Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 20

Panalangin upang magtagumpay sa kaaway. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

20 Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kabagabagan;
(A)Itaas ka sa mataas ng pangalan ng Dios ni Jacob;
Saklolohan ka mula sa (B)santuario,
At palakasin ka mula sa (C)Sion;
Alalahanin nawa ang lahat ng iyong mga handog,
At tanggapin niya ang iyong mga haing sinunog; (Selah)
(D)Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso,
At tuparin ang lahat ng iyong payo.
Kami ay (E)magtatagumpay sa iyong pagliligtas,
At (F)sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat:
Ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi.
Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang (G)kaniyang pinahiran ng langis;
Sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit
Ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay.
(H)Ang iba ay tumitiwala sa mga karo, at ang iba ay sa mga kabayo:
(I)Nguni't babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios.
Sila'y nangakasubsob at buwal:
Nguni't kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid.
Magligtas ka, Panginoon:
Sagutin nawa kami ng Hari pagka kami ay nagsisitawag.

1 Samuel 10:1-8

Binuhusan ni Samuel si Saul ng langis upang maging hari.

10 (A)Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sisidlan ng langis, at ibinuhos sa ulo niya, at hinagkan niya siya, at sinabi, Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging prinsipe ka sa kaniyang (B)mana?

Paghiwalay mo sa akin ngayon, ay masusumpungan mo nga ang dalawang lalake sa siping ng (C)libingan ni Rachel, sa hangganan ng Benjamin sa Selsah; at sasabihin nila sa iyo, Ang mga asno na iyong hinahanap ay nasumpungan na; at, narito, niwalang bahala ng iyong ama ang mga asno, at ang (D)inaalaala ay kayo, na sinasabi, Paano ang aking gagawin sa aking anak?

Kung magkagayo'y magpapatuloy ka mula roon, at darating ka sa ensina ng Tabor; at masasalubong ka roon ng tatlong lalake na inaahon ang Dios sa Beth-el, ang isa'y may dalang tatlong batang kambing, at ang isa'y may dalang tatlong tinapay, at ang isa'y may dalang isang balat na sisidlan ng alak:

At babatiin ka nila, at bibigyan ka ng dalawang tinapay, na iyong tatanggapin sa kanilang kamay.

Pagkatapos ay darating ka sa (E)burol ng Dios, (F)na nandoon ang isang pulutong ng mga Filisteo: at mangyayari pagdating mo roon sa bayan, na makakasalubong ka ng isang pulutong na mga propeta na lumulusong (G)mula sa mataas na dako, na may salterio, at pandereta, at flauta, at alpa sa harap nila; at (H)silay magsisipanghula.

(I)At ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sasaiyo, at (J)manghuhula kang kasama nila, at ikaw ay magiging ibang lalake.

At mano nawa, na pagka ang mga tandang ito ay mangyari sa iyo, na gawin mo ang idudulot ng pagkakataon; sapagka't ang Dios ay sumasaiyo.

At ikaw ay lulusong na una sa akin (K)sa Gilgal; at, narito, lulusungin kita, upang maghandog ng mga handog na susunugin, at maghain ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan: (L)pitong araw na maghihintay ka, hanggang sa ako'y pumaroon sa iyo, at ituro sa iyo kung ano ang iyong gagawin.

Mga Hebreo 11:4-7

Sa pananampalataya si (A)Abel ay naghandog sa Dios ng lalong mabuting hain kay sa kay Cain, sa pamamagitan nito'y sinaksihan sa kaniyang siya'y matuwid, na nagpapatotoo ang Dios tungkol sa kaniyang mga kaloob: at sa pamamagitan nito patay na siya ay nagsasalita pa.

Sa pananampalataya si (B)Enoc ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan; at hindi siya nasumpungan, sapagka't siya'y inilipat ng Dios: sapagka't bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang siya'y naging kalugodlugod sa Dios:

At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap.

Sa pananampalataya si Noe, (C)nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong (D)sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay (E)hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng (F)katuwiran na ayon sa pananampalataya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978