Chronological
Hindi ang Egipto, kundi ang Panginoon ang makatutulong.
31 Sa aba nila na (A)nagsisilusong sa Egipto na humihinging tulong, at (B)nagsisiasa sa mga kabayo; at nagsisitiwala sa mga karo, sapagka't marami, at sa mga mangangabayo, sapagka't mga totoong napakalakas; nguni't hindi sila nagsisitiwala sa Banal ng Israel, o hinahanap man ang Panginoon!
2 Gayon ma'y siya'y pantas, at magdadala ng kasamaan, at (C)hindi iuurong ang kaniyang mga salita, kundi babangon laban sa bahay ng mga manggagawa ng kasamaan, at laban sa tulong nila na nagsisigawa ng kasamaan.
3 Ang mga Egipcio nga ay mga tao, at hindi Dios; at ang kanilang mga kabayo ay laman, at hindi diwa: at pagka iuunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, siyang tumutulong ay matitisod, at gayon din siyang tinutulungan ay mabubuwal, at silang lahat ay mangalilipol na magkakasama.
4 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, (D)Kung paano na ang leon at ang batang leon ay umuungal sa kaniyang huli, pagka ang karamihan ng mga pastor ay nagpipisan laban sa kaniya, na hindi siya matatakot sa kanilang tinig, o maduduwag man dahil sa ingay nila: (E)gayon bababa ang Panginoon ng mga hukbo sa bundok ng Sion, at sa burol niyaon upang makipaglaban.
5 Gaya ng mga ibong nagsisilipad (F)gayon aampunin ng Panginoon ng mga hukbo ang Jerusalem; yao'y (G)kaniyang aampunin at ililigtas, siya'y daraan at iingatan niya,
6 Kayo'y manumbalik sa kaniya na inyong pinanghimagsikan (H)lubha, Oh mga anak ni Israel.
7 Sapagka't sa araw na yaon ay (I)itatapon ng bawa't tao ang kaniyang mga diosdiosang pilak, at ang kaniyang mga diosdiosang ginto, na ginawa ng inyong sariling mga kamay, sa ganang inyo ay naging kasalanan,
8 Kung magkagayo'y mabubuwal ang taga Asiria (J)sa pamamagitan ng tabak, na hindi sa tao: at ang tabak, na hindi sa mga tao, lalamon sa kaniya: at kaniyang tatakasan ang tabak, at ang kaniyang mga binata ay magiging mamumuwis.
9 At ang kaniyang malaking bato ay lalagpasan, dahil sa kakilabutan, at ang kaniyang mga pangulo ay masisindak (K)sa watawat, sabi ng Panginoon, na ang kaniyang apoy ay nasa Sion, at ang kaniyang hurno ay nasa Jerusalem.
Ang paghahari ng matuwid na hari.
32 Narito, isang hari ay maghahari (L)sa katuwiran, at mga pangulo ay magpupuno sa kahatulan.
2 At isang lalake ay magiging gaya ng isang kublihang dako sa hangin, at (M)kanlungan sa bagyo, gaya ng mga ilog ng tubig sa tuyong dako, gaya ng lilim ng malaking bato sa kinapapagurang (N)lupain.
3 At (O)ang mga mata nila na nangakakakita ay hindi manganlalabo, at ang mga tainga nila na nangakikinig ay mangakikinig.
4 Ang puso naman ng walang bahala ay makakaunawa ng kaalaman, at ang dila ng mga (P)utal ay mangahahanda upang mangagsalita ng malinaw.
5 Ang taong mangmang ay hindi na tatawagin pang dakila o ang magdaraya man ay sasabihing magandang-loob.
6 Sapagka't ang taong mangmang ay magsasalita ng kasamaan, at ang kaniyang puso ay gagawa ng kasalanan, upang magsanay ng paglapastangan, at magsalita ng kamalian laban sa Panginoon, upang alisan ng makakain ang taong gutom, at upang papagkulangin ang inumin ng uhaw.
7 Ang mga kasangkapan din naman ng magdaraya ay masama: siya'y kumakatha ng mga masamang katha upang ibuwal ang mga maamo sa pamamagitan ng mga sinungaling na salita, pagka nga ang mapagkailangan ay nagsasalita ng matuwid.
8 Nguni't ang mapagbiyaya ay kumakatha ng mga bagay na pagbibiyaya; at sa mga bagay na pagbibiyaya ay mananatili siya.
Ang mga babae ay binalaan.
9 (Q)Kayo'y magsibangon, kayong mga babaing tiwasay, at dinggin ninyo ang tinig ko; ninyong mga walang bahalang anak na babae, pakinggan ninyo ang aking pananalita.
10 Sapagka't sa mga araw na sa dako pa roon ng isang taon ay mangababagabag kayo, kayong mga walang bahalang babae: sapagka't ang ani ng ubas ay magkukulang, ang pagaani ay hindi darating.
11 Kayo'y magsipanginig, kayong mga babaing tiwasay; kayo'y mangabagabag, kayong mga walang bahala; kayo'y magsipaghubo, at kayo'y magsipaghubad, at mangagbigkis kayo ng kayong magaspang sa inyong mga balakang.
12 Sila'y magsisidagok sa mga dibdib dahil sa mga maligayang parang, dahil sa mabungang puno ng ubas.
13 Sa lupain ng aking bayan ay (R)tutubo ang mga tinik at mga dawag; oo, sa lahat na bahay na kagalakan sa masayang bayan:
14 Sapagka't ang bahay-hari (S)ay mapapabayaan; ang mataong bayan ay magiging ilang; ang burol at ang bantayang moog ay magiging mga pinaka yungib magpakailan man, kagalakan ng mga mailap na asno, pastulan ng mga kawan;
15 (T)Hanggang sa mabuhos sa atin ang Espiritu na mula sa itaas, at ang (U)ilang ay maging mabungang bukid, at ang mabungang bukid ay mabilang na pinakagubat.
16 Kung magkagayo'y tatahan ang kahatulan sa ilang, at ang katuwiran ay titira sa mabungang bukid.
17 At ang gawain ng katuwiran (V)ay magiging kapayapaan; at ang bunga ng katuwiran ay katahimikan at pagkakatiwala kailan man.
18 At ang bayan ko ay tatahan sa payapang tahanan, at sa mga tiwasay na tahanan, at sa mga tahimik na dako na pahingahan.
19 Nguni't lalagpak ang granizo, sa ikasisira ng gubat; at ang bayan ay lubos na mawawasak.
20 Mapapalad kayo (W)na nangaghahasik sa siping ng lahat na tubig, na nangagpapalakad ng mga paa ng (X)baka at ng asno.
Kapayapaan ay hahalili sa pagkagiba ng kaaway. Ang katatagan ng matuwid.
33 Sa aba mo na (Y)sumasamsam, at ikaw ay hindi nasamsaman; at gumagawa na may kataksilan, at sila'y hindi gumawang may kataksilan sa iyo! (Z)Pagka ikaw ay naglikat ng pagsamsam, ikaw ay sasamsaman; at pagka ikaw ay nakatapos ng paggawang may kataksilan, sila'y gagawang may kataksilan sa iyo.
2 Oh Panginoon, magmahabagin ka sa amin; aming hinintay (AA)ka: ikaw ay maging kanilang bisig tuwing umaga; aming kaligtasan naman sa panahon ng kabagabagan.
3 Sa ingay ng kagulo ay nagsisitakas ang mga bayan; sa pagbangon mo ay nagsisipangalat (AB)ang mga bansa.
4 At ang iyong samsam ay pipisanin na gaya ng pagpisan ng uod: kung paanong ang mga balang ay nagsisilukso ay gayon luluksuhan ng mga tao.
5 Ang Panginoon ay nahayag; (AC)sapagka't siya'y tumatahan sa mataas: kaniyang pinuno ang Sion ng kahatulan at katuwiran.
6 At magkakaroon ng kapanatagan sa iyong mga panahon, kasaganaan ng kaligtasan, karunungan at kaalaman: ang pagkatakot sa Panginoon ay kaniyang kayamanan.
7 Narito, ang kanilang mga matapang ay nagsisihiyaw sa labas; (AD)ang mga sugo ng kapayapaan ay nagsisiiyak na mainam.
8 Ang mga lansangan ay sira, ang palalakad na tao ay (AE)naglilikat: (AF)kaniyang sinira ang tipan, kaniyang hinamak ang mga bayan, hindi niya pinakukundanganan ang kapuwa tao.
9 Ang lupain ay nananangis at nahahapis: (AG)ang Libano ay nahihiya at natutuyo: ang (AH)Saron ay gaya ng isang ilang; at ang (AI)Basan at ang Carmel ay napapaspas ang kanilang mga dahon.
10 Ngayo'y babangon ako, (AJ)sabi ng Panginoon; ngayo'y magpapakataas ako; ngayo'y magpapakadakila ako.
11 Kayo'y mangaglilihi ng ipa, kayo'y manganganak ng (AK)dayami: ang inyong hinga ay apoy na pupugnaw sa inyo.
12 At ang mga bayan ay magiging gaya ng pagluluto ng apog: (AL)gaya ng mga putol na mga tinik, na mga nasusunog sa apoy.
13 Pakinggan ninyo, ninyong nangasa malayo, (AM)kung ano ang aking ginawa; at kilalanin ninyo, na nangasa malapit, ang aking kapangyarihan.
14 Ang mga makasalanan sa Sion ay nangatatakot; nanginginig ang (AN)mga masasama. Sino sa atin ang tatahan sa mamumugnaw na apoy? Sino sa atin ang tatahan sa walang hanggang ningas?
15 Siyang lumalakad ng matuwid, at[a] nagsasalita ng matuwid; siyang humahamak ng pakinabang sa mga kapighatian, na iniuurong ang kaniyang mga kamay sa paghawak ng mga suhol, na nagtatakip ng kaniyang mga tainga ng pagdinig ng tungkol sa dugo, at ipinipikit ang kaniyang mga mata sa pagtingin sa kasamaan;
16 Siya'y tatahan sa mataas, ang kaniyang dakong sanggalangan ay ang mga katibayan na malalaking bato: ang kaniyang tinapay ay mabibigay sa kaniya; ang (AO)kaniyang tubig ay sagana.
Ang Mabiyayang paghahari ng Panginoon.
17 Makikita ng iyong mga mata (AP)ang hari sa kaniyang kagandahan: sila'y tatanaw sa isang lupaing malawak.
18 Ang inyong puso ay gugunita ng kakilabutan: (AQ)saan nandoon siya na bumibilang, saan nandoon siya na tumitimbang ng buwis? saan nandoon siya na bumibilang ng mga moog?
19 Hindi mo makikita ang (AR)mabagsik na bayan, (AS)ang bayan na may malalim na pananalita na hindi mo matatalastas, na may ibang wika na hindi mo mauunawa.
20 Tumingin ka sa Sion, ang (AT)bayan ng ating mga takdang kapistahan: makikita ng iyong mga mata ang (AU)Jerusalem na tahimik na tahanan, isang tabernakulo (AV)na hindi makikilos, ang mga tulos (AW)niyao'y hindi mangabubunot kailan man, o mapapatid man ang alin man sa mga tali niyaon.
21 Kundi doon ay sasa atin ang Panginoon sa kamahalan, na dako ng mga maluwang na ilog at batis; na hindi daraanan ng mga daong na may mga gaod, o daraanan man ng magilas na sasakyang dagat.
22 Sapagka't ang Panginoon ay ating hukom, ang Panginoon ay ating tagapaglagda ng kautusan, (AX)ang Panginoon ay ating hari; kaniyang ililigtas tayo.
23 Ang iyong mga tali ay nangakalag: hindi nila mapatibay ang kanilang palo, hindi nila mailadlad ang layag: ang huli nga na malaking samsam ay binahagi; ang pilay ay kumuha ng huli.
24 At ang mamamayan ay (AY)hindi magsasabi, Ako'y may sakit: (AZ)ang bayan na tumatahan doon ay patatawarin sa kanilang kasamaan.
Ang galit ng Panginoon sa mga bansa.
34 Kayo'y magsilapit, kayong mga bansa, upang mangakinig; (BA)at dinggin ninyo, ninyong mga bayan: (BB)dinggin ng lupa at ng buong narito; ng sanglibutan, at ng lahat na bagay na nagsisilitaw rito.
2 Sapagka't ang Panginoon ay may galit laban sa lahat na bansa, at pusok ng loob laban sa lahat nilang hukbo: kaniyang lubos na nilipol sila, kaniyang ibinigay sila sa patayan.
3 Ang kanilang patay naman ay matatapon, at ang baho (BC)ng kanilang mga bangkay ay aalingasaw, at ang mga bundok ay tutunawin ng kanilang dugo.
4 (BD)At ang lahat na natatanaw sa langit ay malilipol, at ang langit ay (BE)mababalumbong parang isang ikid: (BF)at ang buo nilang hukbo ay mawawala na parang dahong nalalanta sa puno ng ubas, at gaya ng lantang dahon ng puno ng igos.
5 Sapagka't ang aking tabak (BG)ay nalango sa langit: narito, yao'y (BH)bababa sa Edom, at sa bayan ng aking sumpa, sa kahatulan.
6 Ang tabak ng Panginoon ay napuno ng dugo, tumaba ng katabaan, sa dugo ng mga kordero at ng mga kambing, sa taba ng mga bato ng mga lalaking tupa: (BI)sapagka't may hain sa Panginoon sa Bosra, at may malaking patayan sa lupain ng Edom.
7 At ang mga mailap na baka ay magsisibabang kasama nila at ang mga baka na kasama ng mga toro, at ang kanilang lupain ay malalango ng dugo, at ang kanilang alabok ay tataba ng katabaan.
8 Sapagka't kaarawan (BJ)ng panghihiganti ng Panginoon, na taon ng kagantihan sa pagaaway sa Sion.
9 At ang mga batis niya (BK)ay magiging sahing, at ang alabok niya ay azufre, at ang lupain niya ay magiging nagniningas na sahing.
10 Hindi mapapatay sa gabi o sa araw man; ang usok niyaon ay iilanglang (BL)magpakailan man: sa buong panahon ay malalagay na sira; walang daraan doon magpakailankailan man.
11 Kundi aariin ng ibong pelikano (BM)at ng hayop na erizo; at ang kuwago at ang uwak ay magsisitahan doon: at (BN)kaniyang iuunat doon ang panukat na pising panglito, at ang pabatong pangpawala ng tao.
12 Kanilang tatawagin ang mga mahal na tao niyaon sa kaharian, nguni't mawawalan doon; at lahat niyang mga pangulo ay magiging parang wala.
13 At mga tinikan ay (BO)tutubo sa kaniyang mga palacio, mga kilitis at mga lipay ay sa mga kuta niyaon: at magiging tahanan ng mga chakal, (BP)looban ng mga avestruz.
14 At ang mga mailap na hayop sa ilang ay makikipagsalubong doon sa mga lobo, at ang lalaking kambing ay hihiyaw sa kaniyang kasama; oo, ang malaking kuwago ay tatahan doon, at makakasumpong siya ng dakong pahingahan.
15 Doon maglulungga ang maliksing ahas, at mangingitlog, at mangapipisa, at aampunin sa ilalim ng kaniyang lilim; oo, doon magpipisan ang mga lawin, bawa't isa'y kasama ng kaniyang kasamahan.
16 Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay (BQ)hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka't iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu.
17 At kaniyang pinagsapalaran, at binahagi ng kaniyang kamay sa kanila sa pamamagitan ng pising panukat: kanilang aariin magpakailan man, sa sali't saling lahi ay tatahan sila roon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978