Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Chronological

Read the Bible in the chronological order in which its stories and events occurred.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Cronica 26-29

Ang pagkakabahagi ng mga tanod-pinto.

26 Sa pagka bahagi ng mga tagatanod-pinto: sa mga Coraita: si (A)Meselemia na anak ni Core, sa mga anak ni (B)Asaph.

At si (C)Meselemia ay nagkaanak; si Zacharias ang panganay, si Jediael ang ikalawa, si Zebadias ang ikatlo, si Jatnael ang ikaapat;

Si Elam ang ikalima, si Johanam ang ikaanim, si Elioenai ang ikapito.

At si Obed-edom ay nagkaanak; si Semeias ang panganay, si Jozabad ang ikalawa, si Joab ang ikatlo, at si Sachar ang ikaapat, at si Nathanael ang ikalima;

Si Anmiel ang ikaanim, si Issachar ang ikapito, si Peullethai ang ikawalo; sapagka't pinagpala (D)siya ng Dios.

Kay Semeias namang kaniyang anak ay nagkaanak ng mga lalake na nagsipagpuno sa sangbahayan ng kanilang magulang: sapagka't sila'y mga makapangyarihang lalaking matatapang.

Ang mga anak ni Semeias: si Othni, at si Raphael at si Obed, si Elzabad, na ang mga kapatid ay matatapang na lalake, si Eliu, at si Samachias.

Lahat ng mga ito'y sa mga anak ni Obed-edom: sila at ang kanilang mga anak at ang kanilang mga kapatid, mga bihasang lalake sa kalakasan ukol sa paglilingkod; anim na pu't dalawa kay Obed-edom.

At si Meselemia ay nagkaroon ng mga anak at mga kapatid na matatapang na lalake, labing walo.

10 Si Hosa naman sa mga anak ni Merari ay nagkaroon ng mga anak; si Simri ang pinuno (sapagka't bagaman hindi siya panganay, gayon ma'y ginawa siyang pinuno ng kaniyang ama;)

11 Si Hilcias ang ikalawa, si Tebelias ang ikatlo, si Zacharias ang ikaapat; lahat ng mga anak at mga kapatid ni Hosa ay labing tatlo.

12 Sa mga ito ang mga bahagi ng mga tagatanod-pinto, sa makatuwid baga'y ng mga pinuno na may mga katungkulang gaya ng kanilang mga kapatid na magsipangasiwa sa bahay ng Panginoon.

13 At sila'y (E)nangagsapalaran, gayon ang (F)maliit na gaya ng malaki, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang na ukol sa bawa't pintuang-daan.

14 At ang kapalaran sa dakong silanganan ay nahulog kay (G)Selemia. Sa ganang kay Zacharias nga na kaniyang anak na matalinong kasangguni, sila'y nagsapalaran; at ang kaniyang kapalaran ay nahulog sa dakong hilagaan.

15 Kay Obed-edom ay dakong timugan; at sa kaniyang mga anak ay ang kamalig.

16 Kay Suppim at kay Hosa ay dakong kalunuran, sa tabi ng pintuang-daan ng Sallechet, sa daanang paahon, na pulutong at pulutong.

17 Sa dakong silanganan ay anim na Levita, sa dakong hilagaan ay apat araw-araw, sa dakong timugan ay apat araw-araw, at sa kamalig ay dalawa't dalawa.

18 Sa Parbar sa dakong kalunuran, apat sa daanan, at dalawa sa Parbar.

19 Ito ang mga bahagi ng mga tagatanod-pinto; sa mga anak ng mga Coraita, at sa mga anak ni Merari.

Ang tagapamahala ng kayamanan sa templo.

20 At sa mga Levita, si Achias ay nasa mga kayamanan ng bahay ng Dios, at nasa mga kayamanan ng mga itinalagang bagay.

21 Ang mga anak ni Ladan: ang mga anak ng mga Gersonita na nauukol kay Ladan; ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang na ukol kay Ladan na Gersonita; si (H)Jehieli.

22 Ang mga anak ni Jehieli: si Zethan at si Joel na kaniyang kapatid, sa mga ingatang-yaman ng bahay ng Panginoon.

23 Sa mga Amramita, sa mga Isharita, sa mga Hebronita, sa mga Uzzielita:

24 At si Sebuel na anak ni Gerson, na anak ni Moises, ay puno sa mga ingatang-yaman.

25 At ang kaniyang mga kapatid kay Eliezer ay nanggaling si Rehabia na kaniyang anak, at si Isaias na kaniyang anak, at si Joram na kaniyang anak, at si Zichri na kaniyang anak, at si Selomith na kaniyang anak.

26 Ang Selomith na ito at ang kaniyang mga kapatid ay nangasa lahat ng ingatang-yaman ng nangatalagang mga bagay na (I)itinalaga ni David na hari, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, ng mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, at ng mga pinunong kawal ng hukbo.

27 Ang samsam na pinanalunan sa pakikipagbaka, ay kanilang itinalaga upang ayusin ang bahay ng Panginoon.

28 At lahat na itinalaga ni (J)Samuel na tagakita, at ni Saul na anak ni Cis, at ni (K)Abner na anak ni Ner, at ni Joab na anak ni Sarvia; ang (L)anomang bagay na itinalaga ninoman ay nasa ilalim ng pamamahala ni Selomith, at ng kaniyang mga kapatid.

29 Sa mga Isharita, si Chenania at ang kaniyang mga anak ay mga tagapamahala at hukom sa mga (M)gawain sa labas ng Israel.

30 Sa mga Hebronita, si (N)Hasabias, at ang kaniyang mga kapatid na mga lalaking matapang, na isang libo't pitong daan, ay nangamamahala sa Israel sa dako roon ng Jordan sa dakong kalunuran, na ukol sa lahat ng gawain sa Panginoon, at sa paglilingkod sa hari.

31 Sa mga Hebronita ay si (O)Jerias ang pinuno, sa makatuwid baga'y sa mga Hebronita, ayon sa kanilang mga lahi ayon sa mga sangbahayan ng mga magulang. Nang ikaapat na pung taon ng paghahari ni David, sila'y hinanapan, at may nasumpungan, sa kanilang mga makapangyarihang lalaking matapang sa (P)Jazer ng Galaad.

32 At ang kaniyang mga kapatid na mga lalaking matapang, ay dalawang libo at pitong daan, na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang na siyang ginawa ni David na mga tagapamahala sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ng mga Manasita, (Q)sa lahat ng usap na ukol sa Dios, at sa mga bagay ng hari.

Mga punong kawal.

27 Ang mga anak nga ni Israel ayon sa kanilang bilang, sa makatuwid baga'y ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang at ang mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, at ang kanilang mga pinuno na nangaglilingkod sa hari, sa anomang bagay sa mga bahagi ng pumapasok at lumalabas buwan-buwan sa lahat ng mga buwan ng taon, sa bawa't bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

Sa unang pagka bahagi na ukol sa unang buwan ay si (R)Jasobam na anak ni Zabdiel: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

Siya'y sa mga anak ni Phares, na pinuno sa lahat na punong kawal ng hukbo na ukol sa unang buwan.

At sa bahagi sa ikalawang buwan ay si (S)Dodai na Ahohita, at ang kaniyang bahagi, at si Miclot na tagapamahala: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

Ang ikatlong pinuno ng pulutong na ukol sa ikatlong buwan ay si (T)Benaias, na anak ni Joiada na saserdote, pinuno: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

Ito yaong Benaias na siyang (U)makapangyarihang lalake sa tatlong pu, at pinuno sa tatlong pu; at sa kaniyang bahagi ay si Amisabad na kaniyang anak.

Ang ikaapat na pinuno sa ikaapat na buwan ay si (V)Asael na kapatid ni Joab, at si Zebadias na kaniyang kapatid ang sumusunod sa kaniya: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

Ang ikalimang pinuno sa ikalimang buwan ay si Sambuth na Izrita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

Ang ikaanim na pinuno sa ikaanim na buwan ay si (W)Ira na anak ni Icces na Tecoita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

10 Ang ikapitong pinuno sa ikapitong buwan ay si (X)Helles na Pelonita, sa mga anak ni Ephraim: at sa kanilang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

11 Ang ikawalong pinuno sa ikawalong buwan ay si (Y)Sibbecai na Husatita, sa mga Zarahita; at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

12 Ang ikasiyam na pinuno sa ikasiyam na buwan ay si (Z)Abiezer na Anathothita sa mga Benjamita; at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

13 Ang ikasangpung pinuno sa ikasangpung buwan ay si (AA)Maharai na Nethophathita sa mga Zarahita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

14 Ang ikalabing isang pinuno sa ikalabing isang buwan ay si (AB)Benaias na Piratonita, sa mga anak ni Ephraim: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

15 Ang ikalabing dalawang pinuno sa ikalabing dalawang buwan ay si (AC)Heldai na Nethophatita, sa Othniel: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

Mga tagapamahala sa mga lipi.

16 Bukod dito'y sa mga lipi ng Israel: sa mga Rubenita, si Eliezer, na anak ni Zichri, na tagapamahala; sa mga Simeonita, si Sephatias na anak ni Maacha.

17 Sa Levi, si (AD)Hasabias, na anak ni Camuel; sa Aaron, si (AE)Sadoc;

18 Sa Juda, si (AF)Eliu, isa sa mga kapatid ni David; sa Issachar, si Omri na anak ni Michael:

19 Sa Zabulon, si Ismaias na anak ni Abdias: sa Nephtali, si Jerimoth na anak ni Azriel:

20 Sa mga anak ni Ephraim, si Oseas na anak ni Azazia: sa kalahating lipi ni Manases, si Joel na anak ni Pedaia:

21 Sa kalahating lipi ni Manases sa Galaad, si Iddo na anak ni Zacharias: sa Benjamin, si Jaaciel na anak ni Abner.

22 Sa Dan, si Azarael na anak ni Jeroam. Ang mga ito ang mga pinunong kawal ng mga lipi ng Israel.

23 Nguni't hindi tinuos ni David ang bilang nila mula sa dalawang pung taon na paibaba: sapagka't sinabi ng (AG)Panginoon na kaniyang pararamihin ang Israel na gaya ng mga bituin sa langit.

24 Si Joab na anak ni Sarvia ay nagpasimulang bumilang, (AH)nguni't hindi natapos; at (AI)dumating sa Israel ang pagiinit dahil dito: ni hindi nalagda ang bilang sa mga alaala ng haring David.

Ang mga taga ingat-yaman ng haring si David.

25 At nasa mga ingatang-yaman ng hari, si Azmaveth na anak ni Adiel: at sa mga ingatang-yaman sa mga bukid, sa mga bayan, at sa mga nayon, at sa mga kastilyo ay si Jonathan na anak ni Uzzias:

26 At sa nagsisigawa sa bukiran, na ukol sa pagbubukid sa lupa ay si Izri na anak ni Chelud:

27 At sa mga ubasan ay si Simi na Ramathita: at sa mga pakinabang sa mga ubasan na ukol sa mga kamalig ng alak ay si Zabdias na Siphmita:

28 At sa mga puno ng olibo at sa mga puno ng sikomoro na nangasa mababang lupa ay si Baal-hanan na Gederita: at sa mga kamalig ng langis ay si Joas:

29 At sa mga bakahan na pinasasabsab sa Saron ay si Sitrai na Saronita: at sa mga bakahan na nangasa mga libis ay si Saphat na anak ni Adlai:

30 At sa mga kamelyo ay si Obil na Ismaelita: at sa mga asno ay si Jedias na Meronothita: At sa mga kawan ay si Jaziz na Hagrita.

31 Lahat ng mga ito'y mga katiwala sa mga pagaari ng haring David.

Ang mga kasangguni ni David.

32 At si Jonathan na amain ni David ay kasangguni at lalaking matalino, at kalihim; at si Jehiel na anak ni Hacmoni ay nasa mga anak ng hari:

33 (AJ)At si Achitophel ay kasangguni ng hari: at si (AK)Husai na Archita ay kaibigan ng hari:

34 At sumusunod kay Achitophel ay si Joiada na anak ni Benaias, at si Abiathar: at ang pinunong kawal sa hukbo ng hari ay si Joab.

Ang talumpati ni David.

28 At pinulong ni (AL)David ang lahat na prinsipe sa Israel, ang mga (AM)prinsipe ng mga lipi, at (AN)ang mga punong kawal ng mga pulutong na nagsisipaglingkod sa hari ayon sa halinhinan, at ang mga punong kawal ng lilibuhin, at ang mga punong kawal ng dadaanin, at ang mga (AO)katiwala sa lahat ng tinatangkilik at pagaari ng hari at ng kaniyang mga anak, na kasama ng mga pinuno at ng mga makapangyarihang lalake, lahat na (AP)makapangyarihang lalaking matapang, sa Jerusalem.

Nang magkagayo'y tumayo si David na hari sa kaniyang mga paa, at nagsabi, Dinggin ninyo ako: mga kapatid ko, at bayan ko (AQ)sa ganang akin, na sa aking puso ang ipagtayo ng isang bahay na pahingahan ang kaban ng tipan ng Panginoon, at (AR)upang tungtungan ng mga paa ng ating Dios; at ako'y humanda sa pagtatayo.

Nguni't sinabi ng Dios sa akin, (AS)Huwag mong ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, sapagka't ikaw ay lalaking mangdidigma, at nagbubo ka ng dugo.

Gayon ma'y pinili ako ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa buong sangbahayan ng aking ama upang maging hari sa Israel (AT)magpakailan man: sapagka't kaniyang pinili ang Juda upang maging pangulo: at sa sangbahayan ng Juda, ang (AU)sangbahayan ng aking ama; at sa gitna ng mga anak ng aking ama ay kinaluguran niya ako upang gawin akong hari sa buong Israel:

(AV)At sa lahat ng aking mga anak (sapagka't binigyan ako ng Panginoon ng maraming anak,) pinili niya si Salomon na aking anak upang umupo sa luklukan ng kaharian ng Panginoon sa Israel.

At kaniyang sinabi sa akin, (AW)Si Salomon na iyong anak ay siyang magtatayo ng aking bahay at ng aking mga looban; sapagka't aking pinili siya upang maging anak ko, at ako'y magiging kaniyang ama.

At aking itatatag ang kaniyang kaharian magpakailan man, kung kaniyang pamamalagiang sundin ang aking mga utos at ang aking mga kahatulan, gaya sa araw na ito.

Ngayon nga'y sa paningin ng buong Israel, ng kapisanan ng Panginoon, at sa pakinig ng ating Dios, sundin at suriin ang lahat na utos ng Panginoon ninyong Dios: upang inyong ariin ang mabuting lupaing ito, at maiwang pinakamana sa inyong mga anak pagkamatay ninyo, magpakailan man.

At ikaw, Salomon na aking anak, (AX)kilalanin mo ang Dios ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng (AY)sakdal na puso at ng kusang pagiisip: sapagka't sinasaliksik ng (AZ)Panginoon ang lahat na puso, at naaalaman ang lahat na akala ng pagiisip: kung iyong hanapin siya, ay masusumpungan siya sa iyo; nguni't (BA)kung pabayaan mo siya, kaniyang itatakwil ka magpakailan man.

10 Magingat ka ngayon; sapagka't pinili ka ng Panginoon upang ipagtayo mo ng bahay ang santuario; magpakalakas ka, at gawin mo.

Ibinigay ni David kay Salomon ang anyo ng gagawing templo.

11 Nang magkagayo'y (BB)ibinigay ni David kay Salomon na kaniyang anak ang anyo ng (BC)portiko ng templo, at ng mga (BD)kabahayan niyaon, at ng mga ingatang-yaman niyaon, at ng mga mataas na silid niyaon, at ng mga pinakaloob na silid niyaon, at ng dakong luklukan ng awa:

12 At ang anyo ng lahat na kaniyang naisip sa pamamagitan ng Espiritu tungkol sa mga looban ng bahay ng Panginoon, at tungkol sa lahat ng (BE)silid sa palibot, (BF)tungkol sa mga ingatang-yaman ng bahay ng Dios, at tungkol sa mga ingatang-yaman ng mga natalagang bagay:

13 Tungkol din naman sa mga (BG)bahagi ng mga saserdote at ng mga (BH)Levita, at tungkol sa lahat na gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, at tungkol sa lahat na kasangkapan na ipinaglilingkod sa bahay ng Panginoon.

14 Sa ginto na ang timbang na ukol sa mga kasangkapang ginto, sa lahat na kasangkapan ng sarisaring paglilingkod; sa pilak na ukol sa lahat ng kasangkapan na pilak ang timbang, sa lahat na kasangkapan ng sarisaring paglilingkod:

15 Na ang timbang din naman na ukol sa mga (BI)kandelero na ginto, at sa mga (BJ)ilawan niyaon, na ginto: na ang timbang sa bawa't kandelero at sa mga ilawan niyaon: at sa mga kandelerong pilak, pilak na ang timbang sa bawa't kandelero, at sa mga ilawan niyaon, ayon sa kagamitan sa bawa't kandelero:

16 At ang ginto na ang timbang na ukol sa mga dulang ng tinapay na handog, na ukol sa bawa't dulang; at pilak na ukol sa mga dulang na pilak:

17 At ang mga (BK)panduro, at ang mga mangkok, at ang mga saro, na taganas na ginto: at sa mga gintong taza ay ang timbang sa bawa't taza; at sa mga pilak na taza ay ang timbang sa bawa't taza;

18 At sa (BL)dambana ng kamangyan ay gintong dalisay ayon sa timbang: at ginto sa anyo ng karo, sa makatuwid baga'y (BM)ang mga querubin na nakabuka ang mga pakpak at lumililim sa kaban ng tipan ng Panginoon.

19 Lahat ng ito'y, sabi ni David, (BN)aking naalaman sa sulat na mula sa kamay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y lahat ng gawain sa anyong ito.

Ang katapusang bilin.

20 At sinabi ni David kay Salomon na kaniyang anak, Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang, at gawin mo: huwag kang matakot, o manglupaypay man; sapagka't ang Panginoong Dios, na aking Dios, ay (BO)sumasaiyo; hindi ka niya iiwan, o pababayaan man, hanggang sa ang lahat na gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon ay matapos.

21 (BP)At, narito, may mga bahagi sa mga saserdote at sa mga Levita, na ukol sa lahat na paglilingkod sa bahay ng Dios: at magkakaroon sa iyo sa lahat ng sarisaring gawain ng bawa't may kusang kaloobang tao (BQ)na bihasa sa sarisaring paglilingkod: ang mga punong kawal naman at ang buong bayan ay lubos na sasa iyong utos.

Mga inihandang gagamitin sa pagtatayo ng templo.

29 At sinabi ni David na hari sa buong kapisanan, Si Salomon na aking anak na siya lamang pinili ng Dios (BR)ay bata pa at sariwa, at ang gawain ay malaki; sapagka't ang templo ay hindi ukol sa tao, kundi sa Panginoong Dios.

Akin ngang ipinaghanda ng aking buong kaya ang bahay ng aking Dios, ng ginto na ukol sa mga bagay na ginto, at ng pilak na ukol sa mga bagay na pilak, at ng tanso na ukol sa mga bagay na tanso, ng bakal na ukol sa mga bagay na bakal, at ng kahoy na ukol sa mga bagay na kahoy; ng mga (BS)batong onix, at mga batong pangkalupkop, ng mga batong panggayak, at may sarisaring kulay, at ng lahat na sarisaring mahalagang bato, at ng mga batong marmol na sagana.

Bukod din naman dito, sapagka't aking inilagak ang aking loob sa bahay ng aking Dios, na yamang may tinatangkilik ako na aking sariling ginto at pilak, ay aking ibinibigay sa bahay ng aking Dios, bukod sa lahat na aking inihanda na ukol sa banal na bahay;

Sa makatuwid baga'y (BT)tatlong libong talentong ginto, na ginto sa (BU)Ophir, at pitong libong talentong dalisay na pilak upang ibalot sa mga panig ng mga bahay:

Ginto na ukol sa mga bagay na ginto, at pilak na ukol sa mga bagay na pilak at sa lahat na sarisaring gawain na yayariin ng mga kamay ng mga manggagawa. Sino nga ang naghahandog na kusa upang magtalaga sa Panginoon sa araw na ito?

Ang handog ng mga magulang, ng mga prinsipe at pinunong kawal sa gawain ng hari.

(BV)Nang magkagayo'y naghandog na kusa ang mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang, at ang mga prinsipe ng mga lipi ng Israel, at ang mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, pati ng mga (BW)tagapamahala sa gawain ng hari;

At ibinigay nila sa paglilingkod sa bahay ng Dios, ay ginto, na limang libong talento, at sangpung libong (BX)dariko, at pilak na sangpung libong talento, at tanso na labing walong libong talento, at bakal na isang daang libong talento.

At sila'y nangasumpungang may mga mahalagang bato ay nagsipagbigay sa kayamanan ng bahay ng Panginoon, sa ilalim ng kapangyarihan ng kamay ni Jehiel na Gersonita.

Nang magkagayo'y nagalak ang bayan, dahil sa sila'y nangaghandog na kusa, sapagka't sila'y may dalisay na puso na (BY)nangaghandog na kusa sa Panginoon: at si David naman na hari ay nagalak ng dakilang pagkagalak.

Ang pagpapasalamat ni David.

10 Kaya't pinuri ni David ang Panginoon sa harap ng buong kapisanan; at sinabi ni David, (BZ)Purihin ka, Oh Panginoon, na Dios ng Israel na aking ama, magpakailan kailan man.

11 Iyo, Oh Panginoon ang (CA)kadakilaan, at ang (CB)kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, at ang pagtatagumpay, at ang karangalan: sapagka't lahat na nangasa langit at nangasa lupa ay iyo: iyo ang kaharian, Oh Panginoon, at ikaw ay nataas na pangulo sa lahat.

12 (CC)Ang mga kayamanan at gayon din ang karangalan ay nangagmumula sa iyo, at ikaw ang nagpupuno sa lahat; at (CD)nasa iyong kamay ang kapangyarihan at kalakasan; at nasa iyong kamay ang pagpapadakila, at pagpapalakas sa lahat.

13 Kaya't ngayon, aming Dios, kami ay napasasalamat sa iyo, at aming pinupuri ang iyong maluwalhating pangalan.

14 Nguni't sino ako, at ano ang aking bayan, na makapaghahandog na ganyang kusa ayon sa ganitong paraan? sapagka't ang lahat na bagay ay nangagmumula sa iyo, at ang iyong sarili ay aming ibinigay sa iyo.

15 (CE)Sapagka't kami ay mga taga ibang lupa sa harap mo, at mga nakikipamayan, gaya ng lahat naming mga magulang: (CF)ang aming mga kaarawan sa lupa ay gaya ng anino, at hindi nagtatagal.

16 Oh Panginoon naming Dios, lahat ng bagay na ito na aming inihanda upang ipagtayo ka ng bahay na ukol sa iyong banal na pangalan ay nangagmumula sa iyong kamay, at iyong sariling lahat.

17 Talastas ko rin, Dios ko na iyong (CG)sinusubok ang puso, at nalulugod sa katuwiran. Sa ganang akin, sa katuwiran ng aking puso ay aking inihandog na kusa ang lahat na bagay na ito: at ngayo'y nakita kong may kagalakan ang iyong bayan na nahaharap dito, na naghahandog na kusa sa iyo.

18 Oh Panginoon, na Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel na aming mga magulang, ingatan mo ito magpakailan man sa (CH)akala ng mga pagiisip ng puso ng iyong bayan, at (CI)ihanda mo ang kanilang puso sa iyo:

19 At bigyan mo naman si Salomon na aking anak ng (CJ)sakdal na puso, upang ingatan ang iyong mga utos, ang iyong mga patotoo, at ang iyong mga palatuntunan, at upang gawin ang lahat na bagay na ito, at upang itayo ang (CK)templo, na siyang (CL)aking ipinaghanda.

Nagsunog ng handog.

20 At sinabi ni David sa buong kapisanan, Ngayo'y purihin ninyo ang Panginoon ninyong Dios. At ang buong kapisanan ay (CM)pumuri sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang, at (CN)iniyukod ang kanilang mga ulo, at sumamba sa Panginoon, at sa hari.

21 At sila'y nagsipaghain ng mga hain sa Panginoon, at nagsipaghandog sa Panginoon ng mga handog na susunugin sa kinabukasan, pagkatapos nang araw na yaon, sa makatuwid baga'y isang libong baka, at isang libong tupang lalake, at isang libong kordero, pati ng mga (CO)inuming handog na ukol sa mga yaon, at ng mga hain na sagana ukol sa buong Israel;

Si Salomon ay ginawang hari.

22 At nagkainan at naginuman sa harap ng Panginoon nang araw na yaon na may malaking kasayahan. At kanilang ginawang hari na (CP)ikalawa si Salomon na anak ni David, at pinahiran ng langis siya (CQ)sa Panginoon upang maging pangulo, at si Sadoc upang maging saserdote.

23 Nang magkagayo'y naupo si Salomon sa luklukan ng Panginoon na pinaka hari na kahalili ni David na kaniyang ama, at guminhawa; at ang buong Israel ay tumalima sa kaniya.

24 At ang lahat na prinsipe at mga matapang na lalake, at ang lahat ding anak ng haring David, ay sumailalim ng kapangyarihan ng haring Salomon.

25 At pinadakilang mainam ng Panginoon si Salomon sa paningin ng buong Israel, at (CR)isinakaniya ang gayong karangalang pagkahari na hindi napasa kanino mang hari na nauna sa kaniya sa Israel.

Ang pamamahala ni David at kamatayan.

26 Si David nga na anak ni Isai ay naghari sa buong Israel.

27 At ang panahon na kaniyang ipinaghari sa Israel ay (CS)apat na pung taon; (CT)pitong taon na naghari siya sa Hebron, at tatlong pu't tatlong taon na naghari siya sa Jerusalem.

28 At siya'y namatay sa mabuting katandaan, puspus ng mga araw, mga kayamanan, at karangalan: at si Salomon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

29 Ang mga gawa nga ni David na hari, na una at huli, narito, nangasusulat sa kasaysayan ni (CU)Samuel na tagakita, at sa kasaysayan ni (CV)Nathan na propeta, at sa kasaysayan ni (CW)Gad na tagakita;

30 Pati ng buo niyang paghahari, at kaniyang kapangyarihan (CX)at ang mga panahong dinaanan niya, at ng Israel, at ng lahat ng mga kaharian ng mga lupain.

Mga Awit 127

Ang pananagana ay nagmumula sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni Salomon.

127 Malibang itayo ng Panginoon ang bahay,
Walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo:
(A)Malibang ingatan ng Panginoon ang bayan,
Walang kabuluhang gumigising ang bantay.
Walang kabuluhan sa inyo na kayo'y magsibangong maaga,
At magpahingang tanghali,
(B)At magsikain ng tinapay ng kapagalan:
Sapagka't binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal.
(C)Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon:
At ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala.
Kung paano ang mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake,
Gayon ang mga anak ng kabataan.
Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana ng mga yaon:
Sila'y hindi mapapahiya,
Pagka sila'y (D)nakikipagsalitaan sa kanilang mga kaaway sa (E)pintuang-bayan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978