Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
9 Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati,
Matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan;
10 At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay (A)maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo;
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo.
11 Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon, na nagsisitahan sa Sion:
(B)Ipahayag ninyo sa gitna ng bayan ang kaniyang mga gawa.
12 Sapagka't siyang (C)nagsisiyasat ng dugo ay umaalaala sa kanila:
Hindi niya kinalilimutan ang daing ng dukha.
13 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon;
Masdan mo ang kadalamhatian na aking tinitiis sa kanila na mangagtatanim sa akin,
Ikaw na nagtataas sa akin mula sa mga (D)pintuan ng kamatayan;
14 Upang aking maipakilala ang iyong buong kapurihan:
Sa mga pintuang-bayan ng anak na babae ng Sion,
(E)Ako'y magagalak sa iyong pagliligtas.
15 Ang mga bansa ay (F)nangahulog sa balon na kanilang ginawa:
Sa silo na kanilang ikinubli ay kanilang sariling paa ang nahuli.
16 Ang Panginoon (G)ay napakilala, siya'y naglapat ng kahatulan:
Ang masama ay nasilo sa mga gawa ng kaniyang sariling mga kamay. (Higgaion. Selah)
17 Ang masama ay mauuwi sa Sheol,
Pati ng lahat ng mga bansa na (H)nagsisilimot sa Dios.
18 Sapagka't ang mapagkailangan ay hindi laging malilimutan,
(I)Ni ang pagasa (J)ng dukha ay mapapawi magpakailan man.
19 Bumangon ka, Oh Panginoon; huwag manaig ang tao:
Mahatulan ang mga bansa sa iyong paningin.
20 Ilagay mo sila sa katakutan Oh, Panginoon:
Ipakilala mo sa mga bansa na sila'y mga tao lamang. (Selah)
Si David ay dinala kay Saul.
55 At nang makita ni Saul si David na lumalabas laban sa Filisteo, kaniyang sinabi kay (A)Abner, na kapitan ng hukbo, Abner, (B)kaninong anak ang batang ito? At sinabi ni Abner, (C)Buhay ang iyong kaluluwa, Oh hari, hindi ko masabi.
56 At sinabi ng hari, Usisain mo kung kaninong anak ang (D)batang ito.
57 At pagbalik ni David sa pagpatay sa Filisteo, kinuha siya ni Abner, at dinala siya sa harap ni Saul (E)na dala ang ulo ng Filisteo sa kaniyang kamay.
58 At sinabi ni Saul sa kaniya, Kaninong anak ka, binata? At sumagot si David, Ako'y anak ng iyong lingkod na si Isai na Beth-lehemita.
Si Saul ay nainggit kay David.
18 At nangyari, nang siya'y makatapos na magsalita kay Saul, na (F)ang kaluluwa ni Jonathan ay nalakip sa kaluluwa ni David, (G)at minahal ni Jonathan siya na gaya ng kaniyang sariling kaluluwa.
2 At kinuha siya ni Saul nang araw na yaon, (H)at hindi na siya tinulutang umuwi sa bahay ng kaniyang ama.
3 Nang magkagayo'y si Jonathan at si David ay nagtibay ng isang tipan, sapagka't minahal niya siya na gaya ng kaniyang sariling kaluluwa.
4 At hinubad ni Jonathan ang kaniyang balabal na nakasuot sa kaniya, at ibinigay kay David, at ang kaniyang kasuutan pati ng kaniyang tabak, at ng kaniyang busog at ng kaniyang pamigkis.
5 At lumalabas si David saan man suguin ni Saul, at siya'y nagpakabait: at inilagay ni Saul siya sa mga lalaking mangdidigma, at minabuti ng paningin ng buong bayan, at gayon din ng paningin ng mga lingkod ni Saul.
21 At nang mangyaring kami'y mangakahiwalay na sa kanila at mangaglayag, ay tuloytuloy na pinunta namin ang Coos, at nang kinabukasa'y ang Rodas, at buhat doo'y ang Patara:
2 At nang aming masumpungan ang isang daong na dumaraang patungo sa Fenicia, ay nagsilulan kami, at nagsipaglayag.
3 At nang matanaw namin ang Chipre, na maiiwan namin sa dakong kaliwa ay nagsilayag kaming hanggang sa (A)Siria, at nagsidaong sa Tiro; sapagka't ilulunsad doon ng daong ang kaniyang lulan.
4 At nang masumpungan ang mga alagad, ay nangatira kami doong pitong araw: at sinabi ng mga ito kay Pablo na (B)sa pamamagitan ng Espiritu, na huwag siyang tutungtong sa Jerusalem.
5 At nang mangyari na maganap namin ang mga araw na yaon, ay nagsialis kami at nangagpatuloy sa aming paglalakbay: at silang lahat, pati ng mga asawa at mga anak, (C)ay humatid sa amin sa aming paglalakad hanggang sa labas ng bayan: at sa paninikluhod namin sa baybayin, kami'y nagsipanalangin, at nangagpaalaman sa isa't isa;
6 At nagsilulan kami sa daong, datapuwa't sila'y muling nagsiuwi sa bahay.
7 At nang aming matapos ang paglalayag buhat sa Tiro, ay nagsidating kami sa Tolemaida; at kami'y nagsibati sa mga kapatid, at kami'y nagsitahan sa kanilang isang araw.
8 At nang kinabukasan ay nagsialis kami, at nagsidating sa (D)Cesarea: at sa pagpasok namin sa bahay ni (E)Felipe na evangelista, na isa sa pito, ay nagsitahan kaming kasama niya.
9 Ang tao ngang ito'y may apat na anak na binibini, (F)na nagsisipanghula.
10 At sa pagtira namin doong ilang araw, ay dumating na galing sa Judea ang isang propeta, na nagngangalang (G)Agabo.
11 At paglapit sa amin, at pagkakuha ng (H)pamigkis ni Pablo, ay ginapos niya ang kaniyang sariling mga paa't kamay, at sinabi, Ganito ang sabi ng Espiritu Santo, (I)Ganitong gagapusin ng mga Judio sa Jerusalem ang lalaking may-ari ng pamigkis na ito, at siya'y kanilang ibibigay sa mga kamay ng mga Gentil.
12 At nang marinig namin ang mga bagay na ito, kami at gayon din ang nangaroroon doon ay nagsipamanhik sa kaniya na huwag ng umahon sa Jerusalem.
13 Nang magkagayo'y sumagot si Pablo, (J)Anong ginagawa ninyo, na nagsisitangis at dinudurog ang aking puso? sapagka't ako'y nahahanda na hindi lamang gapusin, kundi mamatay rin naman sa Jerusalem dahil sa pangalan ng Panginoong Jesus.
14 At nang hindi siya pahikayat ay nagsitigil kami, na nagsisipagsabi, Mangyari ang kalooban ng Panginoon.
15 At pagkatapos ng mga araw na ito ay binuhat namin ang aming daladalahan at nagsiahon kami sa Jerusalem.
16 At nagsisama naman sa aming mula sa Cesarea ang ilan sa mga alagad, at kanilang isinama ang isang Mnason, na taga Chipre, isa sa mga kaunaunahang alagad, na sa kaniya kami magsisipanuluyan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978