Chronological
Ang Jerusalem ay hinatulang magiba ng Panginoon.
28 Sa aba (A)ng putong ng kapalaluan ng mga manglalasing sa Ephraim, at (B)ng lipas na bulaklak ng kaniyang maluwalhating kagandahan, na nasa ulunan ng mainam na libis nila na nadaig ng alak!
2 Narito, ang Panginoon ay may isang makapangyarihan at malakas na sugo (C)parang bagyo ng granizo, na manggigibang bagyo, parang unos ng bumubugsong tubig na bumabaha, ay ibubuwal niya sa lupa sa pamamagitan ng malakas na kamay.
3 Ang putong ng kapalaluan ng mga manglalasing sa Ephraim ay mayayapakan ng paa:
4 At ang lipas na bulaklak ng kaniyang maluwalhating kagandahan, na nasa ulunan ng mainam na libis, magiging gaya ng maagang hinog na bunga ng igos bago magtaginit; na kung nakikita ng tumitingin, samantalang na sa kaniyang kamay pa, kinakain na niya.
5 Sa araw na yaon ay magiging putong ng kaluwalhatian ang Panginoon ng mga hukbo, at pinakadiadema ng kagandahan, sa nalabi sa kaniyang bayan;
6 At pinaka diwa ng kahatulan sa kaniya na nauupo sa kahatulan, at pinakalakas sa kanila na umuurong sa pakikipagbaka (D)hanggang sa pintuang-daan.
7 Gayon man ang mga ito ay (E)gumigiray dahil sa alak, at (F)dahil sa matapang na alak ay pahapayhapay; (G)ang saserdote at ang propeta ay gumigiray dahil sa matapang na alak, sila'y nangasakmal ng alak, sila'y pahapayhapay dahil sa matapang na alak: sila'y nangamamali sa pangitain, sila'y nangatitisod sa paghatol.
8 Sapagka't lahat ng mga dulang ay puno ng suka, at ng karumihan, na anopa't walang dakong malinis.
9 Kanino siya magtuturo ng kaalaman? (H)at kanino niya ipatatalastas ang balita? silang nangalayo sa gatas, at nangahiwalay sa suso?
10 Sapagka't utos at utos: utos at utos; bilin at bilin, bilin at bilin; dito'y kaunti, doo'y kaunti.
11 Hindi, kundi (I)sa pamamagitan ng mga taong may ibang pangungusap at may iba't ibang wika ay sasalitain niya sa bayang ito.
12 Na kaniyang pinagsabihan, Ito ang kapahingahan, papagpahingahin ninyo siya na pagod; at ito ang kaginhawahan: gayon ma'y hindi nila pinakinggan.
13 Kaya't ang salita ng Panginoon ay magiging sa kanila'y utos at utos, utos at utos; bilin at bilin, bilin at bilin; dito'y kaunti, doo'y kaunti; upang sila'y mangakayaon, at mangapahinga, at mangabalian, at mangasilo, at mangahuli.
14 Kaya't iyong dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong mga (J)mangduduwahaging tao, na nangagpupuno sa bayang ito na nasa Jerusalem:
15 Sapagka't inyong sinabi, Tayo'y nakipagtipan sa kamatayan, at sa Sheol ay nakipagkasundo tayo; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay dumaan, hindi darating sa atin; sapagka't ating ginawang pinakakanlungan natin ang mga kabulaanan, at sa ilalim ng kasinungalingan ay nangagkubli tayo,
16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (K)Narito, aking inilalagay sa Sion na pinakapatibayan ang (L)isang bato, isang batong subok, isang mahalagang batong panulok na may matibay (M)na patibayan: (N)ang naniniwala ay hindi magmamadali.
17 (O)At aking ilalagay na pinakapising panukat ang katuwiran, at pinakapabato ang kabanalan: at papalisin ng granizo ang kanlungan ng mga kabulaanan, at aapawan ng tubig ang taguang dako.
18 At ang inyong tipan sa kamatayan ay mawawalan ng kabuluhan, at ang iyong pakikipagkasundo sa Sheol ay hindi mamamalagi; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay daraan, kayo nga'y ipapahamak niyaon.
19 Sa tuwing dadaan, tatangayin kayo; sapagka't tuwing umaga ay daraan, sa araw at sa gabi: at mangyayari na ang balita ay magiging kakilakilabot na matalastas.
20 Sapagka't ang higaan ay lalong maikli na hindi maunatan ng tao; at ang kumot ay lalong makitid na hindi makabalot sa kaniya.
21 Sapagka't ang Panginoon ay babangon na gaya sa bundok ng (P)Perasim, siya'y napopoot na gaya sa libis ng (Q)Gabaon; upang kaniyang magawa ang kaniyang gawain, ang kaniyang kakaibang gawain, at papangyarihin ang kaniyang gawain, ang kaniyang kakaibang gawain.
22 Huwag nga kayong mapagtuya, baka ang mga panali sa inyo ay magsitibay: sapagka't (R)ang paglipol na ipinasiya, narinig ko sa Panginoon, sa Panginoon ng mga hukbo, sa buong lupa.
23 Pakinggan ninyo, at dinggin ninyo ang aking tinig, inyong dinggin, at pakinggan ang aking pananalita.
24 Nag-aararo bagang lagi ang mang-aararo upang maghasik? (S)Kaniya bagang laging binubungkal at dinudurog ang kaniyang lupa.
25 Pagka kaniyang napatag ang ibabaw niyaon hindi ba niya binibinhian ng eneldo, at ikinakalat ang binhing comino, at inihahanay ang trigo, at ang cebada sa takdang dako, at (T)ang espelta sa hangganan niyaon?
26 Sapagka't itinuturong matuwid sa kaniya ng kaniyang Dios, at itinuturo sa kaniya:
27 Sapagka't ang eneldo ay hindi ginigiik ng panggiik na matalas, o ang gulong man ng karo ay gugulong sa comino; kundi ang eneldo ay hinahampas ng tungkod, at ang comino ay ng pamalo.
28 Ang trigong ginagawang tinapay ay ginigiling; sapagka't hindi laging magigiik: at bagaman pangalatin yaon ng gulong ng kaniyang karo at ng kaniyang mga kabayo, hindi niya ginigiling.
29 Gayon ma'y ito'y mula rin sa Panginoon ng mga hukbo, (U)na kamanghamangha sa payo, at marilag sa karunungan.
Ang pagkabulag at pagpapaimbabaw ay tinuligsa.
29 Hoy (V)Ariel, Ariel, na (W)bayang hinantungan ni David! magdagdag kayo ng taon sa taon; magdiwang sila ng mga kapistahan:
2 Akin ngang pahihirapan ang Ariel, at magsisitangis at mananaghoy: at siya'y magiging gaya ng Ariel sa akin.
3 At ako'y magtatayo ng kampamento laban sa iyo sa palibot, at kukubkubin kita ng mga kuta, at ako'y magbabangon ng mga pangkubkob laban sa iyo.
4 At ikaw ay mabababa, at magsasalita mula sa lupa, at ang iyong salita ay magiging mababa na mula sa alabok: at ang iyong tinig ay magiging gaya ng isang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, mula sa lupa, at (X)ang iyong pananalita ay bubulong mula sa alabok.
5 Nguni't ang karamihan ng iyong mga (Y)kaaway ay magiging gaya ng munting alabok, at ang karamihan ng mga kakilakilabot ay (Z)gaya ng ipang inililipad ng hangin: oo, magiging sa (AA)biglang sandali.
6 Siya'y dadalawin ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kulog, at ng lindol, at ng malaking kaingay, ng ipoipo at bagyo, at ng liyab ng mamumugnaw na apoy.
7 At (AB)ang karamihan ng lahat na bansa na nagsisilaban sa Ariel, lahat na nagsisilaban sa kaniya at sa kaniyang kuta, at ang nagpapahirap sa kaniya, ay magiging (AC)gaya ng panaginip na isang pangitain sa gabi.
8 At (AD)mangyayari, na gaya ng kung ang isang gutom ay nananaginip, at, narito, siya'y kumakain; nguni't siya'y nagigising, at ang kaniyang kaluluwa ay walang anoman: o gaya ng kung ang isang uhaw ay nananaginip, at, narito, siya'y umiinom; nguni't siya'y nagigising, at, narito, siya'y malata, at ang kaniyang kaluluwa ay uhaw: gayon ang mangyayari sa karamihan ng lahat na bansa, na nagsisilaban sa bundok ng Sion.
9 Kayo'y mangatigilan at manganggilalas; kayo'y mangalugod at mangabulag: (AE)sila'y lango, (AF)nguni't hindi sa alak; sila'y gumigiray, nguni't hindi sa matapang na alak.
10 Sapagka't inihulog ng (AG)Panginoon sa inyo ang diwa ng mahimbing na pagkakatulog, at (AH)ipinikit ang inyong mga mata, na mga propeta; at ang iyong mga pangulo, na mga tagakita, ay kaniyang tinakpan.
11 (AI)At ang lahat ng pangitain ay naging sa inyo'y gaya ng mga salita ng aklat na (AJ)natatatakan, na ibinibigay ng mga tao sa isang marunong bumasa, na sinasabi, Iyong basahin ito, isinasamo ko sa iyo: at kaniyang sinasabi, Hindi ko mababasa, sapagka't (AK)natatatakan;
12 At ang aklat ay nabigay sa kaniya na hindi marunong, na sinasabi, Iyong basahin ito, isinasamo ko sa iyo: at kaniyang sinasabi, Ako'y hindi marunong bumasa.
13 At sinabi ng Panginoon, (AL)Yamang ang bayang ito ay lumapit sa akin, at pinapupurihan ako ng kanilang bibig at ng kanilang mga labi, nguni't inilayo ang kanilang puso sa akin, at ang kanilang takot sa akin ay (AM)utos ng mga tao na itinuro sa kanila:
14 Dahil dito narito, pasisimulan kong gawin ang isang kagilagilalas na gawa sa gitna ng bayang ito, isang kagilagilalas na gawa at kamanghamangha: at ang karunungan ng kanilang mga pantas ay (AN)mapapawi, at ang unawa ng kanilang mga mabait ay malilingid.
15 Sa aba nila, (AO)na nagsisihanap ng kalaliman upang ilingid sa Panginoon ang kanilang payo, at ang kanilang mga gawa ay nasa kadiliman, at kanilang sinasabi, Sinong nakakakita sa atin? at sinong nakakakilala sa atin?
16 Kayo'y nangagbabaligtad ng mga bagay! Maibibilang bagang putik ang magpapalyok; upang sabihin ng (AP)bagay na yari sa may-gawa sa kaniya, Hindi niya ginawa ako; o sabihin ng bagay na may anyo tungkol sa naganyo, Siya'y walang unawa?
Ang Israel ay nalalapit sa pagbabago.
17 Hindi baga sangdaling-sangdali na lamang, at ang (AQ)Libano ay magiging mainam na bukid, at (AR)ang mainam na bukid ay magiging pinakagubat?
18 At (AS)sa araw na yaon ay makikinig ang pipi ng mga salita ng aklat, at ang mga mata ng bulag ay makakakita mula sa kalabuan at sa kadiliman.
19 At mananagana naman sa kanilang kagalakan sa Panginoon, ang (AT)maamo, at ang dukha sa gitna ng mga tao ay magagalak sa Banal ng Israel.
20 (AU)Sapagka't ang kakilakilabot ay nauwi sa wala, at (AV)ang mangduduwahagi ay naglilikat, at ang lahat na nagbabanta ng kasamaan ay nangahiwalay:
21 Yaong nakapagkasala sa tao sa isang usapin, at naglalagay ng silo (AW)doon sa sumasaway sa pintuang-bayan, at nagliligaw sa ganap na tao sa pamamagitan ng walang kabuluhan.
22 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, na siyang tumubos kay Abraham, tungkol sa sangbahayan ni Jacob, Si Jacob nga ay hindi mapapahiya o mamumula pa man ang kaniyang mukha.
23 Nguni't pagka kaniyang nakikita ang kaniyang mga anak, (AX)ang gawa ng aking mga kamay, sa gitna niya, ay (AY)kanilang aariing banal ang aking pangalan; oo, kanilang aariing banal ang Banal ni Jacob, at magsisitayong may takot sa (AZ)Dios ng Israel.
24 Sila namang nangamamali sa diwa ay darating sa pagkaunawa, at silang mga mapag-upasala ay mangatututo ng aral.
Ang kawalang kabuluhan ng pagtitiwala sa Egipto.
30 Sa aba ng mga mapanghimagsik na mga anak, sabi ng Panginoon, (BA)na nagsisisangguni, nguni't hindi sa akin; (BB)at nangagaalay ng alay, nguni't hindi sa aking Espiritu, (BC)upang makapagdagdag ng kasalanan sa kasalanan;
2 Ang nagsisilakad (BD)na nagsisilusong sa Egipto, at (BE)hindi nangagtanong sa aking bibig; upang mangagpakalakas sa lakas ni Faraon, at magsitiwala sa lilim ng Egipto!
3 Kaya't ang lakas ni Faraon (BF)ay magiging inyong kahihiyan, at ang pagtiwala sa lilim ng Egipto ay inyong pagkalito.
4 Sapagka't ang kaniyang mga pangulo ay nangasa Zoan, at ang kanilang mga sugo ay nagsidating sa Hanes.
5 (BG)Silang lahat ay mangapapahiya dahil sa bayan na hindi nila mapapakinabangan, na hindi tulong o pakinabang man, kundi kahihiyan, at kakutyaan din naman.
6 (BH)Ang hula tungkol sa (BI)mga hayop ng Timugan.
Sa lupain ng kabagabagan at ng kahapisan, na pinanggagalingan ng leong babae at lalake, (BJ)ng ulupong at ng lumilipad na makamandag na ahas, kanilang dinadala ang kanilang mga kayamanan sa mga gulugod ng mga batang asno, at ang kanilang mga kayamanan sa umbok ng gulugod ng mga kamelyo, sa isang bayan na hindi nila mapapakinabangan.
7 Sapagka't ang Egipto ay tumulong na walang kabuluhan, at walang kapararakan: kaya't aking tinawag siyang Rahab na nauupong walang kibo.
8 Ngayo'y yumaon ka, (BK)isulat mo sa harap nila sa isang tapyas na bato, at ititik mo sa isang aklat upang manatili sa panahong darating na walang hanggan.
9 Sapagka't (BL)mapanghimagsik na bayan, mga sinungaling na anak, mga anak na hindi didinig ng kautusan ng Panginoon:
10 Na nagsasabi sa mga (BM)tagakita, (BN)Huwag kayong kumita; at sa mga propeta, Huwag kayong manghula sa amin ng mga matuwid na bagay, (BO)magsalita kayo sa amin ng mga malubay na bagay, manghula kayo ng mga magdarayang bagay:
11 Humiwalay kayo sa daan, lumihis kayo sa landas, papaglikatin ninyo ang Banal ng Israel sa harap namin.
12 Kaya't ganito ang sabi ng Banal ng Israel, Sapagka't inyong hinamak ang salitang ito, at nagsitiwala kayo sa kapighatian at kasuwailan, at yaon ay inyong inaasahan:
13 Kaya't ang kasamaang ito ay magiging sa inyo'y (BP)gaya ng batong sira na madaling mababagsak, na natatanggal sa isang matayog na pader, na biglang dumarating ang pagkasira sa isang sangdali.
14 At yao'y (BQ)kaniyang babasagin na gaya ng pagbasag ng palyok ng magpapalyok, na nababasag na putolputol na walang matitira; na anopat walang masusumpungan na kapiraso sa mga putol niyaon, na maikukuha ng apoy mula sa apuyan, o maikakadlo ng tubig sa balon.
15 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, ng Banal ng Israel, (BR)Sa pagbabalik at sa pagpapahinga ay matitiwasay kayo; (BS)sa katahimikan at sa pagasa ay magiging ang inyong lakas. (BT)At hindi ninyo inibig.
16 Kundi inyong sinabi, Hindi, (BU)sapagka't kami ay magsisitakas na mangangabayo: kaya kayo'y magsisitakas: at, Kami ay magsisisakay sa mga maliksi; kaya't silang magsisihabol sa inyo ay maliliksi.
17 Isang libo (BV)ay tatakas sa saway ng isa; sa saway ng lima ay tatakas kayo: hanggang sa kayo'y maiwang parang isang palatandaan sa taluktok ng bundok, at (BW)gaya ng isang watawat sa isang burol.
Sa matiyagang paghihintay sa biyaya ng Panginoon lamang matatamo ang kasaganaan.
18 (BX)At dahil dito maghihintay ang Panginoon, upang siya'y maging mapagbiyaya sa inyo, at kaya't (BY)mabubunyi siya, na siya'y magdadalang habag sa inyo: sapagka't ang Panginoon ay Dios ng kahatulan; (BZ)mapapalad yaong lahat na nangaghihintay sa kaniya.
19 Sapagka't ang bayan ay (CA)tatahan sa Sion sa Jerusalem: ikaw ay hindi na iiyak pa; siya'y tunay na magiging mapagbiyaya sa iyo sa tinig ng iyong daing; pagka kaniyang maririnig, sasagutin ka niya.
20 At bagaman bigyan kayo ng Panginoon ng (CB)tinapay ng kasakunaan at ng tubig ng kadalamhatian, gayon may hindi na makukubli pa ang (CC)iyong mga tagapagturo, kundi makikita ng iyong mga mata ang iyong mga tagapagturo:
21 At ang iyong mga pakinig ay makakarinig ng salita sa likuran mo, na nagsasabi, Ito ang daan, lakaran ninyo; pagka kayo'y pumipihit sa kanan, at pagka kayo'y pumipihit sa kaliwa.
22 At inyong lalapastanganin ang mga panakip ng inyong mga larawang pilak na inanyuan at ang pangbalot sa inyong mga larawang ginto na binubo: (CD)iyong ipaghahagis na gaya ng maruming bagay: iyong sasabihin, Humayo ka.
23 At Siya ay magbibigay ng ulan sa iyong binhi, na iyong hahasikan ang lupa; at ng pagkaing bunga ng lupa, at magiging mataba at sagana. Sa araw na yaon ay manginginain ang iyong mga hayop sa mga malaking pastulan.
24 Ang mga baka at gayon din ang mga guyang asno na bumubukid ng lupa ay magsisikain ng may lasang pagkain, na pinahanginan ng pala at hunkoy.
25 At magkakaroon ng mga ilog at mga balon ng tubig (CE)sa lahat na mataas na bundok, at sa lahat na matayog na burol, sa araw ng malaking patayan, pagka ang mga moog ay nabubuwal.
26 Bukod dito'y (CF)ang liwanag ng buwan ay magiging gaya ng liwanag ng araw, at ang liwanag ng araw ay magpipito, na gaya ng liwanag ng pitong araw, sa araw na talian ng Panginoon ang sugat ng kaniyang bayan, at pagalingin ang bugbog na kanilang sugat.
27 Narito, ang pangalan ng Panginoon ay magmumula sa malayo, na nagniningas ng kaniyang galit, at nasa umiilanglang na salimuot na usok: ang kaniyang mga labi ay puno ng pagkagalit, at ang kaniyang dila ay gaya ng mamumugnaw na apoy:
28 At ang (CG)kaniyang hinga ay gaya ng (CH)umaapaw na ilog, na umaabot hanggang sa leeg, upang igigin ang mga bansa ng pangigig na pangsira; at isang paningkaw na nakapagpapaligaw (CI)ay malalagay sa mga panga ng mga bayan.
29 Kayo'y mangagkakaroon ng awit na gaya ng sa gabi pagka ang banal na kapistahan ay ipinagdidiwang; at kasayahan ng puso, na gaya ng yumayaon na (CJ)may plauta upang masok (CK)sa bundok ng Panginoon, (CL)sa malaking Bato ng Israel.
30 At iparirinig ng Panginoon ang kaniyang maluwalhating tinig, at ipakikilala ang pagbabaka ng kaniyang bisig, na may pagkagalit ng kaniyang galit, at ng liyab ng mamumugnaw na apoy, na may bugso ng ulan, at bagyo, at granizo,
31 Sapagka't sa pamamagitan ng tinig ng Panginoon ay mangagkakawatakwatak ang (CM)taga Asiria, na nananakit ng pamalo.
32 At bawa't hampas ng takdang tungkod, na ibabagsak ng Panginoon sa kaniya, mangyayaring may mga pandereta at may mga alpa; at sa mga pakikipagbakang may (CN)pagkayanig ay makikipaglaban siya sa kanila,
33 Sapagka't ang (CO)Topheth ay handa nang malaon; oo, sa ganang hari ay inihanda; kaniyang pinalalim at pinalaki: ang bunton niyaon ay apoy at maraming kahoy: ang hinga ng Panginoon na gaya ng bugso ng azufre, ay nagpapaningas ng apoy.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978