Historical
Ang mga masasamang pinuno.
11 Bukod dito'y itinaas ako (A)ng Espiritu, at dinala ako sa (B)pintuang-daang silanganan ng bahay ng Panginoon, na nakaharap sa dakong silanganan: at narito, (C)nasa pinto ng pintuang-daan ang dalawang pu't limang lalake; at nakita ko sa gitna nila si Jaazanias na anak ni Azur, at si Pelatias na anak ni Benaias, na mga prinsipe ng bayan.
2 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ito ang mga lalake na nagsisikatha ng kasamaan, at nagbibigay ng masamang payo sa bayang ito;
3 Na nagsasabi, (D)Hindi malapit ang panahon ng pagtatayo ng mga bahay; (E) ang bayang ito ang caldera, at tayo ang karne.
4 Kaya't manghula ka laban sa kanila, manghula ka, Oh anak ng tao.
5 At ang Espiritu ng Panginoon ay dumating sa akin, at sinabi niya sa akin, Salitain mo, Ganito ang sabi ng Panginoon: Ganito ang inyong sinabi, Oh sangbahayan ni Israel; sapagka't nalalaman ko ang mga bagay na pumasok sa inyong pag-iisip.
6 Inyong pinarami (F)ang inyong pinatay sa bayang ito, at inyong pinuno ang mga lansangan nito ng mga patay.
7 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (G)Ang inyong mga patay na inyong ibinulagta sa gitna nito, ay karne, at ang bayang ito ay siyang caldera: nguni't kayo'y ilalabas sa gitna nito.
8 Kayo'y nangatakot sa tabak; at aking pararatingin ang tabak sa inyo, sabi ng Panginoong Dios.
9 At aking ilalabas kayo sa gitna nito, at ibibigay ko kayo sa mga kamay ng mga taga ibang lupa, at maglalapat ako ng mga kahatulan sa inyo.
10 (H)Kayo'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; aking hahatulan kayo (I)sa hangganan ng Israel; (J)at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
11 Ang bayang ito ay hindi magiging inyong caldera, o kayo man ay magiging karne sa gitna nito, aking hahatulan kayo sa hangganan ng Israel;
12 At inyong malalaman na ako ang Panginoon: sapagka't kayo'y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, o inyo mang isinagawa ang aking mga kahatulan, kundi kayo'y nagsigawa ng ayon sa mga kaugalian (K)ng mga bansa na nangasa palibot ninyo.
13 At nangyari, nang ako'y nanghuhula, na si Pelatias na anak ni Benaias ay namatay. Nang magkagayo'y (L)nasubasob ako, at ako'y sumigaw ng malakas, at aking sinabi, Ah Panginoong Dios! gagawa ka baga ng lubos na wakas sa nalabi sa Israel?
Ipinangako ang muling pagkakatayo at pagbabago ng Israel.
14 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
15 Anak ng tao, ang iyong mga kapatid, sa makatuwid baga'y ang iyong mga kapatid, na mga lalake sa iyong kamaganakan, at ang buong sangbahayan ni Israel, silang lahat, siyang mga pinagsabihan ng mga nananahan sa Jerusalem. Magsilayo kayo sa Panginoon; sa amin ay ibinigay ang lupaing ito na pinakaari.
16 Kaya't iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Bagaman sila'y aking inilayo sa gitna ng mga bansa, at bagaman aking pinangalat sila sa gitna ng mga lupain, gayon ma'y ako'y magiging pinaka santuario (M)sa kanila sa sandaling panahon sa mga lupain na kanilang kapaparunan.
17 Kaya't iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: (N)Aking pipisanin kayo mula sa mga bayan, at titipunin ko kayo sa mga lupain na inyong pinangalatan, at aking ibibigay sa inyo ang lupain ng Israel.
18 At sila'y magsisiparoon, at (O)kanilang aalisin ang lahat na karumaldumal na bagay niyaon, at ang lahat ng kasuklamsuklam niyaon, mula roon.
19 At (P)aking bibigyan sila ng isang puso, at aking lalagyan ng bagong diwa ang loob ninyo; at aking aalisin ang batong puso sa kanilang laman, at aking bibigyan sila ng pusong laman;
20 Upang sila'y magsilakad sa aking mga palatuntunan, at ganapin ang aking mga kahatulan at isagawa: (Q)at sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios.
21 Nguni't tungkol sa kanila na ang puso ay nagsisunod ayon sa kanilang mga karumaldumal na bagay, at sa kanilang mga kasuklamsuklam, (R)aking pararatingin ang kanilang lakad sa kanilang sariling mga ulo, sabi ng Panginoong Dios.
Ang katapusan ng pangitain.
22 Nang magkagayo'y itinaas ng mga kerubin (S)ang kanilang mga pakpak, at ang mga gulong ay nangasa siping nila; at (T)ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nasa itaas ng mga yaon.
23 At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay napailanglang mula sa pinakaloob ng bayan, lumagay sa (U)ibabaw ng bundok na nasa dakong silanganan ng bayan.
24 At itinaas ako (V)ng Espiritu, at dinala ako sa pangitain sa Caldea sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios, sa kanila na mga bihag. Sa gayo'y ang pangitain na aking nakita ay napaitaas mula sa akin.
25 Nang magkagayo'y sinalita ko sa kanila na mga bihag ang lahat na bagay na ipinakita sa akin ng Panginoon.
Ang katulad ng pagkakabihag.
12 Ang salita rin ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2 Anak ng tao, ikaw ay tumatahan sa gitna ng mapanghimagsik na sangbahayan, na (W)may mga mata na maititingin, at hindi nagsisitingin, na may mga pakinig na maipakikinig, at hindi nangakikinig; sapagka't sila'y isang mapanghimagsik na sangbahayan.
3 Kaya't ikaw na anak ng tao, maghanda ka ng daladalahan sa paglipat, at ikaw ay lumipat sa araw sa kanilang paningin; at ikaw ay lumipat mula sa iyong dako hanggang sa ibang dako sa kanilang paningin: baka sakaling sila'y magbulay, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.
4 At iyong ilalabas ang iyong daladalahan sa araw sa kanilang paningin, na parang daladalahan sa paglipat; at ikaw ay lalabas sa hapon sa kanilang paningin, na gaya ng kung ang mga tao ay nangapasasa pagkatapon.
5 Bumutas ka sa pader sa kanilang paningin, at iyong ilabas doon.
6 Sa kanilang paningin ay iyong papasanin sa iyong balikat, at ilalabas sa pagdilim; iyong tatakpan ang iyong mukha, upang huwag mong makita ang lupa: (X)sapagka't inilagay kita na pinakatanda sa sangbahayan ni Israel.
7 At aking ginawang gayon na gaya ng iniutos sa akin: aking inilabas ang aking daladalahan sa araw, na gaya ng daladalahan sa paglipat, at sa hapon ay bumutas ako ng aking kamay sa pader; aking inilabas sa dilim, at pinasan ko sa aking balikat sa kanilang paningin.
8 At nang kinaumagahan ay dumating ang salita ng Panginoon sa akin, na nagsasabi,
9 Anak ng tao, hindi baga ang sangbahayan ni Israel na mapanghimagsik na sangbahayan, ay nagsabi sa iyo, (Y)Anong ginagawa mo?
10 Sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (Z)Ang hulang ito ay tungkol sa prinsipe sa Jerusalem, at sa buong sangbahayan ni Israel na kinalalakipan nila.
11 Sabihin mo, Ako'y inyong tanda: (AA)kung ano ang aking ginawa, gayon ang gagawin sa kanila: sila'y mapapasa pagkatapon, sa pagkabihag.
12 At ang prinsipe na nasa gitna nila ay magpapasan sa kaniyang balikat sa pagdilim, at lalabas: sila'y magsisibutas sa pader upang ilabas doon: siya'y magtatakip ng kaniyang mukha, sapagka't hindi niya makikita ang lupa ng kaniyang mga mata.
13 Ang akin namang panilo ay aking (AB)ilaladlad sa kaniya, at siya'y mahuhuli sa aking silo; at (AC)aking dadalhin siya sa Babilonia sa lupain ng mga Caldeo; (AD)gayon ma'y hindi niya makikita, (AE)bagaman siya'y mamamatay roon.
14 At aking pangangalatin sa bawa't dako (AF)ang lahat na nangasa palibot niya na nagsisitulong sa kaniya, at ang lahat niyang mga pulutong; at (AG)aking huhugutin ang tabak sa likuran nila.
15 At kanilang malalaman na ako (AH)ang Panginoon, pagka sila'y aking pinanabog sa gitna ng mga bansa, at aking pinangalat sa mga lupain.
16 Nguni't (AI)magiiwan ako ng kaunting lalake sa kanila, na maiiwan ng tabak, ng kagutom, at ng salot, upang kanilang maipahayag ang lahat na kanilang kasuklamsuklam sa gitna ng mga bansa na kanilang pinaroroonan; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
17 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
18 Anak ng tao, kanin mo ang iyong tinapay na may panginginig, at inumin mo ang iyong tubig na may pangangatal at may pagkatakot;
19 At sabihin mo sa bayan ng lupain, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa lupain ng Israel. Sila'y magsisikain ng kanilang tinapay na may pagkatakot, at nanglulupaypay na iinom ng tubig, upang ang kaniyang lupain ay masira na mawawalan ng lahat na nandoon, (AJ)dahil sa pangdadahas nilang lahat na nagsisitahan doon.
20 At ang mga bayan na tinatahanan ay mawawasak, at ang lupain ay masisira; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
21 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
22 Anak ng tao, ano ang kawikaang ito na sinasambit ninyo sa lupain ng Israel, na sinasabi, Ang mga kaarawan ay (AK)tumatagal, at ang bawa't pangitain ay nabubulaanan?
23 Saysayin mo nga sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Aking papaglilikatin ang kawikaang ito, at hindi na sasambitin pang parang kawikaan sa Israel; kundi sabihin mo nga sa kanila, Ang mga kaarawan ay malapit na, at ang pagtupad ng lahat na pangitain.
24 Sapagka't (AL)hindi na magkakaroon pa ng walang kabuluhang (AM)pangitain o ng di tunay na panghuhula sa loob ng sangbahayan ni Israel.
25 Sapagka't ako ang Panginoon: ako'y magsasalita, at ang salita na aking sasalitain (AN)ay matutupad: hindi na magluluwat pa: sapagka't sa inyong mga kaarawan, Oh mapanghimagsik na sangbahayan, aking sasalitain ang salita, at aking tutuparin, sabi ng Panginoong Dios.
26 Muling ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
27 Anak ng tao, narito, silang nasa sangbahayan ni Israel ay nagsasabi, (AO)Ang pangitain na kaniyang nakikita ay sa malaong mga araw na darating, at nanghuhula ng mga panahong malayo.
28 Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Wala nang magluluwat pa sa aking mga salita, kundi ang salita na aking sasalitain ay matutupad, sabi ng Panginoon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978