Chronological
Ang hula tungkol sa Etiopia.
18 Ah, (A)ang lupain ng pagaspas ng mga pakpak, na nasa dako roon ng mga ilog ng Etiopia:
2 Na nagsusugo ng mga sugo na nangagdadagat, sa makatuwid baga'y sa mga sasakyang papiro sa tubig, na nagsasabi, Magsiyaon kayo, maliliksing sugo, sa (B)bansang mataas at patag, sa bayang kakilakilabot mula sa kanilang pasimula at sa haharapin; sa bansang sumusukat at yumayapak, na ang lupain ay hinahati ng mga ilog!
3 Kayong lahat na nananahan sa sanglibutan, at kayong mga naninirahan sa lupa, pagka ang isang watawat ay (C)nataas sa mga bundok, inyong tingnan; at pagka ang pakakak ay hinipan, makinig kayo.
4 Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Ako'y tatahimik, at aking mamasdan mula sa aking dakong tahanan, gaya ng malinaw na init sa sikat ng araw, gaya ng ulap na hamog sa init ng pagaani.
5 Sapagka't bago magani, pagka ang bulaklak ay nalagas, at ang bulaklak ay nagiging ubas na nahihinog, kaniyang puputulin ng karit na pangkapon ang mga usbong, at ang mga ladlad na sanga ay kaniyang aalisin at puputulin.
6 Ang mga yaon ay pawang mangaiiwan sa mga ibong mangdadagit sa mga bundok, at sa mga hayop sa lupa: at pagtataginitan ang mga yaon ng mga ibong mangdadagit, at pagtataginawan ang mga yaon ng lahat na hayop sa lupa.
7 Sa panahong yao'y (D)dadalhin ang isang kaloob sa Panginoon ng mga hukbo ng mga taong matataas at makikisig, at mula sa bayang kakilakilabot na mula sa kanilang pasimula hanggang sa haharapin; isang bansa na sumusukat at yumayapak, na ang lupain ay hinahati ng mga ilog, sa dako ng pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, na bundok ng Sion.
Ang hula tungkol sa Egipto. Pagsamsam, susundan ng pagbalik sa Panginoon.
19 (E)Ang hula tungkol sa (F)Egipto.
Narito, ang (G)Panginoon ay nakasakay sa isang matuling alapaap, at napasasa Egipto: at (H)ang mga diosdiosan ng Egipto ay makikilos sa kaniyang harapan, at ang puso ng Egipto ay manglulumo sa gitna niyaon.
2 At aking hihikayatin ang mga Egipcio laban sa mga Egipcio: at lalaban bawa't isa sa kanikaniyang kapatid, at bawa't isa laban sa kaniyang kapuwa; bayan laban sa bayan, at kaharian laban sa kaharian.
3 At ang diwa ng Egipto ay mauupos sa gitna niyaon; at aking sisirain ang payo niyaon: at (I)sasangguni sila sa mga diosdiosan, at sa mga enkantador, at sa mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, at sa mga manghuhula.
4 At aking ibibigay ang mga Egipcio (J)sa kamay ng mabagsik na panginoon; at mabangis na hari ay magpupuno sa kanila, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.
5 At (K)magkukulang ng tubig sa mga dagat, at ang ilog ay mawawalan ng tubig at matutuyo.
6 At ang mga ilog ay babaho; ang mga batis ng Egipto ay huhupa at matutuyo: ang mga tambo at mga talahib ay mangatutuyo.
7 Ang mga parang sa pangpang ng Nilo, sa baybayin ng Nilo, at lahat na nahasik sa tabi ng Nilo, mangatutuyo, mangatatangay, at mangawawala.
8 (L)Ang mga mangingisda naman ay magsisitaghoy, at lahat ng nangaglalawit ng bingwit sa Nilo ay tatangis, at silang nangaglaladlad ng mga lambat sa mga tubig ay manganglalata.
9 Bukod dito'y silang nagsisigawa sa mga (M)lino, at silang nagsisihabi ng puting damit ay mangapapahiya.
10 At ang kaniyang mga haligi ay magkakaputolputol, silang lahat na nangagpapaupa ay nangagdadalamhati ang kalooban.
11 Ang mga pangulo sa (N)Zoan ay lubos na mangmang; ang payo ng mga pinakapantas at kasangguni ni Faraon ay naging tampalasan: paanong masasabi ninyo kay Faraon, Ako'y anak ng pantas, anak ng mga dating hari?
12 Saan nangaroon nga (O)ang iyong mga pantas? at sasabihin nila sa iyo ngayon; at alamin nila kung ano ang pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo tungkol sa Egipto.
13 Ang mga pangulo sa Zoan ay naging mga mangmang, ang mga pangulo sa Nof ay (P)nangadaya; kanilang iniligaw ang Egipto, na siyang panulok na bato ng kaniyang mga lipi.
14 Naghalo ang Panginoon ng (Q)diwa ng kasuwailan sa gitna niya: at iniligaw nila ang Egipto sa bawa't gawa niya, na parang langong tao na nahahapay sa kaniyang suka.
15 Hindi na magkakaroon man sa Egipto (R)ng anomang gawain, na magagawa ng ulo o ng buntot, sanga ng palma, o tambo.
16 (S)Sa araw na yaon ay magiging (T)parang mga babae ang Egipto: at manginginig at matatakot dahil sa (U)bala ng kamay ng Panginoon ng mga hukbo, na kaniyang ibinabala.
17 At ang lupain ng Juda ay magiging kakilabutan sa Egipto; sa kanino man mabanggit yaon ay matatakot, dahil sa panukala ng Panginoon ng mga hukbo, na ipinanukala laban doon.
18 (V)Sa araw na yaon ay magkakaroon ng limang bayan sa lupain ng Egipto, (W)na mangagsasalita ng wika ng Canaan, at magsisisumpa sa Panginoon ng mga hukbo; isa'y tatawagin: Ang bayang giba.
19 Sa araw na yaon ay (X)magkakaroon ng isang dambana sa Panginoon (Y)sa gitna ng lupain ng Egipto, at isang haligi sa hangganan niyaon sa Panginoon.
20 (Z)At magiging pinakatanda at pinakasaksi sa Panginoon ng mga hukbo sa lupain ng Egipto: sapagka't sila'y magsisidaing sa Panginoon dahil sa mga mamimighati, at magsusugo siya sa kanila ng isang tagapagligtas, at isang tagapagsanggalang, at kaniyang ililigtas sila.
21 At ang Panginoon ay makikilala sa Egipto, at makikilala ng mga Egipcio ang Panginoon sa araw na yaon; oo, (AA)sila'y magsisisamba na may hain at alay, at magsisipanata ng panata sa Panginoon, at tutuparin.
22 At sasaktan ng Panginoon ang Egipto, na nananakit at magpapagaling; at sila'y manunumbalik sa Panginoon, at siya'y madadalanginan nila, at pagagalingin niya sila.
23 Sa araw na yaon ay (AB)magkakaroon ng lansangan mula sa Egipto hanggang sa Asiria, at ang mga taga Asiria ay magsisipasok sa Egipto, at ang mga Egipcio ay sa Asiria, at ang mga Egipcio ay magsisisambang kasama ng mga taga Asiria.
24 Sa araw na yao'y magiging pangatlo ang Israel sa Egipto at sa Asiria, na pagpapala sa gitna ng lupain:
25 Sapagka't pinagpala sila ng Panginoon ng mga hukbo, na sinasabi, Pagpalain ang bayan kong Egipto, (AC)at ang Asiria na gawa ng aking mga kamay, at ang Israel na (AD)aking mana.
Ang pagkabihag ng Egipto at ng Etiopia ay hinulaan.
20 Nang taong dumating si (AE)Tartan kay (AF)Asdod, nang suguin siya ni Sargon na hari sa Asiria, at siya'y makipaglaban kay Asdod, at sakupin niya;
2 Nang panahong yaon ay nagsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni (AG)Isaias na anak ni Amoz, na nagsasabi, Ikaw ay yumaon, at kalagin mo (AH)ang kayong magaspang sa iyong mga balakang, at maghubad ka ng iyong panyapak sa iyong paa. At ginawa niyang gayon (AI)na lumakad na hubad at walang panyapak.
3 At sinabi ng Panginoon, Kung paanong ang aking lingkod na si Isaias ay lumakad na hubad at walang panyapak na tatlong taon na (AJ)pinakatanda at pinakakamanghaan sa Egipto at sa (AK)Etiopia;
4 Gayon ihahatid (AL)ng hari sa Asiria ang mga bihag sa Egipto, at (AM)ang mga tapon sa Etiopia, bata at matanda, hubad at walang panyapak, at may mga pigi (AN)na litaw, sa ikapapahiya ng Egipto.
5 At sila'y manganglulupaypay (AO)at mangapapahiya, dahil sa Etiopia na kanilang pagasa at sa Egipto na kanilang kaluwalhatian.
6 At ang nananahan sa (AP)baybaying ito ay mangagsasabi sa araw na yaon, Narito, gayon na lamang ang aming pagasa, na aming tinakasan na hiningan ng tulong upang makalaya sa hari sa Asiria: at kami paanong makatatanan?
Ang hula sa Babilonia.
21 Ang hula tungkol sa ilang na nasa baybayin ng (AQ)dagat.
Kung paanong umiikot (AR)ang mga ipoipo sa Timugan gayon dumarating ang hangin na mula sa ilang mula sa kakilakilabot na lupain.
2 Isang malubhang pangitain ay naipahayag sa akin; (AS)ang manggagawa ng karayaan ay gumagawang may karayaan, at ang mananamsam ay nananamsam. (AT)Umahon ka, Oh Elam; kumubkob ka, Oh Media; lahat ng buntong-hininga niya'y aking pinatigil.
3 Kaya't ang aking mga balakang ay puspos ng kahirapan; mga hirap ay dinamdam ko, gaya ng mga hirap ng babae sa pagdaramdam; ako'y naghihirap na anopa't hindi ako makarinig; ako'y nanglulupaypay na anopa't hindi ako makakita.
4 Ang aking puso ay sumisikdo, (AU)kakilabutan ay tumakot sa akin: ang pagtatakip-silim na aking ninasa ay naging kapanginigan sa akin.
5 Sila'y nangaghanda ng dulang, sila'y nangaglagay ng bantay, sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom: magsitindig kayo, kayong mga pangulo, inyong ihanda ang kalasag.
6 Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, maglagay ka ng bantay; ipahayag niya kung ano ang nakikita niya:
7 At pagka siya'y nakakita ng pulutong, (AV)ng mga nangangabayong dalawa't dalawa, ng mga asno, ng pulutong ng mga kamelyo siya'y masikap na makikinig na ma'y pagiingat.
8 At siya'y umungal na parang leon: Oh Panginoon, ako'y tumatayong lagi sa moog (AW)na bantayan kung araw, at ako'y tumatanod sa aking bantayan na magdamagan:
9 At, narito, dito'y dumarating ang isang pulutong na lalake, mga nangangabayong dalawa't dalawa. At siya'y sumagot at nagsabi, (AX)Babilonia ay nabagsak, nabagsak, at (AY)lahat na larawang inanyuan na kaniyang mga dios ay nangabagsak sa lupa.
10 (AZ)Oh ikaw na aking giniik, at trigo ng (BA)aking giikan: ang aking narinig sa Panginoon ng mga hukbo, sa Dios ng Israel, aking ipinahayag sa iyo.
11 (BB)Ang hula tungkol sa (BC)Duma.
May tumatawag sa akin mula sa (BD)Seir, Bantay, anong nangyari sa gabi? Bantay, anong nangyari sa gabi?
12 Sinabi ng bantay, Ang umaga ay dumarating, at gayon din ang gabi: kung inyong uusisain, usisain ninyo: magsipihit kayo, parito kayo.
13 Ang hula tungkol sa (BE)Arabia.
Sa gubat ng Arabia ay magsisitigil kayo, Oh kayong nangaglalakbay na pulupulutong na mga (BF)Dedaneo.
14 Ang nauuhaw ay dinadalhan nila ng tubig; sinalubong ng mga nananahan sa lupain ng Tema na may kanilang tinapay ang mga bihag.
15 Sapagka't kanilang tinatakasan ang mga tabak, ang bunot na tabak, at ang akmang busog, at ang lala ng digmaan.
16 Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Sa loob ng isang taon, (BG)ayon sa mga taon ng magpapaupa, ang lahat ng kaluwalhatian ng (BH)Cedar ay mapapawi:
17 At ang malabi sa bilang sa mga mangbubusog, sa mga makapangyarihang lalake na mga anak ni Cedar, ay mangiilan: sapagka't ang Panginoon, ang Dios ng Israel, siyang nagsalita.
Ang Jerusalem ay kinulong.
22 (BI)Ang hula tungkol sa (BJ)libis ng pangitain.
Anong ipinakikialam mo ngayon na ikaw ay lubos na sumampa sa mga bubungan?
2 Oh ikaw na puspos ng mga hiyawan, magulong bayan, (BK)masayang bayan; ang iyong mga patay ay hindi nangapatay ng tabak, o nangamatay man sila sa pakikipagbaka.
3 (BL)Lahat mong pinuno ay nagsitakas na magkakasama, nangatalian ng mga mangbubusog: lahat na nangasumpungan sa iyo ay nangataliang magkakasama, nagsitakas na malayo.
4 Kaya't sinabi ko, Bayaan ninyo ako, ako'y iiyak na may kapanglawan; huwag ninyong sikaping aliwin ako, ng dahil sa pagkasamsam sa anak na babae ng aking bayan.
5 Sapagka't araw na pagkatulig (BM)at ng pagyurak, at ng pagkalito, (BN)mula sa Panginoon, mula sa Panginoon ng mga hukbo, sa libis ng pangitain; pagkabagsak ng mga kuta at paghiyaw sa mga bundok.
6 At ang Elam ay may dalang lalagyan ng pana, (BO)may mga karo ng mga tao at mga mangangabayo; at ang (BP)Kir ay Bunot ang kalasag.
7 At nangyari, na ang iyong pinakapiling libis ay puno ng mga karo, at ang mga mangangabayo ay nagsisihanay sa pintuang-bayan.
8 At kaniyang inalis ang takip ng Juda; at ikaw ay tumitig ng araw na yaon sa sakbat sa bahay (BQ)na kahoy sa gubat.
9 At inyong nakita ang mga sira (BR)ng bayan ni David, na napakarami: at inyong pinisan ang tubig ng mababang (BS)tangke.
10 At inyong binilang ang mga bahay ng Jerusalem, at inyong iginiba ang mga bahay upang patibayin ang kuta.
11 Kayo'y nagsigawa naman ng tipunang tubig (BT)sa pagitan ng dalawang kuta para sa tubig ng dating tangke. Nguni't hindi ninyo tiningnan siyang gumawa nito, o nagpakundangan man kayo sa kaniya na naganyo nito na malaon na.
12 At nang araw na yao'y (BU)tumawag ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, sa pagiyak, at sa pagtangis, at (BV)sa pagkakalbo, at sa pagbibigkis ng kayong magaspang.
13 At, narito, kagalakan at kasayahan, pagpatay ng mga baka at pagpatay ng mga tupa, pagkain ng karne, at paginom ng alak: (BW)Tayo'y magsikain at magsiinom, sapagka't bukas tayo ay mangamamatay.
14 At ang Panginoon ng mga hukbo ay naghayag sa aking mga pakinig, Tunay na ang kasamaang ito ay hindi malilinis sa inyo hanggang sa kayo'y mangamatay, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.
Si Sebna ay papalitan ni Eliacim.
15 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, Ikaw ay yumaon, pumaroon ka sa tagaingat-yamang ito samakatuwid baga'y kay (BX)Sebna, na katiwala sa bahay, at iyong sabihin,
16 Anong ginagawa mo rito? at sinong ibinaon mo rito, na gumawa ka rito ng isang libingan para sa iyo? na gumagawa ka ng libingan sa itaas, at umuukit ka ng tahanan niyang sarili sa malaking bato!
17 Narito, ibabagsak kang bigla ng Panginoon na gaya ng malakas na tao: oo, kaniyang hihigpitan ka.
18 Tunay niyang papipihit-pihitin at itatapon ka na parang bola sa malaking lupain; doon ka mamamatay, at doon malalagay ang mga karo ng iyong kaluwalhatian, ikaw na kahihiyan ng sangbahayan ng iyong panginoon.
19 At aalisin kita sa iyong katungkulan, at sa iyong kinaroroonan ay ibubuwal ka.
20 At mangyayari sa araw na yaon, na aking tatawagin ang aking lingkod na si (BY)Eliacim na anak ni Hilcias:
21 At aking susuutan siya ng iyong balabal, at patitibayin siya ng iyong pamigkis, at aking ipagkakatiwala ang iyong pamamahala sa kaniyang kamay: at siya'y magiging ama sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa sangbahayan ni Juda.
22 At ang katungkulan sa sangbahayan ni David ay iaatang ko (BZ)sa kaniyang balikat; (CA)at siya'y magbubukas, at walang magsasara; at siya'y magsasara, at walang magbubukas.
23 At aking ikakapit siya na parang (CB)pako sa isang matibay na dako; at siya'y magiging (CC)pinakaluklukan ng kaluwalhatian sa sangbahayan ng kaniyang magulang.
24 At kanilang ipagkakaloob sa kaniya ang buong kaluwalhatian ng sangbahayan ng kaniyang magulang, ang mga anak at ang angkan, bawa't sisidlan, mula sa mga munting sisidlan hanggang sa mga malalaking sisidlan.
25 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (CD)matatanggal ang pakong nakapit sa matibay na dako; at mababalikwat, at mahuhulog, at (CE)ang mga sabit niyaon ay malalaglag; (CF)sapagka't sinalita ng Panginoon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978