Chronological
Si David sa kaniyang katandaan.
1 Si David na hari nga ay matanda at totoong magulang na; at kanilang tinakpan siya ng mga kumot, nguni't siya'y hindi naiinitan.
2 Kaya't sinabi ng mga lingkod niya sa kaniya, Ihanap ang aking panginoon na hari ng isang dalaga: at patayuin siya sa harap ng hari, at libangin niya siya; at mahiga siya sa iyong sinapupunan, upang ang aking panginoon na hari ay mainitan.
3 Sa gayo'y inihanap nila siya ng isang magandang dalaga sa lahat ng mga hangganan ng Israel, at nasumpungan si Abisag na Sunamita, at (A)dinala sa hari.
4 At ang dalaga ay totoong maganda: at kaniyang nilibang ang hari at nagaalaga sa kaniya; nguni't hindi siya ginalaw ng hari.
5 Nang magkagayo'y nagmataas si (B)Adonia na anak ni Haggith, na nagsabi, Ako'y magiging hari: at siya'y naghanda ng mga karo at mga mangangabayo, at limang pung lalaking mananakbo sa (C)unahan niya.
Si Adonia ay nagtangka na maging hari.
6 At hindi siya kinasamaan ng loob ng kaniyang ama kailan man, na nagsabi, Bakit ka gumawa ng ganyan? at siya'y totoong makisig na lalake rin naman; at siya'y (D)ipinanganak na kasunod ni Absalom.
7 At siya'y nakipagsalitaan kay Joab na anak ni Sarvia, at sa saserdoteng kay Abiathar: at pagsunod nila kay Adonia ay (E)nagsitulong sa kaniya.
8 Nguni't si Sadoc na saserdote, at si (F)Benaia na anak ni Joiada, at si (G)Nathan na propeta, at si Semei, at si Reihi, at ang mga makapangyarihang lalake na nauukol kay David, ay (H)hindi kasama ni Adonia.
9 At nagpatay si Adonia ng mga tupa, at mga baka at ng mga pinataba sa siping ng bato ng Zoheleth, na nasa tabi ng (I)Enrogel: at kaniyang tinawag ang lahat niyang kapatid na mga anak ng hari, at ang lahat na lalake sa Juda na mga lingkod ng hari.
10 Nguni't si Nathan na propeta, at si Benaia, at ang mga makapangyarihang lalake, at si (J)Salomon na kaniyang kapatid ay hindi niya tinawag.
11 Nang magkagayo'y nagsalita si Nathan kay Bath-sheba na ina ni Salomon, na nagsasabi, Hindi mo ba nabalitaan na naghahari si Adonia na anak ni Haggith, at hindi nalalaman ni David na ating panginoon?
12 Ngayon nga'y parito ka, isinasamo ko sa iyo, na bigyang payo kita, upang iyong mailigtas ang iyong sariling buhay, at ang buhay ng iyong anak na si Salomon.
13 Ikaw ay yumaon, at pasukin mo ang haring si David, at sabihin mo sa kaniya, Di ba, panginoon ko, isinumpa mo sa iyong lingkod, na iyong sinasabi, Tunay na si (K)Salomon na iyong anak ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan? bakit nga maghahari si Adonia?
14 Narito, samantalang nagsasalita ka pa roon sa hari, ay papasok naman ako na kasunod mo, at aking patototohanan ang iyong mga salita.
Tumutol si Bath-sheba.
15 At pinasok ni Bath-sheba ang hari sa silid; at ang hari ay totoong matanda na; at si Abisag na Sunamita ay siyang nagaalaga sa hari.
16 At si Bath-sheba ay yumukod at nagbigay galang sa hari. At sinabi ng hari, Anong ibig mo?
17 At sinabi niya sa kaniya, Panginoon ko, isinumpa mo ang Panginoon mong Dios sa iyong lingkod, na sinasabi, Tunay na si Salomon na iyong anak ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan.
18 At ngayo'y narito, si Adonia ay naghahari; at ikaw, panginoon ko na hari, ay hindi mo nalalaman;
19 At siya'y pumatay ng mga baka, at mga pinataba, at tupa na sagana, at tinawag ang lahat na anak ng hari, at si Abiathar na saserdote, at si Joab na puno ng hukbo: nguni't si Salomon na iyong lingkod ay hindi niya tinawag.
20 At ikaw, panginoon ko na hari, ang mga mata ng buong Israel ay nasa iyo, upang iyong saysayin sa kanila kung sino ang uupo sa luklukan ng aking panginoon na hari pagkamatay niya.
21 Sa ibang paraa'y mangyayari, na pagka ang aking panginoon na hari ay (L)natutulog na kasama ng kaniyang mga magulang, na ako at ang aking anak na si Salomon ay mabibilang sa mga may sala.
Kinatigan ni Nathan si Bath-sheba sa pagtutol.
22 At, narito, samantalang siya'y nakikipagsalitaan pa sa hari, ay pumasok si Nathan na propeta.
23 At kaniyang isinaysay sa hari, na sinasabi, Narito, si Nathan na propeta. At nang siya'y dumating sa harap ng hari, siya'y yumukod ng kaniyang mukha sa lupa sa harap ng hari.
24 At sinabi ni Nathan, Panginoon ko, Oh hari, iyo bang sinabi, Si Adonia ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan?
25 Sapagka't siya'y lumusong nang araw na ito, at nagpatay ng mga baka, at mga pinataba, at mga tupa na sagana, at tinawag ang lahat na anak ng hari, at ang mga puno ng hukbo, at si Abiathar na saserdote; at, narito, sila'y nagkakainan at nagiinuman sa harap niya at nagsisipagsabi, Mabuhay ang haring si (M)Adonia.
26 (N)Nguni't ako, akong iyong lingkod, at si Sadoc na saserdote, at si Benaia na anak ni Joiada, at ang iyong lingkod na si Salomon, hindi niya tinawag.
27 Ang bagay na ito baga ay ginawa ng aking panginoon na hari, at hindi mo ipinakilala sa iyong mga lingkod kung sino ang uupo sa luklukan ng aking panginoon na hari pagkamatay niya?
28 Nang magkagayo'y sumagot ang haring si David, at nagsabi, Tawagin ninyo sa akin si Bath-sheba. At siya'y pumasok sa harap ng hari, at tumayo sa harap ng hari.
29 At sumumpa ang hari, at nagsabi, Buhay ang Panginoon, na tumubos ng aking kaluluwa sa lahat ng (O)karalitaan,
30 Katotohanang kung paanong sumumpa ako sa iyo sa pangalan ng Panginoon, na Dios ng Israel, na sinasabi, Tunay na si Salomon na iyong anak ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan na kahalili ko; katotohanang gayon ang aking gagawin sa araw na ito.
31 Nang magkagayo'y iniyukod ni Bath-sheba ang kaniyang mukha sa lupa, at nagbigay galang sa hari, at nagsabi, Mabuhay ang aking panginoon na haring si David (P)magpakailan man.
Si Salomon ay pinahiran ng langis upang maging hari.
32 At sinabi ng haring si David, (Q)Tawagin ninyo sa akin si Sadoc na saserdote, at si Nathan na propeta, at si Benaia na anak ni Joiada. At sila'y pumasok sa harap ng hari.
33 At sinabi ng hari sa kanila, (R)Ipagsama ninyo ang mga lingkod ng inyong panginoon, at pasakayin ninyo ang aking anak na si Salomon sa aking sariling mula, at (S)ilusong ninyo siya sa (T)Gihon.
34 At pahiran siya ng langis doon ni (U)Sadoc na saserdote at ni Nathan na propeta na maging hari sa Israel: at kayo'y (V)magsihihip ng pakakak, at magsipagsabi, Mabuhay ang haring si Salomon.
35 Kung magkagayo'y magsisiahon kayong kasunod niya, at siya'y paririto, at uupo sa aking luklukan: sapagka't siya'y magiging hari, na kahalili ko: at inihalal ko siyang maging prinsipe sa Israel at sa Juda.
36 At si Benaia na anak ni Joiada ay sumagot sa hari, at nagsabi, Siya nawa: ang Panginoon, ang Dios ng aking panginoon na hari ay magsabi nawa ng ganyan din.
37 Kung paanong ang Panginoon ay sumaaking panginoon na hari ay gayon suma kay Salomon (W)at gawin nawa ang kaniyang luklukang lalong dakila kay sa luklukan ng aking panginoong haring si David.
38 Sa gayo'y si Sadoc na saserdote at si Nathan na propeta, at si Benaia na anak ni Joiada, at ang mga (X)Ceretheo, at ang mga (Y)Peletheo ay nagsibaba, at pinasakay si Salomon sa mula ng haring si David, at dinala sa Gihon.
39 At kinuha ni Sadoc na saserdote ang sisidlang sungay ng langis mula sa (Z)Tolda, at pinahiran ng langis si Salomon. (AA)At sila'y humihip ng pakakak; at ang buong bayan ay (AB)nagsabi, Mabuhay ang haring si Salomon.
40 At ang buong bayan ay nagsiahong kasunod niya, at ang bayan ay humihip ng mga plauta, at nangagalak ng malaking pagkagalak, anopa't ang lupa ay umalingawngaw sa hugong nila.
41 At narinig ni Adonia at ng buong inanyayahan na nasa kaniya pagkatapos nilang makakain. At nang marinig ni Joab ang tunog ng pakakak, ay kaniyang sinabi, Anong dahil nitong hugong sa bayan na kaingay?
42 Samantalang siya'y nagsasalita pa, narito, si Jonathan na (AC)anak ni Abiathar na saserdote ay dumating at si Adonia ay nagsabi, Pumasok ka; sapagka't (AD)ikaw ay karapatdapat na tao, at nagdadala ka ng mabubuting balita.
43 At si Jonathan ay sumagot, at nagsabi kay Adonia, Katotohanang ginawang hari si Salomon ng ating panginoong haring si David:
44 At sinugo ng hari na kasama niya si Sadoc na saserdote, at si Nathan na propeta, at si Benaia na anak ni Joiada, at ang mga (AE)Ceretheo at ang mga Peletheo at pinasakay nila siya sa mula ng hari:
45 At siya'y pinapaging hari na pinahiran ng langis ni Sadoc na saserdote at ni Nathan na propeta sa Gihon: at sila'y nagsiahong galak mula roon, na anopa't ang bayan (AF)ay umalingawngaw uli. Ito ang hugong na iyong narinig.
46 At si Salomon naman ay nauupo sa (AG)luklukan ng kaharian.
47 At bukod dito'y ang mga lingkod ng hari ay nagsiparoon upang purihin ang ating panginoong haring si David, na nagsisipagsabi, Gawin nawa ng iyong Dios ang pangalan ni Salomon na lalong maigi kay sa iyong pangalan, at gawin ang kaniyang luklukan na lalong dakila kay sa iyong luklukan; (AH)at ang hari ay yumukod sa kaniyang (AI)higaan.
48 At ganito pa ang sinabi ng hari, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na siyang nagbigay sa akin ng isa na makakaupo sa aking luklukan sa araw na ito, na nakita ng aking mga mata.
Si Adonia ay natakot.
49 At ang lahat na inanyayahan ni Adonia ay nangatakot at nagsitindig, at yumaon bawa't isa sa kaniyang lakad.
50 At natakot si Adonia dahil kay Salomon: at siya'y tumindig at yumaon, at (AJ)pumigil sa mga anyong sungay ng dambana.
51 At nasaysay kay Salomon na sinasabi, Narito, si Adonia ay natatakot sa haring Salomon: sapagka't, narito, siya'y pumigil sa mga anyong sungay ng dambana, na nagsasabi, Isumpa ng haring Salomon sa akin sa araw na ito, na hindi niya papatayin ng tabak ang kaniyang lingkod.
52 At sinabi ni Salomon, Kung siya'y pakikilalang karapatdapat na tao, ay walang malalaglag na isang buhok sa kaniya sa lupa; (AK)nguni't kung kasamaan ang masumpungan sa kaniya siya'y mamamatay.
53 Sa gayo'y nagsugo ang haring Salomon, at kanilang ibinaba siya mula sa dambana. At siya'y naparoon at nagbigay galang sa haring Salomon; at sinabi ni Salomon sa kaniya, Umuwi ka sa iyong bahay.
Ang bilin ni David kay Salomon.
2 Ang mga araw nga ni David na ikamamatay ay nalalapit; at kaniyang ibinilin kay Salomon na kaniyang anak, na sinasabi,
2 Ako'y yumayaon ng lakad ng buong lupa; (AL)ikaw ay magpakalakas nga at magpakalalake;
3 At iyong ingatan ang bilin ng Panginoon mong Dios, na lumakad sa kaniyang mga daan, na ingatan ang kaniyang mga palatuntunan, ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga kahatulan, at ang kaniyang mga patotoo, ayon sa nasusulat sa kautusan ni Moises, upang ikaw ay guminhawa sa lahat ng iyong ginagawa, at saan ka man pumihit:
4 Upang papagtibayin ng Panginoon ang kaniyang salita na kaniyang sinalita tungkol sa akin, (AM)na sinasabi, Kung ang iyong mga anak ay magsisipagingat sa kanilang lakad, (AN)na lalakad sa harap ko sa katotohanan (AO)ng kanilang buong puso at ng kanilang buong kaluluwa, (AP)hindi ka kukulangin (sabi niya) ng lalake sa luklukan ng Israel.
5 Bukod dito'y talastas mo naman ang ginawa ni Joab na (AQ)anak ni Sarvia sa akin, sa makatuwid baga'y ang ginawa niya sa dalawang puno ng mga hukbo ng Israel, kay Abner na (AR)anak ni Ner, at kay Amasa na (AS)anak ni Jether na kaniyang pinatay, at ibinubo sa kapayapaan ang dugo ng pakikidigma at nabubo ang dugo ng pakikidigma sa kaniyang bigkis na nasa kaniyang mga balakang, at sa loob ng kaniyang mga pangyapak na nasa kaniyang mga paa.
6 Gumawa ka nga ng ayon sa iyong karunungan, at huwag mong tulutang ang kaniyang uban sa ulo ay bumabang payapa sa Sheol.
7 Nguni't pagpakitaan mo ng kagandahang loob ang mga anak ni Barzillai na (AT)Galaadita, at maging kabilang sa nagsisikain sa iyong dulang; (AU)sapagka't gayon sila nagsilapit sa akin nang ako'y tumakas kay Absalom na iyong kapatid.
8 At, narito, nasa iyo si Semei na (AV)anak ni Gera na Benjamita, na taga Bahurim, na siyang sumumpa sa akin ng mahigpit na sumpa nang araw na ako'y pumaroon sa Mahanaim: nguni't (AW)nilusong niyang sinalubong ako sa Jordan, at isinumpa ko sa kaniya ang Panginoon, na sinasabi, Hindi kita papatayin ng tabak.
9 (AX)Ngayon nga'y huwag mong ariing walang sala, sapagka't ikaw ay lalaking pantas: at iyong maaalaman ang dapat gawin sa kaniya, at iyong ilusong na may dugo ang kaniyang uban sa ulo sa Sheol.
Kamatayan ni David.
10 (AY)At si David ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa (AZ)bayan ni David.
11 At ang mga araw na ipinaghari ni David sa Israel ay apat na pung taon: (BA)pitong taong naghari siya sa Hebron, at tatlong pu't tatlong taong naghari siya sa Jerusalem.
12 At si Salomon ay naupo sa luklukan ni David na kaniyang ama: (BB)at ang kaniyang kaharian ay natatag na mainam.
Hiniling ni Adonia na maging asawa si Abisag.
13 Nang magkagayo'y si Adonia na anak ni Hagith ay naparoon kay Bath-sheba na ina ni Salomon. At kaniyang sinabi, Naparirito ka bang payapa? (BC)At sinabi niya, Payapa.
14 Kaniyang sinabi bukod dito: Mayroon pa akong sasabihin sa iyo. At sinabi niya, Sabihin mo.
15 At kaniyang sinabi, Talastas mo na ang kaharian ay naging akin, at itinitig ng buong Israel ang kanilang mukha sa akin, upang ako'y maghari: gayon ma'y ang kaharian ay nagbago, at napasa aking kapatid: sapagka't kaniya (BD)sa ganang Panginoon.
16 At ngayo'y hihingi ako ng isang hiling sa iyo, huwag mo akong pahindian. At sinabi niya sa kaniya, Sabihin mo.
17 At kaniyang sinabi, Isinasamo ko sa iyo na iyong salitain kay Salomon na hari, (sapagka't hindi siya pahihindi sa iyo,) na ibigay niyang asawa sa akin si Abisag na (BE)Sunamita.
18 At sinabi ni Bath-sheba, Mabuti; aking ipakikiusap ka sa hari.
Si Adonia ay pinatay.
19 Si Bath-sheba nga'y naparoon sa haring Salomon, upang ipakiusap sa kaniya si Adonia. At tumindig ang hari na sinalubong siya, at yumukod siya sa kaniya, at umupo sa kaniyang luklukan, at nagpalagay ng luklukan para sa ina ng hari; at siya'y naupo sa kaniyang (BF)kanan.
20 Nang magkagayo'y sinabi niya, Ako'y humihingi ng isang munting hiling sa iyo: huwag mo akong pahindian. At sinabi ng hari sa kaniya, Hilingin mo, ina ko: sapagka't hindi kita pahihindian.
21 At sinabi niya, Ibigay mong asawa si Abisag na Sunamita sa iyong kapatid na kay Adonia.
22 At ang haring Salomon ay sumagot, at nagsabi sa kaniyang ina, At bakit mo hinihiling si Abisag na Sunamita para kay Adonia? hilingin mo para sa kaniya pati ng kaharian; (BG)sapagka't siya'y aking matandang kapatid; oo, para sa kaniya, at kay Abiathar na saserdote, at kay (BH)Joab na anak ni Sarvia.
23 Nang magkagayo'y isinumpa ng haring Salomon ang Panginoon, na sinasabi, Hatulan ako ng Dios, at (BI)lalo na kung si Adonia ay hindi nagsalita ng salitang ito laban sa kaniyang sariling buhay.
24 Ngayon nga'y buhay ang Panginoon, na nagtatag sa akin, at naglagay sa akin sa luklukan ni David na aking ama, at siyang gumawa sa akin ng isang bahay, gaya ng kaniyang ipinangako, tunay (BJ)na si Adonia ay (BK)papatayin sa araw na ito.
25 At nagsugo ang haring Salomon sa pamamagitan ng kamay ni (BL)Benaia na anak ni Joiada; at siyang dumaluhong sa kaniya, na anopa't siya'y namatay.
26 At kay Abiathar na saserdote ay sinabi ng hari, Umuwi ka sa Anathoth, (BM)sa iyong sariling mga bukid; sapagka't ikaw ay karapatdapat sa kamatayan: nguni't sa panahong ito'y hindi kita papatayin, sapagka't iyong dinala ang kaban ng Panginoong Dios sa harap ni David na aking ama, (BN)at sapagka't ikaw ay napighati sa lahat ng (BO)kinapighatian ng aking ama.
27 Sa gayo'y inalis ni Salomon si Abiathar sa pagkasaserdote sa Panginoon upang kaniyang tuparin ang salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita tungkol sa sangbahayan ni (BP)Eli, sa Silo.
Pinatay si Joab.
28 At ang mga balita ay dumating kay Joab: sapagka't si Joab ay (BQ)umanib kay Adonia, (BR)bagaman hindi siya umanib kay Absalom. At si Joab ay (BS)tumakas na napatungo sa Tolda ng Panginoon, at pumigil sa mga anyong sungay (BT)ng dambana.
29 At nasaysay sa haring Salomon, Si Joab ay tumakas na napatungo sa Tolda ng Panginoon, at, narito, siya'y nasa siping ng dambana. Nang magkagayo'y sinugo niya si Benaia na anak ni Joiada, na sinasabi, Ikaw ay yumaon, daluhungin mo siya.
30 At si Benaia ay naparoon sa Tolda ng Panginoon, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng hari, Lumabas ka. At kaniyang sinabi, Hindi; kundi ako'y mamamatay rito, At dinala ni Benaia sa hari ang salita uli, na sinasabi, Ganito ang sinabi ni Joab, at ganito ang isinagot sa akin.
31 At sinabi ng hari sa kaniya, Gawin kung paano ang sinabi niya, at daluhungin mo siya, at ilibing mo siya; upang iyong maalis ang (BU)dugo na ibinubo ni Joab ng walang kadahilanan (BV)sa akin at sa sangbahayan ng aking ama.
32 At ibabalik ng Panginoon ang kaniyang dugo sa kaniyang sariling ulo, sapagka't siya'y dumaluhong sa dalawang lalake, na lalong matuwid, at maigi kay sa kaniya, at mga pinatay ng tabak, at hindi nalalaman ng aking amang si David, sa makatuwid baga'y si Abner na anak ni Ner, na puno ng hukbo ng Israel, at si Amasa na (BW)anak ni Jether, na puno ng hukbo ng Juda.
33 Sa gayo'y ang kanilang dugo ay mababalik sa ulo ni Joab, at sa ulo ng kaniyang binhi magpakailan man: (BX)nguni't kay David, at (BY)sa kaniyang binhi, at sa kaniyang sangbahayan, sa kaniyang luklukan ay magkakaroon ng kapayapaan magpakailan man na mula sa Panginoon.
34 Nang magkagayo'y sinampa ni Benaia na anak ni Joiada, at dinaluhong siya, at pinatay siya; at siya'y inilibing (BZ)sa kaniyang sariling bahay sa ilang.
35 At inilagay ng hari si Benaia na anak ni Joiada na kahalili niya sa hukbo: at si Sadoc na saserdote ay (CA)inilagay ng hari (CB)na kahalili ni Abiathar.
Si Semei ay hindi na pinaalis sa Jerusalem.
36 At ang hari ay nagsugo at ipinatawag si Semei, at (CC)sinabi sa kaniya, Magtayo ka ng isang bahay sa Jerusalem, at tumahan ka roon, at huwag kang pumaroon saan man na mula roon.
37 Sapagka't sa araw na ikaw ay lumabas, at tumawid sa batis ng Cedron, (CD)talastasin mong mainam, na ikaw ay walang pagsalang mamamatay: ang iyong dugo ay sasa iyong sariling (CE)ulo.
38 At sinabi ni Semei sa hari, Ang sabi ay mabuti: kung paanong sinabi ng aking panginoong hari, gayon gagawin ng iyong lingkod. At si Semei ay tumahan sa Jerusalem na malaon.
39 At nangyari, sa katapusan ng tatlong taon, na dalawa sa mga alipin ni Semei ay tumanan na pumaroon kay Achis, na (CF)anak ni Maacha, hari sa (CG)Gath. At kanilang sinaysay kay Semei, na sinasabi, Narito, ang iyong mga alipin ay nasa Gath.
40 At tumindig si Semei, at siniyahan ang kaniyang asno, at napasa Gath kay Achis, upang hanapin ang kaniyang mga alipin: at si Semei ay yumaon at dinala ang kaniyang mga alipin mula sa Gath.
41 At nasaysay kay Salomon na si Semei ay naparoon sa Gath mula sa Jerusalem, at bumalik uli.
42 At ang hari ay nagsugo at ipinatawag si Semei, at nagsabi sa kaniya, Di ba ipinasumpa ko sa iyo ang Panginoon, at ipinatalastas kong totoo sa iyo, na aking sinasabi, Talastasin mong tunay na sa araw na ikaw ay lumabas, at yumaon saan man, ay walang pagsalang mamamatay ka? at iyong sinabi sa akin. Ang sabi na aking narinig ay mabuti.
43 Bakit nga hindi mo iningatan ang sumpa sa Panginoon, at ang utos na aking ibinilin sa iyo?
44 Sinabi pa ng hari kay Semei, Iyong talastas ang (CH)buong kasamaan na nalalaman ng iyong puso, na iyong ginawa kay David na aking ama: kaya't ibabalik (CI)ng Panginoon ang iyong kasamaan sa iyong sariling ulo.
45 Nguni't ang haring si Salomon ay magiging mapalad, at ang luklukan ni David ay magiging matatag sa harap ng Panginoon magpakailan man.
46 Sa gayo'y inutusan ng hari si Benaia na anak ni Joiada; at siya'y lumabas, at dumaluhong sa kaniya, na anopa't siya'y namatay. At ang kaharian ay matatag sa kamay ni Salomon,
Katatagan ng nagtitiwala sa Panginoon at di katatagan ng makasalanan.
37 Huwag (A)kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan,
(B)Ni managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan.
2 Sapagka't sila'y madaling puputuling (C)gaya ng damo,
At matutuyong gaya ng sariwang damo.
3 Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti;
Tumahan ka sa lupain, at gawin mong kumain sa
kaniyang pagkatapat.
4 (D)Magpakaligaya ka naman sa Panginoon;
At bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.
5 Ihabilin mo ang iyong lakad (E)sa Panginoon;
Tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin.
6 At kaniyang palalabasing gaya ng liwanag ang iyong katuwiran,
At ang iyong kahatulan ay gaya ng katanghaliang tapat.
7 (F)Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, (G)at maghintay kang may pagtitiis sa kaniya:
(H)Huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad,
Dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha.
8 Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot:
Huwag kang mabalisa, iya'y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan.
9 (I)Sapagka't ang mga manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay:
Nguni't yaong nagsipaghintay sa Panginoon, (J)ay mangagmamana sila ng lupain.
10 (K)Sapagka't sangdali na lamang, at ang masama ay mawawala na:
(L)Oo, iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya'y mawawala na.
11 (M)Nguni't ang maamo ay magmamana ng lupain,
At masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan.
12 Ang masama ay kumakatha laban sa ganap,
At pinagngangalit sa kaniya ang kaniyang mga ngipin.
13 Tatawanan siya (N)ng Panginoon:
Sapagka't kaniyang nakikita na ang (O)kaniyang kaarawan ay dumarating.
14 Hinugot ng masama ang tabak, at inihanda ang kanilang busog:
Upang ilugmok ang dukha at mapagkailangan,
Upang patayin (P)ang matuwid sa paglakad:
15 Ang kanilang tabak ay masasaksak sa kanilang sariling puso,
(Q)At ang kanilang busog ay mababali.
16 (R)Mainam ang kaunti na tinatangkilik ng matuwid,
Kay sa kasaganaan ng maraming masama.
17 Sapagka't (S)ang mga bisig ng masasama ay mangababali:
Nguni't inaalalayan ng Panginoon ang matuwid.
18 (T)Nalalaman ng Panginoon ang kaarawan ng sakdal:
At ang kanilang mana ay magiging sa magpakailan man.
19 Hindi sila mangapapahiya sa panahon ng kasamaan:
At (U)sa mga kaarawan ng kagutom ay mangabubusog sila.
20 Nguni't ang masama ay mamamatay,
At ang mga kaaway ng Panginoon ay magiging gaya ng taba ng mga kordero:
Sila'y mangapupugnaw: sa usok (V)mangapupugnaw sila.
21 (W)Ang masama ay humihiram, at hindi nagsasauli:
Nguni't (X)ang matuwid ay nahahabag, at nagbibigay.
22 (Y)Sapagka't ang mga gayong pinagpala ng Panginoon ay mangagmamana ng lupain;
At silang sinumpa niya ay mahihiwalay.
23 Ang lakad ng tao ay itinatag (Z)ng Panginoon;
At siya'y nasasayahan sa kaniyang lakad.
24 Bagaman siya'y mabuwal, (AA)hindi siya lubos na mapapahiga:
Sapagka't inaalalayan siya ng Panginoon ng kaniyang kamay.
25 Ako'y naging bata, at ngayo'y matanda;
Gayon ma'y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan,
Ni ang kaniyang lahi man ay (AB)nagpapalimos ng tinapay.
26 (AC)Lahat ng araw ay nahahabag, at nagpapahiram;
At ang kaniyang lahi ay pinagpapala.
27 (AD)Ikaw ay humiwalay sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti;
(AE)At manahan ka magpakailan man.
28 Sapagka't iniibig ng Panginoon ang kahatulan,
At hindi pinababayaan ang kaniyang mga banal;
Sila'y iniingatan magpakailan man:
(AF)Nguni't ang lahi ng masama ay mahihiwalay.
29 Mamanahin ng matuwid ang lupain,
At tatahan doon magpakailan man.
30 (AG)Ang bibig ng matuwid ay nangungusap ng karunungan,
At ang kaniyang dila ay nagsasalita ng kahatulan.
31 (AH)Ang kautusan ng kaniyang Dios ay nasa kaniyang puso,
Walang madudulas sa kaniyang mga hakbang.
32 Inaabatan ng masama ang matuwid,
At pinagsisikapang patayin niya siya.
33 Hindi siya iiwan ng Panginoon sa kaniyang kamay,
(AI)Ni parurusahan man siya pagka siya'y nahatulan.
34 (AJ)Hintayin mo ang Panginoon, at ingatan mo ang kaniyang daan,
At ibubunyi ka upang manahin mo ang lupain:
(AK)Pagka nahiwalay ang masama, iyong makikita.
35 (AL)Aking nakita ang masama sa malaking kapangyarihan,
At lumalaganap na gaya ng sariwang punong kahoy sa kaniyang lupang tinubuan.
36 Nguni't may dumaan at, narito, wala na siya:
Oo, hinanap ko siya, nguni't hindi siya masumpungan.
37 Tandaan mo ang sakdal na tao, at masdan mo ang matuwid:
Sapagka't may isang maligayang wakas sa taong may (AM)kapayapaan.
38 Tungkol sa mga mananalangsang, mangalilipol silang magkakasama:
(AN)Ang huling wakas ng masama ay mahihiwalay.
39 Nguni't ang kaligtasan ng matuwid ay sa Panginoon:
Siya'y ang kanilang kuta sa panahon ng kabagabagan.
40 At sila'y tinutulungan ng Panginoon, at sinasagip sila:
(AO)Sinasagip niya sila sa masama, at inililigtas sila.
Sapagka't sila'y nagsipagkanlong sa kaniya.
Panalangin ng isang matandang tao sa pagliligtas.
71 Sa iyo (A)Oh Panginoon, nanganganlong ako:
Huwag akong mapahiya kailan man.
2 (B)Iligtas mo ako sa iyong katuwiran, at sagipin mo ako:
(C)Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at iligtas mo ako,
3 (D)Ikaw ay maging kanlungan ng aking tahanan, na aking kapaparunang lagi:
(E)Ikaw ay nagbigay utos na iligtas ako;
Sapagka't ikaw ay aking malaking bato at aking kuta.
4 Sagipin mo ako, (F)Oh aking Dios, sa kamay ng masama,
Sa kamay ng liko at mabagsik na tao.
5 Sapagka't ikaw ay (G)aking pagasa, Oh Panginoong Dios:
Ikaw ay aking tiwala mula sa aking kabataan.
6 (H)Sa pamamagitan mo ay naalalayan ako mula sa bahay-bata:
Ikaw ang kumuha sa akin sa tiyan ng aking ina:
Ang pagpuri ko'y magiging laging sa iyo.
7 (I)Ako'y naging isang kagilagilalas sa marami;
Nguni't ikaw ang matibay kong kanlungan.
8 Ang bibig ko'y (J)mapupuno ng pagpuri sa iyo,
At ng iyong karangalan buong araw.
9 (K)Huwag mo akong itakuwil sa katandaan;
Huwag mo akong pabayaan pagka ang aking kalakasan ay nanglulupaypay.
10 Sapagka't ang mga kaaway ko'y nangagsasalita tungkol sa akin:
At silang nagsisibakay ng aking kaluluwa ay nangagsasanggunian,
11 Na nangagsasabi, Pinabayaan siya ng Dios:
Iyong habulin at hulihin siya; sapagka't walang magligtas.
12 (L)Oh Dios, huwag kang lumayo sa akin:
Oh Dios ko, (M)magmadali kang tulungan mo ako.
13 (N)Mangapahiya at mangalipol sila na mga kaaway ng aking kaluluwa;
Mangatakpan ng pagkaduwahagi at kasiraang puri sila, na nagsisihanap ng aking kapahamakan.
14 Nguni't ako'y maghihintay na palagi,
At pupuri pa ako sa iyo ng higit at higit.
15 (O)Ang bibig ko'y magsasaysay ng iyong katuwiran,
At ng iyong pagliligtas buong araw;
(P)Sapagka't hindi ko nalalaman ang mga bilang.
16 Ako'y yayao na may mga makapangyarihang gawa ng Panginoong Dios:
Aking babanggitin ang iyong katuwiran, sa makatuwid baga'y ang iyo lamang.
17 Oh Dios, iyong tinuruan ako mula sa aking kabataan;
At hanggang ngayon ay aking inihahayag ang iyong kagilagilalas na mga gawa.
18 Oo, pag ako'y tumanda at may uban, Oh Dios, huwag mo akong pabayaan;
Hanggang sa aking maipahayag ang (Q)iyong kalakasan sa sumusunod na lahi,
Ang iyong kapangyarihan sa bawa't isa na darating.
19 (R)Ang iyo ring katuwiran, Oh Dios, ay totoong mataas;
Ikaw na (S)gumawa ng dakilang mga bagay,
(T)Oh Dios, sino ang gaya mo.
20 (U)Ikaw na nagpakita sa amin ng marami at lubhang kabagabagan,
(V)Bubuhayin mo uli kami,
At ibabangon mo uli kami mula sa mga kalaliman ng lupa.
21 Palaguin mo ang aking kadakilaan,
At bumalik ka uli, at aliwin mo ako.
22 Pupurihin din kita ng salterio,
Ang iyong katotohanan, Oh Dios ko;
Sa iyo'y aawit ako ng mga kapurihan sa pamamagitan ng alpa,
(W)Oh ikaw na Banal ng Israel.
23 Ang mga labi ko'y mangagagalak na mainam pagka ako'y umaawit ng mga pagpuri sa iyo;
At ang (X)kaluluwa ko, na iyong tinubos.
24 (Y)Ang dila ko naman ay magsasalita ng iyong katuwiran buong araw:
(Z)Sapagka't sila'y nangapahiya, sila'y nangalito, na nagsisihanap ng aking kapahamakan.
Tinawagan ang Panginoon upang ipaghiganti ang kaniyang bayan.
94 Oh Panginoon, ikaw na (A)Dios na kinauukulan ng panghihiganti,
Ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, sumilang ka.
2 Bumangon ka, (B)ikaw na hukom ng lupa:
Ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila.
3 Panginoon, (C)hanggang kailan ang masama,
Hanggang kailan magtatagumpay ang masama?
4 Sila'y dumadaldal, sila'y nagsasalita na may kapalaluan:
Lahat na manggagawa ng kasamaan ay nangagmamalaki.
5 Kanilang pinagwawaraywaray ang iyong bayan, Oh Panginoon,
At dinadalamhati ang iyong mana.
6 Kanilang pinapatay ang bao at ang taga ibang lupa,
At pinapatay ang ulila.
7 At (D)kanilang sinasabi, Ang Panginoo'y hindi makakakita,
Ni pakukundanganan man ng Dios ni Jacob ito.
8 Gunitain ninyo, ninyong mga hangal sa gitna ng bayan:
At ninyong mga mangmang, kailan tayo magiging pantas?
9 (E)Siyang lumikha ng pakinig, hindi ba siya makakarinig?
Siyang lumikha ng mata, hindi ba siya makakakita?
10 (F)Siyang nagpaparusa sa mga bansa, (G)hindi ba siya sasaway,
Sa makatuwid baga'y siyang nagtuturo sa tao ng kaalaman?
11 (H)Nalalaman ng Panginoon ang mga pagiisip ng tao,
Na sila'y pawang walang kabuluhan.
12 (I)Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan, Oh Panginoon,
At tinuturuan mo sa iyong kautusan.
13 Upang iyong mabigyan ng kapahingahan sa mga kaarawan ng kasakunaan,
(J)Hanggang sa mahukay ang hukay na ukol sa masama.
14 (K)Sapagka't hindi itatakuwil ng Panginoon ang kaniyang bayan,
Ni pababayaan man niya ang kaniyang mana.
15 Sapagka't kahatulan ay babalik sa katuwiran:
At susundan ng lahat na matuwid sa puso.
16 Sino ang babangon dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan?
Sinong tatayo dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan?
17 (L)Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong,
Ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan.
18 Nang aking sabihin, (M)Ang aking paa ay natitisod;
Inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon.
19 Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko
Ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa.
20 Makikisama ba sa iyo ang luklukan (N)ng kasamaan,
Na nagaanyo ng pagapi sa pamamagitan ng palatuntunan?
21 Sila'y nagpipisan laban sa kaluluwa ng matuwid,
At (O)pinarusahan nila ang walang salang dugo.
22 Nguni't ang Panginoon ay naging aking matayog na moog;
At ang Dios ko'y (P)malaking bato na aking kanlungan.
23 At dinala niya sa kanila ang kanilang sariling kasamaan,
At ihihiwalay niya sila sa kanilang sariling kasamaan;
Ihihiwalay sila ng Panginoon naming Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978