Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Mga Awit 107:1-3

IKALIMANG AKLAT

107 O(A) magpasalamat kayo sa Panginoon, sapagkat siya'y mabuti;
    sapagkat magpakailanman ang kanyang tapat na pag-ibig ay nananatili.
Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon,
    na kanyang tinubos mula sa kamay ng kaaway,
at tinipon mula sa mga lupain,
    mula sa silangan at mula sa kanluran,
    mula sa hilaga at mula sa timugan.

Mga Awit 107:23-32

23 Silang nagsisibaba sa dagat sa mga sasakyang-dagat,
    na nangangalakal sa tubig na malalawak;
24 nakita nila ang mga gawa ng Panginoon,
    ang kanyang kahanga-hangang mga gawa sa kalaliman.
25 Sapagkat siya'y nag-utos, at itinaas ang maunos na hangin,
    na nagpataas sa mga alon ng dagat.
26 Sila'y umakyat hanggang sa langit, sila'y nagsibaba sa mga kalaliman;
    ang kanilang kaluluwa ay natutunaw sa masama nilang kalagayan,
27 sila'y sumuray-suray at nagpagiray-giray na parang taong lasing,
    at ang kanilang karunungan ay nawala.
28 Nang magkagayo'y dumaing sila sa Panginoon sa kanilang kahirapan,
    at iniligtas niya sila sa kanilang kapighatian.
29 Kanyang pinatigil ang bagyo,
    anupa't ang mga alon ng dagat ay tumahimik.
30 Nang magkagayo'y natuwa sila sapagkat sila'y nagkaroon ng katahimikan,
    at dinala niya sila sa kanilang nais daungan.
31 Purihin nila ang Panginoon dahil sa kanyang tapat na pag-ibig,
    at dahil sa kanyang kahanga-hangang mga gawa sa mga anak ng mga tao!
32 Purihin nila siya sa kapulungan ng bayan,
    at purihin siya sa pagtitipon ng matatanda.

Job 37:1-13

37 “Dahil din dito'y nanginginig ang aking puso,
    at lumulundag sa kinalalagyan nito.
Dinggin ninyo ang tunog ng kanyang tinig,
    at ang sigaw na lumalabas sa kanyang bibig.
Kanyang ipinapadala mula sa silong ng buong langit,
    at ang kanyang kidlat sa mga sulok ng daigdig.
Kasunod nito'y dumadagundong ang kanyang tinig,
    siya'y kumukulog sa pamamagitan ng kanyang marilag na tinig,
    hindi niya pinipigil ang pagkulog kapag naririnig ang kanyang tinig.
Ang Diyos ay kumukulog na kagila-gilalas sa pamamagitan ng kanyang tinig;
    gumagawa siya ng mga dakilang bagay, na hindi natin mauunawaan.
Sapagkat sinasabi niya sa niyebe, ‘Sa lupa ikaw ay bumagsak,’
    at sa ambon at sa ulan, ‘Kayo ay lumakas.’
Ang kamay ng bawat tao ay tinatatakan niya,
    upang malaman ng lahat ng mga tao ang kanyang gawa.
Kung gayo'y papasok ang mga hayop sa kanilang tirahan,
    at namamalagi sa kanilang mga kublihan.
Mula sa silid nito ang ipu-ipo'y nanggagaling,
    at ang ginaw mula sa nangangalat na mga hangin.
10 Sa pamamagitan ng hininga ng Diyos ay ibinibigay ang yelo;
    at ang malawak na tubig ay mabilis na mamumuo.
11 Kanyang nilalagyan ng halumigmig ang makapal na ulap,
    pinangangalat ng mga ulap ang kanyang kidlat.
12 Sila'y umiikot sa pamamagitan ng kanyang patnubay,
    upang ang lahat na iutos niya sa kanila ay kanilang magampanan,
    sa ibabaw ng natatahanang sanlibutan.
13 Maging sa saway, o para sa kanyang lupa,
    o dahil sa pag-ibig iyon ay pinangyayari niya.

Lucas 21:25-28

Ang Pagdating ng Anak ng Tao(A)

25 “At(B) magkakaroon ng mga tanda sa araw, at buwan, at mga bituin, at sa lupa'y magkakaroon ng kahirapan sa mga bansa, na nalilito dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong.

26 Ang mga tao ay manlulupaypay dahil sa takot, at mangangamba sa mga bagay na darating sa daigdig, sapagkat ang mga kapangyarihan sa mga langit ay mayayanig.

27 Pagkatapos(C) ay makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa isang ulap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.

28 Kapag nagsimulang mangyari ang mga bagay na ito, tumingala kayo at itaas ninyo ang inyong mga ulo, sapagkat malapit na ang katubusan ninyo.”

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001