Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Chronological

Read the Bible in the chronological order in which its stories and events occurred.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Isaias 23-27

Ang hula sa Tiro.

23 Ang hula tungkol sa (A)Tiro.

Magsiangal kayo, kayong mga sasakyang dagat ng Tarsis; sapagka't nasira, na anopa't walang bahay, walang pasukan: (B)mula sa lupain ng Chittim ay nahayag sa kanila.

Magsitahimik kayo, kayong mga nananahan sa baybayin; ikaw na pinasagana ng mga mangangalakal ng Sidon, na nagdaraan sa dagat.

At nasa baybayin ng malawak na tubig ang binhi ng Sihor, ang ani ng Nilo, naging kaniyang pakinabang; (C)at siya'y naging pamilihan ng mga bansa.

Mahiya ka, O Sidon: sapagka't sinalita ng dagat, ng tanggulan ng dagat, na sinasabi, hindi ako nagdamdam, o nanganak man, o nagalaga man ako ng mga binata, o nagpalaki ng mga dalaga.

Pagka ang balita ay dumating sa Egipto, ay mamamanglaw silang mainam sa balita tungkol sa Tiro.

Mangagpatuloy kayo sa Tarsis: magsiangal kayo, kayong mga nananahan sa baybayin.

Ito baga ang inyong masayang bayan, na matanda na mula pa noong unang araw, na dinadala ng kaniyang mga paa sa malayo upang mangibang bayan?

Sinong nagpanukala nito laban sa Tiro na siyang bayang nagpuputong, na ang mga manininda ay mga pangulo, na ang mga mangangalakal ay mararangal sa lupa.

Pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo, upang hamakin ang kapalaluan ng buong kaluwalhatian, upang hiyain ang lahat na mararangal sa lupa?

10 Magdaan ka sa iyong lupain na gaya ng Nilo, Oh anak na babae ng Tarsis; wala ka ng lakas.

11 Kaniyang iniunat ang kaniyang kamay sa dagat, kaniyang niyanig ang mga kaharian: ang Panginoon ay nagutos tungkol sa Canaan, upang gibain ang mga kuta niyaon.

12 At kaniyang sinabi, Ikaw ay hindi na magagalak pa, Oh ikaw na aping dalaga ng Sidon; bumangon ka, magdaan ka sa Chittim: doon ma'y hindi ka magkakaroon ng kapahingahan.

13 Tingnan mo ang lupain ng mga Caldeo; ang bayang ito ay wala na; inilaan ng taga Asiria para (D)sa mga hayop sa ilang; kanilang itinayo ang kanilang mga moog; iginiba nila ang mga palacio niyaon: kaniyang pinapaging isang guho.

14 Magsiangal kayo, kayong mga sasakyang dagat ng Tarsis: sapagka't ang inyong tanggulan ay giba.

15 At mangyayari, sa araw na yaon na ang Tiro ay malilimutang (E)pitong pung taon, ayon sa mga kaarawan ng isang hari: pagkatapos ng pitong pung taon ay mangyayari sa Tiro ang gaya sa awit ng patutot.

16 Ikaw ay humawak ng alpa, lumibot ka sa bayan, ikaw na patutot na nalimutan; magpainam ka ng tinig, umawit ka ng maraming awit, upang ikaw ay maalaala.

17 At mangyayari, sa katapusan ng pitong pung taon, na dadalawin ng Panginoon ang Tiro, at pagbabalikan niya ang kaniyang upa, at (F)magiging patutot sa lahat ng kaharian ng sanglibutan sa ibabaw ng lupa.

18 At ang kaniyang kalakal at ang upa sa kaniya ay (G)itatalaga sa Panginoon: hindi itatago o isisimpan man, sapagka't ang kaniyang kalakal ay magiging sa ganang kanila na nagsisitahan sa harap ng Panginoon, upang magsikaing may kabusugan, at manamit na mainam.

Ang hatol ng Panginoon sa mga bansa.

24 Narito, pinawawalan ng laman ng Panginoon ang lupa, at sinisira, at binabaligtad, at pinangangalat ang mga nananahan doon.

At mangyayari, (H)na kung paano sa mga tao, gayon sa saserdote; kung paano sa alipin, gayon sa kaniyang panginoon; kung paano sa alilang babae, gayon sa kaniyang panginoong babae; kung paano sa mamimili, gayon sa nagbibili; kung paano sa mapagpahiram, gayon sa manghihiram; kung paano sa mapagpatubo, gayon sa pinatutubuan.

Ang lupa ay lubos na mawawalan ng laman, at lubos na masasamsaman; sapagka't sinalita ng Panginoon ang salitang ito.

Ang lupa ay tumatangis at nasisira, ang sanglibutan ay nanghihina at nanglalata, ang mapagmataas na bayan sa lupa ay nanghihina.

(I)Ang lupa naman ay nadumhan sa ilalim ng mga nananahan doon; sapagka't kanilang sinalangsang ang kautusan, binago ang alituntunin, (J)sinira ang walang hanggang tipan.

Kaya't nilamon ng sumpa ang lupa, at silang nagsisitahan doon ay nangasumpungang salarin; kaya't ang mga nananahan sa lupa ay nangasunog, at nangagilan ang tao.

Ang bagong alak ay (K)pinabayaan, ang puno ng ubas ay nalanta, lahat ng masayang puso ay nagbubuntong-hininga.

Ang saya (L)ng mga pandereta ay naglikat, ang kaingay nila na nangagagalak ay nagkawakas, ang galak ng alpa ay naglikat.

Sila'y hindi magsisiinom ng alak na may awitan; matapang na alak ay magiging mapait sa kanila na nagsisiinom niyaon.

10 (M)Ang bayan ng pagkalito ay nabagsak: bawa't bahay ay nasarhan, upang walang taong makapasok doon.

11 May daing sa mga lansangan dahil sa alak; lahat ng kagalakan ay naparam, ang kasayahan sa lupa ay nawala.

12 Naiwan sa bayan ay kagibaan, at ang pintuang-bayan ay nawasak.

13 Sapagka't ganito ang mangyayari sa mga tao sa gitna ng lupain na (N)gaya ng paguga sa isang punong olibo, gaya ng (O)pamumulot ng ubas pagkatapos ng pag-aani.

14 Ang mga ito ay maglalakas ng kanilang tinig, (P)sila'y magsisihiyaw; dahil sa kamahalan ng Panginoon ay nagsisihiyaw sila ng malakas mula sa dagat.

15 Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga'y (Q)ang pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (R)sa mga pulo ng dagat.

16 Mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa ay nakarinig kami ng mga awit, kaluwalhatian sa matuwid. Nguni't aking sinabi, Namamatay ako, namamayat ako, sa aba ko! (S)ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawang may kataksilan, oo, ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawa na may lubhang kataksilan.

17 Takot, (T)at ang hukay, at ang silo ay nangasa iyo, Oh nananahan sa lupa.

18 At mangyayari, na siyang tumatakas sa kakilakilabot na kaingay ay mahuhulog sa hukay; at siyang sumasampa mula sa gitna ng hukay ay mahuhuli sa silo: sapagka't ang mga dungawan (U)sa itaas ay nangabuksan, at ang mga patibayan ng lupa ay (V)umuuga.

19 Ang lupa ay nagibang lubos, ang lupa ay lubos na nasira, ang lupa ay nakilos ng di kawasa.

20 Ang lupa ay (W)gigiray na parang lango, at mauuga na parang dampa; (X)at ang kaniyang pagsalangsang ay magiging mabigat sa kaniya, at mabubuwal, at hindi na magbabangon.

21 At mangyayari, (Y)sa araw na yaon, na parurusahan ng Panginoon ang hukbo ng mga mataas sa itaas, at ang (Z)mga hari sa lupa sa ibabaw ng lupa.

22 At sila'y mangapipisan, gaya ng mga bilanggo na mangapipisan sa hukay, at masasarhan sa bilangguan, at pagkaraan ng maraming araw ay dadalawin sila.

23 Kung magkagayo'y malilito (AA)ang buwan, at ang araw ay mapapahiya; sapagka't ang (AB)Panginoon ng mga hukbo ay maghahari (AC)sa bundok ng Sion, at sa Jerusalem; at sa harap ng kaniyang mga matanda ay may kaluwalhatian.

Awit ng pagpuri sa Panginoon dahil sa kaniyang kalinga.

25 Oh Panginoon, ikaw ay aking Dios; aking ibubunyi ka, aking pupurihin ang iyong pangalan; sapagka't (AD)ikaw ay gumawa ng kagilagilalas na bagay, sa makatuwid baga'y ang iyong binalak noong una, sa pagtatapat at katotohanan.

Sapagka't iyong (AE)pinapaging isang bunton ang isang bayan, ang bayang matibay ay pinapaging isang guho: ang palasio ng mga taga ibang lupa ay di na magiging bayan; hindi matatayo kailan man.

Kaya't (AF)luluwalhatiin ka ng matibay na bayan, ang (AG)bayan ng kakilakilabot na mga bansa ay matatakot sa iyo.

Sapagka't ikaw ay naging (AH)ampunan sa dukha, ampunan sa mapagkailangan sa kaniyang kahirapan, (AI)silongan sa bagyo, lilim sa init, pagka ang hihip ng mga kakilakilabot ay parang bagyo laban sa kuta.

Gaya ng init sa tuyong dako patitigilin mo ang ingay ng mga taga ibang lupa; gaya ng init sa pamamagitan ng lilim ng alapaap, matitigil ang awit ng mga kakilakilabot.

At (AJ)sa bundok na ito ay gagawa ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat ng mga bayan, ng isang (AK)kapistahan ng mga matabang bagay, ng isang kapistahan ng mga alak na laon, ng mga matabang bagay na puno ng utak, ng mga alak na laon na totoong sala.

At kaniyang aalisin sa bundok na ito ang takip na nalagay sa lahat ng mga bayan, at (AL)ang lambong na naladlad sa lahat na bansa.

Sinakmal niya ang kamatayan (AM)magpakailan man; at (AN)papahirin ng Panginoong Dios ang mga luha sa lahat ng mga mukha; at ang kakutyaan ng kaniyang bayan ay maaalis sa buong lupa: sapagka't sinalita ng Panginoon.

At sasabihin (AO)sa araw na yaon, Narito, ito'y ating Dios; hinintay natin (AP)siya, at ililigtas niya tayo: ito ang Panginoon; ating hinintay siya, (AQ)tayo'y matutuwa at magagalak sa kaniyang pagliligtas.

10 Sapagka't sa bundok na ito magpapahinga ang kamay ng Panginoon; at ang (AR)Moab ay mayayapakan sa kaniyang dako, gaya ng dayami na nayayapakan sa tapunan ng dumi.

11 At kaniyang iuunat ang kaniyang mga kamay sa gitna niyaon, gaya ng paguunat ng lumalangoy upang lumangoy: at kaniyang ibababa ang kaniyang kapalaluan sangpu ng gawa ng kaniyang mga kamay.

12 At ang mataas na moog ng iyong mga kuta ay (AS)kaniyang ibinaba, giniba, at ibinagsak sa lupa, hanggang sa alabok.

Awit ng pagtitiwala sa pagiingat ng Panginoon.

26 Sa araw na (AT)yaon ay aawitin ang awit na ito sa lupain ng Juda: Tayo ay may matibay na bayan; (AU)kaligtasan ay kaniyang ilalagay na pinakakuta at pinakakatibayan.

Buksan ninyo ang mga pintuang-bayan, (AV)upang mapasukan ng matuwid na bansa na nagiingat ng katotohanan.

Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't siya'y tumitiwala sa iyo.

Magsitiwala kayo sa Panginoon (AW)magpakailan man: sapagka't nasa Panginoong Jehova ang walang hanggang bato.

Sapagka't ibinaba niya sila na nagsisitahan sa itaas, na mapagmataas na bayan: (AX)kaniyang ibinaba, ibinaba hanggang sa lupa: kaniyang ibinagsak hanggang sa alabok.

Yayapakan ng paa, sa makatuwid baga'y ng mga paa ng dukha, at ng mga hakbang ng mapagkailangan.

Ang daan ng ganap ay katuwiran: (AY)ikaw na matuwid ay nagtuturo ng landas ng ganap.

Oo, (AZ)sa daan ng iyong mga kahatulan, Oh Panginoon, nangaghintay kami sa iyo: (BA)sa iyong pangalan at sa alaala sa iyo ang nasa ng aming kaluluwa.

Ninasa (BB)kita ng aking kaluluwa sa gabi; oo, ng diwa ko sa loob ko ay hahanapin kita na masikap: sapagka't pagka nasa lupa ang iyong mga kahatulan ay nangatututo ng katuwiran ang mga nananahan sa sanglibutan.

10 Magpakita man ng awa sa masama, (BC)hindi rin siya matututo ng katuwiran; (BD)sa lupain ng katuwiran ay gagawa siyang may kamalian, at hindi niya mapapansin ang kamahalan ng Panginoon.

11 Panginoon, ang iyong kamay ay nakataas, gayon ma'y hindi nila nakikita: nguni't makikita nila ang iyong sikap sa bayan, at mangapapahiya; oo, sasakmalin ng apoy ang iyong mga kaaway.

12 Panginoon, ikaw ay magaayos ng kapayapaan sa amin: sapagka't ikaw rin ang (BE)gumawa ng lahat naming gawa na para sa amin.

13 Oh Panginoon naming Dios, (BF)ang ibang mga panginoon, bukod sa iyo ay nagtaglay ng pagkapanginoon sa amin; nguni't (BG)ikaw lamang ang babanggitin namin sa pangalan.

14 Sila'y patay, sila'y hindi mabubuhay; sila'y namatay, sila'y hindi babangon: kaya't iyong dinalaw at sinira sila, (BH)at pinawi mo ang lahat na alaala sa kanila.

15 (BI)Iyong pinarami ang bansa, Oh Panginoon, iyong pinarami ang bansa; ikaw ay nagpakaluwalhati: iyong pinalaki ang lahat na hangganan ng lupain.

16 Panginoon, (BJ)sa kabagabagan ay dinalaw ka nila, sila'y nangagbugso ng dalangin, nang pinarurusahan mo sila.

17 Gaya (BK)ng babae na nagdadalang-tao na lumalapit ang panahon ng kaniyang panganganak, ay nasa hirap at humihiyaw sa kaniyang pagdaramdam; naging gayon kami sa harap mo, Oh Panginoon.

18 Kami ay nangagdalang-tao, kami ay nalagay sa pagdaramdam, kami ay tila nanganak ng hangin; kami ay hindi nagsigawa ng anomang kagalingan sa lupa; o nabuwal man (BL)ang mga nananahan sa sanglibutan.

19 Ang iyong mga patay ay mangabubuhay; ang aking patay na katawan ay babangon. (BM)Magsigising at magsiawit, kayong nagsisitahan sa alabok: sapagka't ang iyong hamog ay gaya ng hamog ng mga damo, at iluluwa ng lupa ang mga patay.

20 Ikaw ay parito, bayan ko, (BN)pumasok ka sa iyong mga silid, at isara mo ang iyong mga pintuan sa palibot mo: magkubli kang sangdali, hanggang sa ang galit ay makalampas;

21 Sapagka't, narito, ang Panginoon ay lumalabas (BO)mula sa kaniyang dako upang parusahan ang mga nananahan sa lupa dahil sa kanilang kasamaan: ililitaw naman ng lupa ang kaniyang dugo, at hindi na tatakpan ang kaniyang nangapatay.

Ang ubasan ng Panginoon.

27 (BP)Sa araw na yaon ay parurusahan ng Panginoon, ng kaniyang matigas at malaki at matibay na tabak (BQ)ang leviatan na maliksing ahas, at ang leviatan na lumilikaw na ahas, at kaniyang papatayin (BR)ang buwaya na nasa dagat.

Sa araw na yaon: (BS)Awitin ninyo sa kaniya ang tungkol sa isang (BT)ubasang pinagkunan ng alak.

Akong Panginoon ang nagiingat; aking didiligin (BU)tuwituwina: baka saktan ng sinoman, aking iingatan gabi't araw.

Kagalitan ay hindi sumasa akin: kung (BV)makipagbaka sana ang mga dawag at mga tinik laban sa akin! akin yaong yayapakan, aking susunuging magkakasama.

O manghawak sana siya sa (BW)aking lakas, upang siya'y makipagpayapaan sa akin; oo, makipagpayapaan siya sa akin.

Sa mga araw na darating ay (BX)maguugat ang Jacob; ang Israel ay mamumulaklak at magbubuko: at pupunuin nila ng bunga ang ibabaw ng sanglibutan.

Sinaktan baga niya siya na gaya ng pagsakit niya sa mga yaon, na nanakit sa kaniya? o pinatay siya ng ayon sa pagpatay nila, na napatay niya?

Sa sukat, pagka iyong pinayayaon siya, ikaw ay nakikipagtalo sa kaniya; kaniyang binago siya ng kaniyang pagispis na hihip sa kaarawan ng silanganang hangin.

Kaya't sa pamamagitan nito ay malilinis ang kasamaan ng Jacob, at ito ang buong bunga ng pagaalis ng kaniyang kasalanan: pagka kaniyang ginagawa ang mga bato ng dambana na gaya ng mga malambot na batong naluluray upang (BY)ang mga Asera at ang mga larawang araw ay hindi na matatayo.

10 Sapagka't ang bayang nakukutaan ay nagiisa, isang tahanang (BZ)pinabayaan at iniwanan gaya ng ilang: doon manginginain ang guya, at doon hihiga, at kakainin ang mga sanga niyaon.

11 Pagka ang mga sanga niyaon ay nangatuyo, babaliin; paroroonan ng mga babae at igagatong sa apoy: (CA)sapagka't bayan na walang unawa; kaya't ang gumawa (CB)sa kanila ay hindi magdadalang habag sa kanila, at ang naganyo sa kanila ay hindi magpapakita sa kanila ng lingap.

12 At mangyayari sa araw na yaon, na lalagasin ng Panginoon ang bunga niyaon mula sa agos (CC)ng ilog (CD)hanggang sa batis ng Egipto, at kayo'y mapipisang isa isa, Oh kayong mga anak ni Israel.

13 At mangyayari sa araw na yaon, (CE)na ang malaking pakakak ay hihipan; at silang nangapapahamak sa lupain ng Asiria ay magsisiparito, at (CF)silang mga tapon sa lupain ng Egipto; (CG)at sila'y magsisisamba sa Panginoon sa banal na bundok ng Jerusalem.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978