Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Chronological

Read the Bible in the chronological order in which its stories and events occurred.
Duration: 365 days
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
1 Cronica 23-25

Itinatag ni David ang Katungkulan ng mga Levita

23 Nang(A) si David ay matanda na at puspos na ng mga araw, ginawa niyang hari sa Israel si Solomon na kanyang anak.

Tinipon niya ang lahat ng pinuno ng Israel, pati ang mga pari at ang mga Levita.

Ang mga Levita na mula sa tatlumpung taong gulang pataas ay binilang at ang kanilang kabuuang bilang ay tatlumpu't walong libong lalaki.

“Dalawampu't apat na libo sa mga ito,” sabi ni David, “ang mamamahala sa gawain sa bahay ng Panginoon, at anim na libo ay mga pinuno at mga hukom,

at apat na libong bantay ng pinto, apat na libo ang mang-aawit sa Panginoon na may mga panugtog na aking ginawa para sa pagpupuri.”

Hinati sila ni David sa mga pangkat ayon sa mga anak ni Levi: si Gershon, si Kohat, at si Merari.

Sa mga Gershonita ay sina Ladan, at Shimei.

Ang mga anak ni Ladan: si Jehiel na pinuno, si Zetam, at si Joel, tatlo.

Ang mga anak ni Shimei: sina Shelomot, Haziel, at Haran, tatlo. Ito ang mga puno sa mga sambahayan ng mga magulang ni Ladan.

10 Ang mga anak ni Shimei: sina Jahat, Zinat, Jeus, at Beriah. Ang apat na ito ang mga anak ni Shimei.

11 Si Jahat ang pinuno at si Ziza ang ikalawa. Ngunit si Jeus at si Beriah ay hindi nagkaroon ng maraming anak, kaya't sila'y itinuring na isang sambahayan ng mga magulang.

12 Ang mga anak ni Kohat: sina Amram, Izar, Hebron, at Uziel, apat.

13 Ang(B) mga anak ni Amram: sina Aaron at Moises. Si Aaron ay ibinukod upang kanyang italaga ang mga kabanal-banalang bagay, upang siya at ang kanyang mga anak na lalaki ay magsunog ng insenso sa harap ng Panginoon at maglingkod sa kanya, at magbasbas sa pamamagitan ng kanyang pangalan magpakailanman.

14 Ngunit ang mga anak ni Moises na tao ng Diyos ay ibinilang na kasama ng lipi ni Levi.

15 Ang mga anak ni Moises: sina Gershom at Eliezer.

16 Ang mga anak ni Gershom: si Sebuel na pinuno.

17 Ang mga anak ni Eliezer: si Rehabias na pinuno. Si Eliezer ay hindi nagkaroon ng ibang mga anak na lalaki, ngunit ang mga anak ni Rehabias ay napakarami.

18 Ang mga anak ni Izar: si Shelomit na pinuno.

19 Ang mga anak ni Hebron: si Jerias ang pinuno, si Amarias ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo, at si Jecaman ang ikaapat.

20 Ang mga anak ni Uziel: si Micaias ang pinuno, at si Ishias ang ikalawa.

21 Ang mga anak ni Merari: sina Mahli at Musi. Ang mga anak ni Mahli: sina Eleazar at Kish.

22 Si Eleazar ay namatay na hindi nagkaanak ng lalaki, kundi mga babae lamang; at naging asawa nila ang kanilang mga kamag-anak na mga anak ni Kish.

23 Ang mga anak ni Musi: sina Mahli, Eder, at Jerimot, tatlo.

24 Ito ang mga anak ni Levi, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, samakatuwid ay mga puno ng mga sambahayan na nakatala ayon sa bilang ng mga pangalan ng mga tao mula sa dalawampung taong gulang pataas na maglilingkod sa bahay ng Panginoon.

25 Sapagkat sinabi ni David, “Ang Panginoon, ang Diyos ng Israel ay nagbigay ng kapahingahan sa kanyang bayan; at siya'y naninirahan sa Jerusalem magpakailanman.

26 Hindi(C) na kailangan pang pasanin ng mga Levita ang tabernakulo at ang alinman sa mga kasangkapan niyon sa paglilingkod doon.”

27 Sapagkat ayon sa mga huling salita ni David, ang mga ito ang nabilang sa mga anak ni Levi, mula sa dalawampung taong gulang pataas.

28 “Ang(D) kanilang katungkulan ay tumulong sa mga anak ni Aaron sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, na silang may pangangasiwa sa mga bulwagan, sa mga silid, at sa paglilinis ng lahat ng banal na bagay, at sa lahat ng gawain ng paglilingkod sa bahay ng Diyos.

29 Gayundin sa tinapay na handog, at sa piling harina para sa handog na butil, maging sa mga manipis na tinapay na walang pampaalsa, at sa niluto sa kawali, at sa handog na pinirito; at sa lahat ng sari-saring takalan at sukatan.

30 Sila'y tatayo tuwing umaga upang magpasalamat at magpuri sa Panginoon, at gayundin naman sa hapon;

31 at sa tuwing maghahandog ng lahat ng handog na sinusunog sa Panginoon sa mga Sabbath, sa mga bagong buwan, at sa mga takdang kapistahan na ang bilang ay alinsunod sa itinatakda sa kanila at patuloy sa harap ng Panginoon.

32 Sa gayo'y pangangasiwaan nila ang toldang tipanan, ang santuwaryo, at ang mga anak ni Aaron na kanilang mga kapatid para sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon.”

Ang Pagkakabahagi ng mga Anak ni Aaron

24 Ang pagkakabahagi ng mga anak ni Aaron ay ito. Ang mga anak ni Aaron: sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.

Ngunit(E) si Nadab at si Abihu ay naunang namatay sa kanilang ama, at hindi nagkaroon ng anak. Kaya't si Eleazar at si Itamar ang naglingkod bilang mga pari.

Sa tulong ni Zadok na isa sa mga anak ni Eleazar, at ni Ahimelec na isa sa mga anak ni Itamar, pinangkat-pangkat sila ni David ayon sa kanilang mga gawain sa kanilang paglilingkod.

Palibhasa'y mas maraming pinuno na natagpuan sa mga anak ni Eleazar kaysa sa mga anak ni Itamar, sila'y hinati sa ilalim ng labing-anim na mga pinuno sa mga sambahayan ng mga ninuno sa mga anak ni Eleazar, at walo naman sa mga anak ni Itamar.

Pinagpangkat-pangkat sila sa pamamagitan ng palabunutan, bawat isa sa kanila; sapagkat mayroong mga pinuno sa santuwaryo, at mga pinuno para sa Diyos sa mga anak ni Eleazar at sa mga anak ni Itamar.

Itinala ang mga ito ni Shemaya na eskriba na anak ni Natanael na Levita, sa harapan ng hari, at ng mga pinuno, at ng paring si Zadok, at ni Ahimelec na anak ni Abiatar, at sa mga pinuno sa mga sambahayan ng mga ninuno ng mga pari, at ng mga Levita. Isang sambahayan ng mga ninuno ang pinili para kay Eleazar, at ang isa'y pinili para kay Itamar.

Ang unang palabunutan ay napapunta kay Jehoiarib, ang ikalawa'y kay Jedias;

ang ikatlo ay kay Harim, ang ikaapat ay kay Seorim;

ang ikalima ay kay Malkia, ang ikaanim ay kay Mijamin;

10 ang ikapito ay kay Hakoz, ang ikawalo ay kay Abias;

11 ang ikasiyam ay kay Jeshua, ang ikasampu ay kay Shecanias;

12 ang ikalabing-isa ay kay Eliasib, ang ikalabindalawa ay kay Jakim;

13 ang ikalabintatlo ay kay Hupa, ang ikalabing-apat ay kay Isebeab;

14 Ang ikalabinlima ay kay Bilga, ang ikalabing-anim ay kay Imer;

15 ang ikalabimpito ay kay Hezir, ang ikalabingwalo ay kay Hapizez,

16 ang ikalabinsiyam ay kay Petaya, ang ikadalawampu ay kay Jehezkel;

17 ang ikadalawampu't isa ay kay Jakin, ang ikadalawampu't dalawa ay kay Hamul;

18 ang ikadalawampu't tatlo ay kay Delaias, ang ikadalawampu't apat ay kay Maasias.

19 Ito ang pagkakasunud-sunod nila sa kanilang paglilingkod, sa kanilang pagpasok sa bahay ng Panginoon ayon sa tuntuning itinakda para sa kanila sa pamamagitan ni Aaron na kanilang ninuno, gaya ng iniutos sa kanya ng Panginoong Diyos ng Israel.

Ang Iba Pang mga Anak ni Levi

20 At sa iba pang mga anak ni Levi: sa mga anak ni Amram, si Subael; sa mga anak ni Subael, si Jehedias.

21 Kay Rehabias: sa mga anak ni Rehabias, si Ishias ang pinuno.

22 Sa mga Izarita, si Shelomot; sa mga anak ni Shelomot, si Jahat.

23 Sa mga anak ni Hebron: si Jerias ang pinuno, si Amarias ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo, si Jecaman ang ikaapat.

24 Ang mga anak ni Uziel: si Micaias; sa mga anak ni Micaias, si Samir.

25 Ang kapatid ni Micaias, si Ishias; sa mga anak ni Ishias, si Zacarias.

26 Ang mga anak ni Merari: si Mahli at si Musi: ang mga anak ni Jaazia: si Beno.

27 Ang mga anak ni Merari: kay Jaazia, sina Beno, Soam, Zacur, at Ibri.

28 Kay Mahli: si Eleazar, na hindi nagkaroon ng anak na lalaki.

29 Kay Kish: ang mga anak ni Kish, si Jerameel.

30 Ang mga anak ni Musi: sina Mahli, Eder, at Jerimot. Ang mga ito ang mga anak ng mga Levita ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ama.

31 Ang mga ito nama'y nagpalabunutan din gaya ng kanilang mga kapatid na mga anak ni Aaron, sa harap ni Haring David, at ni Zadok, Ahimelec at ng mga pinuno sa mga sambahayan ng mga ninuno ng mga pari at mga Levita, ang pinuno gayundin ang nakababatang kapatid.

Ang mga Mang-aawit sa Templo

25 Ibinukod din ni David at ng mga punong-kawal ng hukbo para sa paglilingkod ang ilan sa mga anak nina Asaf, Heman, at Jedutun na magpapahayag ng propesiya sa saliw ng mga alpa, mga lira, at ng mga pompiyang. Ang talaan ng gumawa ng gawain at ang kanilang mga tungkulin ay sina:

Sa mga anak ni Asaf: sina Zacur, Jose, Netanias, at Asarela, na mga anak ni Asaf; sa ilalim ng pamumuno ni Asaf na nagpahayag ng propesiya ayon sa utos ng hari.

Kay Jedutun, ang mga anak ni Jedutun: sina Gedalias, Zeri, Jeshaias, Hashabias, at Matithias, anim;[a] sa ilalim ng pamumuno ng kanilang amang si Jedutun na nagpahayag ng propesiya sa saliw ng lira, na may pagpapasalamat at pagpupuri sa Panginoon.

Kay Heman, ang mga anak ni Heman: sina Bukias, Matanias, Uziel, Sebuel, Jerimot, Hananias, Hanani, Eliata, Gidalti, Romamtiezer, Josbecasa, Maloti, Hotir, at Mahaziot.

Lahat ng mga ito'y mga anak ni Heman na propeta[b] ng hari, ayon sa pangako ng Diyos na itaas siya. Sapagkat binigyan ng Diyos si Heman ng labing-apat na anak na lalaki at tatlong anak na babae.

Silang lahat ay nasa ilalim ng pamumuno ng kanilang ama sa pag-awit sa bahay ng Panginoon, na may mga pompiyang, mga lira, at mga alpa sa paglilingkod sa bahay ng Diyos; sina Asaf, Jedutun, at Heman ay nasa ilalim ng pamumuno ng hari.

Ang bilang nila kasama ang kanilang mga kapatid na mga sinanay sa pag-awit sa Panginoon, lahat ng bihasa ay dalawandaan at walumpu't walo.

Sila'y nagpalabunutan sa kanilang mga katungkulan, hamak at dakila, maging ang guro at mag-aaral.

Ang Dalawampu at Apat na Bahagi ng Mang-aawit

Ang unang sapalaran ay napunta kay Asaf hanggang kay Jose; ang ikalawa'y kay Gedalias; siya at ang kanyang mga kapatid at mga anak ay labindalawa;

10 ang ikatlo ay kay Zacur, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

11 ang ikaapat ay kay Isri, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

12 ang ikalima ay kay Netanias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

13 ang ikaanim ay kay Bukias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

14 ang ikapito ay kay Jesarela, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

15 ang ikawalo ay kay Jeshaias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

16 ang ikasiyam ay kay Matanias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

17 ang ikasampu ay kay Shimei, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

18 ang ikalabing-isa ay kay Azarel, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

19 ang ikalabindalawa ay kay Hashabias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

20 ang ikalabintatlo ay kay Subael, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

21 ang ikalabing-apat ay kay Matithias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

22 ang ikalabinlima ay kay Jerimot, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

23 ang ikalabing-anim ay kay Hananias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

24 ang ikalabimpito ay kay Josbecasa, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

25 ang ikalabingwalo ay kay Hanani, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

26 ang ikalabinsiyam ay kay Maloti, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

27 ang ikadalawampu ay kay Eliata, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

28 ang ikadalawampu't isa ay kay Hotir, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

29 ang ikadalawampu't dalawa ay kay Gidalti, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

30 ang ikadalawampu't tatlo ay kay Mahaziot, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

31 ang ikadalawampu't apat ay kay Romamtiezer, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001