Old/New Testament
Si Ruben, Gad, at ang kalahati ng lipi ni Manases ay nanirahan sa Galaad.
32 Ang mga anak nga ni Ruben, at ang mga anak ni Gad ay mayroong napakaraming hayop: at nang kanilang makita ang lupain ng (A)Jazer, at ang lupain ng Galaad, na, narito, ang dako ay minagaling nilang dako sa hayop,
2 Ay lumapit at nagsalita ang mga anak ni Gad at ang mga anak ni Ruben kay Moises, at kay Eleazar na saserdote, at sa mga prinsipe ng kapisanan na sinasabi,
3 Ang Ataroth, at ang Dibon, at ang Jazer, at ang Nimra, at ang Hesbon, at ang Eleale, at ang Saban, at ang (B)Nebo, at ang Beon,
4 Na lupaing sinaktan ng Panginoon sa harap ng kapisanan ng Israel, ay lupaing mabuti sa hayop, at ang iyong mga lingkod ay may mga hayop.
5 At sinabi nila, Kung kami ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ay ibigay mong pinakaari ang lupaing ito sa iyong mga lingkod; at huwag mo kaming paraanin sa Jordan.
6 At sinabi ni Moises sa mga anak ni Gad, at sa mga anak ni Ruben, Paroroon ba ang inyong mga kapatid sa pakikipagbaka, at kayo'y mauupo rito?
7 At bakit pinapanghihina ninyo ang loob ng mga anak ni Israel, na huwag magpatuloy sa lupain na ibinigay ng Panginoon sa kanila?
8 Ganyan ang ginawa ng inyong mga magulang (C)nang sila'y aking suguin, mula sa Cades-barnea (D)upang tiktikan ang lupain.
9 (E)Sapagka't nang sila'y makasampa sa libis ng Eskol at matiktikan ang lupain, ay kanilang pinapanghina ang loob ng mga anak ni Israel upang huwag pumasok sa lupain na ibinigay ng Panginoon sa kanila.
10 (F)At ang galit ng Panginoon ay nagningas nang araw na yaon, at siya'y sumumpa na sinasabi,
11 Tunay na walang taong lumabas sa Egipto, (G)mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ay makakakita ng lupain na aking isinumpa kay (H)Abraham, kay Isaac, at kay Jacob; (I)sapagka't sila'y hindi lubos na sumunod sa akin:
12 Liban si Caleb na anak ni Jephone na (J)Cenezeo, at si Josue na anak ni Nun: (K)sapagka't sila'y sumunod na lubos sa Panginoon.
13 At ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa Israel, (L)at kaniyang pinagala sila sa ilang, na apat na pung taon hanggang sa ang buong lahing yaon na (M)gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ay nalipol.
14 At, narito, kayo'y nagsipagtindig na kahalili ng inyong mga magulang, supling ng mga taong makasalanan, upang dagdagan pa ninyo ang mabangis na galit ng Panginoon sa Israel.
15 (N)Sapagka't kung kayo'y lumihis ng pagsunod sa kaniya ay kaniyang iiwang muli sila sa ilang; at inyong lilipulin ang buong bayang ito.
16 At sila'y nagsilapit sa kaniya, at nagsabi, Gagawa kami rito ng mga kulungan sa aming mga hayop, at ng mga bayan sa aming mga bata:
17 Nguni't (O)kami ay magsisipagalmas upang magpauna sa mga anak ni Israel hanggang sa aming maipasok sa kanilang dakong karoroonan: at ang aming mga bata ay magsisitahan sa mga bayang nakukutaan dahil sa mga nagsisitahan sa lupain.
18 (P)Kami ay hindi magsisibalik sa aming mga bahay, hanggang sa ang mga anak ni Israel ay magari bawa't isa ng kaniyang sariling pagaari.
19 Sapagka't hindi kami makikimana sa kanila sa kabilang ibayo ng Jordan, at sa dako pa roon; (Q)sapagka't tinaglay na namin ang aming mana rito sa dakong silanganan ng Jordan.
20 (R)At sinabi ni Moises sa kanila, Kung gagawin ninyo ang bagay na ito; kung kayo'y magsisipagalmas upang pumaroon sa harap ng Panginoon sa pakikipagbaka,
21 At bawa't may almas sa inyo ay daraan sa Jordan sa harap ng Panginoon, hanggang sa kaniyang mapalayas ang kaniyang mga kaaway sa harap niya.
22 At ang lupain ay mapasuko sa harap ng Panginoon: ay makababalik nga kayo pagkatapos, at hindi kayo magiging salarin sa Panginoon, at sa Israel; at ang lupaing ito ay magiging inyong pagaari sa harap ng Panginoon.
23 Nguni't kung hindi ninyo gagawing ganito ay, narito, kayo'y nagkasala laban sa Panginoon: at (S)talastasin ninyo na aabutin kayo ng inyong kasalanan.
24 (T)Igawa ninyo ng mga siyudad ang inyong mga bata, at ng mga kulungan ang inyong mga tupa; at isagawa ninyo ang nabuka sa inyong bibig.
25 At sinalita ng mga anak ni Gad at ng mga anak ni Ruben kay Moises, na sinasabi, Isasagawa ng iyong mga lingkod ang gaya ng iniutos ng aking panginoon.
26 Ang aming mga bata, ang aming mga asawa, ang aming kawan at ang aming buong bakahan ay matitira riyan sa mga bayan ng Galaad:
27 Nguni't ang iyong mga lingkod ay magsisitawid, bawa't lalake na may almas sa pakikipagbaka, sa harap ng Panginoon upang makipagbaka, gaya ng sinabi ng aking panginoon.
28 Sa gayo'y ipinagbilin sila ni Moises kay Eleazar na saserdote, at kay (U)Josue na anak ni Nun, at sa mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel.
29 At sinabi sa kanila ni Moises, Kung ang mga anak ni Gad at ang mga anak ni Ruben ay magsisitawid na kasama ninyo sa Jordan, ang lahat ng lalake na may almas sa pakikipagbaka, sa harap ng Panginoon, at kung ang lupain ay mapasuko sa harap ninyo: ay ibibigay nga ninyo sa kanila na pinakaari ang lupain ng Galaad.
30 Nguni't kung sila'y hindi tatawid na kasama ninyo na may almas, ay magkakaroon sila ng pagaari na kasama ninyo sa lupain ng Canaan.
31 At ang mga anak ni Gad at ang mga anak ni Ruben ay nagsisagot, na nangagsasabi, Kung paano ang sinabi ng Panginoon sa iyong mga lingkod ay gayon ang gagawin namin,
32 Kami ay tatawid na may almas sa harap ng Panginoon sa lupain ng Canaan, at ang magiging pagaari naming mana ay sa dakong ito ng Jordan.
33 At ibinigay ni Moises sa (V)kanila, sa mga anak ni Gad, at sa mga anak ni Ruben, at sa kalahati ng lipi ni Manases na anak ni Jose, ang (W)kaharian ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, at ang kaharian ni Og na hari sa Basan, ang lupain ayon sa mga bayan niyaon, sa loob ng mga hangganan niyaon, sa makatuwid baga'y ang mga bayan sa palibot ng lupain.
34 At itinayo ng mga anak ni Gad ang Dibon, at ang Ataroth, at ang Aroer,
35 At ang Ataroth-sophan, at ang Jazer, at ang Jogbaa,
36 At ang Beth-nimra at ang Bet-haran: (X)na mga bayang nakukutaan, at kulungan din naman ng mga tupa.
37 At itinayo naman ng mga anak ni Ruben ang (Y)Hesbon, at ang Eleale, at ang Ciriathaim,
38 At ang Nebo, at ang Baal-meon, ((Z)na ang pangalan ng mga yaon ay binago,) at ang Sibma: at nilagyan ng ibang mga pangalan ang mga bayan na kanilang itinayo.
39 At ang mga anak ni (AA)Machir na anak ni Manases ay nagsiparoon sa Galaad, at kanilang sinakop, at pinalayas ang mga Amorrheo na nandoon.
40 At ibinigay ni (AB)Moises ang Galaad kay Machir na anak ni Manases; at kaniyang tinahanan.
41 At si (AC)Jair na anak ni Manases ay naparoon at sinakop ang mga bayan niyaon at tinawag na (AD)Havoth-jair.
42 At si Noba ay naparoon at sinakop ang Kenath, at ang mga nayon niyaon, at tinawag na Noba, ayon sa kaniyang sariling pangalan.
Ang Tala ng paglalakbay ng Israel.
33 Ito ang mga paglalakbay[a] ng mga anak ni Israel, nang sila'y magsilabas sa lupain ng Egipto, ayon sa kanilang mga hukbo sa ilalim ng kapangyarihan ni Moises at ni Aaron.
2 At isinulat ni Moises ang kanilang mga pagyao ayon sa kanilang mga paglalakbay alinsunod sa utos ng Panginoon: at ito ang kanilang mga paglalakbay ayon sa kanilang mga pagyao.
3 (AE)At sila'y nagsipaglakbay mula sa Rameses nang (AF)unang buwan, nang ikalabing limang araw ng unang buwan; nang kinabukasan pagkatapos ng paskua ay nagsialis ang mga anak ni Israel na (AG)may kamay na nakataas sa paningin ng lahat ng mga taga Egipto,
4 Samantalang inililibing ng mga taga Egipto ang lahat ng kanilang panganay, (AH)na nilipol ng Panginoon sa gitna nila: na pati ng kanilang mga dios ay hinatulan ng Panginoon.
5 (AI)At ang mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa Rameses at humantong sa Succoth.
6 At (AJ)sila'y naglakbay mula sa Succoth at humantong sa Etham na nasa gilid ng ilang.
7 (AK)At sila'y naglakbay mula sa Etham, at lumiko sa Pi-hahiroth, na nasa tapat ng Baal-sephon: at humantong sa tapat ng Migdol.
8 At sila'y naglakbay mula sa tapat ng Hahiroth, at (AL)nagsipagdaan sa gitna ng dagat hanggang sa ilang: at sila'y naglakbay na tatlong araw sa ilang ng Etham at humantong sa Mara.
9 At sila'y naglakbay mula sa Mara, at dumating sa (AM)Elim: at sa Elim ay may labing dalawang bukal ng tubig at pitong pung puno ng palma; at sila'y humantong doon.
10 At sila'y naglakbay mula sa Elim, at humantong sa tabi ng Dagat na Mapula.
11 At sila'y naglakbay mula sa Dagat na Mapula, at humantong sa (AN)ilang ng Zin.
12 At sila'y naglakbay mula sa ilang ng Zin, at humantong sa Dophca.
13 At sila'y naglakbay mula sa Dophca, at humantong sa Alus.
14 At sila'y naglakbay mula sa Alus, at humantong sa (AO)Rephidim, na doon, nga walang tubig na mainom ang bayan.
15 At sila'y naglakbay mula sa Rephidim, at humantong sa (AP)ilang ng Sinai.
16 At sila'y naglakbay mula sa ilang ng Sinai, at humantong sa (AQ)Kibroth-hataava.
17 At sila'y naglakbay mula sa Kibroth-hataava, at humantong sa (AR)Haseroth.
18 At sila'y naglakbay mula sa Haseroth, at humantong sa (AS)Ritma.
19 At sila'y naglakbay mula sa Ritma, at humantong sa Rimmonperes.
20 At sila'y naglakbay mula sa Rimmon-peres, at humantong sa Libna.
21 At sila'y naglakbay mula sa Libna, at humantong sa Rissa.
22 At sila'y naglakbay mula sa Rissa, at humantong sa Ceelatha.
23 At sila'y naglakbay mula sa Ceelatha at humantong sa bundok ng Sepher.
24 At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Sepher, at humantong sa Harada.
25 At sila'y naglakbay mula sa Harada, at humantong sa Maceloth.
26 At sila'y naglakbay mula sa Maceloth, at humantong sa Tahath.
27 At sila'y naglakbay mula sa Tahath at humantong sa Tara.
28 At sila'y naglakbay mula sa Tara, at humantong sa Mithca.
29 At sila'y naglakbay mula sa Mithca, at humantong sa Hasmona.
30 At sila'y naglakbay mula sa Hasmona, at humantong sa (AT)Moseroth.
31 At sila'y naglakbay mula sa Moseroth, at humantong sa Benejaacan.
32 At sila'y naglakbay mula sa Bene-jaacan, at humantong (AU)sa Horhagidgad.
33 At sila'y naglakbay mula sa Horhagidgad at humantong sa Jotbatha.
34 At sila'y naglakbay mula sa Jotbatha, at humantong sa Abrona.
35 At sila'y naglakbay mula sa Abrona, at humantong sa (AV)Esion-geber.
36 At sila'y naglakbay mula sa Esion-geber, at humantong sa (AW)ilang ng Zin (na siya ring Cades).
37 At sila'y naglakbay mula sa (AX)Cades, at humantong sa bundok ng Hor, sa gilid ng lupain ng Edom.
Pagkamatay ni Aaron.
38 At si Aaron na saserdote ay (AY)sumampa sa bundok ng Hor sa utos ng Panginoon, at namatay roon, sa ikaapat na pung taon, pagkaalis ng mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto, sa ikalimang buwan, nang unang araw ng buwan.
39 At si Aaron ay may (AZ)isang daan at dalawang pu't tatlong taon nang siya'y mamatay sa bundok ng Hor.
40 (BA)At ang Cananeo na hari sa Arad, na tumatahan sa Timugan, sa lupain ng Canaan, ay nakarinig ng pagdating ng mga anak ni Israel.
41 At sila'y naglakbay mula sa bundok ng (BB)Hor, at humantong sa Salmona.
42 At sila'y naglakbay mula sa Salmona, at humantong sa Phunon.
43 At sila'y (BC)naglakbay mula sa Phunon, at humantong sa (BD)Oboth.
44 At sila'y naglakbay mula sa Oboth, at humantong sa Igeabarim, sa hangganan ng Moab.
45 At sila'y naglakbay mula sa Igeabarim, at humantong sa (BE)Dibon-gad.
46 At sila'y naglakbay mula sa Dibongad, at humantong sa Almondiblathaim.
47 At sila'y naglakbay mula sa Almon-diblathaim, at (BF)humantong sa mga bundok ng Abarim, sa harap ng Nebo.
48 At sila'y naglakbay mula sa mga bundok ng Abarim, at (BG)humantong sa mga kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico.
49 At sila'y humantong sa tabi ng Jordan, mula sa Beth-jesimoth hanggang sa Abel-sitim, (BH)sa mga kapatagan ng Moab.
50 At sinalita ng Panginoon kay Moises sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico, na sinasabi,
51 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, (BI)Pagtawid ninyo sa Jordan sa lupain ng Canaan,
52 Ay inyo ngang (BJ)palalayasin ang (BK)lahat ng nananahan sa lupain sa harap ninyo, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga batong tinapyasan, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga larawang binubo, at inyong gigibain ang lahat ng kanilang mga mataas na dako:
53 At inyong ariin ang lupain, at tatahan kayo roon: sapagka't sa inyo ibinigay ko ang lupain upang ariin.
54 (BL)At inyong aariin ang lupain sa sapalaran ayon sa inyong mga angkan; sa marami ay magbibigay kayo ng maraming mana, at sa kaunti ay magbibigay kayo ng kaunting mana: kung kanino mahulog ang palad sa bawa't isa, ay yaon ang magiging kaniya; ayon sa mga lipi ng inyong mga magulang ay inyong mamanahin.
55 Nguni't kung hindi ninyo palalayasin ang mga nananahanan sa lupain sa harap ninyo; ay magiging parang mga (BM)tibo nga sa inyong mga mata, at parang mga tinik sa inyong mga tagiliran ang mga ititira ninyo sa kanila, at kanilang babagabagin kayo sa lupain na inyong tinatahanan.
56 At mangyayari, na kung ano ang iniisip kong gawin sa kanila, ay gayon ang gagawin ko sa inyo.
Bilin sa pakikidigma at sa pagbabahagi ng Canaan.
34 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Iutos mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagpasok ninyo sa (BN)lupain ng Canaan, (na ito ang lupaing mahuhulog sa inyo na pinakamana, ang lupain ng Canaan ayon sa mga hangganan niyaon),
3 (BO)At inyong hahantungan ang dakong timugan mula sa ilang ng Zin hanggang sa gilid ng Edom, at ang inyong hangganang timugan ay magiging mula sa dulo ng (BP)Dagat na Alat sa dakong silanganan:
4 At ang inyong hangganan ay paliko sa dakong timugan sa (BQ)sampahan ng Acrabbim, at patuloy hanggang sa Zin: at ang mga labasan niyaon ay magiging sa dakong timugan ng (BR)Cades-barnea; at mula rito ay pasampa sa (BS)Hasar-addar, at patuloy sa Asmon:
5 At ang hangganan ay paliko mula sa Asmon (BT)hanggang sa batis ng Egipto, at ang magiging mga labasan niyaon ay sa dagat.
6 At ang magiging inyong hangganang kalunuran ay ang malaking dagat at ang baybayin niyaon: ito ang magiging inyong hangganang kalunuran.
7 At ito ang magiging inyong hangganang hilagaan mula sa malaking dagat ay inyong gagawing palatandaan ang bundok ng (BU)Hor:
8 Mula sa bundok ng Hor ay inyong gagawing palatandaan ang (BV)pasukan ng Hamath; at ang magiging mga labasan ng hangganan ay sa (BW)Sedad;
9 At ang magiging hangganan ay palabas sa Ziphron, at ang magiging mga labasan niyaon, ay ang (BX)Hasar-enan: ito ang magiging inyong hangganang hilagaan.
10 At inyong gagawing palatandaan ang inyong hangganang silanganan mula sa Hasar-enan hanggang Sepham:
11 At ang hangganan ay pababa mula sa Sepham hanggang sa (BY)Ribla, sa dakong silanganan ng Ain; at ang hangganan ay pababa at abot hanggang sa gilid ng dagat ng (BZ)Cinnereth sa dakong silanganan:
12 At ang hangganan ay pababa sa Jordan, at ang magiging mga labasan niyaon ay abot sa (CA)Dagat na Alat: ito ang magiging inyong lupain, ayon sa mga hangganan niyaon sa palibot.
13 At iniutos ni Moises sa mga anak ni Israel, na sinasabi, (CB)Ito ang lupain na inyong mamanahin sa pamamagitan ng sapalaran, na iniutos ng Panginoon na ibigay sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi;
14 (CC)Sapagka't ang lipi ng mga anak ni Ruben ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at ang lipi ng mga anak ni Gad ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ay nagsitanggap na, at gayon din naman ang kalahating lipi ni Manases ay nagsitanggap na ng kanilang mana:
15 Ang dalawang lipi na ito, at ang kalahating lipi ay nagsitanggap na ng kanilang mana sa dako roon ng Jordan sa dakong silanganan ng Jerico, sa dakong sinisikatan ng araw.
16 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
17 Ito ang mga pangalan ng mga lalake na magbabahagi ng lupain sa inyo na pinakamana: si (CD)Eleazar na saserdote, at si Josue na anak ni Nun.
18 (CE)At maglalagay kayo ng isang prinsipe sa bawa't lipi, upang magbahagi ng lupain na pinakamana.
19 At ito ang mga pangalan ng mga lalake: sa lipi ni Juda, ay si Caleb na anak ni Jephone.
20 At sa lipi ng mga anak ni Simeon, ay si Samuel na anak ni Ammiud.
21 Sa lipi ni Benjamin, ay si Elidad na anak ni Chislon.
22 At sa lipi ng mga anak ni Dan, ay ang prinsipe Bucci na anak ni Jogli.
23 Sa mga anak ni Jose: sa lipi ng mga anak ni Manases, ay ang prinsipe Haniel na anak ni Ephod:
24 At sa lipi ng mga anak ni Ephraim, ay ang prinsipe Chemuel na anak ni Siphtan.
25 At sa lipi ng mga anak ni Zabulon, ay ang prinsipe Elisaphan na anak ni Pharnach.
26 At sa lipi ng mga anak ni Issachar, ay ang prinsipe Paltiel na anak ni Azan.
27 At sa lipi ng mga anak ni Aser, ay ang prinsipe Ahiud na anak ni Selomi.
28 At sa lipi ng mga anak ni Nephtali, ay ang prinsipe Pedael na anak ni Ammiud.
29 Ito yaong mga inutusan ng Panginoon na bumahagi ng mana sa mga anak ni Israel sa lupain ng Canaan.
30 At nagsialis sila roon, at (A)nangagdaan sa Galilea; at ayaw siyang sinomang tao'y makaalam niyaon.
31 Sapagka't tinuruan niya ang kaniyang mga alagad, at sa kanila'y sinabi, Ibibigay ang Anak ng tao sa mga kamay ng mga tao, at siya'y papatayin nila; at pagkapatay sa kaniya, ay siyang magbabangong muli pagkaraan ng ikatlong araw.
32 Nguni't hindi nila naunawa ang sabing ito, at nangatakot silang magsipagtanong sa kaniya.
33 (B)At sila'y nagsidating sa Capernaum: at nang siya'y nasa bahay na ay tinanong niya sila, Ano ang pinagkakatuwiranan ninyo sa daan?
34 Datapuwa't hindi sila nagsiimik: sapagka't sila-sila (C)ay nangagtalo sa daan, kung sino ang pinakadakila.
35 At siya'y naupo, at tinawag ang labingdalawa; at sa kanila'y sinabi niya, (D)Kung sinoman ang ibig na maging una, ay siyang mahuhuli sa lahat, at lingkod ng lahat.
36 At (E)kinuha niya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila: at siya'y kaniyang kinalong, na sa kanila'y sinabi niya,
37 Ang sinomang tumanggap sa isa sa mga ganitong maliliit na bata sa aking pangalan, ay ako ang tinatanggap: at ang (F)sinomang tumanggap sa akin, ay hindi ako ang tinatanggap, kundi yaong sa aki'y nagsugo.
38 (G)Sinabi sa kaniya ni Juan, Guro, nakita namin ang isa na sa pangalan mo'y nagpapalabas ng mga demonio; at pinagbawalan namin siya, sapagka't hindi sumusunod sa atin.
39 Datapuwa't sinabi ni Jesus, Huwag ninyong pagbawalan siya: sapagka't walang taong gumagawa ng makapangyarihang gawa sa pangalan ko, na pagdaka'y makapagsasalita ng masama tungkol sa akin.
40 Sapagka't (H)ang hindi laban sa atin ay sumasa atin.
41 (I)Sapagka't ang sinomang magpainom sa inyo ng isang sarong tubig, dahil sa kayo'y kay Cristo, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na hindi mawawala sa anomang paraan ang ganti sa kaniya.
42 At ang (J)sinomang magbigay ng ikatitisod sa maliliit na ito na sumasampalataya sa akin, ay mabuti pa sa kaniya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang malaking gilingang bato, at siya'y ibulid sa dagat.
43 At (K)kung ang kamay mo ay makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw, kay sa may dalawang kamay kang mapasa impierno, sa apoy na hindi mapapatay.[a](L)
45 At (M)kung ang paa mo'y makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok kang pilay sa buhay kay sa may dalawang paa kang mabulid sa impierno.[b]
47 (N)At kung ang mata mo'y makapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa kaharian ng Dios na may isang mata, kay sa may dalawang mata kang mabulid sa impierno;
48 Na doo'y hindi namamatay (O)ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy.
49 Sapagka't bawa't isa'y aasnan sa pamamagitan ng (P)apoy.
50 Mabuti ang asin: (Q)datapuwa't kung tumabang ang asin, ay ano ang inyong ipagpapaalat? (R)Taglayin ninyo sa inyong sarili ang asin, at kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa isa't isa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978