Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
IKALAWANG AKLAT
Pagkauhaw sa Panginoon sa panahon ng bagabag at pagkakatapon. Sa Pangulong Manunugtog; Masquil ng mga anak ni Core.
42 Kung paanong humihingal ang usa sa pagkauhaw sa tubig (A)ng mga batis,
Gayon humihingal ang aking kaluluwa sa pagkasabik sa iyo, Oh Dios.
2 (B)Kinauuhawan ng aking kaluluwa ang Dios, (C)ang buháy na Dios:
Kailan ako paririto, (D)at haharap sa Dios?
3 Ang aking mga luha ay (E)naging aking pagkain araw at gabi,
(F)Habang kanilang sinasabing lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios?
4 Ang mga bagay na ito ay aking naaalaala, at (G)nanglulumo ang aking kaluluwa sa loob ko,
(H)Kung paanong ako'y nagpatuloy sa karamihan, (I)at pinatnubayan ko sila sa bahay ng Dios,
Na may tinig ng kagalakan at pagpupuri, na isang karamihan na nagdidiwang ng kapistahan.
5 (J)Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya
Dahil sa kagalingan ng kaniyang mukha.
6 Oh Dios ko, ang aking kaluluwa ay nanglulumo sa loob ko;
Kaya't aking inaalaala ka (K)mula sa lupain ng Jordan,
At ng (L)Hermonitas, mula sa burol ng Mizhar.
7 (M)Kalaliman ay tumatawag sa kalaliman sa hugong ng iyong mga baha:
(N)Lahat ng iyong alon at ang iyong malaking alon ay nagsitabon sa akin.
8 Gayon ma'y (O)uutusan ng Panginoon ang kaniyang kagandahang-loob sa araw,
At (P)sa gabi ay sasa akin ang awit sa kaniya,
Sa makatuwid baga'y isang dalangin sa Dios ng aking buhay.
9 Aking sasabihin sa Dios na aking (Q)malaking bato, Bakit mo ako kinalimutan?
Bakit ako'y yayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway?
10 Na wari tabak sa aking mga buto, na tinutuya ako ng aking mga kaaway;
(R)Habang sinasabi nilang lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios?
11 (S)Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya,
Na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.
18 (A)Si Jethro nga, saserdote sa Madian, biyanan ni Moises, ay nakabalita ng lahat na ginawa ng Dios kay Moises, at sa Israel na kaniyang bayan, kung paanong inilabas ng Panginoon ang Israel sa Egipto.
2 At ipinagsama ni Jethro, na biyanan ni Moises, si Sephora na asawa ni Moises, (B)pagkatapos na kaniyang maipadala sa kanilang ama,
3 At ang dalawa niyang anak na lalake: (C)na ang pangalan ng isa'y Gersom; sapagka't sinabi ni Moises, Ako'y nakipamayan sa ibang bayan.
4 At ang pangalan ng isa'y Elieser;[a] sapagka't kaniyang sinabi, Ang Dios ng aking ama'y naging aking saklolo, at ako'y iniligtas sa tabak ni Faraon;
5 At si Jethro, na biyanan ni Moises, ay dumating, na kasama ang kaniyang mga anak at ang kaniyang asawa, kay Moises sa ilang na kaniyang hinantungan sa (D)tabi ng bundok ng Dios:
6 At kaniyang ipinasabi kay Moises, Akong iyong biyanang si Jethro ay naparito sa iyo, at ang iyong asawa, at ang kaniyang dalawang anak na kasama niya.
7 At si Moises ay lumabas na sinalubong ang kaniyang biyanan, at kaniyang niyukuran (E)at hinalikan. At sila'y nagtanungang isa't isa ng kanilang kalagayan; at sila'y pumasok sa tolda.
8 At isinaysay ni Moises sa kaniyang biyanan ang lahat ng ginawa ng Panginoon kay Faraon at sa mga Egipcio dahil sa Israel, ang buong hirap na kanilang naranasan sa daan, at kung paanong iniligtas ng Panginoon sila.
9 At ikinagalak ni Jethro ang buong kabutihang ginawa ng Panginoon sa Israel, na iniligtas sila sa kamay ng mga Egipcio.
10 At sinabi ni Jethro, (F)Purihin ang Panginoon, na nagligtas sa inyo, sa kamay ng mga Egipcio, at sa kamay ni Faraon; na siyang nagligtas sa bayan sa kamay ng mga Egipcio.
11 Ngayo'y aking natatalastas na ang Panginoon ay lalong dakila kay sa lahat ng mga dios: (G)oo, sa bagay na (H)ipinagpalalo ng mga Egipcio laban sa mga Hebreo.
12 At si Jethro, na biyanan ni Moises, ay kumuha ng handog na susunugin at mga hain para sa Dios: at si Aaron ay naparoon, at ang lahat ng mga matanda sa Israel, upang kumain ng tinapay na kasalo ng biyanan ni Moises (I)sa harap ng Dios.
3 (A)Ako'y nagpapasalamat sa aking Dios, sa tuwing kayo'y aking naaalaala,
4 Na parating sa bawa't daing ko, ay masayang nananaing ako na patungkol sa inyong lahat,
5 Dahil sa inyong pakikisama (B)sa pagpapalaganap ng evangelio, mula nang unang araw hanggang ngayon;
6 Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin (C)hanggang sa araw ni Jesucristo:
7 Gaya ng matuwid na aking isiping gayon tungkol sa inyong lahat, sapagka't kayo'y nasa aking puso, palibhasa'y, (D)sa aking mga tanikala at (E)pagsasanggalang at sa pagpapatunay naman sa evangelio, kayong lahat na kasama ko ay may bahagi sa biyaya.
8 Sapagka't saksi ko ang Dios, (F)kung gaano ang pananabik ko sa inyong lahat sa (G)mahinahong habag ni Cristo Jesus.
9 At ito'y idinadalangin ko, na ang inyong pagibig ay lalo't lalo pang sumagana nawa sa (H)kaalaman at sa lahat ng pagkakilala;
10 Upang (I)inyong kilalanin ang mga bagay na magagaling; upang kayo'y maging mga tapat at walang kapintasan (J)hanggang sa kaarawan ni Cristo;
11 Na mangapuspos ng (K)bunga ng kabanalan, na ito'y sa pamamagitan ni Jesucristo, (L)sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios.
12 Ngayon ibig ko na inyong maalaman, mga kapatid, na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nangyari sa lalong ikasusulong ng evangelio;
13 Ano pa't ang aking mga tanikala kay Cristo ay nahayag sa lahat ng mga bantay ng pretorio, at sa mga iba't iba pa;
14 At ang karamihan sa mga kapatid sa Panginoon, na palibhasa'y may pagkakatiwala sa aking mga tanikala, ay lalong nagkaroon ng tapang upang salitaing walang takot ang salita ng Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978