Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang pagakay ng Panginoon sa kaniyang bayan sa kabila ng pagkawalang tiwala. Masquil ni Asaph.
78 Makinig kayo, Oh bayan ko, sa aking kautusan:
Ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa mga salita ng aking bibig.
2 (A)Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga;
Ako'y magsasalita ng mga malabong (B)sabi ng una:
3 (C)Na aming narinig at naalaman,
At isinaysay sa amin ng aming mga magulang.
4 (D)Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak,
(E)Na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon,
At ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.
12 Mga kagilagilalas na mga bagay ay ginawa niya (A)sa paningin ng kanilang mga magulang,
Sa lupain ng Egipto, (B)sa parang ng Zoan.
13 (C)Hinawi niya ang dagat, at pinaraan niya sila;
At kaniyang pinatayo ang tubig na parang bunton.
14 (D)Sa araw naman ay kaniyang pinatnubayan sila sa pamamagitan ng isang ulap,
At buong gabi ay sa pamamagitan ng tanglaw na apoy.
15 (E)Kaniyang pinuwangan ang mga bato sa ilang,
At pinainom niya sila ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman.
16 Nagpabukal naman siya mula sa bato.
At nagpababa ng tubig na parang mga ilog.
Kamatayan ni Miriam.
20 At (A)ang mga anak ni Israel, sa makatuwid baga'y ang buong kapisanan ay nagsipasok sa ilang ng Zin nang unang buwan: at ang bayan ay tumahan sa Cades; at (B)si Miriam ay namatay doon, at inilibing doon.
Ang tubig ng Meriba.
2 At (C)walang tubig na mainom ang kapisanan; at (D)sila'y nagpulong laban kay Moises at laban kay Aaron.
3 (E)At sinisi ng bayan si Moises, at nagsipagsalita, na sinasabi, Ibigin sana na kami ay (F)nangamatay, nang mamatay ang aming mga kapatid sa harap ng Panginoon!
4 At (G)bakit ninyo dinala ang kapulungan ng Panginoon sa ilang na ito, upang mamatay rito, kami at ang aming mga hayop?
5 At bakit ninyo kami pinasampa mula sa Egipto, upang dalhin kami sa masamang dakong ito? hindi dakong bukirin, o ng igos; o ng ubasan, o ng mga granada; at wala kahit tubig na mainom.
6 At si Moises at si Aaron ay umalis sa harap ng kapulungan at napasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at (H)nangagpatirapa: at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa kanila.
7 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
8 (I)Hawakan mo ang tungkod, at pisanin mo ang kapisanan, pisanin mo at ni Aaron na iyong kapatid, at magsalita kayo sa bato sa harap ng kanilang mga mata, na ibibigay niyaon ang kaniyang tubig; at (J)ikukuha mo sila ng tubig sa bato: sa ganito paiinumin mo ang kapisanan at ang kanilang mga hayop.
9 At kinuha ni Moises ang tungkod sa (K)harap ng Panginoon, na gaya ng iniutos sa kaniya.
10 At pinisan ni Moises at ni Aaron ang kapulungan sa harap ng bato, at kaniyang sinabi sa kanila, (L)Makinig kayo ngayon, mga mapanghimagsik, ikukuha ba namin kayo ng tubig sa batong ito?
11 At itinaas ni Moises ang kaniyang kamay, at pinalong makalawa ang bato ng kaniyang tungkod: at ang tubig ay (M)lumabas na sagana, at ang kapisanan ay uminom at ang kanilang mga hayop.
12 At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Sapagka't (N)hindi kayo sumampalataya sa akin (O)upang ipakilala ninyong banal ako sa mga mata ng mga anak ni Israel, kaya't hindi ninyo dadalhin ang kapisanang ito sa lupain na aking ibinigay sa kanila.
13 (P)Ito ang tubig ng Meriba; sapagka't sinisi ng mga anak ni Israel ang Panginoon, at siya'y napakilalang banal sa kanila.
32 At dinadalhan namin kayo ng mabubuting balita ng (A)pangakong ipinangako sa mga magulang,
33 Na tinupad din ng Dios sa ating mga anak nang muling buhayin niya si Jesus; gaya naman ng nasusulat sa ikalawang awit, (B)Ikaw ay aking Anak, sa araw na ito ay naging anak kita.
34 At tungkol sa muling binuhay niya, upang ngayon at kailan ma'y huwag nang magbalik sa kabulukan, ay nagsalita siya ng ganito, (C)Ibibigay ko sa iyo ang banal at tunay na mga pagpapala ni David.
35 Sapagka't sinabi rin naman niya sa ibang awit, (D)Hindi mo ipagkakaloob na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.
36 Sapagka't si David, nang maipaglingkod na niya sa kaniyang sariling lahi ang pasiya ng Dios, ay natulog, at isinama sa kaniyang mga magulang, at nakakita ng kabulukan.
37 Datapuwa't yaong binuhay na maguli ng Dios ay hindi nakakita ng kabulukan.
38 Kaya maging hayag nawa sa inyo, mga kapatid, na (E)sa pamamagitan ng taong ito'y ibinabalita sa inyo (F)ang kapatawaran ng mga kasalanan:
39 At sa (G)pamamagitan niya ang bawa't nananampalataya ay (H)inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito'y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises.
40 Magsipagingat nga kayo, na baka magsisapit sa inyo ang sinalita ng mga propeta:
41 Tingnan ninyo, (I)mga mapagwalang-halaga, at mangapagilalas kayo, at kayo'y mangaparam:
Sapagka't ako'y gumagawa ng isang gawa sa inyong mga kaarawan,
Isang gawang sa anomang paraa'y hindi ninyo paniniwalaan kung saysayin sa inyo ng sinoman.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978