Add parallel Print Page Options

17 (A)Huwag kayong magtatangi ng tao sa kahatulan; inyong didinggin ang maliliit, na gaya ng malaki: huwag kayong matatakot sa mukha ng tao; sapagka't ang (B)kahatulan ay sa Dios: at ang usap na napakahirap sa inyo, (C)ay inyong dadalhin sa akin, at aking didinggin.

Read full chapter

(A)Sa bibig ng dalawang saksi, o ng tatlong saksi ay papatayin ang dapat mamatay; sa bibig ng isang saksi ay hindi siya papatayin.

Read full chapter

Paghatol sa mahihirap na bagay.

(A)Kung magkakaroon ng totoong mahirap na bagay sa iyo sa paghatol, na dugo't dugo, usap at usap, at bugbog at bugbog, na bagay na pagkakaalit sa loob ng iyong mga pintuang-daan, ikaw nga'y titindig at (B)sasampa sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios;

At ikaw ay paroroon sa mga saserdote na mga Levita, at sa magiging hukom sa mga araw na yaon: at iyong sisiyasatin; at kanilang ipakikilala (C)sa iyo ang hatol ng kahatulan.

10 At iyong gagawin ayon sa tinig ng hatol, na kanilang ipakikilala sa iyo mula sa dakong yaon na pipiliin ng Panginoon; at iyong isasagawa ayon sa lahat na kanilang ituturo sa iyo:

11 Ayon sa tinig ng kautusan na kanilang ituturo sa iyo, at ayon sa kahatulan na kanilang isasaysay sa iyo, ay gagawin mo: huwag kang liliko sa hatol na kanilang ipakikilala sa iyo, maging sa kanan o sa kaliwa man.

Read full chapter

15 (A)Isang saksi ay huwag titindig laban sa kanino man sa anomang kasamaan, o sa anomang kasalanang kaniyang pinagkasalahan: sa bibig ng dalawang saksi, o sa bibig ng tatlong saksi ay pagtitibayin ang usap.

Read full chapter