Old/New Testament
Ang Gabaon ay sinalakay ng limang kaharian.
10 Nangyari nga, nang mabalitaan ni Adoni-sedec na hari sa Jerusalem na kung paanong nasakop ni Josue ang Hari at nagibang lubos (na kung paanong kaniyang ginawa (A)sa Jerico at sa hari niyaon, gayon ang kaniyang ginawa sa (B)Hai at sa hari niyaon), at kung paanong nakipagpayapaan sa kanila ang mga (C)taga Gabaon, at nangasa gitna nila;
2 Ay (D)natakot silang mainam, sapagka't ang Gabaon ay malaking bayan na gaya ng isa sa mga bayan ng hari, at sapagka't lalong malaki kay sa Hai, at ang lahat na lalake roon ay mga makapangyarihan.
3 Kaya't si Adoni-sedec na hari sa Jerusalem ay nagsugo kay Oham na hari sa (E)Hebron, at kay Phiream na hari sa Jarmuth, at kay Japhia, na hari sa (F)Lachis, at kay Debir na hari sa Eglon na ipinasasabi,
4 Sampahin ninyo ako at inyong tulungan ako, at saktan natin ang Gabaon: sapagka't nakipagpayapaan kay Josue at sa mga anak ni Israel.
5 Kaya't ang limang hari ng mga Amorrheo, ang hari sa Jerusalem, ang hari sa Hebron, ang hari sa Jarmuth, ang hari sa Lachis, ang hari sa Eglon, ay nagpipisan at sumampa, sila at ang lahat nilang hukbo, at humantong laban sa Gabaon, at nakipagdigma laban doon.
6 At ang mga tao sa Gabaon ay nagsugo kay Josue (G)sa kampamento sa Gilgal, na sinasabi, Huwag mong papanlambutin ang iyong kamay sa iyong mga lingkod; sampahin mo kaming madali, at iligtas mo kami, at tulungan mo kami: sapagka't ang lahat ng mga hari ng mga Amorrheo na nangananahan sa lupaing maburol ay nagpipisan laban sa amin.
7 Sa gayo'y sumampa si Josue mula sa Gilgal, siya at ang buong bayang pangdigma na kasama niya, at ang lahat ng mga makapangyarihang lalake na matatapang.
8 At sinabi ng Panginoon kay Josue, (H)Huwag mo silang katakutan: sapagka't aking ibinigay sila sa iyong mga kamay; (I)walang lalake roon sa kanila na tatayo sa harap mo.
9 Si Josue nga ay naparoong bigla sa kanila; siya'y sumampa mula sa Gilgal buong gabi.
10 At (J)nilito sila ng Panginoon sa harap ng Israel, at kaniyang pinatay sila ng malaking pagpatay sa Gabaon, at hinabol niya sila sa daan na sampahan sa (K)Beth-horon, at sinaktan niya sila hanggang sa (L)Azeca, at sa (M)Maceda.
11 At nangyari, na habang tumatakas sa harap ng Israel samantalang sila'y nasa babaan sa Beth-horon, na binagsakan sila ng (N)Panginoon sa Azeca ng mga malaking bato na mula sa langit, at sila'y namatay: sila'y higit na namatayan sa pamamagitan ng mga batong granizo kay sa pinatay ng mga anak ni Israel sa pamamagitan ng tabak.
12 Nang magkagayo'y nagsalita si Josue sa Panginoon nang araw na ibinigay ng Panginoon ang mga Amorrheo sa harap ng mga anak ni Israel; at kaniyang sinabi sa paningin ng Israel,
(O)Araw, tumigil ka sa Gabaon;
At ikaw, Buwan, sa libis ng
(P)Ajalon.
13 At ang araw ay tumigil, at ang
buwan ay huminto,
Hanggang sa ang bansa ay nakapanghiganti sa kaniyang mga kaaway.
(Q)Hindi ba ito nakasulat sa aklat ni Jasher? At ang araw ay tumigil sa gitna ng langit, at hindi nagmadaling lumubog sa isang buong araw.
14 At hindi nagkaroon ng araw na gaya niyaon bago nangyari yaon o pagkatapos niyaon, na ang Panginoon ay nakinig sa tinig ng tao: sapagka't ipinakipaglaban (R)ng Panginoon ang Israel.
15 At si Josue ay bumalik at ang buong Israel na kasama niya, sa kampamento sa Gilgal.
Ang limang hari ay natutop at pinatay.
16 At ang limang haring ito ay tumakas at nagsipagkubli sa yungib sa (S)Maceda.
17 At nasaysay kay Josue, na sinasabi, Ang limang hari ay nasumpungan, na nakatago sa yungib sa Maceda.
18 At sinabi ni Josue, Maggulong kayo ng mga malaking bato sa bunganga ng yungib, at maglagay kayo ng mga lalake roon upang magbantay sa kanila:
19 Nguni't huwag kayong magsitigil; inyong habulin ang inyong mga kaaway, at inyong sasaktan ang kahulihulihan sa kanila; huwag ninyong tiising pumasok, sa kanilang mga bayan: sapagka't ibinigay sila ng Panginoon ninyong Dios sa inyong kamay.
20 At nangyari, nang makatapos si Josue at ang mga anak ni Israel ng pagpatay ng malaking pagpatay sa kanila, (T)hanggang sa nangalipol at ang labi na natira sa kanila ay pumasok sa mga nakukutaang bayan,
21 Na ang buong bayan ay bumalik sa kampamento kay Josue sa Maceda na tiwasay: walang (U)maggalaw ng kaniyang dila laban sa kaninoman sa mga anak ni Israel.
22 Nang magkagayo'y sinabi ni Josue, Inyong buksan ang bunganga ng yungib, at inyong ilabas sa akin ang limang haring iyan sa yungib.
23 At kanilang ginawang gayon, at inilabas ang limang haring yaon mula sa yungib, ang hari sa Jerusalem, ang hari sa Hebron, ang hari sa Jarmuth, ang hari sa Lachis, ang hari sa Eglon.
24 At nangyari, nang kanilang ilabas ang mga haring yaon kay Josue na ipinatawag ni Josue ang lahat na lalake sa Israel, at sinabi sa mga pinuno ng mga lalaking mangdidigma na sumama sa kaniya, Lumapit kayo, ilagay ninyo ang inyong mga paa sa mga leeg ng mga haring ito. At sila'y lumapit at inilagay ang kanilang mga paa sa mga leeg ng mga yaon.
25 At sinabi ni Josue sa kanila, (V)Huwag kayong matakot, ni manglupaypay; kayo'y magpakalakas at magpakatapang na maigi: (W)sapagka't ganito ang gagawin ng Panginoon sa lahat ninyong mga kaaway na inyong kinakalaban.
26 At pagkatapos ay sinaktan sila ni Josue, at ipinapatay sila, at ibinitin sila sa limang puno ng kahoy; at sila'y (X)nangabitin sa mga puno ng kahoy hanggang sa kinahapunan.
27 At nangyari sa paglubog ng araw, na si Josue ay nagutos at kanilang ibinaba sa mga punong kahoy, at kanilang inihagis sa yungib na kanilang pinagtaguan, at kanilang nilagyan ng mga (Y)malaking bato ang bunganga ng yungib hanggang sa araw na ito.
Ang iba pang tagumpay ni Josue.
28 At sinakop ni Josue ang Maceda nang araw na yaon, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang hari niyaon; kaniyang lubos silang nilipol at ang lahat na tao na nandoon, wala siyang iniwang nalabi: at kaniyang ginawa sa hari sa Maceda ang (Z)gaya ng kaniyang ginawa sa hari ng Jerico.
29 At si Josue ay dumaan mula sa Maceda, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang (AA)sa Libna, at lumaban sa Libna:
30 At ibinigay rin ng Panginoon, sangpu ng hari niyaon, sa kamay ng Israel; at kaniyang sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon; wala siyang iniwan doon; at kaniyang ginawa sa hari niyaon ang gaya ng kaniyang ginawa sa hari sa Jerico.
31 At dumaan si Josue mula sa Libna, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Lachis, at humantong laban doon, at lumaban doon.
32 At ibinigay ng Panginoon ang Lachis sa kamay ng Israel at kaniyang sinakop sa ikalawang araw, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon, ayon sa lahat na ginawa niya sa Libna.
33 Nang magkagayo'y sumampa si Horam na hari sa (AB)Gezer upang tulungan ang Lachis; at sinaktan ni Josue siya at ang kaniyang bayan, hanggang sa walang iniwan siya.
34 At dumaan si Josue mula sa Lachis, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Eglon; at sila'y humantong laban doon, at nakipaglaban doon;
35 At kanilang sinakop nang araw na yaon, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon ay kaniyang lubos na nilipol nang araw na yaon, ayon sa lahat niyang ginawa sa Lachis.
36 At sumampa si Josue mula sa Eglon, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Hebron; at sila'y nakipaglaban doon:
37 At kanilang sinakop, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang hari niyaon, at ang lahat ng mga bayan niyaon, at ang lahat na tao na nandoon; wala siyang iniwang nalabi, ayon sa lahat niyang ginawa sa Eglon; kundi kaniyang lubos na nilipol, at ang lahat na tao na nandoon.
38 At si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa (AC)Debir; at nakipaglaban doon:
39 At kaniyang sinakop at ang hari niyaon, at ang lahat ng mga bayan niyaon; at kanilang sinugatan ng talim ng tabak at lubos na nilipol ang lahat na tao na nandoon: wala siyang iniwang nalabi: kung paano ang kaniyang ginawa sa Hebron, ay gayon ang kaniyang ginawa sa Debir, at sa hari niyaon; gaya ng kaniyang ginawa sa Libna at sa hari niyaon.
40 Ganito sinaktan ni Josue ang buong lupain, ang lupaing maburol, at ang Timugan, at ang mababang lupain, at ang mga (AD)tagudtod, at ang lahat ng hari niyaon; wala siyang iniwang nalabi: kundi kaniyang lubos na nilipol ang lahat na humihinga, gaya ng iniutos ng (AE)Panginoon ng Dios ng Israel.
41 At sinaktan sila ni Josue mula sa (AF)Cades-barnea hanggang sa (AG)Gaza, at (AH)ang buong lupain ng Gosen, hanggang sa Gabaon.
42 At ang lahat ng mga haring ito at ang kanilang lupain ay sinakop ni Josue na paminsan, sapagka't ipinakipaglaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
43 At si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa kampamento sa Gilgal.
Ang Hasor ay nakuha at sinilab.
11 At nangyari nang mabalitaan ni (AI)Jabin na hari sa (AJ)Hasor, na siya'y nagsugo kay Jobab na hari sa Madon, at sa hari sa Simron, at sa hari sa Achsaph,
2 At sa mga hari na nangasa hilagaan, sa lupaing maburol, at sa Araba sa timugan ng (AK)Cinneroth at sa mababang lupain, at sa mga (AL)kaitaasan ng Dor sa kalunuran,
3 Sa Cananeo sa silanganan at sa kalunuran at sa Amorrheo, at sa Hetheo, at sa Pherezeo, at sa (AM)Jebuseo sa lupaing maburol, at sa (AN)Heveo sa ibaba ng (AO)Hermon, sa lupain ng (AP)Mizpa.
4 At sila'y lumabas, sila at ang kanilang mga hukbo na kasama nila, maraming tao, na gaya nga ng mga buhangin na nasa baybayin ng dagat sa karamihan, na may mga kabayo at mga karo na totoong marami.
5 At ang lahat ng mga haring ito ay nagpipisan; at sila'y naparoon at humantong na magkakasama sa tubig ng Merom, upang makipaglaban sa Israel.
6 At sinabi ng Panginoon kay Josue, (AQ)Huwag kang matakot ng dahil sa kanila; sapagka't bukas sa ganitong oras ay ibibigay ko silang lahat na patay sa harap ng Israel: inyong (AR)pipilayan ang kanilang mga kabayo, at sisilaban ng apoy ang kanilang mga (AS)karo.
7 Sa gayo'y biglang naparoon si Josue, at ang buong bayang pangdigma na kasama niya, laban sa kanila sa tabi ng tubig ng Merom, at dumaluhong sila sa kanila.
8 At ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Israel, at sinaktan nila, at hinabol nila sila hanggang sa malaking Sidon, at hanggang sa Misrephoth-maim, at hanggang sa libis ng Mizpa, sa dakong silanganan; at sinaktan nila sila hanggang sa wala silang iniwan sa kanila nalabi.
9 At ginawa ni Josue sa kanila ang gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya; kaniyang pinilayan ang kanilang mga kabayo, at sinilaban ng apoy ang kanilang mga karo.
10 At bumalik si Josue nang panahong yaon at sinakop ang Hasor, at sinugatan ng tabak ang hari niyaon: sapagka't ang Hasor ng una ay pangulo ng lahat ng mga kahariang yaon.
11 At kanilang sinugatan ng talim ng tabak ang lahat na tao na nandoon, na kanilang lubos na nilipol: walang naiwan na may hininga, at kaniyang sinilaban ng apoy ang Hasor.
12 At ang lahat ng mga bayan ng mga haring yaon at ang lahat ng mga hari ng mga yaon ay sinakop ni Josue, at sinugatan niya sila ng talim ng tabak at lubos na nilipol sila; (AT)gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon.
13 Nguni't tungkol sa mga bayang natatayo sa kanilang mga bunton, ay walang sinunog ang Israel sa mga yaon, liban sa Hasor lamang, na sinunog ni Josue.
14 At ang lahat na samsam sa mga bayang ito at ang mga hayop ay kinuha ng mga anak ni Israel na pinakasamsam para sa kanilang sarili; nguni't ang bawa't tao ay sinugatan nila ng talim ng tabak hanggang sa kanilang nalipol sila, ni hindi nagiwan sila ng anomang may hininga.
15 Kung paanong nagutos (AU)ang Panginoon kay Moises na kaniyang lingkod, ay (AV)gayon nagutos si Moises kay Josue: (AW)at gayon ang ginawa ni Josue; wala siyang iniwang hindi yari sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises.
16 Sa gayo'y sinakop ni Josue ang buong lupaing yaon, ang (AX)lupaing maburol, at ang buong Timugan, at ang buong (AY)lupain ng Gosen, at ang mababang lupain, at ang Araba, at ang lupaing maburol ng Israel, at ang mababang lupain niyaon;
17 Mula sa bundok ng Halac na paahon sa (AZ)Seir, hanggang sa Baalgad sa libis ng Libano sa ibaba ng (BA)bundok Hermon: at kinuha niya ang lahat nilang hari, at sinaktan niya sila at ipinapatay niya sila.
18 Si Josue ay nakipagdigmang malaong panahon sa lahat ng mga haring yaon.
19 Walang bayan na nakipagpayapaan sa mga anak ni Israel, liban (BB)ang mga Heveo na mga taga Gabaon: kanilang kinuhang lahat sa pakikipagbaka.
20 Sapagka't (BC)inakala nga ng Panginoon na papagmatigasin ang kanilang puso, upang pumaroon laban sa Israel sa pakikipagbaka, upang kanilang malipol silang lubos, na huwag silang magtamo ng biyaya, kundi kaniyang malipol sila, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
21 At naparoon si Josue nang panahong yaon at (BD)nilipol ang mga Anaceo mula sa lupaing maburol, sa (BE)Hebron, sa (BF)Debir, sa Anab, at sa buong lupaing maburol ng Juda, at sa buong lupaing maburol ng Israel: nilipol silang lubos ni Josue sangpu ng kanilang mga bayan.
22 Walang naiwan sa mga Anaceo sa lupain ng mga anak ni Israel: sa (BG)Gaza, sa (BH)Gath, at (BI)sa Asdod lamang, nagiwan siya ng ilan.
23 Gayon sinakop ni Josue ang buong lupain (BJ)ayon sa lahat na sinalita ng Panginoon kay Moises; at ibinigay ni (BK)Josue na pinakamana sa Israel, (BL)ayon sa kanilang pagkakabahagi sangayon sa kanilang mga lipi. (BM)At ang lupain ay nagpahinga sa pakikipagdigma.
Ang kabuoan ng pananagumpay ni Josue, at ang mga haring kaniyang tinalo.
12 Ang mga ito nga ang mga hari sa lupain na sinaktan ng mga anak ni Israel, at inari ang kanilang lupain sa dako roon ng Jordan na dakong sinisikatan ng araw mula sa (BN)libis ng Arnon hanggang sa bundok ng (BO)Hermon, at ng buong Araba na dakong silanganan:
2 (BP)Si Sehon na hari ng mga Amorrheo, na nanahan sa Hesbon at nagpuno mula sa (BQ)Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon at ang bayan na nasa gitna ng libis, at ang kalahati ng Galaad, hanggang sa ilog (BR)Jaboc, na hangganan ng mga anak ni Ammon;
3 At (BS)ang Araba hanggang sa dagat ng Cinneroth, na dakong silanganan, at hanggang sa dagat ng Araba, Dagat na Alat, na dakong silanganan, na daang patungo sa (BT)Beth-jesimoth; at sa timugan sa ilalim ng mga tagudtod ng Pisga:
4 At ang hangganan ni (BU)Og na hari sa Basan, sa nalabi ng mga Rephaim na nanahan sa (BV)Astaroth at sa Edrei,
5 At nagpuno sa (BW)bundok ng Hermon, at sa (BX)Salca, at sa buong Basan, (BY)hanggang sa hangganan ng mga Gessureo at ng mga Maachateo, at ng kalahati ng Galaad, na hangganan ni Sehon na hari sa Hesbon.
6 (BZ)Sinaktan sila ni Moises na (CA)lingkod ng Panginoon at ng mga anak ni Israel: at ibinigay ni Moises na lingkod ng Panginoon na pinakaari sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases.
7 At ang mga ito'y ang mga hari ng lupain na (CB)sinaktan ni Josue at ng mga anak ni Israel sa dako roon ng Jordan na dakong kalunuran, mula sa Baal-gad na libis ng Libano hanggang sa bundok ng Halac, na pasampa sa Seir (at ibinigay ni Josue na pinakaari sa mga lipi ng Israel (CC)ayon sa kanilang pagkakabahagi;
8 (CD)Sa lupaing maburol, at sa mababang lupain, at sa Araba, at sa mga tagudtod, at sa ilang, at sa Timugan; ang Hatheo, ang Amorrheo, at ang Cananeo, ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo);
9 Ang (CE)hari sa Jerico, isa; ang (CF)hari sa Hai na nasa tabi ng Beth-el, isa;
10 Ang (CG)hari sa Jerusalem, isa; ang hari sa Hebron, isa.
11 Ang hari sa Jarmuth, isa; ang hari sa Lachis, isa;
12 Ang hari sa Eglon, isa; ang hari sa (CH)Gezer, isa;
13 Ang hari sa Debir, isa; ang hari sa Geder, isa;
14 Ang hari sa Horma, isa; ang hari sa Arad, isa;
15 Ang (CI)hari sa Libna, isa; ang (CJ)hari sa Adullam, isa;
16 Ang hari sa Maceda, isa; ang (CK)hari sa Beth-el, isa;
17 Ang hari sa Tappua, isa; ang (CL)hari sa Hepher, isa;
18 Ang hari sa Aphec, isa; ang (CM)hari sa Lasaron, isa;
19 Ang hari sa Madon, isa; ang hari sa Hasor, isa;
20 Ang hari sa Simron-meron, isa; ang hari sa Achsaph, isa;
21 Ang hari sa Taanach, isa; ang (CN)hari sa Megiddo, isa;
22 Ang hari sa Chedes, isa; ang hari sa Jocneam sa Carmel, isa;
23 Ang hari sa Dor sa kaitaasan ng Dor, isa; ang (CO)hari ng mga bansa sa Gilgal, isa;
24 Ang (CP)hari sa Tirsa, isa; lahat ng hari ay tatlong pu't isa;
39 At nang mga araw na ito'y nagtindig si Maria, at nagmadaling napasa (A)lupaing maburol, sa isang bayan ng Juda;
40 At pumasok sa bahay ni Zacarias at bumati kay Elisabet.
41 At nangyari, pagkarinig ni Elisabet ng bati ni Maria, ay lumukso ang sanggol sa kaniyang tiyan; at (B)napuspos si Elisabet ng Espiritu Santo;
42 At sumigaw siya ng malakas na tinig, at sinabi, (C)Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala ang bunga ng iyong tiyan.
43 At ano't nangyari sa akin, na ang ina ng (D)aking Panginoon ay pumarito sa akin?
44 Sapagka't ganito, pagdating sa aking mga pakinig ng tinig ng iyong bati, lumukso sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan.
45 At (E)mapalad ang babaing sumampalataya; sapagka't matutupad ang mga bagay na sa kaniya'y sinabi ng Panginoon.
46 At sinabi ni Maria,
(F)Dinadakila ng aking kaluluwa (G)ang Panginoon,
47 At nagalak ang aking espiritu sa (H)Dios na aking Tagapagligtas.
48 Sapagka't (I)nilingap niya ang kababaan ng kaniyang alipin.
Sapagka't, narito, mula ngayon ay tatawagin akong (J)mapalad ng lahat ng maghahalihaliling lahi.
49 Sapagka't (K)ginawan ako ng Makapangyarihan ng mga dakilang bagay;
At (L)banal ang kaniyang pangalan.
50 At ang (M)kaniyang awa ay sa mga lahi't lahi.
Sa nangatatakot sa kaniya.
51 Siya'y nagpakita ng lakas (N)ng kaniyang bisig;
(O)Isinambulat niya ang mga palalo sa paggunamgunam ng kanilang puso.
52 Ibinaba niya ang mga prinsipe (P)sa mga luklukan nila,
At itinaas ang mga may mababang kalagayan.
53 (Q)Binusog niya ang nangagugutom ng mabubuting bagay;
At pinaalis niya ang mayayaman, na walang anoman.
54 Tumulong siya sa Israel na kaniyang alipin,
(R)Upang maalaala niya ang awa
55 (Gaya ng sinabi niya (S)sa ating mga magulang)
Kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailan man.
56 At si Maria ay natirang kasama niya na may tatlong buwan, at umuwi sa kaniyang bahay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978