Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
IKALAWANG AKLAT
Pagkauhaw sa Panginoon sa panahon ng bagabag at pagkakatapon. Sa Pangulong Manunugtog; Masquil ng mga anak ni Core.
42 Kung paanong humihingal ang usa sa pagkauhaw sa tubig (A)ng mga batis,
Gayon humihingal ang aking kaluluwa sa pagkasabik sa iyo, Oh Dios.
2 (B)Kinauuhawan ng aking kaluluwa ang Dios, (C)ang buháy na Dios:
Kailan ako paririto, (D)at haharap sa Dios?
3 Ang aking mga luha ay (E)naging aking pagkain araw at gabi,
(F)Habang kanilang sinasabing lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios?
4 Ang mga bagay na ito ay aking naaalaala, at (G)nanglulumo ang aking kaluluwa sa loob ko,
(H)Kung paanong ako'y nagpatuloy sa karamihan, (I)at pinatnubayan ko sila sa bahay ng Dios,
Na may tinig ng kagalakan at pagpupuri, na isang karamihan na nagdidiwang ng kapistahan.
5 (J)Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya
Dahil sa kagalingan ng kaniyang mukha.
6 Oh Dios ko, ang aking kaluluwa ay nanglulumo sa loob ko;
Kaya't aking inaalaala ka (K)mula sa lupain ng Jordan,
At ng (L)Hermonitas, mula sa burol ng Mizhar.
7 (M)Kalaliman ay tumatawag sa kalaliman sa hugong ng iyong mga baha:
(N)Lahat ng iyong alon at ang iyong malaking alon ay nagsitabon sa akin.
8 Gayon ma'y (O)uutusan ng Panginoon ang kaniyang kagandahang-loob sa araw,
At (P)sa gabi ay sasa akin ang awit sa kaniya,
Sa makatuwid baga'y isang dalangin sa Dios ng aking buhay.
9 Aking sasabihin sa Dios na aking (Q)malaking bato, Bakit mo ako kinalimutan?
Bakit ako'y yayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway?
10 Na wari tabak sa aking mga buto, na tinutuya ako ng aking mga kaaway;
(R)Habang sinasabi nilang lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios?
11 (S)Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya,
Na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.
9 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito (A)ako'y naparirito sa iyo sa isang salimuot na ulap upang marinig ng bayan pagka ako'y magsasalita sa iyo, at paniwalaan ka rin naman nila magpakailan man. At sinalita ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon.
10 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Pumaroon ka sa bayan at papagbanalin mo sila ngayon at bukas (B)at labhan nila ang kanilang mga damit,
11 At humanda sa ikatlong araw: (C)sapagka't sa ikatlong araw ay bababa ang Panginoon sa paningin ng buong bayan sa ibabaw ng bundok ng Sinai.
12 At lalagyan mo ng mga hangganan ang bayan sa palibot, na iyong sasabihin, Magingat kayo, na kayo'y huwag sumampa sa bundok, o sumalang sa hangganan: (D)sinomang sumalang sa bundok ay papatayin na walang pagsala:
13 Walang kamay na hihipo sa kaniya, kundi, siya'y tunay na babatuhin, o papanain; maging hayop o tao ay hindi mabubuhay: pagka ang pakakak ay tumunog ng maluwat ay sasampa sila sa bundok.
14 At (E)bumaba si Moises sa bayan mula sa bundok, at pinakabanal ang bayan, at sila'y naglaba ng kanilang mga damit.
15 At kaniyang sinabi sa bayan, (F)humanda kayo sa ikatlong araw; huwag kayong sumiping sa babae.
16 At nangyari ng ikatlong araw, ng umaga, na (G)kumulog at kumidlat, at may isang salimuot na ulap sa ibabaw ng bundok, at ang (H)tunog ng pakakak ay napakalakas; (I)at ang buong bayan na nasa kampamento ay nanginig.
17 (J)At inilabas ni Moises ang bayan sa kampamento upang salubungin ang Dios; at sila'y tumayo sa paanan ng bundok.
18 At ang buong bundok ng Sinai ay umuusok, sapagka't ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw niyaon na (K)nasa apoy: (L)at ang usok niyaon ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno, (M)at ang buong bundok ay umuugang mainam.
19 At nang lumalakas ng lumalakas ang tunog ng pakakak ay nagsasalita si Moises, (N)at sinasagot siya ng Dios sa pamamagitan ng tinig.
20 At ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw ng bundok ng Sinai, sa taluktok ng bundok; at tinawag ng Panginoon si Moises sa taluktok ng bundok; at si Moises ay sumampa.
21 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumaba ka, pagbilinan mo ang bayan, baka sila'y lumagpas (O)upang makita ang Panginoon, at mamatay ang karamihan sa kanila.
22 At gayon din ang mga saserdote, na lumalapit sa Panginoon (P)ay papagbanalin mo, (Q)baka ang Panginoon ay hindi makapagpigil sa kanila.
23 At sinabi ni Moises sa Panginoon, Ang baya'y hindi makasasampa sa bundok ng Sinai: sapagka't iyong pinagbilinan kami, na iyong sinabi, (R)lagyan mo ng hangganan sa palibot ang bundok, at iyong ariing banal.
24 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Yumaon ka, bumaba ka; at ikaw ay sasampa, ikaw at si Aaron na iyong kasama: nguni't ang mga saserdote at ang bayan ay huwag lumampas sa mga hangganan upang lumapit sa Panginoon, baka siya ay hindi makapagpigil sa kanila.
25 Sa gayo'y bumaba si Moises sa bayan at isinaysay sa kanila.
2 At narito, dinala nila (A)sa kaniya ang isang lumpo, na nakahiga sa isang higaan: at (B)nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, ay sinabi sa lumpo, Anak, laksan mo ang iyong loob; ang iyong mga kasalanan ay ipinatatawad na.
3 At narito, ang ilan sa mga eskriba ay nangagsabi sa kanilang sarili, Ang taong ito'y namumusong.
4 At (C)pagkaunawa ni Jesus ng kanilang mga kaisipan, ay sinabi, Bakit nangagiisip kayo ng masama sa inyong mga puso?
5 Sapagka't alin baga ang lalong magaang sabihin, Ipinatatawad na ang iyong mga kasalanan; o sabihin, Magtindig ka, at lumakad ka?
6 Datapuwa't upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao'y may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan (sinabi nga niya sa lumpo), Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa iyong bahay.
7 At nagtindig siya, at umuwi sa kaniyang bahay.
8 Datapuwa't nang makita ito ng karamihan, ay nangatakot sila, at kanilang niluwalhati ang Dios, na nagbigay ng gayong kapamahalaan sa mga tao.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978