Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 139:1-6

Ang Panginoon ay sumasa lahat at nakaaalam ng lahat. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

139 Oh Panginoon, (A)iyong siniyasat ako, at nakilala ako.
(B)Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig,
(C)Iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo.
Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan,
At iyong kilala ang lahat kong mga lakad.
Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila,
Nguni't, narito, Oh Panginoon, (D)natatalastas mo nang buo.
(E)Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan,
At inilapag mo ang iyong kamay sa akin.
Ang ganyang kaalaman (F)ay totoong kagilagilalas sa akin;
Ito'y mataas, hindi ko maabot.

Mga Awit 139:13-18

13 (A)Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob:
(B)Iyo akong tinakpan sa bahaybata ng aking ina.
14 Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas:
Kagilagilalas ang iyong mga gawa;
At nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.
15 Ang katawan ko'y (C)hindi nakubli sa iyo,
Nang ako'y gawin sa lihim,
At yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.
16 Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal,
At sa iyong aklat ay pawang nangasulat,
Kahit na ang mga araw na itinakda sa akin,
Nang wala pang anoman sa kanila,
17 (D)Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios!
Pagka dakila ng kabuoan nila!
18 Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin:
Pagka ako'y nagigising ay laging nasa iyo ako.

1 Samuel 2:1-10

Ang awit na pagpapasalamat ni Ana.

At si Ana ay nanalangin, at nagsabi:

(A)Nagagalak ang aking puso sa Panginoon;
(B)Ang aking sungay ay pinalaki ng Panginoon;
Binigyan ako ng bibig sa aking mga kaaway;
Sapagka't ako'y (C)nagagalak sa iyong pagliligtas.
(D)Walang banal na gaya ng Panginoon;
(E)Sapagka't walang iba liban sa iyo,
Ni may (F)bato mang gaya ng aming Dios.
Huwag na kayong magsalita ng totoong (G)kapalaluan;
Huwag mabuka ang kahambugan sa inyong bibig;
Sapagka't ang Panginoon ay Dios ng kaalaman,
At sa pamamagitan niya'y sinusukat ang mga kilos.
(H)Ang mga busog ng mga makapangyarihang tao ay nasisira;
At yaong nangatisod ay nabibigkisan ng kalakasan.
Yaong mga busog ay nagpaupa dahil sa tinapay;
At yaong mga gutom ay hindi na gutom:
(I)Oo, ang baog ay nanganak ng pito;
(J)At yaong may maraming anak ay nanghihina.
Ang Panginoo'y pumapatay, at bumubuhay:
Siya ang nagbababa sa Sheol, at nagsasampa.
Ang Panginoo'y nagpapadukha at nagpapayaman:
(K)Siya ang nagpapababa, at siya rin naman ang nagpapataas.
(L)Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok,
Kaniyang itinataas ang mapagkailangan mula sa dumihan,
Upang sila'y palukluking kasama ng mga prinsipe,
At magmana ng luklukan ng kaluwalhatian:
(M)Sapagka't ang mga haligi ng lupa ay sa Panginoon,
At kaniyang ipinatong ang sanglibutan sa kanila.
(N)Kaniyang iingatan ang mga paa ng kaniyang mga banal;
Nguni't ang masama ay patatahimikin sa mga kadiliman;
Sapagka't sa pamamagitan ng kalakasan ay walang lalaking mananaig.
10 Yaong makipagkaalit sa Panginoon ay (O)malalansag;
Laban sa kanila'y kukulog siya (P)mula sa langit:
(Q)Ang Panginoon ang huhukom sa mga wakas ng lupa;
At bibigyan niya ng kalakasan ang kaniyang hari,
At (R)palalakihin ang sungay ng kaniyang pinahiran ng langis.

Juan 7:19-24

19 Hindi baga ibinigay sa inyo ni Moises ang kautusan, at gayon ma'y (A)wala sa inyong gumaganap ng kautusan? (B)Bakit ninyo pinagsisikapang ako'y patayin?

20 Sumagot ang karamihan, Mayroon kang (C)demonio: sino ang nagsisikap na ikaw ay patayin?

21 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Isang gawa ang aking ginawa, at kayong lahat ay nagsipanggilalas dahil doon.

22 Ibinigay sa inyo ni (D)Moises ang pagtutuli (hindi sa ito'y kay Moises, (E)kundi sa mga magulang); (F)at tinutuli ninyo sa sabbath ang isang lalake.

23 Kung tinatanggap ng lalake ang pagtutuli sa sabbath, upang huwag labagin ang kautusan ni Moises; nangagagalit baga kayo sa akin, dahil sa pinagaling kong lubos ang isang tao (G)sa sabbath?

24 Huwag kayong magsihatol ayon sa anyo, kundi magsihatol kayo ng matuwid na paghatol.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978