Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
19 At ang anghel ng Dios (A)na nasa unahan ng kampamento ng Israel, ay humiwalay at napasa hulihan nila; at ang haliging ulap ay humiwalay sa harap nila at lumagay sa likod nila:
20 At lumagay sa pagitan ng kampamento ng Egipto at ng kampamento ng Israel; at mayroong ulap at kadiliman, gayon ma'y binigyan sila ng liwanag sa gabi at ang isa't isa ay hindi nagkalapit sa buong magdamag.
21 At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat; at pinaghiwalay ng Panginoon ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silanganan ng buong magdamag, (B)at ang dagat ay pinapaging tuyong lupa (C)at ang tubig ay nahawi.
22 At ang mga anak ni Israel ay (D)pumasok sa gitna ng dagat sa ibabaw ng tuyong lupa: at ang tubig ay naging isang kuta sa kanila, sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa.
Ang hukbo ng Egipcio ay nalunod.
23 At hinabol sila ng mga Egipcio, at nagsipasok na kasunod nila sa gitna ng dagat, lahat ng mga kabayo ni Faraon, ang kaniyang mga karro, at ang kaniyang mga nangangabayo.
24 At nangyari, sa (E)pagbabantay sa kinaumagahan, na minasdan ng Panginoon ang hukbo ng mga Egipcio sa gitna ng haliging apoy at ulap, at niligalig ang hukbo ng mga Egipcio.
25 At inalisan ng gulong ang kanilang mga karro, na kanilang hinila ng buong hirap: na ano pa't sinabi ng mga Egipcio, Tumakas tayo sa harap ng Israel: (F)sapagka't ipinakikipaglaban sila ng Panginoon sa mga Egipcio.
26 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa dagat, upang ang tubig ay tumabon sa mga Egipcio, sa kanilang mga karro, at sa kanilang mga nangangabayo.
27 At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa dagat, at ang dagat ay nagsauli sa kaniyang dating lakas, nang umumaga; at ang mga Egipcio ay nagsitakas, (G)at nilaginlin ng Panginoon ang mga Egipcio sa gitna ng dagat.
28 At (H)ang tubig ay nagsauli, (I)at tinakpan ang mga karro, at ang mga nangangabayo, sa makatuwid baga'y ang buong hukbo ni Faraon na pumasok na sumunod sa kanila sa dagat; walang natira kahit isa sa kanila.
29 Datapuwa't ang mga anak ni Israel ay lumakad sa tuyong lupa sa gitna ng dagat; at ang tubig sa kanila ay naging isang kuta sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa.
30 (J)Gayon iniligtas ng Panginoon ang Israel ng araw na yaon sa kamay ng mga Egipcio; at nakita ng Israel ang mga Egipcio na mga patay sa tabi ng dagat.
31 At nakita ng Israel ang dakilang gawa, na (K)ginawa ng Panginoon sa mga Egipcio, at ang bayan ay natakot sa Panginoon: at sila'y sumampalataya sa Panginoon at sa kaniyang lingkod na kay Moises.
Ang pagliligtas ng Panginoon sa Israel mula sa Egipto.
114 Nang (A)lumabas ang Israel sa Egipto,
Ang sangbahayan ni Jacob (B)mula sa bayang may ibang wika;
2 (C)Ang Juda ay naging kaniyang santuario,
(D)Ang Israel ay kaniyang sakop.
3 Nakita (E)ng dagat, at tumakas;
Ang Jordan ay napaurong.
4 (F)Ang mga bundok ay nagsiluksong parang mga lalaking tupa,
Ang mga munting gulod na parang mga batang tupa.
5 (G)Anong ipakikialam ko sa iyo, Oh dagat, na ikaw ay tumatakas?
Sa iyo Jordan, na ikaw ay umuurong?
6 Sa inyo mga bundok, na kayo'y nagsisiluksong parang mga lalaking tupa;
Sa inyong mga munting gulod, na parang mga batang tupa?
7 Mayanig ka, ikaw na lupa, sa harapan ng Panginoon,
Sa harapan ng Dios ni Jacob;
8 (H)Na pinapagiging tipunan ng tubig ang malaking bato.
Na bukal ng tubig ang pingkiang bato.
Ang awit ni Moises at ni Miriam.
15 Nang magkagayo'y inawit ni (A)Moises at ng mga anak ni Israel ang awit na ito sa Panginoon, at sinalita, na sinasabi,
Ako'y aawit sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati:
Ang kabayo at ang sakay niyaon ay kaniyang ibinulusok sa dagat.
2 Ang Panginoon ay aking lakas at (B)awit,
At siya'y naging aking kaligtasan:
Ito'y aking Dios, at siya'y aking pupurihin.
Dios ng aking ama, at siya'y aking (C)tatanghalin.
3 Ang Panginoo'y isang (D)mangdidigma:
Panginoon ang kaniyang pangalan.
4 Ang mga karro ni Faraon at ang kaniyang hukbo ay ibinulusok niya sa dagat;
At ang kaniyang mga piling kapitan ay ipinaglulubog sa Dagat na Mapula.
5 Ang mga kalaliman ang tumatabon sa kanila:
Sila'y lumubog sa mga kalaliman, na (E)parang isang bato.
6 (F)Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay maluwalhati sa kapangyarihan.
Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay dumudurog ng kaaway.
7 At sa kalakhan ng iyong (G)karilagan ay ibinubuwal mo yaong bumabangon laban sa iyo:
Iyong ipinakikita ang iyong pagiinit, at nililipol silang parang (H)dayami.
8 (I)At sa hihip ng iyong ilong ay natitipon ang (J)tubig,
Ang mga agos ay nagsilagay na parang isang bunton;
Ang mga kalaliman ay namuo sa gitna ng dagat.
9 Sinabi ng kaaway,
Aking hahabulin, aking aabutan, magbabahagi ako ng samsam,
Ang aking nasa ay masisiyahan sa kanila;
Aking bubunutin ang aking tabak, lilipulin sila ng aking kamay.
10 Ikaw ay nagpahihip ng iyong hangin, at tinabunan sila ng dagat.
Sila'y lumubog na parang tingga sa makapangyarihang tubig.
11 (K)Sinong gaya mo, Oh Panginoon, sa mga dios?
Sinong gaya mo, maluwalhati sa kabanalan,
Nakasisindak sa pagpuri, na gumagawa ng mga kababalaghan?
20 At si Miriam na (A)propetisa na (B)kapatid ni Aaron, ay (C)tumangan ng isang pandereta sa kaniyang kamay; at (D)sumunod ang lahat ng mga babae sa kaniya, na may mga pandereta at nagsayawan.
21 At (E)sila'y sinagot ni Miriam,
(F)Umawit kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati;
Ang kabayo at ang sakay niyaon ay ibinulusok niya sa dagat.
14 Datapuwa't ang (A)mahina sa pananampalataya ay tanggapin ninyo, hindi upang pagtalunan ang kaniyang pagaalinlangan.
2 May tao na may pananampalataya na makakain ang lahat ng mga bagay: nguni't ang mahina'y kumakain ng mga gulay.
3 Ang kumakain ay huwag magwalang halaga sa hindi kumakain; at (B)ang hindi kumakain ay huwag humatol sa kumakain: sapagka't siya'y tinanggap ng Dios.
4 Sino kang humahatol sa alila ng iba? Sa kaniyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal. Oo, patatayuin siya; sapagka't makapangyarihan ang Panginoon na siya'y maitayo.
5 May nagmamahal sa isang araw ng higit kay (C)sa iba: may ibang nagmamahal sa bawa't araw. Bawa't isa'y magtibay sa kaniyang sariling pagiisip.
6 Ang nagmamahal sa araw, ay minamahal ito sa Panginoon; at ang kumakain, ay kumakain sa Panginoon, sapagka't (D)siya'y nagpapasalamat sa Dios; at ang hindi kumakain, ay hindi kumakain sa Panginoon, at nagpapasalamat sa Dios.
7 Sapagka't (E)ang sinoman sa atin ay hindi nabubuhay sa kaniyang sarili, at sinoman ay hindi namamatay sa kaniyang sarili.
8 Sapagka't kung nangabubuhay tayo, sa Panginoon tayo'y nangabubuhay; o kung nangamamatay tayo, sa Panginoon tayo'y nangamamatay: kaya't sa mabuhay tayo, o sa mamatay man, tayo'y sa Panginoon.
9 Sapagka't dahil dito ay (F)namatay si Cristo at nabuhay na (G)maguli, upang siya'y maging Panginoon ng mga patay at gayon din ng mga buhay.
10 Datapuwa't ikaw, bakit humahatol ka sa iyong kapatid? at ikaw naman, bakit pinawalaang halaga mo ang iyong kapatid? (H)sapagka't tayong lahat ay tatayo sa harapan ng hukuman ng Dios.
11 Sapagka't nasusulat,
(I)Buhay ako, sabi ng Panginoon, sa akin ang bawa't tuhod ay luluhod,
At ang bawa't dila ay magpapahayag sa Dios.
12 Kaya nga ang (J)bawa't isa sa atin ay magbibigay sulit sa Dios ng kaniyang sarili.
21 Nang magkagayo'y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, (A)makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya'y aking patatawarin? (B)hanggang sa makapito?
22 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; (C)kundi, Hanggang sa makapitongpung pito.
23 Kaya't ang kaharian ng langit ay tulad sa isang hari, na nagibig na makipagusap sa kaniyang mga alipin.
24 At nang siya'y magpasimulang makipaghusay, ay iniharap sa kaniya ang isa sa kaniya'y may utang na sangpung libong talento.
25 Datapuwa't palibhasa'y wala siyang sukat ibayad, ipinagutos (D)ng kaniyang panginoon na siya'y ipagbili, at ang kaniyang asawa't (E)mga anak, at ang lahat niyang tinatangkilik, at nang makabayad.
26 Dahil dito ang alipin ay nagpatirapa at sumamba sa kaniya, na nagsasabi, Panginoon, pagtiisan mo ako, at pagbabayaran ko sa iyong lahat.
27 At sa habag ng panginoon sa aliping yaon, ay pinawalan siya, at ipinatawad sa kaniya ang utang.
28 Datapuwa't lumabas ang aliping yaon, at nasumpungan ang isa sa mga kapuwa niya alipin, na sa kaniya'y may utang na isang daang (F)denario: at kaniyang hinawakan siya, at sinakal niya, na sinasabi, Bayaran mo ang utang mo.
29 Kaya't nagpatirapa ang kaniyang kapuwa alipin at namanhik sa kaniya, na nagsasabi, Pagtiisan mo ako, at ikaw ay pagbabayaran ko.
30 At siya'y ayaw: at yumaon at siya'y ipinabilanggo hanggang sa magbayad siya ng utang.
31 Nang makita nga ng kaniyang mga kapuwa alipin ang nangyari, ay nangamanglaw silang lubha, at nagsiparoon at isinaysay sa kanilang panginoon ang lahat ng nangyari.
32 Nang magkagayo'y pinalapit siya ng kaniyang panginoon, at sa kaniya'y sinabi, Ikaw na aliping masama, ipinatawad ko sa iyo ang lahat ng utang na yaon, sapagka't ipinamanhik mo sa akin:
33 Hindi baga dapat na ikaw naman ay mahabag sa iyong kapuwa alipin, na gaya ko namang nahabag sa iyo?
34 At nagalit ang kaniyang panginoon, at ibinigay siya sa mga tagapagpahirap, hanggang sa siya'y magbayad ng lahat ng utang.
35 Gayon din naman ang gagawin (G)sa inyo ng aking Ama na nasa kalangitan, kung hindi ninyo patatawarin sa inyong mga puso, ng bawa't isa ang kaniyang kapatid.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978