Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Historical

Read the books of the Bible as they were written historically, according to the estimated date of their writing.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 1-8

UNANG AKLAT

Ang matuwid at ang masama ay pinagparis.

Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama,
Ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan,
Ni nauupo man sa (A)upuan ng mga (B)manglilibak.
Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon;
At (C)sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.
At siya'y magiging (D)parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig,
Na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan,
Ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta;
At anomang kaniyang gawin ay (E)giginhawa.
Ang masama ay hindi gayon; Kundi (F)parang ipa na itinataboy ng hangin.
Kaya't ang masama ay hindi (G)tatayo sa paghatol,
Ni ang mga makasalanan man sa kapisanan ng mga matuwid.
Sapagka't nalalaman ng (H)Panginoon ang lakad ng mga matuwid:
Nguni't ang lakad ng masama ay mapapahamak.

Ang paghahari ng pinahiran ng Panginoon.

Bakit ang mga bansa ay (I)nangagugulo,
At ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay?
Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda,
At ang mga pinuno ay nagsasanggunian,
Laban sa Panginoon at laban sa (J)kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi:
(K)Lagutin natin ang kanilang tali,
At ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin.
Siyang nauupo sa kalangitan ay (L)tatawa:
Ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan.
Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot,
At babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob:
Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari
Sa aking banal na bundok ng Sion.
Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya:
Sinabi ng Panginoon sa akin, (M)Ikaw ay aking anak;
Sa araw na ito ay ipinanganak kita.
Humingi ka sa akin, at ibibigay ko (N)sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana,
At ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.
(O)Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal;
Iyong dudurugin sila na parang (P)isang sisidlan ng magpapalyok.
10 Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari:
Mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa.
11 (Q)Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot,
At mangagalak na (R)may panginginig.
12 Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan,
Sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab.
(S)Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.

Panalangin sa umaga ng pagtitiwala sa Panginoon. (T)Awit ni David nang siya'y tumakas kay Absalom na kaniyang anak.

Panginoon, (U)ano't ang aking mga kaaway ay nagsisidami!
Marami sila na nagsisibangon laban sa akin.
Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa:
(V)Walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah)
Nguni't ikaw, Oh Panginoon (W)ay isang kalasag sa palibot ko:
Aking kaluwalhatian; at (X)siyang tagapagtaas ng aking ulo.
Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon,
At sinasagot (Y)niya ako mula sa (Z)kaniyang banal na bundok. (Selah)
Ako'y (AA)nahiga, at natulog;
Ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon.
(AB)Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan,
Na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot.
Bumangon ka, Oh Panginoon; iligtas mo ako, Oh aking Dios:
Sapagka't iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway;
Iyong binungal ang mga ngipin ng masasama.
Pagliligtas ay ukol (AC)sa Panginoon:
Sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)

Panalangin sa hapon sa pagtitiwala sa Panginoon. Sa (AD)Pangulong manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Awit ni David.

Sagutin mo ako, pagka tumatawag ako, Oh Dios ng aking katuwiran;
Inilagay mo ako sa kaluwagan, nang ako'y nasa kagipitan:
Maawa ka sa akin, at dinggin mo ang aking dalangin.
Oh kayong mga anak ng tao, hanggang kailan magiging kasiraang puri ang aking kaluwalhatian?
Gaano katagal iibigin ninyo ang walang kabuluhan, at hahanap sa kabulaanan? (Selah)
Nguni't talastasin ninyo na ibinukod ng Panginoon sa ganang kaniyang sarili ang banal:
Didinggin ng Panginoon pagka ako'y tumawag sa kaniya.
(AE)Kayo'y magsipanginig, at huwag mangagkasala:
(AF)Mangagbulaybulay kayo ng inyong puso sa inyong higaan, at kayo'y magsitahimik.
(AG)Mangaghandog kayo ng mga hain ng katuwiran,
At ilagak ninyo ang inyong tiwala sa Panginoon.
Marami ang mangagsasabi, Sinong magpapakita sa amin ng mabuti?
(AH)Panginoon, pasilangin mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin.
Ikaw ay naglagay ng (AI)kasayahan sa aking puso,
Ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil, at kanilang alak ay magsidami.
(AJ)Payapa akong hihiga at gayon din matutulog:
Sapagka't ikaw, Panginoon, pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan.

Panalangin upang ipag-adya sa masama. Sa Pangulong manunugtog; pati ng Nehiloth. Awit ni David.

Pakinggan mo ang aking mga salita, Oh Panginoon,
Pakundanganan mo ang aking pagbubulaybulay.
Dinggin mo ang tinig ng aking daing, (AK)Hari ko, at Dios ko;
Sapagka't (AL)sa Iyo'y dumadalangin ako.
Oh Panginoon, (AM)sa kinaumagaha'y didinggin mo ang aking tinig;
Sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako.
Sapagka't ikaw ay di isang Dios na may kaluguran sa kasamaan:
Ang masama ay hindi tatahang kasama mo.
Ang hambog ay hindi tatayo sa iyong paningin:
Iyong kinapopootan ang lahat na mga manggagawa ng kalikuan.
Iyong lilipulin sila na nangagsasalita ng mga (AN)kabulaanan:
(AO)Kinayayamutan ng Panginoon ang taong mabangis at magdaraya,
Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay;
(AP)Sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo.
(AQ)Patnubayan mo ako, Oh Panginoon, sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway;
Patagin mo ang iyong daan sa harapan ko.
Sapagka't walang pagtatapat sa kanilang bibig;
Ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan;
Ang kanilang lalamunan ay bukas na (AR)libingan;
Sila'y nanganunuya ng kanilang dila.
10 Bigyan mong sala sila, Oh Dios;
Ibuwal mo sila sa kanilang sariling mga payo:
Palayasin mo sila sa karamihan ng kanilang mga pagsalangsang;
Sapagka't sila'y nanganghimagsik laban sa iyo,
11 Nguni't iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo,
Pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka't iyong ipinagsasanggalang sila:
Mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan.
12 Sapagka't iyong pagpapalain ang matuwid;
Oh Panginoon, lilibirin mo siya ng paglingap (AS)na gaya ng isang kalasag.

Panalangin sa paghingi ng tulong sa panahon ng bagabag. Sa Pangulong manunugtog; sa mga panugtog na kawad, itinugma sa Seminoth. Awit ni David.

Oh Panginoon, (AT)huwag mo akong sawayin sa iyong galit,
(AU)Ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.
(AV)Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagka't ako'y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagka't ang aking mga buto ay nagsisipangalog.
Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam:
At ikaw, Oh Panginoon, (AW)hanggang kailan?
Bumalik ka, Oh Panginoon, palayain mo ang aking kaluluwa:
Iligtas mo ako alangalang sa iyong kagandahang-loob.
(AX)Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo;
Sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo?
Ako'y pagal ng aking pagdaing; Gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan;
Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha.
(AY)Ang aking mga mata ay nangamumugto dahil sa kapanglawan;
Tumatanda ako dahil sa aking lahat na kaaway.
(AZ)Magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kasamaan:
Sapagka't narinig ng Panginoon ang tinig ng aking pagtangis.
Narinig ng Panginoon ang aking pananaing;
Tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin.
10 Lahat ng kaaway ko'y mapapahiya, at mababagabag na mainam:
Sila'y magsisibalik, sila'y mangapapahiyang kagyat.

Tinawagan ang Panginoon upang ipagtanggol ang mangaawit. Sigaion ni David na inawit niya sa Panginoon, ukol sa mga salita ni Cus na Benjamita.

Oh Panginoon kong Dios, (BA)sa iyo nanganganlong ako.
(BB)Iligtas mo ako sa lahat na nagsisihabol sa akin, at palayain mo ako:
Baka lurayin nila na gaya ng leon ang aking kaluluwa,
(BC)Na lurayin ito, habang walang magligtas.
Oh Panginoon kong Dios, (BD)kung ginawa ko ito;
Kung may kasamaan (BE)sa aking mga kamay;
Kung ako'y gumanti ng kasamaan sa kaniya na may kapayapaan sa akin;
(Oo, (BF)aking pinawalan siya, na walang anomang kadahilanan ay naging aking kaaway:)
Habulin ng kaaway ang aking kaluluwa, at abutan;
Oo, yapakan niya ang aking kaluluwa sa lupa,
At ilagay ang aking kaluwalhatian sa alabok. (Selah)
Ikaw ay bumangon, Oh Panginoon, sa iyong galit,
(BG)Magpakataas ka laban sa poot ng aking mga kaaway;
At (BH)gumising ka dahil sa akin; ikaw ay nagutos ng kahatulan.
At ligirin ka ng kapisanan ng mga bayan sa palibot:
At sila'y pihitan mong nasa mataas ka.
Ang panginoo'y nangangasiwa ng kahatulan sa mga bayan:
(BI)Iyong hatulan ako, Oh Panginoon, ayon sa aking katuwiran, at sa aking pagtatapat na nasa akin.
Oh wakasan ang kasamaan ng masama, ngunit itatag mo ang matuwid;
(BJ)Sapagka't sinubok ng matuwid na Dios (BK)ang mga pagiisip at ang mga puso.
10 Ang aking kalasag ay sa Dios.
Na nagliligtas ng matuwid sa puso.
11 Ang Dios ay matuwid na hukom,
Oo, Dios na may galit araw-araw.
12 Kung ang tao ay hindi magbalik-loob, kaniyang (BL)ihahasa ang kaniyang tabak;
Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at inihanda.
13 Inihanda rin naman niya ang mga kasangkapan ng kamatayan;
Kaniyang pinapagniningas ang kaniyang mga pana.
14 (BM)Narito, siya'y nagdaramdam ng kasamaan;
Oo, siya'y naglihi ng kasamaan, at nanganak ng kabulaanan.
15 Siya'y gumawa ng balon, at hinukay,
(BN)At nahulog sa hukay na kaniyang ginawa.
16 (BO)Ang kaniyang gawang masama ay magbabalik sa kaniyang sariling ulo,
At ang kaniyang pangdadahas ay babagsak sa kaniyang sariling bunbunan.
17 Ako'y magpapasalamat sa Panginoon, ayon sa kaniyang katuwiran:
At aawit ng pagpupuri sa pangalan ng Panginoon na Kataastaasan.

Ang kaluwalhatian ng Panginoon at ang karangalan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni David.

Oh Panginoon, aming Panginoon,
(BP)Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
(BQ)Na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.
(BR)Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan,
Dahil sa iyong mga kaaway,
Upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.
(BS)Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri,
Ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos;
(BT)Ano ang tao upang iyong alalahanin siya?
At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios,
At pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
(BU)Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay;
(BV)Iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:
Lahat na tupa at baka,
Oo, at ang mga hayop sa parang;
Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat,
Anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.
(BW)Oh Panginoon, aming Panginoon,
Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978