Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
MEM.
97 (A)Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan!
Siya kong gunita buong araw.
98 Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway (B)ng iyong mga utos;
Sapagka't mga laging sumasa akin.
99 Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin;
(C)Sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko.
100 Ako'y nakakaunawa na (D)higit kay sa may katandaan,
Sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
101 Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad,
Upang aking masunod ang salita mo.
102 Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan;
Sapagka't iyong tinuruan ako.
103 (E)Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa!
Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!
104 Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa:
Kaya't aking (F)ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.
Nagbulongbulongan ang mga tao at nalungkot si Moises.
11 At (A)ang bayan ay naging parang mapag-upasala na nagsalita ng masasama sa pakinig ng Panginoon: at nang marinig ng Panginoon ay nagningas ang kaniyang galit; (B)at ang apoy ng Panginoon ay sumunog sa gitna nila, at sinupok ang kahulihulihang bahagi ng kampamento.
2 At ang bayan ay humibik kay Moises; at si Moises ay (C)nanalangin sa Panginoon at ang apoy ay namatay.
3 At ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Tabera: sapagka't ang apoy ng Panginoon ay sumunog sa gitna nila.
4 At (D)ang halohalong karamihan na nasa gitna nila ay nahulog sa kasakiman: at ang mga anak ni Israel naman ay muling umiyak at nagsabi, (E)Sino ang magbibigay sa atin ng karneng makakain?
5 (F)Ating naaalaala ang isda, na ating kinakain sa Egipto na walang bayad; ang mga pipino, at ang mga milon, at ang mga puero, at ang mga sibuyas, at ang bawang:
6 Nguni't ngayo'y ang ating kaluluwa ay natutuyo; walang kaanoanoman: sa ating harapan ay walang anoman kundi ang manang ito.
7 At ang (G)mana ay gaya ng butil ng culantro, at ang kulay niyaon ay gaya ng kulay ng (H)bdelio.
8 Ang bayan ay dumadaan sa palibot, at pinupulot yaon, at kanilang ginigiling sa mga gilingan, o kanilang dinidikdik sa mga lusong, at kanilang niluluto sa mga palyok, at ginagawa nilang munting tinapay at ang (I)lasa ay gaya ng lasa ng bagong langis.
9 (J)At pagka ang hamog ay nahuhulog sa ibabaw ng kampamento sa gabi, ang mana ay nahuhulog.
17 Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng (A)pagkakabahabahagi at ng mga (B)katitisuran, laban sa mga aral na inyong nangapagaralan: at (C)kayo'y magsilayo sa kanila.
18 Sapagka't ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi (D)sa kanilang sariling tiyan; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay.
19 Sapagka't ang (E)inyong pagtalima ay naging bantog sa lahat ng mga tao. Kaya't nagagalak ako tungkol sa inyo: datapuwa't ibig ko (F)na kayo'y maging marunong sa kabutihan, at musmos sa kasamaan.
20 At si Satanas ay dudurugin ng Dios (G)ng kapayapaan sa madaling panahon sa ilalim ng inyong mga paa. (H)Ang biyaya nawa ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978