Panginoon,
25 Na ibinigay (O)dahil sa ating mga kasuwayan, at binuhay na maguli sa (P)ikaaaring-ganap natin.
37 Nang huling araw nga, na (A)dakilang araw ng kapistahan, si Jesus ay tumayo at sumigaw, na nagsasabi, (B)Kung ang sinomang tao'y nauuhaw, ay pumarito siya sa akin, at uminom.
38 Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, (C)ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay.
39 Nguni't ito'y sinalita niya tungkol sa (D)Espiritu, na tatanggapin ng mga magsisisampalataya sa kaniya: (E)sapagka't hindi pa (F) ipinagkakaloob ang Espiritu; (G)sapagka't si Jesus ay hindi pa niluluwalhati.
40 Ang ilan nga sa karamihan, nang marinig ang mga salitang ito, ay nangagsabi, Tunay na ito (H)ang propeta.
41 Sinasabi ng mga iba, (I)Ito nga ang Cristo. Datapuwa't sinasabi ng ilan, (J)Ano, sa Galilea baga manggagaling ang Cristo?
42 Hindi baga sinabi ng kasulatan (K)na ang Cristo ay manggagaling sa lahi ni David, at mula sa (L)Bet-lehem, ang nayong (M)kinaroonan ni David?
43 Kaya nangyaring nagkaroon ng pagkakabahabahagi sa karamihan dahil sa kaniya.
44 At ibig ng ilan sa kanila na siya'y hulihin; datapuwa't walang taong sumunggab sa kaniya.
45 Nagsidating nga ang (N)mga punong kawal sa mga pangulong saserdote at sa mga Fariseo; at sinabi nila sa kanila, Bakit hindi ninyo siya dinala?
46 Nagsisagot ang mga punong kawal, Kailan ma'y walang taong nagsalita ng gayon.
47 Sinagot nga sila ng mga Fariseo, Kayo baga naman ay nangailigaw rin?
48 Sumampalataya baga sa kaniya ang sinoman sa mga pinuno, o ang sinoman sa mga Fariseo?
49 Datapuwa't ang karamihang ito na hindi nakaaalam ng kautusan ay sinumpa.
50 Sinabi sa kanila ni (O)Nicodemo (yaong pumaroon kay Jesus nang una, na isa sa kanila),
51 Hinahatulan baga ng ating kautusan ang isang tao, (P)malibang siya muna'y dinggin at talastasin kung ano ang kaniyang ginagawa?
52 Sila'y nagsisagot at sinabi sa kaniya, Ikaw baga'y taga Galilea rin? Siyasatin mo, at tingnan mo na sa Galilea ay walang lumitaw na propeta.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978