Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang kahangahangang gawa ng Panginoon ng dahil sa Israel.
105 Oh magpasalamat kayo (A)sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan;
(B)Ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan.
2 Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri;
(C)Salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa.
3 Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan:
Mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon.
4 Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan;
(D)Hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man.
5 Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa:
Ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig;
6 Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod,
Ninyong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga hirang.
37 (A)At kaniyang inilabas sila na may pilak at ginto:
At hindi nagkaroon ng mahinang tao sa kaniyang mga lipi.
38 Natuwa ang Egipto nang sila'y magsialis;
(B)Sapagka't ang takot sa kanila ay nahulog sa kanila.
39 (C)Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong;
At apoy upang magbigay liwanag sa gabi,
40 (D)Sila'y nagsihingi, at dinalhan niya ng mga pugo,
At binusog niya sila ng (E)pagkain na mula sa langit.
41 (F)Kaniyang ibinuka ang bato at binukalan ng tubig;
Nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog.
42 Sapagka't kaniyang naalaala ang kaniyang banal na salita,
(G)At si Abraham na kaniyang lingkod.
43 At kaniyang inilabas ang kaniyang bayan na may kagalakan,
At ang kaniyang hirang na may awitan.
44 (H)At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa;
At kinuha nila ang gawa ng mga bayan na pinakaari:
45 (I)Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan,
At sundin ang kaniyang mga kautusan.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ang Israel sa Elim at sa Ilang ng Sin.
16 At (A)sila'y naglakbay mula sa Elim, at ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay dumating sa ilang ng Sin, na nasa pagitan ng Elim at Sinai, nang ikalabing limang araw ng ikalawang buwan, pagkatapos na sila'y makaalis sa lupain ng Egipto.
2 At inupasala ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel (B)si Moises at si Aaron sa ilang:
3 At sinabi sa kanila ng mga anak ni Israel, Namatay na sana kami sa pamamagitan ng kamay ng Panginoon sa lupain ng Egipto, (C)nang kami ay nauupo sa tabi ng mga palyok ng karne, nang kami ay kumakain ng tinapay hanggang sa mabusog; sapagka't kami ay inyong dinala sa ilang na ito, upang patayin ng gutom ang buong kapisanang ito.
4 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito, kayo'y (D)aking pauulanan ng pagkain mula sa langit; at lalabasin at pupulutin ng bayan araw-araw ang bahagi sa bawa't araw; (E)upang aking masubok sila, kung sila'y lalakad ng ayon sa aking kautusan, o hindi.
5 At mangyayari sa ikaanim na araw, na sila'y maghahanda ng kanilang dala, (F)na ibayo ng kanilang pinupulot sa araw-araw.
6 At sinabi ni Moises at ni Aaron sa lahat ng mga anak ni Israel, Sa kinahapunan, ay inyong malalaman, na ang Panginoon ay siyang naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto.
7 At sa kinaumagahan, ay inyo ngang makikita (G)ang kaluwalhatian ng Panginoon; sapagka't kaniyang naririnig ang inyong mga pagupasala laban sa Panginoon: (H)at ano kami, na inyo kaming inuupasala?
8 At sinabi ni Moises, Ito'y mangyayari, pagbibigay ng Panginoon sa inyo sa kinahapunan ng karne na makakain, at sa kinaumagahan ng pagkain, na makabubusog; sapagka't naririnig ng Panginoon ang inyong mga pagupasala na inyong iniuupasala laban sa kaniya: at ano kami? ang inyong mga pagupasala ay hindi laban sa amin, (I)kundi laban sa Panginoon.
9 At (J)sinabi ni Moises kay Aaron, Sabihin mo sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, (K)Lumapit kayo sa harap ng Panginoon; sapagka't kaniyang narinig ang inyong mga pagupasala.
10 At nangyari, pagkapagsalita ni Aaron sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sila'y tumingin sa dakong ilang, at, narito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay (L)lumitaw sa ulap.
11 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
12 Aking narinig ang mga pagupasala ng mga anak ni Israel: salitain mo sa kanila, na iyong sasabihin, Sa kinahapunan ay kakain kayo ng karne, at sa kinaumagahan, ay magpapakabusog kayo ng tinapay; at inyong makikilala na ako ang Panginoon ninyong Dios.
Pugo at Mana ay ipinagkaloob.
13 At nangyari sa kinahapunan na ang mga (M)pugo ay nagsiahon at tinakpan ang kampamento at sa kinaumagahan, ay nalalatag sa palibot ng kampamento ang (N)hamog.
14 At nang paitaas na ang hamog na nalalatag na, narito, sa balat ng ilang ay (O)may munting bagay na mabilog at munti na gaya ng namuong hamog sa ibabaw ng lupa.
15 At nang makita ng mga anak ni Israel, ay nagsangusapan, Ano ito? sapagka't hindi nila nalalaman kung ano yaon. At sinabi ni Moises sa kanila, Ito ang pagkain na ibinigay ng Panginoon sa inyo upang kanin.
16 Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon, Pumulot ang bawa't tao (P)ayon sa kaniyang kain; (Q)isang omer sa bawa't ulo, ayon sa bilang ng inyong mga tao, ang kukunin ng bawa't tao para sa mga nasa kaniyang tolda.
17 At gayon ginawa ng mga anak ni Israel, at may namulot ng marami, at may kaunti.
18 At nang timbangin sa omer, (R)ang namulot ng marami ay walang higit, at ang namulot ng kaunti ay hindi nagkulang; bawa't tao ay pumulot ng ayon sa kaniyang kain.
19 At sinabi ni Moises sa kanila, Huwag magtira niyaon ang sinoman ng hanggang sa umaga.
20 Gayon ma'y hindi sila nakinig kay Moises; kungdi ang iba sa kanila ay nagtira niyaon hanggang sa umaga, at inuod at bumaho; at naginit sa kanila si Moises.
Ang pamumulot ng Mana.
21 At sila'y namumulot tuwing umaga, bawa't tao ayon sa kaniyang kain: at pagka ang araw ay umiinit na, ay natutunaw.
5 Siyasatin ninyo ang inyong sarili, (A)kung kayo'y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili, na si (B)Jesucristo ay nasa inyo? maliban na nga kung kayo'y (C)itinakuwil na.
6 Nguni't inaasahan ko na inyong mangakikilala na kami ay hindi itinakuwil.
7 Ngayo'y idinadalangin namin sa Dios na kayo'y huwag magsigawa ng masama; hindi upang kami'y mangakitang subok, kundi upang gawin ninyo ang may karangalan, kahit kami'y maging gaya ng itinakuwil.
8 Sapagka't kami'y walang anomang magagawang laban sa katotohanan, kundi ayon sa katotohanan.
9 Sapagka't kami'y natutuwa (D)kung kami'y mahihina, at kayo'y malalakas: at (E)ito naman ang idinadalangin namin, sa makatuwid baga'y ang inyong pagkasakdal.
10 Dahil dito'y (F)sinusulat ko ang mga bagay na ito samantalang ako'y wala sa harapan, upang kung nasa harapan ay huwag akong gumamit ng kabagsikan, ayon sa kapamahalaang ibinibigay sa akin ng Panginoon sa ikatitibay, at hindi sa ikagigiba.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978