Chronological
Ang hatol ng Panginoon sa mga kalapit bansa.
1 Ang mga salita ni Amos, (A)na nasa gitna ng mga pastor sa (B)Tecoa, na nakita niya tungkol sa Israel, nang mga kaarawan ni (C)Uzzia na hari sa Juda, at nang mga kaarawan ni (D)Jeroboam na anak ni Joas na hari sa Israel, na dalawang taon bago (E)lumindol.
2 At kaniyang sinabi, Ang Panginoon ay aangal mula sa Sion, at sisigaw ng kaniyang tinig mula sa Jerusalem; at ang mga pastulan ng mga pastor ay mananambitan, at ang taluktok ng Carmelo ay matutuyo.
3 Ganito ang sabi ng Panginoon: (F)Dahil sa tatlong pagsalangsang ng (G)Damasco, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; (H)sapagka't kanilang giniik ang Galaad ng panggiik na bakal.
4 Nguni't aking susuguin ang isang apoy sa loob ng bahay ni Hazael, at susupukin niyaon ang mga palacio ni (I)Ben-hadad.
5 At aking iwawasak ang (J)halang ng Damasco, at aking ihihiwalay ang mananahan mula sa libis ng Aven, at siyang humahawak ng cetro mula sa bahay ng Eden; at ang bayan ng Siria ay papasok sa pagkabihag hanggang sa Chir, sabi ng Panginoon.
6 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang (K)ng Gaza, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; (L)sapagka't kanilang dinalang bihag ang buong bayan, (M)upang ibigay sa Edom.
7 Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa kuta ng Gaza, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon:
8 At aking ihihiwalay ang mananahan mula sa Asdod, at siyang humahawak ng cetro mula sa Ascalon; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa Ecron, at (N)ang nalabi sa mga Filisteo ay malilipol, sabi ng Panginoong Dios.
9 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng (O)Tiro, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; (P)sapagka't kanilang ibinigay ang buong bayan sa Edom, at hindi inalaala ang (Q)tipan ng pagkakapatiran.
10 Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa kuta ng Tiro, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon.
11 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng (R)Edom, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't hinabol niya ng (S)tabak ang kaniyang kapatid, at ipinagkait ang buong habag, at ang kaniyang galit ay laging nanglilipol, at taglay niya ang kaniyang poot magpakailan man.
12 Nguni't magsusugo ako ng isang apoy sa Teman, at susupukin niyaon ang mga palacio sa Bozra.
13 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng (T)mga anak ni Ammon, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kanila; sapagka't (U)kanilang pinaluwa ang bituka ng mga babaing nagdadalang tao sa Galaad, upang kanilang mapalapad ang kanilang hangganan.
14 Nguni't aking papagniningasin ang isang apoy sa kuta ng (V)Rabba, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon, na may hiyawan sa kaarawan ng pagbabaka, na may bagyo sa kaarawan ng ipoipo;
15 At ang kanilang hari ay papasok sa pagkabihag, siya at ang kaniyang mga prinsipe na magkakasama, sabi ng Panginoon.
Hatol sa Moab.
2 Ganito ang sabi ng Panginoon: (W)Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Moab, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't (X)kaniyang sinunog ang mga buto ng hari sa Edom na pinapaging apog.
2 Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa Moab, at susupukin niyaon ang mga palacio ng Cherioth; at ang Moab ay mamamatay na may kaingay, may hiyawan, at may tunog ng pakakak.
3 At aking ihihiwalay ang hukom sa gitna niyaon, at papatayin ko ang lahat na prinsipe niyaon na kasama niya, sabi ng Panginoon.
Ang hatol sa Juda at sa Israel.
4 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Juda, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; (Y)sapagka't kanilang itinakuwil ang kautusan ng Panginoon, at hindi iningatan ang kaniyang mga palatuntunan, at iniligaw sila ng kanilang mga pagbubulaan, (Z)ayon sa inilakad ng kanilang mga magulang.
5 Nguni't magsusugo ako ng isang apoy sa Juda; at susupukin niyaon ang mga palacio ng Jerusalem.
6 Ganito ang sabi ng Panginoon, Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Israel, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't (AA)kanilang ipinagbili ang matuwid dahil sa pilak, at (AB)ang mapagkailangan sa dalawang paang panyapak—
7 Na iniimbot ang (AC)alabok sa lupa na nasa ulo ng dukha, at inililiko ang lakad ng maamo: at ang magama ay sumisiping sa isang dalaga, upang lapastanganin ang aking banal na pangalan:
8 At sila'y nangahihiga sa tabi ng lahat na dambana, sa ibabaw (AD)ng mga kasuutang sangla; at sa bahay ng kanilang Dios ay nagsisiinom ng alak ng mga multa.
9 Gayon ma'y nililipol ko (AE)ang Amorrheo sa harap nila, na ang taas ay gaya ng taas ng mga cedro, at siya'y malakas na gaya ng mga encina; gayon ma'y nilipol ko ang kaniyang bunga sa itaas, at ang kaniyang mga ugat sa ilalim.
10 Iniahon (AF)ko rin kayo sa lupain ng Egipto, at pinatnubayan ko kayong apat na pung taon sa ilang, upang ariin ninyo ang lupain ng Amorrheo.
11 At nagbangon ako sa inyong mga anak ng mga propeta, at sa inyong mga binata ng mga (AG)Nazareo. Di baga gayon, Oh kayong mga anak ng Israel? sabi ng Panginoon.
12 (AH)Nguni't binigyan ninyo ang mga Nazareo ng alak na maiinom, at inutusan ninyo ang mga propeta, na sinasabi, Huwag kayong manganghuhula.
13 Narito, aking huhutukin kayo sa inyong dako, na gaya ng isang karong nahuhutok na puno ng mga bigkis.
14 At (AI)ang pagtakas ay mapapawi sa (AJ)matulin; at ang malakas ay hindi makaaasa sa kaniyang kalakasan; ni ang makapangyarihan man ay makapagliligtas sa sarili;
15 Ni makatitindig man siyang humahawak ng busog; at siyang matulin sa paa ay hindi makaliligtas; (AK)ni siya mang nakasakay sa kabayo ay makaliligtas:
16 At siya na matapang sa mga makapangyarihan ay tatakas na hubad sa araw na yaon, sabi ng Panginoon.
Ang pangangailangan ng paghula ng masama laban sa Israel.
3 Dinggin ninyo ang salitang ito na sinalita ng Panginoon laban sa inyo, Oh (AL)mga anak ni Israel, laban sa buong angkan (AM)na aking iniahon mula sa lupain ng Egipto, na sinasabi,
2 Kayo lamang ang aking (AN)nakilala sa lahat ng angkan sa lupa: (AO)kaya't aking dadalawin sa inyo ang lahat ninyong kasamaan.
3 Makalalakad baga ang dalawa na magkasama, liban na sila'y magkasundo?
4 Uungal baga ang leon sa gubat, kung wala siyang huli? sisigaw baga ang batang leon sa kaniyang yungib, kung wala siyang huling anoman?
5 Malalaglag baga ang ibon sa silo sa ibabaw ng lupa, ng walang silo sa kaniya? lulukso baga ang panghuli mula sa lupa, at walang nahuling anoman?
6 Tutunog baga ang pakakak sa bayan, at ang bayan ay hindi manginginig? (AP)sasapit baga ang kasamaan sa bayan, at hindi ginawa ng Panginoon?
7 Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin, (AQ)kundi kaniyang ihahayag ang kaniyang lihim sa kaniyang mga lingkod na mga propeta.
8 Ang leon ay umungal, sinong di matatakot? Ang Panginoong Dios ay nagsalita; (AR)sinong hindi manghuhula?
9 Ihayag ninyo sa mga palacio sa (AS)Asdod, at sa mga palacio sa lupain ng Egipto, at inyong sabihin, Magpipisan kayo sa mga bundok ng (AT)Samaria, at inyong masdan kung anong laking ingay ang nandoon, at kung anong pahirap ang nasa gitna niyaon.
10 Sapagka't hindi sila marunong magsigawa ng matuwid, sabi ng Panginoon, na nagiimbak ng pangdadahas at pagnanakaw sa kanilang mga palacio.
11 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Kaaway ay paririto sa palibot ng lupain; at kaniyang ibabagsak ang lakas mo sa iyo, at ang iyong mga palacio ay sasamsaman.
12 Ganito ang sabi ng Panginoon: Kung paanong inaagaw ng pastor sa bibig ng leon ang dalawang hita, o ang isang putol ng tainga; gayon ililigtas ang mga anak ni Israel na nangauupo sa Samaria sa sulok ng hiligan, at sa mga sedang colchon ng higaang malaki.
13 Dinggin ninyo, at patotohanan ninyo laban sa sangbahayan ni Jacob, sabi ng Panginoong Dios, ng Dios ng mga hukbo.
14 Sapagka't sa araw na aking dadalawin ang mga pagsalangsang ng Israel sa kaniya, aking dadalawin din ang mga (AU)dambana ng (AV)Beth-el, at ang mga (AW)sungay ng dambana ay mahihiwalay, at malalaglag sa lupa.
15 At aking sisirain (AX)ang bahay na pangtagginaw na kasabay ng bahay na pangtaginit; at (AY)ang mga bahay na garing ay mangawawala, at ang mga malaking bahay ay magkakawakas, sabi ng Panginoon.
Ang Israel ay parurusahan dahil sa kaniyang pagpapahirap.
4 Dinggin ninyo ang salitang ito, Oh mga (AZ)baka ng Basan, na (BA)nangasa bundok ng Samaria, na (BB)nagsisipighati sa mga dukha, na nagsisigipit sa mga mapagkailangan, na nangagsasabi sa kanilang mga panginoon, Dalhin ninyo rito, at ating inumin.
2 Ang Panginoong Dios ay (BC)sumumpa sa pamamagitan ng kaniyang kabanalan, na, narito, ang mga kaarawan ay darating sa inyo, na kanilang huhulihin kayo ng mga taga ng bingwit, at (BD)ang nalabi sa inyo ay ng mga pamingwit.
3 At kayo'y magsisilabas sa mga sira, na bawa't isa'y tuloytuloy; at kayo'y mangagpapakatapon sa Harmon, sabi ng Panginoon.
4 Magsiparoon kayo sa (BE)Beth-el, at magsisalangsang kayo; sa (BF)Gilgal, at paramihin ninyo ang pagsalangsang; at inyong dalhin ang inyong mga hain tuwing umaga, (BG)at ang inyong mga ikasangpung bahagi tuwing tatlong araw;
5 At (BH)kayo'y mangaghandog ng hain ng pasasalamat (BI)na may lebadura, at kayo'y mangaghayag ng (BJ)kusang mga handog at inyong itanyag; sapagka't ito'y nakalulugod sa inyo, Oh ninyong mga anak ni Israel, sabi ng Panginoong Dios.
6 At binigyan ko naman kayo ng kalinisan ng mga ngipin sa lahat ninyong mga bayan, at kakulangan ng tinapay sa lahat ninyong mga dako; (BK)gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.
7 At (BL)akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo.
8 Sa gayo'y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.
9 Aking sinalot kayo ng pagkalanta at ng amag: ang karamihan ng inyong mga halaman, at ng inyong mga ubasan, at ng inyong mga igusan, at ng inyong mga olibohan ay (BM)nilipol ng tipaklong: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.
10 Aking pinarating sa gitna ninyo ang salot (BN)na gaya ng sa Egipto: ang inyong mga binata ay pinatay ko ng tabak, (BO)at dinala ko ang inyong mga kabayo; at aking pinaalingasaw ang baho ng inyong kampamento hanggang sa inyong mga butas ng ilong; gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.
11 Aking ibinuwal ang iba sa inyo, (BP)gaya nang ibuwal ng Dios ang Sodoma at Gomorra, at kayo'y naging gaya ng (BQ)dupong na naagaw sa apoy: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.
12 Kaya't ganito ang gagawin ko sa iyo, Oh Israel; at yamang aking gagawin ito sa iyo, humanda kang salubungin mo ang iyong Dios, Oh Israel.
13 Sapagka't, narito, siyang nagaanyo ng mga bundok, at lumilikha ng hangin, (BR)at nagpapahayag sa tao kung ano ang kaniyang pagiisip; na (BS)nagpapadilim ng umaga, at yumayapak sa mga mataas na dako ng lupa—ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo ay siya niyang pangalan.
Ang Israel ay sinamo upang hanapin ang Panginoon.
5 Dinggin ninyo ang salitang ito na aking itinataghoy sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel.
2 Ang dalaga ng Israel ay (BT)nabuwal; siya'y hindi na magbabangon pa, (BU)siya'y nahagis sa kaniyang lupain; walang magbangon sa kaniya.
3 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ang bayan na lalabas na isang libo, maiiwang isang daan, at ang lalabas na isang daan ay maiiwang sangpu, sa sangbahayan ni Israel.
4 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon sa sangbahayan ni Israel; Hanapin ninyo ako, at kayo'y mangabubuhay;
5 Nguni't huwag ninyong hanapin ang (BV)Beth-el, ni magsipasok man sa Gilgal, at huwag kayong magsidaan sa (BW)Beer-seba: sapagka't walang pagsala ang Gilgal ay papasok sa pagkabihag, at ang Beth-el ay mauuwi sa wala.
6 Inyong hanapin ang Panginoon, at kayo'y mangabubuhay; baka siya'y sumigalbong parang apoy sa sangbahayan ni Jose, at supukin yaon, at sa Beth-el ay walang makapapatay niyaon:
7 Kayong (BX)nagpapaging ajenjo sa kahatulan, at nagwawaksi ng katuwiran sa lupa.
8 Inyong hanapin (BY)ang lumikha ng mga Pleyades at ng Orion, (BZ)at ang lilim ng kamatayan ay pinapaging umaga, (CA)pinapagdilim ang araw sa pamamagitan ng gabi; yaong tumatawag sa tubig sa dagat, at nagbubugso ng mga yaon sa ibabaw ng lupa (Panginoon ang siya niyang pangalan);
9 Yaong nagdadala ng biglang kabuwalan sa malakas, na anopa't ang pagkasira ay dumarating sa katibayan.
10 Kanilang kinapopootan (CB)ang nananaway (CC)sa pintuang-bayan, at kanilang kinasusuklaman ang nagsasalita ng matuwid.
11 Palibhasa nga't inyong niyayapakan ang dukha, at inyong hinihingan siya ng trigo: kayo'y (CD)nangagtayo ng mga bahay na batong tinabas, nguni't hindi ninyo tatahanan; kayo'y nangagtanim ng mga maligayang ubasan, nguni't hindi kayo magsisiinom ng alak niyaon.
12 Sapagka't talastas ko kung gaano karami ang inyong mga pagsalangsang, at kung gaano kalaki ang inyong mga kasalanan—kayong nagsisidalamhati sa ganap, na kinukunan ninyo ng suhol, at inyong inililigaw sa kanilang matuwid (CE)ang mapagkailangan sa pintuang-bayan.
13 Kaya't siya na mabait ay tatahimik sa panahong yaon; sapagka't masamang panahon.
14 Magsihanap kayo ng kabutihan, at huwag kasamaan, upang kayo'y mangabuhay; at sa gayo'y ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo, ay sasa inyo, (CF)gaya ng inyong sinasabi.
15 Inyong kapootan ang masama, at ibigin ang mabuti, at kayo'y mangagtatatag ng kahatulan sa pintuang-bayan: marahil ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo ay magiging mapagbiyaya sa (CG)nalabi sa Jose.
16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, ng Panginoon: Panaghoy ay sa lahat na daan; at sila'y mangagsasabi sa lahat na lansangan, Sa aba! sa aba! at kanilang tatawagin ang mangbubukid sa pananambitan, at ang lahat na bihasa sa pananaghoy sa pagtaghoy.
17 At sa lahat ng ubasan ay magkakaroon ng panaghoy; sapagka't (CH)ako'y daraan sa gitna mo, sabi ng Panginoon.
Ang kaarawan ng Panginoon.
18 Sa aba ninyo na nangagnanasa ng (CI)kaarawan ng Panginoon! bakit ninyo ninanasa ang kaarawan ng Panginoon? kadiliman (CJ)nga, at hindi kaliwanagan.
19 Gaya ng kung ang tao ay tumatakas sa leon, at isang oso ang sumasalubong sa kaniya; o pumapasok sa bahay at ikinakapit ang kaniyang kamay sa pinid, at isang ahas ang tumutuka sa kaniya.
20 Hindi baga magiging kadiliman ang kaarawan ng Panginoon, at hindi kaliwanagan? na totoong madilim, at walang ningning?
21 (CK)Aking kinapopootan, aking hinahamak ang inyong mga kapistahan, at hindi ako malulugod sa inyong mga takdang kapulungan.
22 Oo, bagaman inyong ihandog sa akin ang inyong mga handog na susunugin at mga handog na harina, (CL)hindi ko tatanggapin; ni akin mang kalulugdan ang mga handog tungkol sa (CM)kapayapaan na inyong mga matabang hayop.
23 Ihiwalay mo sa akin ang ingay ng iyong mga awit; sapagka't hindi ko didinggin ang tinig ng iyong mga biola.
24 Kundi bumugso ang katarungan na parang tubig, at ang katuwiran na parang malakas na agos.
25 Nagdala baga kayo sa akin ng mga (CN)hain, at ng mga handog sa ilang na apat na pung taon, Oh sangbahayan ni Israel?
26 Oo, inyong pinasan ang (CO)tabernakulo ng inyong hari at ang dambana ng inyong mga larawan, ang bituin ng inyong dios, na inyong ginawa para sa inyong sarili.
27 Kaya't kayo'y aking papapasukin sa pagkabihag sa dako roon ng Damasco, sabi ng Panginoon, na ang pangala'y (CP)Dios ng mga hukbo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978