Book of Common Prayer
Pagpuri sa Panginoon at babala laban sa di pagsampalataya.
95 (A)Oh magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon:
(B)Tayo'y magkaingay na may kagalakan (C)sa malaking bato na ating kaligtasan.
2 Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat,
Tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.
3 Sapagka't ang (D)Panginoon ay dakilang Dios,
At dakilang Hari sa lahat ng mga dios,
4 Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa,
Ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin.
5 Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa:
At ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa.
6 Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod;
Tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.
7 Sapagka't siya'y ating Dios,
At tayo'y (E)bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay.
Ngayon, kung (F)inyong didinggin ang kaniyang tinig!
8 Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba,
Gaya sa kaarawan ng Masa (G)sa ilang:
9 (H)Nang tuksuhin ako ng inyong mga magulang,
Tinikman ako, at nakita ang gawa ko.
10 Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon,
At aking sinabi, Bayan na nagkakamali sa kanilang puso.
At hindi naalaman ang aking mga daan:
11 Kaya't ako'y sumumpa sa aking poot,
(I)Na sila'y hindi magsisipasok sa aking (J)kapahingahan.
Dalangin ng nagdadalamhati, nang nanglulupaypay, at ibinubugso ang kaniyang daing sa harap ng Panginoon.
102 Dinggin mo ang dalangin ko, Oh Panginoon,
At dumating nawa ang daing ko sa iyo.
2 (A)Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan:
(B)Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin;
Sa araw na ako'y tumawag, ay sagutin mo akong madali.
3 (C)Sapagka't ang mga kaarawan ko'y nangapapawi na parang usok,
At (D)ang mga buto ko'y nangasusunog na parang panggatong.
4 Ang puso ko'y nasaktan na parang damo, at (E)natuyo;
Sapagka't (F)nalimutan kong kanin ang aking tinapay.
5 Dahil sa tinig ng aking daing
Ang mga buto ko'y nagsisidikit sa aking laman.
6 Ako'y parang pelikano sa ilang;
Ako'y naging parang kuwago sa kaparangan.
7 Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya
Na nagiisa sa bubungan.
8 Dinudusta ako ng aking mga kaaway buong araw;
Silang nangauulol laban sa akin ay nagsisisumpa sa akin.
9 Sapagka't kinain ko ang mga abo na parang tinapay,
At hinaluan ko ang (G)aking inumin ng iyak.
10 Dahil sa iyong galit at iyong poot:
Sapagka't ako'y iyong itinaas, at inihagis.
11 (H)Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling;
At ako'y natuyo na parang damo.
12 Nguni't (I)ikaw, Oh Panginoon, ay mamamalagi magpakailan man;
At (J)ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali't saling lahi.
13 Ikaw ay babangon at (K)maaawa sa Sion:
Sapagka't kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya,
Oo, (L)ang takdang panahon ay dumating.
14 Sapagka't nililigaya ang iyong mga lingkod sa kaniyang mga bato,
At nanghihinayang sa kaniyang alabok.
15 Sa gayo'y katatakutan ng mga bansa ang (M)pangalan ng Panginoon.
At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian;
16 Sapagka't itinayo ng Panginoon ang Sion,
Siya'y napakita (N)sa kaniyang kaluwalhatian;
17 (O)Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon,
At hindi hinamak ang kanilang dalangin.
18 Ito'y (P)isusulat na ukol sa lahing susunod:
At (Q)ang bayang lalalangin ay pupuri sa Panginoon.
19 Sapagka't siya'y tumungo (R)mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario;
Tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit;
20 (S)Upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo:
Upang kalagan yaong nangaitakdang patayin;
21 (T)Upang maipahayag ng mga tao ang pangalan ng Panginoon sa Sion,
At ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem;
22 Nang ang mga bayan ay mapisan,
At ang mga kaharian, upang maglingkod sa Panginoon.
23 Kaniyang pinahina ang aking kalakasan sa daan;
(U)Kaniyang pinaikli ang mga kaarawan ko.
24 (V)Aking sinabi, Oh Dios ko, huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga kaarawan;
Ang mga taon mo'y (W)lampas sa mga sali't saling lahi.
25 Nang una ay (X)inilagay mo ang patibayan ng lupa;
At ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay.
26 (Y)Sila'y uuwi sa wala, nguni't (Z)ikaw ay mananatili:
Oo, silang lahat ay maluluma na parang bihisan;
Parang isang kasuutan na iyong mga papalitan, at sila'y mga mapapalitan:
27 Nguni't (AA)ikaw rin,
At ang mga taon mo'y hindi magkakawakas.
28 (AB)Ang mga anak ng iyong mga lingkod ay mangamamalagi,
(AC)At ang kanilang binhi ay matatatag sa harap mo.
IKALIMANG AKLAT
Ang Panginoon ay nagliligtas ng tao sa maraming mga sakuna.
107 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; (A)sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2 (B)Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon,
(C)Na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway;
3 At (D)mga pinisan mula sa mga lupain,
Mula sa silanganan, at mula sa kalunuran,
Mula sa hilagaan at mula sa timugan.
4 Sila'y nagsilaboy (E)sa ilang, sa ulilang landas;
Sila'y hindi nakasumpong ng bayang tahanan.
5 Gutom at uhaw,
Ang kanilang kaluluwa'y nanglupaypay sa kanila.
6 (F)Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan,
At iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
7 Pinatnubayan naman niya sila sa (G)matuwid na daan,
Upang sila'y magsiyaon sa bayang tahanan.
8 (H)Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob,
At dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
9 Sapagka't (I)kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa,
At ang gutom na kaluluwa ay binusog niya ng kabutihan.
10 Ang gayong (J)tumatahan sa kadiliman, at sa lilim ng kamatayan,
Na natatali sa dalamhati at pangaw;
11 Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios,
At hinamak ang (K)payo ng Kataastaasan:
12 Kaya't kaniyang ibinaba ang kanilang puso na may hirap;
Sila'y nangabuwal, at (L)walang sumaklolo.
13 (M)Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan,
At iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
14 (N)Inilabas niya sila sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan,
At (O)pinatid ang kanilang mga tali.
15 (P)Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob,
At dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
16 Sapagka't (Q)kaniyang sinira ang mga pintuang-bayan na tanso,
At pinutol ang mga halang na bakal.
17 (R)Mga mangmang dahil sa kanilang mga pagsalangsang,
At dahil sa kanilang mga kasamaan ay nadadalamhati.
18 Kinayayamutan ng kanilang kaluluwa ang sarisaring pagkain;
At sila'y nagsisilapit sa (S)mga pintuan ng kamatayan,
19 (T)Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan,
At iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
20 (U)Sinugo niya ang kaniyang salita, at (V)pinagaling sila,
At (W)iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak.
21 (X)Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob,
At dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
22 At (Y)mangaghandog sila ng mga hain na pasalamat,
At ipahayag ang kaniyang mga gawa na may awitan.
23 (Z)Silang nagsisibaba sa dagat sa mga sasakyan,
Na nangangalakal sa (AA)mga malawak na tubig;
24 Ang mga ito'y nangakakakita ng mga gawa ng Panginoon,
At ng kaniyang mga kababalaghan sa kalaliman.
25 Sapagka't siya'y naguutos, at (AB)nagpapaunos,
Na nagbabangon ng mga alon niyaon.
26 Nagsisitaas sa mga langit, nagsisibaba uli sa mga kalaliman:
(AC)Ang kanilang kaluluwa ay natutunaw dahil sa kabagabagan.
27 Sila'y hahampashampas na paroo't parito, at (AD)gigiraygiray na parang lasing,
At ang kanilang karunungan ay nawala.
28 (AE)Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan,
At inilabas niya sila sa kanilang kahirapan.
29 (AF)Kaniyang pinahihimpil ang bagyo,
Na anopa't ang mga alon niyaon ay nagsisitahimik.
30 Nang magkagayo'y natutuwa sila, dahil sa sila'y tiwasay.
Sa gayo'y kaniyang dinadala sila sa daongang kanilang ibigin.
31 (AG)Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob,
At dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
32 Ibunyi rin naman nila siya (AH)sa kapulungan ng bayan,
At purihin siya sa upuan ng mga matanda.
Ang masamang pastor at ang matuwid na sanga.
23 Sa aba ng mga pastor (A)na nangagpapahamak at nangagpapangalat sa mga tupa sa aking pastulan! sabi ng Panginoon.
2 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, laban sa mga pastor na nangagpastol ng aking bayan, Inyong pinangalat ang aking kawan, at inyong iniligaw sila, at hindi ninyo sila dinalaw; narito, dadalawin ko sa inyo ang kasamaan ng inyong mga gawa, sabi ng Panginoon.
3 At (B)aking pipisanin ang nalabi sa aking kawan mula sa lahat na lupain na aking pinagtabuyan sa kanila, at aking dadalhin sila uli sa kanilang mga kulungan; at sila'y magiging palaanak at magsisidami.
4 At ako'y maglalagay ng mga (C)pastor sa kanila na kakandili sa kanila; at hindi na sila matatakot, o manglulupaypay pa, o kukulangin ang sinoman sa kanila, sabi ng Panginoon.
5 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y magbabangon kay David (D)ng matuwid na Sanga, at siya'y maghahari na gaya ng (E)hari, at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng (F)kahatulan at kaganapan sa lupain.
6 Sa kaniyang mga kaarawan ay (G)maliligtas ang Juda, at ang Israel ay tatahang tiwasay; at ito ang kaniyang pangalan na itatawag sa kaniya, Ang Panginoon ay ating (H)katuwiran.
7 Kaya't narito, ang mga araw ay (I)dumarating, sabi ng Panginoon, na hindi na nila sasabihin, Buháy ang Panginoon, na nagahon ng mga anak ni Israel mula sa lupain ng Egipto;
8 Kundi, Buháy ang Panginoon, na nagahon at pumatnubay sa angkan ng binhi ng Israel mula sa hilagaang lupain, at mula sa lahat ng lupain na aking pinagtabuyan sa kanila. At sila'y magsisitahan sa kanilang sariling lupain.
28 At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag (A)alinsunod sa kaniyang nasa.
29 Sapagka't (B)yaong mga nang una pa'y kaniyang nakilala, (C)ay itinalaga naman niya (D)na maging katulad (E)ng larawan ng kaniyang Anak, (F)upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid:
30 At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang (G)tinawag naman: at ang mga tinawag ay (H)inaring-ganap naman niya: at ang mga inaring-ganap ay (I)niluwalhati din naman niya.
31 Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang Dios ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?
32 Siya, na hindi ipinagkait (J)ang kaniyang sariling anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga bagay?
33 Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa (K)mga hirang ng Dios? (L)Ang Dios ay ang umaaring-ganap;
34 Sino (M)ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na (N)siyang nasa kanan ng Dios, (O)na siya namang namamagitan dahil sa atin.
35 Sino ang maghihiwalay sa atin sa pagibig ni Cristo? ang kapighatian, o ang kahapisan, o ang paguusig, o ang kagutum, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak?
36 Gaya ng nasusulat,
(P)Dahil sa iyo kami'y pinapatay sa buong araw;
Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan.
37 Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito (Q)tayo'y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig.
38 Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga (R)pamunuan, kahit (S)ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan,
39 Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa (T)pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
52 Ang mga Judio nga'y nangagtatalo, na nangagsasabi, Paanong maipakakain sa atin ng taong ito ang kaniyang laman?
53 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, (A)Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo, ay wala kayong buhay sa inyong sarili.
54 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siya'y aking ibabangon sa huling araw.
55 Sapagka't ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin.
56 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan (B)sa akin, at ako'y sa kaniya.
57 Kung paanong sinugo ako ng Amang buhay, at ako'y nabubuhay dahil sa Ama; gayon din naman ang kumakain sa akin, siya nama'y mabubuhay dahil sa akin.
58 Ito ang tinapay na bumabang galing sa langit: (C)hindi gaya ng mga magulang na nagsikain, at nangamatay; ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailan man.
59 Sinabi niya ang mga bagay na ito sa sinagoga, samantalang siya'y nagtuturo sa (D)Capernaum.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978