Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Awit ng Pasasalamat
12 At sa araw na iyon ay iyong sasabihin,
“Ako'y magpapasalamat sa iyo, O Panginoon,
bagaman ikaw ay nagalit sa akin,
ang iyong galit ay napawi,
at iyong inaaliw ako.
2 “Ang(A) Diyos ay aking kaligtasan;
ako'y magtitiwala, at hindi ako matatakot
sapagkat ang Panginoong Diyos ay aking kalakasan at awit;
at siya'y naging aking kaligtasan.”
3 Kaya't kayo'y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan.
4 At sa araw na iyon ay inyong sasabihin,
“Magpasalamat kayo sa Panginoon,
kayo'y tumawag sa kanyang pangalan,
ipaalam ninyo ang kanyang mga gawa sa mga bansa,
ipahayag ninyo na ang kanyang pangalan ay marangal.
5 “Umawit kayo sa Panginoon; sapagkat siya'y gumawang may kaluwalhatian,
ipaalam ito sa buong lupa.
6 Sumigaw ka at umawit nang malakas, ikaw na naninirahan sa Zion,
sapagkat dakila ang Banal ng Israel na nasa gitna mo.”
Ang Pangakong Tulong at Pagpapagaling ng Diyos
14 At kanyang sasabihin,
“Inyong patagin, inyong patagin, ihanda ninyo ang lansangan,
inyong alisin ang bawat sagabal sa lansangan ng aking bayan.”
15 Sapagkat ganito ang sabi ng Mataas at Matayog
na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal:
“Ako'y naninirahan sa mataas at banal na dako,
at gayundin sa may pagsisisi at mapagpakumbabang-loob,
upang buhayin ang loob ng mapagpakumbaba,
at upang buhayin ang puso ng may pagsisisi.
16 Sapagkat hindi ako makikipagtalo magpakailanman,
o magagalit man akong lagi;
sapagkat ang espiritu ay manlulupaypay sa harap ko,
at ang mga kaluluwa na aking ginawa.
17 Dahil sa kasamaan ng kanyang kasakiman ay nagalit ako,
sinaktan ko siya, ikinubli ko ang aking mukha at ako'y nagalit;
ngunit nagpatuloy siya sa pagtalikod sa lakad ng kanyang puso.
18 Aking nakita ang kanyang mga lakad, ngunit pagagalingin ko siya;
aking papatnubayan siya, at panunumbalikin ko sa kanya ang kaaliwan,
at sa mga nananangis sa kanya.
19 Aking(A) nilikha ang bunga ng mga labi.
Kapayapaan, kapayapaan, sa kanya na malayo at sa kanya na malapit, sabi ng Panginoon;
at aking pagagalingin siya.
20 Ngunit ang masama ay parang maunos na dagat;
sapagkat hindi matatahimik,
at ang kanyang tubig ay naglalabas ng burak at dumi.
21 Walang(B) kapayapaan, sabi ng aking Diyos, para sa masasama.”
Ang Pagkakasala ng Sangkatauhan
18 Sapagkat ang poot ng Diyos ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat ng kalikuan at kasamaan ng mga tao, na sa pamamagitan ng kanilang kasamaan ay pinipigil ang katotohanan.
19 Sapagkat ang maaaring malaman tungkol sa Diyos ay hayag sa kanila, yamang ito'y ipinahayag ng Diyos sa kanila.
20 Mula pa nang likhain ang sanlibutan, ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos, bagaman hindi nakikita, ay naunawaan at nakita sa pamamagitan ng mga bagay na kanyang ginawa, upang wala silang maidadahilan;
21 sapagkat(A) kahit kilala nila ang Diyos, siya ay hindi nila niluwalhati bilang Diyos, ni pinasalamatan man, kundi naging walang kabuluhan sa kanilang mga pangangatuwiran at ang mga puso nilang walang katuturan ay nagdilim.
22 Sa pag-aangking marurunong, sila'y naging mga hangal,
23 at(B) ipinagpalit nila ang kaluwalhatian ng Diyos na hindi nasisira sa mga imaheng kahawig ng tao na nasisira, at ng mga ibon, ng mga hayop na may apat na paa at ng mga gumagapang.
24 Kaya't dahil sa mga pagnanasa ng kanilang mga puso ay hinayaan sila ng Diyos sa karumihan, upang lapastanganin ang kanilang mga katawan sa kani-kanilang sarili;
25 sapagkat pinalitan nila ng kasinungalingan ang katotohanan ng Diyos at sila'y sumamba at naglingkod sa nilalang sa halip na sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailanman! Amen.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001