Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Pagasa sa pagpapatawad ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
130 Mula sa (A)mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.
2 Panginoon, dinggin mo ang aking tinig:
Pakinggan ng iyong mga pakinig
Ang tinig ng aking mga pamanhik.
3 Kung ikaw, Panginoon, (B)magtatanda ng mga kasamaan,
Oh Panginoon, sinong (C)tatayo?
4 Nguni't may (D)kapatawarang taglay ka,
(E)Upang ikaw ay katakutan.
5 (F)Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa,
At (G)sa kaniyang salita ay umaasa ako.
6 Hinihintay ng (H)aking kaluluwa ang Panginoon,
Ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga;
Oo, higit kay sa bantay sa umaga.
7 Oh Israel, (I)umasa ka sa Panginoon;
Sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob.
8 (J)At kaniyang tutubusin ang Israel
Sa lahat niyang kasamaan.
Nanghula ang mga sugo ni Saul.
18 Si David nga ay tumakas, at tumanan, at naparoon kay Samuel sa (A)Rama, at isinaysay sa kaniya ang lahat ng ginawa ni Saul sa kaniya. At siya at si Samuel ay yumaon at tumahan sa Najoth.
19 At nasaysay kay Saul na sinasabi, Narito si David ay nasa Najoth sa Rama.
20 At nagsugo si Saul ng mga sugo upang dakpin si David: (B)at nang kanilang makita ang pulutong ng mga propeta na nanganghuhula, at si Samuel ay tumatayong pinakapangulo sa kanila, ang Espiritu ng Dios ay dumating sa mga sugo ni Saul, at sila naman ay (C)nanganghula.
21 At nang maisaysay kay Saul, siya'y nagsugo ng ibang mga sugo, at sila man ay nanganghula. At si Saul ay nagsugo uli ng mga sugo na ikaitlo, at sila man ay nanganghula.
22 Nang magkagayo'y naparoon din naman siya sa Rama, at dumating sa dakilang balon na nasa Socho: at siya'y tumanong, at nagsabi, Saan naroon si Samuel at si David? At sinabi ng isa, Narito, sila'y nasa Najoth sa Rama.
23 At siya'y naparoon doon sa Najoth sa Rama: at ang Espiritu ng Dios ay dumating din sa kaniya, at siya'y nagpatuloy, at nanghula hanggang sa siya'y dumating sa Najoth sa Rama.
24 At siya rin nama'y naghubad ng kaniyang mga suot, at siya man ay (D)nanghula sa harap ni Samuel, at nahigang hubad sa buong araw na yaon at sa buong gabing yaon. Kaya't kanilang sinasabi, (E)Pati ba si Saul ay nasa gitna ng mga propeta?
2 Buksan ninyo sa amin ang inyong mga puso: (A)hindi namin inapi ang sinoman, hindi namin ipinasama ang sinoman, (B)hindi namin dinaya ang sinoman.
3 Hindi ko sinasabi ito upang kayo'y hatulan: sapagka't (C)sinabi ko na nang una, na kayo'y nasa aming mga puso upang magkasamang mamatay at magkasamang mabuhay.
4 Malaki ang (D)katapangan ko ng pagsasalita sa inyo, malaki ang aking kapurihan dahil sa inyo: (E)ako'y puspos ng kaaliwan, (F)nananagana sa katuwaan sa lahat ng aming kapighatian.
5 Sapagka't nagsidating (G)man kami sa Macedonia ang aming laman ay hindi nagkaroon ng katiwasayan, kundi (H)sa lahat kami ay pinipighati; sa labas ay mga pagbabaka, sa loob ay mga katakutan.
6 Gayon man ang (I)Dios na umaaliw sa mabababang-loob, ay kami'y inaliw (J)sa pamamagitan ng pagdating ni (K)Tito;
7 At hindi lamang sa kaniyang pagdating, kundi naman sa kaaliwan ng inialiw sa kaniya dahil sa inyo, nang sa amin ay ibalita niya ang inyong pananabik, ang inyong kalumbayan, ang inyong pagmamalasakit dahil sa akin; ano pa't ako'y lubha pang nagalak.
8 Sapagka't (L)bagaman ako'y nakapagpalumbay sa inyo sa aking sulat, ay hindi ko dinaramdam: bagama't aking dinamdam (sapagka't akin ngang natatalastas na ang sulat na yaon ay nakapagpalumbay sa inyo, bagama't sa maikling panahon lamang),
9 Ngayo'y nagagalak ako, hindi dahil sa inyong pagkalumbay, kundi dahil sa inyong mga pagkalumbay na ikapagsisisi; sapagka't kayo'y pinalumbay sa paraang ukol sa Dios, upang sa anoman ay huwag kayong mangagkaroon ng kalugihan dahil sa amin.
10 Sapagka't (M)ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng (N)pagsisisi sa ikaliligtas, (O)na hindi ikalulungkot: datapuwa't ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay.
11 Narito nga, ito rin ang inyong ikinalulumbay na mula sa Dios, gaanong sikap na pagiingat ang sa inyo'y ginawa, oo't gaanong pagtatanggol ng inyong sarili, oo't gaanong pagkagalit, oo't (P)gaanong katakutan, oo't gaanong pananabik, oo't gaanong pagmamalasakit, oo't gaanong (Q)paghihiganti! Sa lahat ay napakita kayong dalisay (R)sa bagay na ito.
12 Kaya nga, bagama't ako'y sumulat sa inyo, ay hindi dahil doon sa gumawa ng kamalian, ni (S)dahil doon sa nagbata ng kamalian, (T)kundi upang maihayag sa inyo ang inyong masikap na pagiingat sa amin sa harapan ng Dios.
13 Kaya't kami'y pawang nangaaliw: at sa aming pagkaaliw ay bagkus pang nangagalak kami dahil sa kagalakan ni (U)Tito, sapagka't ang kaniyang espiritu ay inaliw ninyong lahat.
14 Sapagka't (V)kung ako ay nagmapuri ng anoman sa kaniya dahil sa inyo, ay hindi ako nahiya; datapuwa't kung paanong sinabi namin ang lahat ng mga bagay sa inyo sa katotohanan, ay gayon din naman ang aming pagmamapuri na ginawa ko sa harap ni Tito ay nasumpungang totoo.
15 At ang kaniyang (W)pagibig ay lubha pang nanagana sa inyo, samantalang naaalaala niya (X)ang pagtalima ninyong lahat, kung paanong siya'y tinanggap ninyo na may takot at panginginig.
16 Ako'y nagagalak na sa lahat ng mga bagay ay mayroon akong lubos na pagtitiwala sa inyo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978