Old/New Testament
Ang paskua sa Panginoon.
16 Magdidiwang ka sa (A)buwan ng Abib, at ipangingilin ang paskua sa Panginoon mong Dios: sapagka't (B)sa buwan ng Abib inilabas ka ng Panginoon mong Dios sa Egipto sa gabi.
2 (C)At iyong ihahain ang paskua sa Panginoon mong Dios, ang sa kawan at sa bakahan, (D)sa dakong pipiliin ng Panginoon na patatahanan sa kaniyang pangalan.
3 Huwag kang kakain sa paskua ng tinapay na may lebadura; pitong araw na kakanin mo sa paskua ang tinapay na walang lebadura, ang tinapay ng pagkapighati; sapagka't umalis kang (E)madalian sa lupain ng Egipto: upang iyong maalaala ang araw na inialis mo sa lupain ng Egipto sa lahat ng mga araw ng iyong buhay.
4 (F)At pitong araw na walang makikitang lebadura sa iyo, sa lahat ng iyong mga hangganan; ni sa anomang karne na iyong ihahain sa unang araw sa paglubog ng araw ay (G)walang maiiwan sa buong gabi, hanggang sa umaga;
5 Hindi mo maihahain ang paskua sa loob ng alin man sa iyong mga pintuang-daan, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios:
6 Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios na patatahanan sa kaniyang pangalan, ay doon mo ihahain ang paskua (H)sa pagtatakip silim, sa paglubog ng araw, sa panahon na iyong inialis sa Egipto.
7 (I)At iyong iihawin at kakanin sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios; at ikaw ay babalik sa kinaumagahan, at uuwi sa iyong mga tolda.
8 Anim na araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura: at sa (J)ikapitong araw ay magkakaroon ka ng takdang pagpupulong sa Panginoon mong Dios: huwag kang gagawa ng anomang gawa sa araw na iyan.
Kapistahan ng mga sanglinggo.
9 (K)Pitong sanglinggo ang iyong bibilangin sa iyo: mula sa iyong pagpapasimulang isuot ang panggapas sa mga nakatayong trigo ay magpapasimula kang bumilang ng pitong sanglinggo.
10 At iyong ipagdidiwang ang kapistahan ng mga sanglinggo sa Panginoon mong Dios na may dulot ng (L)kusang handog ng iyong kamay, na iyong ibibigay, (M)ayon sa ipinagpala sa iyo ng Panginoon mong Dios:
11 (N)At ikaw ay magagalak sa harap ng Panginoon mong Dios, ikaw at ang iyong anak na lalake at babae, at ang iyong aliping lalake at babae, at ang Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, at ang taga ibang bayan, at ang ulila, at ang babaing bao, na nasa gitna mo, sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios na patatahanan sa kaniyang pangalan.
12 (O)At iyong aalalahanin na ikaw ay naging alipin sa Egipto: at iyong gaganapin at gagawin ang mga palatuntunang ito.
Kapistahan ng mga tabernakulo.
13 (P)Iyong ipagdidiwang na pitong araw ang kapistahan ng mga tabernakulo, pagkatapos na makamalig mo ang aning mula sa iyong giikan at sa iyong pisaan ng ubas:
14 At (Q)ikaw ay magagalak sa iyong pagpipista, ikaw, at ang iyong anak na lalake at babae, at ang iyong aliping lalake at babae, at ang Levita, at ang taga ibang bayan, at ang ulila, at ang babaing bao, na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan.
15 (R)Pitong araw na ipagdidiwang mo ang pista sa Panginoon mong Dios sa dakong pipiliin ng Panginoon: sapagka't pagpapalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng iyong kinikita, at sa lahat ng gawa ng iyong mga kamay, at ikaw ay lubos na magagalak.
16 (S)Makaitlo sa isang taon na ang iyong mga lalake ay magsisiharap sa Panginoon mong Dios, sa dakong kaniyang pipiliin; sa kapistahan ng tinapay na walang lebadura, at sa kapistahan ng mga sanglinggo, at sa kapistahan ng mga tabernakulo: (T)at huwag silang haharap na walang dala sa Panginoon:
17 (U)Bawa't lalake ay magbibigay ng kaniyang kaya, ayon sa pagpapala na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
18 Maghahalal ka sa iyo ng (V)mga hukom at ng (W)mga pinuno sa lahat ng iyong mga pintuang-daan, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ayon sa iyong mga lipi: at sila'y hahatol sa bayan ng matuwid na paghatol.
19 (X)Huwag kang magliliko ng paghatol; (Y)huwag kang tatangi ng mga pagkatao: (Z)ni kukuha ng suhol; sapagka't ang suhol ay bumubulag ng mga mata ng marunong, at nagliliko ng mga salita ng matuwid.
20 Susundin mo ang tunay na katuwidtuwiran, upang mabuhay ka at manahin mo ang lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
21 (AA)Huwag kang magtatanim sa iyo ng Asera ng anomang kahoy sa siping ng dambana ng Panginoon mong Dios, na gagawin mo para sa iyo.
22 Ni magtatayo ka para sa iyo ng pinakaalaalang haligi; na kinapopootan ng Panginoon mong Dios.
Ipinapayo ang malinis na pagsamba.
17 Huwag kang (AB)maghahain sa Panginoon mong Dios ng baka o tupa, na may dungis o anomang kapintasan; sapagka't yao'y isang karumaldumal sa Panginoon mong Dios.
2 (AC)Kung may masusumpungan sa gitna mo, sa loob ng alin man sa iyong mga pintuang-daan, na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ang lalake o babae na gumagawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon mong Dios, (AD)sa pagsalangsang sa kaniyang tipan,
3 At yumaon at naglingkod sa ibang mga dios, at sumamba sa kanila, o sa araw, o sa buwan, o sa anomang natatanaw sa langit (AE)na hindi ko iniutos;
4 At maisaysay sa iyo, at iyong mabalitaan; ay iyo ngang sisiyasating masikap; at, narito, kung totoo, at ang bagay ay tunay, na ang gayong karumaldumal ay nagawa sa Israel,
5 Ay iyo ngang ilalabas ang lalake o babaing yaon, na gumawa nitong bagay na kasamaan, sa iyong mga pintuang-daan, sa makatuwid baga'y ang lalake o babae; at iyong babatuhin (AF)sila ng mga bato, hanggang sila'y mamatay.
6 (AG)Sa bibig ng dalawang saksi, o ng tatlong saksi ay papatayin ang dapat mamatay; sa bibig ng isang saksi ay hindi siya papatayin.
7 (AH)Ang kamay ng mga saksi ay siyang unang papatay sa kaniya at pagkatapos ang kamay ng buong bayan. Ganito mo (AI)aalisin ang kasamaan sa gitna mo.
Paghatol sa mahihirap na bagay.
8 (AJ)Kung magkakaroon ng totoong mahirap na bagay sa iyo sa paghatol, na dugo't dugo, usap at usap, at bugbog at bugbog, na bagay na pagkakaalit sa loob ng iyong mga pintuang-daan, ikaw nga'y titindig at (AK)sasampa sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios;
9 At ikaw ay paroroon sa mga saserdote na mga Levita, at sa magiging hukom sa mga araw na yaon: at iyong sisiyasatin; at kanilang ipakikilala (AL)sa iyo ang hatol ng kahatulan.
10 At iyong gagawin ayon sa tinig ng hatol, na kanilang ipakikilala sa iyo mula sa dakong yaon na pipiliin ng Panginoon; at iyong isasagawa ayon sa lahat na kanilang ituturo sa iyo:
11 Ayon sa tinig ng kautusan na kanilang ituturo sa iyo, at ayon sa kahatulan na kanilang isasaysay sa iyo, ay gagawin mo: huwag kang liliko sa hatol na kanilang ipakikilala sa iyo, maging sa kanan o sa kaliwa man.
12 At (AM)ang tao na gumawa ng pagpapalalo, sa di pakikinig sa saserdote (AN)na tumatayo upang mangasiwa doon sa harap ng Panginoon mong Dios, o sa hukom, ay papatayin nga ang taong yaon: (AO)at iyong aalisin ang kasamaan sa Israel.
13 At maririnig ng buong bayan (AP)at matatakot, at di na gagawa pa ng pagpapalalo.
14 Pagka ikaw ay dumating sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, at iyong aariin, at iyong tatahanan; at iyong sasabihin, (AQ)Ako'y maglalagay ng isang hari sa akin gaya ng lahat ng mga bansang nasa palibot ko;
15 Ay ilalagay mo ngang hari sa iyo, (AR)yaong pipiliin ng Panginoon mong Dios: (AS)na isa sa iyong mga kapatid ang ilalagay mong hari sa iyo: hindi mo mailalagay sa iyo ang isang taga ibang bayan, na hindi mo kapatid.
16 Huwag lamang siyang magpaparami ng (AT)mga kabayo, ni (AU)pababalikin niya ang bayan sa Egipto, upang siya'y makapagparami ng mga kabayo: (AV)sapagka't sinabi sa inyo ng Panginoon, (AW)Huwag na ninyong babalikan mula ngayon ang daang yaon.
17 Ni huwag siyang magpaparami ng mga asawa, (AX)upang huwag maligaw ang kaniyang puso: ni huwag siyang magpaparami ng pilak at ginto.
18 (AY)At mangyayari, na pagka siya'y luluklok sa luklukan ng kaniyang kaharian, ay kaniyang susulatin ang (AZ)isang salin ng kautusang ito sa isang aklat, na nasa harap ng mga (BA)saserdote na mga Levita:
19 At mamamalagi sa kaniya, at kaniyang babasahin sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay: upang siya'y magaral na matakot sa Panginoon niyang Dios, upang isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito at ng mga palatuntunang ito;
20 Upang ang kaniyang puso ay huwag magmataas sa kaniyang mga kapatid at siya'y (BB)huwag maligaw sa utos, maging sa kanan, o sa kaliwa: upang kaniyang maparami ang kaniyang mga araw sa kaniyang kaharian, niya, at ng kaniyang mga anak sa gitna ng Israel.
Ang bahagi ng mga Levita.
18 Ang mga saserdote na mga Levita, ang buong lipi ni Levi, ay (BC)hindi magkakaroon ng bahagi ni mana na kasama ng Israel; sila'y kakain (BD)ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, at ng kaniyang mana.
2 At sila'y hindi magkakaroon ng mana na kasama ng kanilang mga kapatid; ang Panginoon ang kanilang mana, gaya ng sinalita niya sa kanila.
3 At ito ang magiging karampatan ng mga saserdote sa bayan, sa kanila na naghahandog ng hain, maging baka o tupa, (BE)na kanilang ibibigay sa saserdote ang balikat, at ang dalawang pisngi, at ang sikmura.
4 (BF)Ang mga unang bunga ng iyong trigo, ng iyong alak, at ng iyong langis, at ang unang balahibo ng iyong mga tupa, ay ibibigay mo sa kaniya.
5 Sapagka't pinili siya ng Panginoon mong Dios sa lahat ng iyong mga lipi, (BG)upang tumayong mangasiwa sa pangalan ng Panginoon, siya at ang kaniyang mga anak magpakailan man.
6 At kung ang isang Levita ay umalis sa alinman sa iyong mga pintuang-daan ng buong Israel (BH)na kaniyang pinakikipamayanan at pumaroon ng buong nasa ng kaniyang kaluluwa (BI)sa dakong pipiliin ng Panginoon;
7 Ay mangangasiwa nga siya sa pangalan ng Panginoon niyang Dios, na (BJ)gaya ng ginagawa ng lahat ng kaniyang mga kapatid na mga Levita, na tumatayo roon sa harap ng Panginoon.
8 (BK)Sila'y magkakaroon ng magkakaparehong bahagi na kakanin, bukod sa magmumula sa pinagbilhan sa pamana ng kaniyang ama.
9 Pagpasok mo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ay (BL)huwag kang magaaral gumawa ng ayon sa mga karumaldumal ng mga bansang yaon.
10 Huwag makakasumpong sa iyo ng (BM)sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, (BN)o nanghuhula (BO)o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway,
11 (BP)O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o (BQ)sumasangguni sa mga patay.
12 Sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon: at (BR)dahil sa mga karumaldumal na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo.
13 Ikaw ay (BS)magpapakasakdal sa Panginoon mong Dios.
14 Sapagka't ang mga bansang ito, na iyong aariin, ay nakikinig sa kanila na nagmamasid ng mga pamahiin, at sa mga manghuhula: nguni't tungkol sa iyo, ay hindi pumayag ang Panginoon mong Dios na gawin mo.
Ang tunay na propeta.
15 Palilitawin sa iyo ng Panginoon mong Dios ang (BT)isang propeta sa gitna mo, sa iyong mga kapatid, na gaya ko; sa kaniya kayo makikinig;
16 Ayon sa lahat ng iyong ninasa (BU)sa Panginoon mong Dios sa Horeb, sa araw ng kapulungan, na sinasabi, (BV)Huwag mong iparinig uli sa akin ang tinig ng Panginoon kong Dios, ni ipakita pa sa akin itong dakilang apoy, upang huwag akong mamatay.
17 At sinabi ng Panginoon sa akin, (BW)Mabuti ang kanilang pagkasabi ng kanilang salitain.
18 Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; (BX)at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at (BY)kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya.
19 (BZ)At mangyayari, na sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang sasalitain sa aking pangalan, ay aking sisiyasatin yaon sa kaniya.
Ang bulaang propeta.
20 (CA)Nguni't ang propeta (CB)na magsasalita ng salitang may pagpapalalo sa aking pangalan, na hindi ko iniutos sa kaniyang salitain (CC)o magsasalita sa pangalan ng ibang mga dios, ay papatayin nga ang propetang yaon.
21 At kung iyong sasabihin sa iyong puso: Paanong malalaman namin ang salita na hindi sinalita ng Panginoon?
22 (CD)Pagka ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ng Panginoon, kung ang bagay na sinasabi (CE)ay hindi sumunod ni mangyari, ay hindi sinalita ng Panginoon ang bagay na yaon: ang propetang yaon ay nagsalita ng kahambugan, huwag mong katatakutan siya.
13 At paglabas niya sa templo, ay sinabi (A)sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, Guro, masdan mo, pagkaiinam ng mga bato, at pagkaiinam na mga gusali!
2 At sinabi ni Jesus sa kaniya, Nakikita mo baga ang malalaking gusaling ito? walang matitira ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato na di ibabagsak.
3 At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo sa tapat ng templo, ay tinanong siya ng lihim (B)ni Pedro at ni Santiago at ni Juan at ni Andres,
4 Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda pagka malapit ng maganap ang lahat ng mga bagay na ito?
5 At si Jesus ay nagpasimulang magsabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong paligaw kanino mang tao.
6 Maraming paririto sa aking pangalan, na magsisipagsabi, Ako ang Cristo; at maliligaw ang marami.
7 At kung mangakarinig kayo ng mga digma at ng mga alingawngaw ng mga digma, ay huwag kayong mangagulumihanan: ang mga bagay na ito'y dapat na mangyari: datapuwa't hindi pa ang wakas.
8 Sapagka't magtitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at lilindol sa iba't ibang dako; magkakagutom: ang mga bagay na ito'y pasimula ng kahirapan.
9 Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili: (C)sapagka't kayo'y ibibigay nila sa mga Sanedrin; at kayo'y hahampasin sa mga sinagoga; at kayo'y magsisitindig sa harap ng mga gobernador at ng mga hari dahil sa akin, na bilang patotoo sa kanila.
10 At (D)sa lahat ng mga bansa ay kinakailangan munang maipangaral ang evangelio.
11 At pagka kayo'y dinala sa harap ng mga kapulungan, at kayo'y ibigay, ay (E)huwag kayong mangabalisa kung ano ang inyong sasabihin: datapuwa't ang ipagkaloob sa inyo sa oras na yaon, ay siya ninyong sabihin; sapagka't hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu Santo.
12 At ibibigay ng kapatid sa kamatayan ang kapatid, at ng ama ang kaniyang anak; at magsisipaghimagsik ang mga anak laban sa mga magulang, at sila'y ipapapatay.
13 At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't (F)ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas.
14 Nguni't pagkakita ninyo (G)ng kasuklamsuklam na paninira, na nakatayo doon sa hindi dapat niyang kalagyan (unawain ng bumabasa), kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:
15 At ang nasa bubungan ay huwag bumaba, ni pumasok, upang maglabas ng anoman sa kaniyang bahay:
16 At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal.
17 Datapuwa't sa aba ng nangagdadalangtao at ng nangagpapasuso sa mga araw na yaon!
18 At magsipanalangin kayo na ito'y huwag mangyari sa panahong taginaw.
19 Sapagka't ang mga araw na yaon ay magiging kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng paglalang na nilikha ng Dios hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.
20 At malibang paikliin ng Panginoon ang mga araw, ay walang laman na makaliligtas; datapuwa't dahil sa mga hirang, na kaniyang hinirang, ay pinaikli niya ang mga araw.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978