Historical
Ang pagmamataas ng Edom ay pabababain.
1 Ang pangitain ni Obadias.
Ganito ang sabi ng Panginoong Dios (A)tungkol sa Edom, Kami ay (B)nakarinig ng mga balita na mula sa Panginoon, at isang sugo ay sinugo sa mga bansa, na nagsasabi, Magsibangon kayo, at tayo'y mangagtindig laban sa kaniya sa pakikipagbaka.
2 Narito, ginawa kitang maliit sa mga bansa: ikaw ay lubhang hinamak.
3 Dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso, Oh ikaw na tumatahan sa mga bitak ng bato, na ang tahanan ay matayog; na nagsasabi sa kaniyang puso, Sinong magbababa sa akin sa lupa?
4 Bagaman ikaw ay pailanglang sa itaas na parang aguila, at (C)bagaman ang iyong pugad ay malagay sa gitna ng mga bituin, aking ibababa ka mula roon, sabi ng Panginoon.
5 Kung ang mga magnanakaw ay nagsiparoon sa iyo, (D)kung mga mangloloob sa gabi (paano kang nahiwalay!) di baga sila sana'y nangagnakaw hanggang sa sila'y nangagkaroon ng sapat? kung mga mamimitas ng ubas ay nagsiparoon sa iyo, (E)di baga sila sana'y nangagiwan ng laglag na ubas?
6 Paano nasiyasat ang mga bagay ng Esau! paano nasumpungan ang kaniyang mga kayamanang natago!
7 Lahat na lalake na iyong kaalam ay dinala ka sa iyong lakad, hanggang sa hangganan: ang mga lalake na nangasa kapayapaan sa iyo ay dinaya ka, at nanaig laban sa iyo; silang nagsisikain ng iyong tinapay ay naglagay ng silo sa ilalim mo: (F)walang paguunawa sa kaniya.
8 Di ko baga lilipulin (G)sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, ang mga pantas na tao sa Edom, at papawiin ang unawa sa bundok ng Esau?
9 At ang iyong mga makapangyarihang tao, Oh (H)Teman, ay manglulupaypay, palibhasa'y bawa't isa'y mahihiwalay sa bundok ng Esau sa pamamagitan ng patayan.
10 (I)Dahil sa karahasan na ginawa (J)sa iyong kapatid na Jacob ay kahihiyan ang tatakip sa iyo, at ikaw ay mahihiwalay magpakailan man.
11 Nang araw na ikaw ay tumayo sa kabilang dako, nang araw na dalhin ng mga taga ibang bayan ang kaniyang kayamanan, at magsipasok ang mga mangingibang bayan sa kaniyang mga pintuang-bayan at (K)pagsapalaran ang Jerusalem, ikaw man ay naging gaya ng isa sa kanila.
12 Huwag ka ngang magmasid sa (L)araw ng iyong kapatid sa kaarawan ng kaniyang kasakunaan, at huwag mong ikagalak ang mga anak ni Juda sa kaarawan ng kanilang pagkabuwal; ni magsalita mang may kapalaluan sa kaarawan ng pagkahapis.
13 Huwag kang pumasok sa pintuan ng aking bayan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan; oo, huwag mong masdan ang kanilang pagdadalamhati sa kaarawan ng kanilang kasakunaan, o pakialaman man ninyo ang kanilang kayamanan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan.
14 At huwag kang tumayo sa mga salubungang daan na ihiwalay ang kaniya na tumatanan; at huwag mong ibigay ang kaniya na nalabi sa kaarawan ng kapanglawan.
15 (M)Sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, laban sa lahat ng bansa: (N)kung ano ang iyong gawin, ay siyang gagawin sa iyo; (O)ang iyong gawa ay babalik sa iyong sariling ulo.
16 Sapagka't (P)kung paanong kayo'y nagsiinom sa aking banal na bundok, gayon magsisiinom na palagi ang lahat na bansa, oo, sila'y magsisiinom, at magsisitungga, at magiging wari baga sila'y hindi nangabuhay.
Ang Israel ay luluwalhatiin.
17 Nguni't sa bundok (Q)ng Sion ay doroon yaong nangakatatanan, at magiging banal; at aariin ng sangbahayan ni Jacob ang kaniyang mga pagaari.
18 At ang sangbahayan ni Jacob ay (R)magiging isang apoy, at ang sangbahayan ni Jose ay isang liyab, at ang sangbahayan ni Esau ay dayami, at sila'y kanilang susunugin, at sila'y susupukin; at walang malalabi sa sangbahayan ni Esau; sapagka't sinalita ng Panginoon.
19 At silang sa Timugan, ay (S)mangagaari ng bundok ng Esau, (T)at silang sa mababang lupa ay ng mga Filisteo; at kanilang aariin ang parang ng Ephraim, at ang parang ng Samaria; at aariin ng Benjamin ang Galaad.
20 At ang mga bihag sa hukbong ito ng mga anak ni Israel na nasa mga taga Canaan, ay magaari ng (U)hanggang sa Sarefat; at ang mga bihag sa Jerusalem na nasa Sepharad ay magaari ng mga bayan ng Timugan.
21 At ang mga (V)tagapagligtas ay magsisisampa sa (W)bundok ng Sion upang hatulan ang bundok ng Esau; at (X)ang kaharian ay magiging sa Panginoon.
Si Jonas ay tumakas na patungo sa Tarsis.
1 Ang salita nga ng Panginoon ay dumating kay (A)Jonas na anak ni Amittai, na nagsasabi,
2 Bumangon ka, pumaroon ka sa (B)Ninive, sa malaking bayang yaon, at humiyaw ka laban doon; sapagka't ang kanilang kasamaan ay umabot sa harap ko.
3 Nguni't si Jonas ay bumangon upang tumakas na patungo sa (C)Tarsis mula sa harapan ng Panginoon; at siya'y lumusong sa (D)Joppe, at nakasumpong ng sasakyan na patungo sa Tarsis: sa gayo'y nagbayad siya ng upa niyaon, at siya'y lumulan, upang yumaong kasama nila sa Tarsis mula (E)sa harapan ng Panginoon.
4 Nguni't ang Panginoon ay nagpasapit ng malakas na hangin sa dagat, at nagkaroon ng malakas na unos sa dagat, na anopa't ang sasakyan ay halos masira.
5 Nang magkagayo'y nangatakot ang mga taong dagat at dumaing (F)ang bawa't tao sa kanikaniyang dios; at kanilang (G)inihagis sa dagat ang mga daladalahang nangasa sasakyan upang makapagpagaan sa kanila. Nguni't si Jonas ay bumaba sa pinakaloob na bahagi ng sasakyan; at siya'y nahiga at nakatulog ng mahimbing.
6 Sa gayo'y lumapit sa kaniya ang puno ng sasakyan, at sinabi sa kaniya, Ano ang inaakala mo, O matutulugin? bumangon ka, tumawag ka sa iyong Dios, baka sakaling alalahanin ng Dios tayo, upang huwag tayong mangamatay.
7 At sinabi ng bawa't isa sa kanila sa kaniyang kasama, Magsiparito kayo at (H)tayo'y mangagsapalaran, upang ating maalaman kung dahil kanino dumating ang kasamaang ito sa atin. Sa gayo'y nangagsapalaran sila, at ang palad ay nahulog kay Jonas.
8 Nang magkagayo'y sinabi nila sa kaniya, Isinasamo namin sa iyo na iyong (I)saysayin sa amin, kung dahil kanino dumating ang kasamaang ito sa atin; ano ang iyong hanap-buhay? at saan ka nanggaling? ano ang iyong lupain? at taga saang bayan ka?
9 At kaniyang sinabi sa kanila, Ako'y isang Hebreo; at ako'y natatakot sa Panginoon, sa Dios ng langit, na siyang gumawa ng dagat at ng tuyong lupain.
10 Nang magkagayo'y nangatakot na mainam ang mga tao, at sinabi sa kaniya, Ano itong iyong ginawa? Sapagka't talastas ng mga tao na siya'y tumatakas mula sa harapan ng Panginoon, sapagka't isinaysay niya sa kanila,
Si Jonas ay itinapon sa dagat at nilamon ng isda.
11 Nang magkagayo'y sinabi nila sa kaniya, Anong gagawin namin sa iyo, upang ang dagat ay tumahimik sa atin? sapagka't ang dagat ay lalo't lalong umuunos.
12 At sinabi niya sa kanila, Ako'y inyong buhatin, at ihagis ninyo ako sa dagat; sa gayo'y ang dagat ay tatahimik sa inyo: sapagka't talastas ko na dahil sa akin dumating ang malaking unos na ito sa inyo.
13 Gayon ma'y ang mga lalake ay nagsisigaod na mainam upang bumalik sa lupa; nguni't hindi nila magawa; sapagka't ang dagat ay lalo't lalong umuunos laban sa kanila.
14 Kaya't sila'y nagsidaing (J)sa Panginoon, at nangagsabi, Ipinamamanhik namin sa iyo, Oh Panginoon, ipinamamanhik namin sa iyo, huwag mo kaming ipahamak dahil sa buhay ng lalaking ito, (K)at huwag mong ihulog sa amin ang walang salang dugo; sapagka't ikaw, Oh Panginoon, iyong ginawa ang nakalulugod sa iyo.
15 Sa gayo'y kanilang binuhat si Jonas, at inihagis sa dagat; at ang dagat ay tumigil sa kaniyang poot.
16 Nang magkagayo'y nangatakot na mainam ang mga tao sa Panginoon; at sila'y nangaghandog ng isang hain sa Panginoon, at nagsipanata.
17 At inihanda ng Panginoon ang isang malaking isda upang lamunin si Jonas; at si Jonas ay napasa tiyan ng isda na (L)tatlong araw at tatlong gabi.
Ang panalangin ni Jonas.
2 Nang magkagayo'y nanalangin si Jonas sa Panginoon niyang Dios mula sa tiyan ng isda.
2 At kaniyang sinabi,
Tinawagan ko ang Panginoon dahil sa aking pagdadalamhati,
At siya'y sumagot sa akin;
Mula sa tiyan ng Sheol ako'y sumigaw,
At iyong dininig ang aking tinig.
3 Sapagka't inihagis mo ako sa kalaliman, sa gitna ng dagat,
At ang tubig ay nasa palibot ko;
(M)Ang lahat ng iyong alon at lahat ng iyong malaking alon ay umaapaw sa akin.
4 At (N)aking sinabi, Ako'y nahagis mula sa harap ng iyong mga mata;
Gayon ma'y titingin ako uli sa (O)iyong banal na templo.
5 Kinukulong (P)ako ng tubig sa palibot (Q)hanggang sa kaluluwa;
Ang kalaliman ay nasa palibot ko;
Ang mga damong dagat ay pumilipit sa aking ulo.
6 Ako'y bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok;
Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man:
Gayon ma'y isinampa mo ang aking buhay (R)mula sa hukay, Oh Panginoon kong Dios.
7 Nang ang (S)aking kaluluwa ay nanglupaypay sa loob ko; naaalaala ko ang Panginoon;
(T)At ang aking dalangin ay umabot sa loob ng iyong banal na templo.
8 Ang nagsisilingap ng mga walang kabuluhang magdaraya
Binabayaan ang (U)kanilang sariling kaawaan.
9 Nguni't ako'y maghahain sa iyo ng tinig ng (V)pasasalamat;
Aking tutuparin yaong aking ipinanata.
Kaligtasa'y sa Panginoon.
10 At ang Panginoon ay nagsalita sa isda, at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa.
Siya ay nangaral sa mga taga Ninive, at sila'y nagsisi.
3 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jonas na ikalawa, na nagsasabi,
2 Bumangon ka, pumaroon ka sa (W)Ninive, sa malaking bayang yaon, at ipangaral mo ang pangaral na aking iniutos sa iyo.
3 Sa gayo'y bumangon si Jonas, at naparoon sa Ninive, ayon sa salita ng Panginoon. Ang Ninive nga ay totoong malaking bayan, na tatlong araw na lakarin.
4 At pumasok si Jonas sa bayan na may isang araw na gumagala, at siya'y sumigaw, at nagsasabi, Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak.
5 At ang bayan ng Ninive ay (X)sumampalataya sa Dios; at sila'y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila.
6 At ang mga balita ay dumating sa hari sa Ninive, at siya'y tumindig sa kaniyang luklukan, at hinubad niya ang kaniyang balabal, at (Y)nagbalot siya ng kayong magaspang, at naupo sa mga abo.
7 At kaniyang inihayag at itinanyag sa boong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag lumasa maging tao ni (Z)hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig;
8 Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at magsidaing silang mainam sa Dios: oo, talikdan ng bawa't isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay.
9 (AA)Sino ang nakaaalam kung manumbalik ang Dios at magsisisi, at hihiwalay sa kaniyang mabangis na galit, upang tayo'y huwag mangamatay.
10 At nakita ng Dios ang kanilang mga gawa, (AB)na sila'y nagsihiwalay sa kanilang masamang lakad; at nagsisi ang Dios sa kasamaan, na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kanila; at hindi niya ginawa.
Ang pagdaing ni Jonas.
4 Nguni't naghinanakit na mainam si Jonas, at siya'y nagalit.
2 At siya'y nanalangin sa Panginoon, at nagsabi, Ako'y nakikipanayam sa iyo, Oh Panginoon, di baga ito ang aking sinabi, nang ako'y nasa aking lupain pa? Kaya't ako'y nagmadaling (AC)tumakas na patungo sa Tarsis; sapagka't talastas ko na ikaw ay (AD)Dios na mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi ka sa kasamaan.
3 Kaya nga, Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, na kitlin mo ang aking buhay; sapagka't mabuti sa akin ang mamatay kay sa mabuhay.
4 At sinabi ng Panginoon, Mabuti baga ang iyong ginagawa na magalit?
5 Nang magkagayo'y lumabas si Jonas sa bayan, at naupo sa dakong silanganan ng bayan, at doo'y gumawa siya ng isang balag, at naupo siya sa ilalim niyaon sa lilim, hanggang sa kaniyang makita kung ano ang mangyayari sa bayan.
Ang leksion ng isang kikayon.
6 At naghanda ang Panginoong Dios ng isang halamang kikayon, at pinataas sa itaas ni Jonas, upang maging lilim sa kaniyang ulo, upang iligtas siya sa kaniyang masamang kalagayan. Sa gayo'y natuwang mainam si Jonas dahil sa kikayon.
7 Nguni't naghanda ang Dios ng isang uod nang magumaga nang kinabukasan at sinira ang halamang kikayon, na anopa't natuyo.
8 At nangyari, nang sumikat ang araw, na naghanda ang Dios ng mainit na hanging silanganan; at sinikatan ng araw ang ulo ni Jonas, na anopa't siya'y nanglupaypay, at hiniling niya tungkol sa kaniya na siya'y mamatay, at nagsasabi, Mabuti sa akin ang mamatay kay sa mabuhay.
9 At sinabi ng Dios kay Jonas, Mabuti baga ang ginagawa mo na magalit dahil sa kikayon? At kaniyang sinabi, Mabuti ang ginagawa ko na magalit hanggang sa kamatayan.
10 At sinabi ng Panginoon, Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man; na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi:
11 At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao (AE)na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; (AF)at marami ring hayop?
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978