Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Bilang 23-25

Ang unang hula ni Balaam.

23 At sinabi ni Balaam kay Balac, (A)Ipagtayo mo ako rito ng pitong dambana, at ipaghanda mo ako rito ng pitong toro at ng pitong tupang lalake.

At ginawa ni Balac gaya ng sinalita ni Balaam; at si Balac at si Balaam ay (B)naghandog sa bawa't dambana ng isang toro at ng isang tupang lalake.

At sinabi ni Balaam kay Balac, (C)Tumayo ka sa tabi ng iyong handog na susunugin, at ako'y yayaon; marahil ang Panginoon ay (D)paririto na sasalubungin ako: at anomang bagay na kaniyang ipakita sa akin ay aking sasaysayin sa iyo. At siya'y naparoon sa isang dakong mataas na walang tanim.

(E)At sinalubong ng Dios si Balaam: at sinabi niya sa kaniya, Aking inihanda ang pitong dambana, at aking inihandog ang isang toro at ang isang tupang lalake sa bawa't dambana.

(F)At nilagyan ng Panginoon ng salita ang bibig ni Balaam, at sinabi: Bumalik ka kay Balac, at ganito ang iyong sasalitain.

At siya'y bumalik sa kaniya, at, narito, siya'y nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, siya at ang lahat ng mga prinsipe sa Moab.

At (G)kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,

Mula sa Aram ay dinala ako rito ni Balac,
Niyang hari sa Moab, na mula sa mga bundok ng Silanganan:
(H)Parito ka, sumpain mo sa akin ang Jacob.
At parito ka, laitin mo ang Israel.
Paanong aking susumpain ang hindi sinumpa ng Dios?
At paanong aking lalaitin ang hindi nilait ng Panginoon?
Sapagka't mula sa taluktok ng mga bato ay aking nakikita siya,
At mula sa mga burol ay akin siyang natatanawan:
Narito, siya'y isang (I)bayang tatahang magisa,
At (J)hindi ibinibilang sa gitna ng mga bansa.
10 (K)Sinong makabibilang ng alabok ng Jacob,
O ng bilang ng ikaapat na bahagi ng Israel?
Mamatay nawa ako ng (L)kamatayan ng matuwid,
At ang aking wakas ay magiging gaya nawa ng kaniya!

11 At sinabi ni Balac kay Balaam, Anong ginawa mo sa akin? (M)Ipinagsama kita upang sumpain mo ang aking mga kaaway, at, narito, iyong pinagpala silang totoo.

12 At siya'y sumagot, at nagsabi, (N)Hindi ba nararapat na aking pagingatang salitain yaong isinasa bibig ko ng Panginoon?

Ang ikalawang hula ni Balaam.

13 At sinabi sa kaniya ni Balac, Isinasamo ko sa iyo, na sumama ka sa akin sa ibang dako, na iyong pagkakakitaan sa kanila; ang iyo lamang makikita ay ang kahulihulihang bahagi nila, at hindi mo makikita silang lahat: at sumpain mo sila sa akin mula roon.

14 At dinala niya siya sa parang ng Sophim, sa taluktok ng Pisga, at (O)nagtayo roon ng pitong dambana, at naghandog ng isang toro, at ng isang tupang lalake sa bawa't dambana.

15 At kaniyang sinabi kay Balac, Tumayo ka rito sa tabi ng iyong handog na susunugin, samantalang aking sinasalubong ang (P)Panginoon doon.

16 At sinalubong ng Panginoon si Balaam, at (Q)pinapagsalita siya ng salita sa kaniyang bibig, at sinabi, bumalik ka kay Balac, at ganito ang iyong sasalitain.

17 At siya'y naparoon sa kaniya, at, narito, siya'y nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, at ang mga prinsipe sa Moab na kasama niya. At sinabi sa kaniya ni Balac, Anong sinalita ng Panginoon?

18 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinghaga, at sinabi,

Tumindig ka, Balac, at iyong dinggin;
Makinig ka sa akin, ikaw anak ni Zippor:
19 (R)Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling,
Ni anak ng tao na magsisisi;
Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin?
O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?
20 Narito, ako'y tumanggap ng utos na magpala:
(S)At kaniyang pinagpala, at hindi ko na mababago.
21 Wala siyang nakitang kasamaan sa Jacob,
Ni wala siyang nakitang kasamaan sa Israel:
Ang Panginoon niyang Dios ay sumasa kaniya,
At (T)ang sigaw ng hari ay nasa gitna nila.
22 (U)Dios ang naglalabas sa kanila sa Egipto;
(V)Siya'y may lakas na gaya ng mabangis na (W)toro.
23 Tunay na walang enkanto laban sa Jacob,
(X)Ni panghuhula laban sa Israel:
Ngayo'y sasabihin tungkol sa Jacob at sa Israel,
(Y)Anong ginawa ng Dios!
24 Narito, ang bayan ay tumitindig na (Z)parang isang leong babae,
(AA)At parang isang leon na nagpakataas:
Siya'y hindi mahihiga hanggang sa makakain ng huli,
At makainom ng dugo ng napatay.

25 At sinabi ni Balac kay Balaam, Ni huwag mo silang pakasumpain ni pakapagpalain.

26 Nguni't si Balaam ay sumagot at nagsabi kay Balac, Di ba isinaysay ko sa iyo, na sinasabi, (AB)Yaong lahat na sinasalita ng Panginoon, ay siya kong nararapat gawin?

27 At sinabi ni Balac kay Balaam, Halika ngayon, (AC)ipagsasama kita sa ibang dako; marahil ay kalulugdan ng Dios na iyong sumpain sila sa akin mula roon.

28 At ipinagsama ni Balac si Balaam sa taluktok ng (AD)Peor, (AE)na nakatungo sa ilang.

29 At sinabi ni Balaam kay Balac, (AF)Ipagtayo mo ako rito ng pitong dambana, at ipaghanda mo ako rito ng pitong toro at ng pitong tupang lalake.

30 At ginawa ni Balac gaya ng sinabi ni Balaam, at naghandog ng isang toro at ng isang tupang lalake sa bawa't dambana.

Ang ikatlong hula ni Balaam.

24 At nang makita ni Balaam na kinalugdan ng Panginoon na pagpalain ang Israel, ay (AG)hindi naparoon na gaya ng una na kumita ng pamahiin, kundi kaniyang itinitig ang kaniyang mukha sa dakong ilang.

At itinaas ni Balaam ang kaniyang mga mata, at kaniyang (AH)nakita ang Israel na tumatahan ayon sa kanilang mga lipi; at (AI)ang Espiritu ng Dios ay sumakaniya.

At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,

Si Balaam na anak ni Beor ay nagsabi,
At ang lalaking napikit ang mga mata ay nagsabi;
Siya'y nagsabi na nakarinig ng mga salita ng Dios,
Na nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat,
Na nalulugmok at nakadilat ang kaniyang mga mata:
Pagka iinam ng iyong mga tolda, Oh Jacob,
Ang iyong mga tabernakulo, Oh Israel!
Gaya ng mga libis na nalalatag,
Gaya ng mga halamanan sa tabi ng ilog,
(AJ)Gaya ng linaloes na (AK)itinanim ng Panginoon,
Gaya ng mga puno ng sedro sa siping ng tubig.
Tubig ay aagos mula sa kaniyang pang-igib,
At ang kaniyang binhi ay matatatag sa maraming tubig,
At ang kaniyang hari ay tataas ng higit kay (AL)Agag,
At ang kaniyang kaharian ay mababantog.
(AM)Dios ang naglalabas sa kaniya sa Egipto;
May lakas na gaya ng mabangis na toro:
Kaniyang (AN)lalamunin ang mga bansa na kaniyang mga kaaway,
At kaniyang (AO)pagwawaraywarayin ang kanilang mga buto,
At (AP)palalagpasan sila ng kaniyang mga pana.
(AQ)Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon,
At parang isang leong babae; sinong gigising sa kaniya?
(AR)Pagpalain nawa yaong lahat na nagpapala sa iyo,
At sumpain yaong lahat na sumusumpa sa iyo.

Ang ikaapat na hula ni Balaam.

10 At ang galit ni Balac ay nagningas laban kay Balaam, at pinaghampas niya ang kaniyang mga kamay; at sinabi ni Balac kay Balaam, Tinawag kita (AS)upang iyong sumpain ang aking mga kaaway, at, narito, iyong binasbasan totoo sila nitong makaitlo.

11 Ngayon nga ay tumakas ka sa iyong sariling dako: aking (AT)inisip na itaas kita sa dakilang karangalan; nguni't, narito, pinigil ka ng Panginoon sa karangalan.

12 At sinabi ni Balaam kay Balac, Di ba sinalita ko rin sa iyong mga sugo na iyong sinugo sa akin, na sinasabi,

13 Kahit (AU)ibigay sa akin ni Balac ang kaniyang bahay na puno ng pilak at ginto, ay hindi ko masasalangsang ang salita ng Panginoon, na gumawa ako ng mabuti o masama sa aking sariling (AV)akala; kung ano nga ang salitain ng Panginoon, ay siya kong sasalitain?

14 At ngayon, narito, ako'y paroroon sa aking bayan: parito ka nga, at aking ipahahayag sa (AW)iyo ang gagawin ng bayang ito sa iyong bayan (AX)sa mga huling araw.

15 At kaniyang (AY)ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,

Nagsabi si Balaam na anak ni Beor,
At ang lalaking napikit ang mga mata ay nagsabi;
16 Siya'y nagsabi, na nakarinig ng mga salita ng Dios,
At nakaalam ng karunungan ng Kataastaasan,
Na siyang nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat,
Na nalulugmok at nakadilat ang kaniyang mga mata:
17 (AZ)Aking makikita siya, nguni't hindi ngayon;
Aking mapagmamasdan siya, nguni't hindi sa malapit:
(BA)Lalabas ang isang bituin sa Jacob,
At may isang (BB)setro na lilitaw sa Israel,
At sasaktan ang mga (BC)sulok ng Moab,
At lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan.
18 At (BD)ang Edom ay magiging pag-aari niya.
Ang (BE)Seir man ay magiging pag-aari niya, na siyang dating kaniyang mga kaaway;
Samantalang ang Israel ay magpapakatapang.
19 At mula sa Jacob ay magkakaroon ng isang may kapangyarihan,
At gigibain niya sa bayan ang nalalabi.

20 At kaniyang minasdan ang Amalec, at ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,

Ang Amalec ay siyang dating panguna sa mga bansa;
Nguni't ang kaniyang huling wakas ay (BF)mapupuksa.

21 At kaniyang minasdan ang (BG)Cineo, at ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,

Matibay ang iyong dakong tahanan,
At ang iyong pugad ay nalalapag sa malaking bato.
22 Gayon ma'y mawawasak ang Cain,
Hanggang sa ikaw ay madalang bihag ng Assur.

23 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,

Ay! sinong mabubuhay pagka ginawa ng Dios ito?

24 Datapuwa't ang mga sasakyan ay manggagaling sa baybayin ng (BH)Cittim.

At kanilang pagdadalamhatiin ang Assur, at kanilang pagdadalamhatiin ang (BI)Eber,
At siya man ay mapupuksa.

25 At si Balaam ay tumindig, at yumaon at (BJ)bumalik sa kaniyang sariling dako: at si Balac naman ay yumaon ng kaniyang lakad.

Ang kasalanan ng Baal-peor at ang katapatan ni Phinees.

25 At ang Israel ay tumahan sa (BK)Sittim, at (BL)ang bayan ay nagpasimulang magkasala ng pakikiapid sa mga anak na babae ng Moab:

Sapagka't kanilang (BM)tinawag ang bayan sa mga (BN)hain sa kanilang mga dios; at ang bayan ay kumain at yumukod sa kanilang mga dios.

At ang Israel ay nakilakip sa diosdiosang (BO)Baal-peor; at ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa Israel.

At sinabi ng Panginoon kay Moises, (BP)Ipagsama mo ang lahat ng pangulo sa bayan at bitayin mo sila sa Panginoon sa harap ng araw, upang ang maningas na (BQ)galit ng Panginoon ay mapawi sa Israel.

At sinabi ni Moises sa mga (BR)hukom sa Israel, (BS)Patayin ng bawa't isa sa inyo yaong mga nakilakip sa diosdiosang Baal-peor.

At, narito, isa sa mga anak ni Israel ay naparoon at nagdala sa kaniyang mga kapatid ng isang babaing Madianita sa paningin ni Moises, at sa paningin ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel, samantalang sila'y (BT)umiiyak sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

At nang makita ni (BU)Phinees, na anak ni (BV)Eleazar, na anak ni Aaron na saserdote, ay tumindig siya sa gitna ng kapisanan, at humawak ng isang sibat sa kaniyang kamay;

At siya'y naparoon sa likod ng lalaking Israelita sa loob ng tolda, at kapuwa niya sinaksak, ang lalaking Israelita at ang babae sa kaniyang tiyan. Sa gayon ang salot ay (BW)natigil sa mga anak ni Israel.

At yaong (BX)nangamatay sa salot ay dalawang pu't apat na libo.

10 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

11 (BY)Pinawi ni Phinees na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron na saserdote, ang aking galit sa mga anak ni Israel, sa paraang siya'y (BZ)nagsikap dahil sa aking pagsisikap sa kanila, na anopa't hindi ko nilipol ang mga anak ni Israel sa aking (CA)sikap.

12 Kaya't sabihin mo, (CB)Narito, ako'y nakikipagtipan sa kaniya tungkol sa kapayapaan:

13 At magiging kaniya, at sa kaniyang (CC)binhi pagkamatay niya, ang tipan ng (CD)pagkasaserdoteng walang hanggan; sapagka't siya'y nagsikap sa kaniyang Dios, at tumubos sa mga anak ni Israel.

14 Ang pangalan nga ng lalaking Israelita na napatay, na pinatay na kalakip ng babaing Madianita ay Zimri na anak ni Salu, na prinsipe sa isang sangbahayan ng mga magulang sa mga Simeonita.

15 At ang pangalan ng babaing Madianita na napatay ay Cozbi, na anak ni (CE)Zur; siya'y prinsipe sa bayan ng isang sangbahayan ng mga magulang sa Madian.

16 (CF)At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

17 Bagabagin ninyo ang mga Madianita, at inyong saktan sila:

18 Sapagka't kanilang binagabag kayo ng kanilang mga (CG)lalang na kanilang ipinangdaya sa inyo sa bagay ng (CH)Peor, at sa bagay ni Cozbi, na anak na babae ng prinsipe sa Madian, na kanilang kapatid na namatay nang kaarawan ng salot dahil sa Peor.

Marcos 7:14-37

14 At muling pinalapit niya sa kaniya ang karamihan, at sinabi sa kanila, Pakinggan ninyong lahat ako, at inyong unawain:

15 Walang anomang nasa labas ng katawan ng tao, na pagpasok sa kaniya ay makakahawa sa kaniya; datapuwa't ang mga bagay na nagsisilabas sa tao yaon ang nangakakahawa sa[a]tao.

17 At (A)nang pumasok siya sa bahay na mula sa karamihan, ay itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad ang talinghaga.

18 At sinabi niya sa kanila, Kayo baga naman ay wala ring pagiisip? Hindi pa baga ninyo nalalaman, na anomang nasa labas na pumapasok sa tao, ay hindi nakakahawa sa kaniya;

19 Sapagka't hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito'y nililinis niya ang lahat ng pagkain.

20 At sinabi niya, Ang lumalabas sa tao, yaon ang nakakahawa sa tao.

21 Sapagka't mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao, ang mga pangangalunya,

22 Ang mga kasakiman, ang mga kasamaan, ang pagdaraya, ang kalibugan, ang matang masama, ang kapusungan, ang kapalaluan, ang kamangmangan:

23 Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipanggaling, at nangakakahawa sa tao.

24 At nagtindig siya doon, at napasa mga hangganan ng Tiro at ng Sidon. At pumasok siya sa isang bahay, at ibig niya na sinomang tao'y huwag sanang makaalam; at hindi siya nakapagtago.

25 Nguni't ang isang babae na ang kaniyang munting anak na babae ay may isang karumaldumal na espiritu, pagdaka'y nang mabalitaan siya, ay lumapit at nagpatirapa sa kaniyang paanan.

26 Ang babae nga ay isang (B)Griega, isang (C)Sirofenisa, ayon sa lahi. At ipinamamanhik niya sa kaniya na palabasin sa kaniyang anak ang demonio.

27 At sinabi niya sa kaniya, Pabayaan mo munang mangabusog ang mga anak: sapagka't hindi marapat na kunin ang tinapay ng mga anak at itapon sa mga aso.

28 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi sa kaniya, Oo, Panginoon; kahit ang mga aso sa ilalim ng dulang ay nagsisikain ng mga mumo ng mga anak.

29 At sinabi niya sa kaniya, Dahil sa sabing ito humayo ka; nakaalis na ang demonio sa iyong anak.

30 At umuwi siya sa kaniyang bahay, at naratnan ang anak na nakahiga sa higaan, at nakaalis na ang demonio.

31 At siya'y muling umalis sa (D)mga hangganan ng Tiro, at napasa Sidon hanggang sa dagat ng Galilea, na kaniyang tinahak ang mga hangganan ng (E)Decapolis.

32 At dinala nila sa kaniya ang isang bingi at utal; at ipinamanhik nila sa kaniya na kaniyang ipatong ang kaniyang kamay sa kaniya.

33 At siya'y (F)inihiwalay niya ng bukod sa karamihan, at isinuot ang kaniyang mga daliri sa mga tainga niya, at siya'y (G)lumura, at hinipo ang kaniyang dila;

34 At (H)pagkatingala sa langit, ay siya'y (I)nagbuntong-hininga, at sinabi sa kaniya, (J)Ephatha, sa makatuwid baga'y, Mabuksan.

35 At nangabuksan ang kaniyang mga pakinig, at nakalag ang tali ng kaniyang dila, at siya'y nakapagsalitang malinaw.

36 At (K)ipinagbilin niya sa kanila na kanino mang tao ay huwag nilang sabihin: (L)nguni't kung kailan lalong ipinagbabawal niya sa kanila, ay lalo namang kanilang ibinabantog.

37 At sila'y nangagtataka (M)ng di kawasa, na nangagsasabi, Mabuti ang pagkagawa niya sa lahat ng mga bagay; kaniyang binibigyang pakinig pati ng mga bingi, at pinapagsasalita ang mga pipi.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978