Chronological
Ang mga Anak na Lalaki ni David
3 Ito ang mga anak na lalaki ni David na isinilang sa Hebron: Si Amnon ang panganay, na anak niya kay Ahinoam na taga-Jezreel. Si Daniel[a] ang pangalawa, na anak niya kay Abigail na taga-Carmel. 2 Si Absalom ang pangatlo, na anak niya kay Maaca na anak na babae ni Haring Talmai ng Geshur. Si Adonia ang pang-apat, na anak niya kay Hagit. 3 Si Shefatia ang panglima, na anak niya kay Abital. Si Itream ang pang-anim, na anak niya kay Egla. 4 Silang anim ay isinilang sa Hebron, kung saan naghari si David sa loob ng pitong taon at anim na buwan.
Naghari si David sa Jerusalem sa loob ng 33 taon. 5 At ito ang mga anak niyang lalaki na isinilang doon: si Shimea, Shobab, Natan at Solomon. Silang apat ang anak niya sa asawa niyang si Batsheba[b] na anak ni Amiel. 6 May siyam pa siyang anak na sina Ibhar, Elishua[c] Elifelet, 7 Noga, Nefeg, Jafia, 8 Elishama, Eliada at Elifelet. 9 Iyon ang lahat ng mga anak na lalaki ni David, bukod sa iba pa niyang mga anak na lalaki sa iba pa niyang mga asawa. May anak din si David na babae na si Tamar.
Ang mga Hari ng Juda
10 Ito ang angkan ni Solomon na naging hari: Rehoboam, Abijah, Asa, Jehoshafat, 11 Jehoram,[d] Ahazia, Joash, 12 Amazia, Azaria,[e] Jotam, 13 Ahaz, Hezekia, Manase, 14 Ammon at Josia.
15 Ito ang mga anak ni Josia: Ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa ay si Jehoyakim, ang ikatlo ay si Zedekia, at ang ikaapat ay si Shalum. 16 Ang pumalit kay Jehoyakim bilang hari ay si Jehoyakin[f] na kanyang anak. At ang pumalit kay Jehoyakin ay si Zedekia na kanyang tiyuhin.[g]
Ang Angkan ni Jehoyakin
17 Ito ang angkan ni Jehoyakin, ang hari na binihag sa Babilonia: si Shealtiel, 18 Malkiram, Pedaya, Shenazar, Jekamia, Hoshama at si Nedabia. 19 Ang mga anak na lalaki ni Pedaya ay sina Zerubabel at Shimei. Ang mga anak na lalaki ni Zerubabel ay sina Meshulam at Hanania. Ang kapatid nilang babae ay si Shelomit. 20 May lima pang anak na lalaki si Zerubabel na sina Hashuba, Ohel, Berekia, Hasadia at Jushab Hesed. 21 Ang mga anak na lalaki ni Hanania ay sina Pelatia at Jeshaya. Si Jeshaya ang ama ni Refaya, si Refaya ang ama ni Arnan, si Arnan ang ama ni Obadias, at si Obadias ang ama ni Shecania. 22 Ang angkan ni Shecania ay si Shemaya. Anim lahat ang anak ni Shemaya: sina Hatush, Igal, Baria, Nearia at Shafat. 23 Tatlo lahat ang anak na lalaki ni Nearia: sina Elyoenai, Hizkia at Azrikam. 24 Pito lahat ang anak na lalaki ni Elyoenai: sina Hodavia, Eliashib, Pelaya, Akub, Johanan, Delaya at Anani.
Ang Ibang Lahi ni Juda
4 Ito ang iba pang lahi ni Juda: sina Perez, Hezron, Carmi, Hur at Shobal. 2 Ang anak ni Shobal na si Reaya ay ama ni Jahat. Si Jahat ang ama nina Ahumai at Lahad. Sila ang pamilya ng mga Zoratita.
3 Ito ang mga anak[h] ni Etam: sina Jezreel, Ishma at Idbas. Si Hazelelponi ang kapatid nilang babae.
4 Si Penuel ang ama ni Gedor, at si Ezer ang ama ni Husha. Sila ang mga angkan ni Hur na panganay na anak ni Efrata. Si Hur ang ninuno ng mga taga-Betlehem.
5 Si Ashur na ama ni Tekoa ay may dalawang asawa, sina Hela at Naara. 6 Ang mga anak na lalaki nina Naara at Ashur ay sina Ahuzam, Hefer, Temeni at Haahashtari. 7 Ang mga anak naman nina Hela at Ashur ay sina Zeret, Zohar,[i] Etnan, 8 at Koz. Si Koz ang ama nina Anub at Hazobeba, at ang pinagmulan ng pamilya ni Aharhel na anak ni Harum.
9 May isang tao na ang pangalan ay Jabez. Kagalang-galang siya kaysa sa mga kapatid niyang lalaki. Pinangalanan siya ng kanyang ina na Jabez[j] dahil sinabi ng kanyang ina, “Labis akong nahirapan sa panganganak ko sa kanya.” 10 Nanalangin si Jabez sa Dios ng Israel, “Pagpalain nʼyo po sana ako at palawakin ang aking nasasakupan. Samahan nʼyo po ako at ilayo sa kapahamakan para hindi ako masaktan.” At dininig ng Dios ang kanyang kahilingan.
11 Si Kelub na kapatid ni Shuha ang ama ni Mehir. Si Mehir ang ama ni Eston, at 12 si Eston ang ama nina Bet Rafa, Pasea at Tehina. Si Tehina ang ama ni Ir Nahash. Sila ang angkan ni Reca.[k]
13 Ang mga anak na lalaki ni Kenaz ay sina Otniel at Seraya. Ang mga anak ni Otniel ay sina Hatat at Meonotai.[l] 14 Si Meonotai ang ama ni Ofra. Si Seraya naman ang ama ni Joab, na nagtatag ng Lambak ng mga Panday.[m] Tinawag itong Lambak ng mga Panday dahil doon nakatira ang maraming panday.
15 Ito ang mga anak na lalaki ni Caleb na anak ni Jefune: sina Iru, Elah at Naam. Ang anak na lalaki ni Elah ay si Kenaz.
16 Ang mga anak na lalaki ni Jehalelel ay sina Zif, Zifa, Tiria at Asarel.
17-18 Ang mga anak na lalaki ni Ezra ay sina Jeter, Mered, Efer at Jalon. Asawa ni Mered si Bitia na anak ng Faraon.[n] Ang mga anak nila ay sina Miriam, Shamai at Ishba. Si Ishba ang ama ni Estemoa. May asawa rin si Mered na taga-Judea, at ang mga anak nila ay sina Jered na ama ni Gedor, Heber na ama ni Soco, at Jekutiel na ama ni Zanoa. 19 Napangasawa ni Hodia ang kapatid ni Naham. Ang isa sa mga anak niya ay ama ni Keila na Garmita, at ang isa naman ay ama ni Estemoa na Maacateo.
20 Ang mga anak na lalaki ni Shimon ay sina Amnon, Rina, Ben Hanan at Tilon. Ang mga angkan ni Ishi ay sina Zohet at Ben Zohet.
21 Ito ang mga angkan ni Shela na anak ni Juda: si Er (na ama ni Leca), at si Laada (na ama ni Maresha), at ang pamilya ng mga tagagawa ng telang linen sa Bet Ashbea. 22 Ito pa ang mga angkan Shela: si Jokim, ang mga mamamayan ng Cozeba, si Joash, at si Saraf na namuno sa Moab at sa Jashubi Lehem. (Ang talaang ito ay mula sa matagal nang dokumento.) 23 Sila ang mga magpapalayok na nakatira sa Netaim at Gedera. Nagtatrabaho sila para sa hari.
Ang Angkan ni Simeon
24 Ang mga anak na lalaki ni Simeon ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera at Shaul. 25 Si Shaul ang ama ni Shalum, si Shalum ang ama ni Mibsam, at si Mibsam ang ama ni Mishma. 26 Si Mishma ang ama ni Hammuel, si Hammuel ang ama ni Zacur, at si Zacur ang ama ni Shimei. 27 May 16 na anak na lalaki si Shimei at anim na anak na babae. Pero kakaunti lang ang anak ng mga kapatid niya, kaya ang buong angkan nila ay hindi kasindami ng mga mamamayan ng Juda. 28 Tumira sila sa Beersheba, Molada, Hazar, Shual, 29 Bilha, Ezem, Tolad, 30 Betuel, Horma, Ziklag, 31 Bet Marcabot, Hazar Susim, Bet Biri at Shaaraim. Ito ang mga bayan nila hanggang sa paghahari ni David. 32 Tumira rin sila sa limang bayan sa paligid nila: sa Etam, Ayin, Rimon, Token at Ashan, 33 pati na rin sa mga baryo sa paligid ng mga bayang ito hanggang sa Baalat.[o] Ito ang mga lugar na tinirhan nila, at naitago nila ang mga talaan ng kanilang angkan.
Ito ang iba pang lahi ni Simeon: 34 sina Meshobab, Jamlec, Josha na anak ni Amazia 35 Joel, Jehu na anak ni Joshibia at apo ni Seraya, na apo sa tuhod ni Asiel, 36 Elyoenai, Jaakoba, Jeshohaya, Asaya, Adiel, Jesimiel, Benaya 37 at Ziza na anak ni Shifi at apo ni Allon, at apo sa tuhod ni Jedaya. Si Jedaya ay anak ni Shimri at apo ni Shemaya. 38 Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Lalong dumami ang pamilya nila, 39 kaya napunta sila sa hangganan ng Gedor, sa gawing silangan ng lambak. Naghanap sila roon ng mapagpapastulan ng kanilang mga tupa, 40 at nakakita sila ng mayabong at magandang pastulan. Malawak ang lugar na ito at mapayapa. Doon dati nakatira ang ibang lahi ni Ham. 41 Pero noong panahon na si Haring Hezekia ang hari ng Juda, nilusob ang lahi ni Ham ng lahi ni Simeon na ang mga pangalan ay nabanggit sa itaas. Nilusob din nila ang mga Meuneo na doon din nakatira, at nilipol nila sila nang lubusan. Pagkatapos, sila ang tumira roon hanggang ngayon, dahil mayroong pastulan doon para sa kanilang mga tupa. 42 Lumusob ang 500 sa kanila sa kabundukan ng Seir. Pinangunahan sila nina Pelatia, Nearia, Refaya at Uziel na mga anak ni Ishi. 43 Pinatay nila roon ang natitirang mga Amalekita, at doon sila nakatira hanggang ngayon.
Ang Lahi ni Reuben
5 Si Reuben ang panganay na anak ni Israel,[p] pero dahil nakipagtalik siya sa isa sa mga asawa ng kanyang ama, ang karapatan niya bilang panganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na kanyang kapatid. Kaya hindi siya inilista sa talaan ng lahi nila bilang panganay na anak. 2 Kahit mas makapangyarihan si Juda kaysa sa kanyang mga kapatid at ang pinuno ay nagmula sa kanyang lahi, ang karapatan ng pagkapanganay ay ibinigay kay Jose. 3 Ito ang mga anak na lalaki ni Reuben na panganay ni Israel: sina Hanoc, Pallu, Hezron at Carmi.
4 Ito ang mga angkan ni Joel: sina Shemaya, Gog, Shimei, 5 Micas, Reaya, Baal, 6 at Beera. Si Beera ang pinuno ng lahi ni Reuben nang binihag sila ni Haring Tiglat Pileser[q] ng Asiria. 7 Ito ang mga kamag-anak ni Beera na naitala sa talaan ng kanilang mga angkan ayon sa kanilang lahi: si Jeyel na pinuno, si Zacarias, 8 at si Bela na anak ni Azaz na anak ni Shema at apo ni Joel. Ito ang lahi ni Reuben na tumira mula sa Aroer hanggang sa Nebo at Baal Meon. 9 At dahil dumami ang kanilang hayop doon sa Gilead, tumira sila hanggang sa silangan, sa tabi ng ilang na papunta sa Ilog ng Eufrates. 10 Nang si Saul pa ang hari, nakipaglaban sila sa mga Hagreo at tinalo nila ang mga ito. Sinakop nila ang mga tinitirhan ng mga Hagreo sa buong silangan ng Gilead.
Ang Lahi ni Gad
11 Tumira ang lahi ni Gad sa lupain ng Bashan na kasunod ng lupain nina Reuben, hanggang sa Saleca. 12 Ito ang lahi ni Gad: si Joel, na siyang pinuno sa Bashan, ang sumunod sa kanya ay si Shafam, pagkatapos ay sina Janai at Shafat. 13 Ang kanilang mga kamag-anak ayon sa bawat pamilya ay sina Micael, Meshulam, Sheba, Jorai, Jacan, Zia at Eber – pito silang lahat. 14 Sila ang mga angkan ni Abihail na anak ni Huri. Si Huri ang anak ni Jaroa at apo ni Gilead, at apo sa tuhod ni Micael. Si Micael ay anak ni Jeshishai at apo ni Jado, at apo sa tuhod ni Buz. 15 Si Ahi na anak ni Abdiel at apo ni Guni ang siyang pinuno ng kanilang pamilya. 16 Tumira sila sa Gilead doon sa Bashan at sa mga baryo sa paligid nito, at sa buong pastulan ng Sharon. 17 Nailista silang lahat sa talaan ng mga angkan noong panahon ng paghahari ni Jotam sa Juda at ni Jeroboam sa Israel.
18 May 44,760 sundalo sa mga lahi nina Reuben, Gad, at sa kalahating lahi ni Manase. Sinanay sila para sa labanan at mahusay silang gumamit ng mga pananggalang, espada at pana. 19 Nakipaglaban sila sa mga Hagreo, Jetureo, Nafiseo, at Nodabeo. 20 Humingi sila ng tulong sa Dios nang nakipaglaban sila, at dahil nagtiwala sila sa kanya, tinugon ng Dios ang panalangin nila. Kaya pinagtagumpay sila ng Dios sa mga Hagreo at sa mga kakampi nito. 21 Pinagkukuha nila ang hayop ng mga Hagreo: 50,000 kamelyo, 250,000 tupa at 2,000 asno. Binihag din nila ang 100,000 tao, 22 at marami silang napatay dahil tinulungan sila ng Dios sa pakikipaglaban. Tinirhan nila ang mga lugar na ito hanggang sa mabihag sila ng ibang bansa.
Ang Kalahating Lahi ni Manase
23 Ang kalahating angkan ni Manase ay napakarami. Tumira sila sa mga lupain mula sa Bashan papunta sa Baal Hermon, Senir, at Bundok ng Hermon. At napakarami nila. 24 Ito ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya: sina Efer, Ishi, Eliel Azriel, Jeremias, Hodavia at Jadiel. Matatapang silang mandirigma at tanyag na mga pinuno ng mga pamilya nila. 25 Pero hindi sila naging tapat sa Dios ng kanilang mga ninuno, sa halip sumamba sila sa mga dios ng mga taong nilipol ng Dios sa lupaing iyon. 26 Ito ang dahilan kung bakit niloob ng Dios ng Israel na lusubin sila ni Pul na hari ng Asiria (na siya ring si Tiglat Pileser). Binihag ni Pul ang mga lahi ni Reuben at Gad, pati na ang kalahating lahi ni Manase at dinala sa Hala, Habor, Hara, at sa Ilog ng Gozan, kung saan doon sila naninirahan hanggang ngayon.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®