Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Chronological

Read the Bible in the chronological order in which its stories and events occurred.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Oseas 8-14

Ang pagsuway ng Israel sa kautusan.

Ilagay mo ang (A)pakakak sa iyong bibig. Gaya ng isang (B)aguila dumarating siya laban sa bahay ng Panginoon, sapagka't (C)kanilang sinuway ang aking tipan, at nagsisalangsang laban sa aking kautusan.

Sila'y magsisidaing sa akin, (D)Dios ko, kaming Israel ay nangakakakilala sa iyo.

Itinakuwil ng Israel ang mabuti: hahabulin siya ng kaaway.

Sila'y nangaglagay ng mga hari, (E)nguni't hindi sa pamamagitan ko; sila'y nangaglagay ng mga prinsipe, at hindi ko nalaman: (F)sa kanilang pilak at kanilang ginto ay nagsigawa sila ng diosdiosan, upang sila'y mangahiwalay.

Kaniyang inihiwalay ang iyong guya, Oh Samaria; ang aking galit ay nagaalab laban sa kanila: hanggang kailan sila ay magiging mga musmos.

Sapagka't mula sa Israel nanggaling ito; ito'y ginawa ng manggagawa, at ito'y hindi Dios; oo, ang guya ng Samaria ay magkakaputolputol.

Sapagka't sila'y nangagsasabog ng hangin, at sila'y magsisiani ng ipoipo: siya'y walang nakatayong trigo; ang uhay ay hindi maglalaman ng harina; at kung maglaman, ay lalamunin ng mga (G)taga ibang lupa.

Ang Israel ay nalamon: ngayo'y nasa gitna siya ng mga bansa na (H)parang sisidlang hindi kinalulugdan.

Sapagka't (I)sila'y nagsiahon sa Asiria, na parang isang mailap na (J)asno na nagiisa: ang Ephraim ay (K)umupa ng mga mangingibig.

10 Oo, bagaman sila'y umuupa sa gitna ng mga bansa, akin nga silang pipisanin ngayon; at sila'y mangagtitigil na kaunting panahon ng pagpapahid ng langis (L)sa hari at mga prinsipe.

11 Sapagka't ang Ephraim, ay nagparami ng mga dambana upang magkasala, ang mga dambana ay naging sa kaniyang ipagkakasala.

12 Sinulat ko para sa kaniya (M)ang sangpung libong bagay ng aking kautusan; kanilang inaring parang katuwang bagay.

13 Tungkol sa mga hain na mga handog sa akin, sila'y nangaghahain ng karne, at kinakain nila; nguni't ang mga yaon ay hindi tinatanggap ng Panginoon; ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan; (N)sila'y mangababalik sa Egipto.

14 Sapagka't nilimot ng Israel ang May-lalang sa kaniya, at nagtayo ng mga palacio; at nagparami ang Juda ng mga bayang nakukutaan; nguni't magsusugo (O)ako ng apoy sa kaniyang mga bayan, at susupukin ang mga kuta niyaon.

Ibinababala ang parusa sa pagtanggi ng Israel sa Dios.

Huwag kang magalak, Oh Israel sa katuwaan, na gaya ng mga bayan; sapagka't (P)ikaw ay nagpatutot na humihiwalay sa iyong Dios; iyong inibig ang (Q)upa sa bawa't giikan.

Ang giikan at ang pisaan ng ubas ay hindi magpapakain sa kanila, at ang bagong alak ay magkukulang sa kaniya.

Sila'y hindi magsisitahan (R)sa lupain ng Panginoon; kundi ang Ephraim ay (S)babalik sa Egipto, (T)at sila'y magsisikain ng maruming pagkain sa Asiria.

Hindi nila ipagbubuhos ng alak ang Panginoon, ni makalulugod man sa kaniya: ang kanilang mga hain ay magiging sa kanila'y parang (U)tinapay ng nangagluksa; (V)lahat ng magsikain niyaon ay mangapapahamak; sapagka't ang kanilang tinapay ay parang sa kanilang ipagkakagana; hindi papasok sa bahay ng Panginoon.

Ano ang inyong gagawin sa kaarawan ng takdang kapulungan, at sa kaarawan ng kapistahan ng Panginoon?

Sapagka't, narito, sila'y nagsialis sa kagibaan, gayon ma'y pipisanin sila ng Egipto, sila'y ililibing ng (W)Memphis; ang kanilang maligayang mga bagay na pilak ay aariin ng dawag; mga tinik ang sasa kanilang mga tolda.

Ang mga kaarawan ng pagdalaw ay dumating, ang mga kaarawan ng kagantihan ay dumating; malalaman ng Israel: ang propeta ay mangmang, ang lalake na may espiritu ay (X)ulol, dahil sa karamihan ng iyong kasamaan, at sapagka't ang poot ay malaki.

Ang Ephraim ay (Y)bantay na kasama ng aking Dios: tungkol sa propeta, ay silo ng manghuhuli sa lahat ng kaniyang lansangan, at pagkakaalit ay nasa bahay ng kaniyang Dios.

Sila'y nangagpapahamak na mainam, na gaya ng mga kaarawan ng (Z)Gabaa: kaniyang aalalahanin ang kanilang kasamaan, kaniyang dadalawin ang kanilang mga kasalanan.

10 Aking nasumpungan ang Israel na parang ubas sa ilang; aking nakita ang inyong mga magulang na parang unang (AA)bunga sa puno ng higos sa kaniyang unang kapanahunan: nguni't sila'y nagsiparoon kay (AB)Baalpeor, at nangagsitalaga sa mahalay na bagay, at naging kasuklamsuklam na gaya ng kanilang iniibig.

11 Tungkol sa Ephraim, (AC)ang kanilang kaluwalhatian ay lilipad na parang ibon; mawawalan ng panganganak, at walang magdadalang tao, at walang paglilihi.

12 Bagaman (AD)kanilang pinalalaki ang kanilang mga anak, gayon ma`y aking babawaan sila, na walang tao; oo, sa aba nila pagka ako'y humiwalay sa kanila!

13 Ang Ephraim, (AE)gaya ng aking makita ang Tiro, ay natatanim sa isang masayang dako: nguni't ilalabas ng Ephraim ang kaniyang mga anak sa tagapatay.

14 Bigyan mo sila, Oh Panginoon—anong iyong ibibigay? bigyan mo sila ng mga bahay-batang maaagasan at mga tuyong suso.

15 Lahat nilang kasamaan ay (AF)nasa Gilgal; sapagka't doo'y kinapootan ko sila; dahil sa kasamaan ng kanilang mga gawa, akin silang palalayasin sa aking bahay; hindi ko na sila iibigin; lahat nilang prinsipe ay mapagsalangsang.

16 Ang Ephraim ay nasaktan, ang kaniyang ugat ay natuyo, sila'y hindi mangagbubunga: oo, bagaman sila'y nanganak, gayon ma'y aking papatayin ang minamahal na bunga ng kanilang bahay-bata.

17 Itatakuwil sila ng aking Dios, sapagka't hindi nila dininig siya; at (AG)sila'y magiging mga gala sa gitna ng mga bansa.

Ang kasalanan ng Israel ay magbubunga ng pagkakahatihati.

10 Ang Israel ay isang mayabong na baging, na (AH)nagbunga: ayon sa karamihan ng kaniyang bunga (AI)kaniyang pinarami ang kaniyang mga dambana; ayon sa kabutihan ng kaniyang lupain ay (AJ)nagsigawa sila ng mga mainam na haligi.

Ang kanilang puso ay nahati; ngayo'y mangasusumpungan silang salarin: kaniyang ibabagsak ang kanilang mga dambana, kaniyang sasamsamin ang kanilang mga haligi.

Walang pagsalang ngayo'y kanilang sasabihin, Kami ay walang hari; sapagka't kami ay hindi nangatatakot sa Panginoon; at ang hari, ano ang magagawa niya para sa atin?

Sila'y nagsasalita ng mga walang kabuluhang salita, na nagsisisumpa ng di totoo sa paggawa ng mga tipan: kaya't ang kahatulan ay lumilitaw na parang ajenjo sa mga bungkal sa parang.

Ang mga nananahan sa Samaria ay malalagay sa pangingilabot dahil sa (AK)mga guya ng (AL)Beth-aven; sapagka't ang bayan niyaon ay mananangis doon, at ang mga saserdote niyaon na nangagagalak doon, dahil sa kaluwalhatian niyaon, sapagka't nawala roon.

(AM)Dadalhin din naman sa Asiria na pinakakaloob (AN)sa haring Jareb: ang Ephraim ay tatanggap ng kahihiyan, at ang Israel ay mapapahiya sa kaniyang sariling payo.

Tungkol sa Samaria, ang kaniyang hari ay nahiwalay, na parang bula sa tubig.

Ang mataas na dako naman ng (AO)Aven, ang kasalanan ng Israel ay masisira: ang mga tinik at ang mga dawag ay sisibol sa kanilang mga dambana; (AP)at sasabihin nila sa mga bundok, Takpan ninyo kami; at sa mga burol, Mahulog kayo sa amin.

(AQ)Oh Israel, ikaw ay nagkasala mula sa mga kaarawan ng Gabaa: doon sila nagsitayo; (AR)ang pagbabaka laban sa mga anak ng kasamaan ay hindi aabot sa kanila sa Gabaa.

10 Pagka siya kong nasa, ay aking parurusahan sila; at ang mga bayan ay magpipisan laban sa kanila, pagka sila'y nagapos sa kanilang dalawang pagsalangsang.

11 At ang Ephraim ay isang (AS)dumalagang baka na tinuturuan, na maibigin sa pagiik ng trigo; nguni't aking pinararaan ang pamatok sa kaniyang magandang leeg: ako'y maglalagay ng isang mananakay sa Ephraim; magaararo ang Juda, dudurugin ng Jacob ang kaniyang mga bugal.

12 (AT)Mangaghasik kayo sa inyong sarili sa katuwiran, magsigapas kayo ayon sa kaawaan; (AU)bungkalin ninyo ang inyong pinabayaang bukiran; sapagka't panahon na hanapin ang Panginoon, hanggang sa siya'y dumating, at (AV)magdala ng katuwiran sa inyo.

13 Kayo'y nangaghasik ng kasamaan, kayo'y nagsiani ng kasalanan; kayo'y nagsikain ng bunga ng kabulaanan; sapagka't ikaw ay tumiwala sa iyong lakad, sa karamihan ng iyong makapangyarihang lalake.

14 Kaya't babangon ang isang kagulo sa iyong mga bayan, at lahat ng iyong mga katibayan ay magigiba, na gaya ni (AW)Salman na gumiba sa Beth-arbel sa kaarawan ng pagbabaka: (AX)ang ina ay pinaglurayluray na kasama ng kaniyang mga anak.

15 Gayon ang gagawin ng Beth-el sa inyo dahil sa inyong malaking kasamaan: sa pagbubukang liwayway, ang hari ng Israel ay lubos na mahihiwalay.

Nananabik ang Panginoon sa naliligaw niyang bayan.

11 (AY)Nang bata pa ang Israel, aking minahal siya, at (AZ)tinawag kong aking anak mula (BA)sa Egipto.

Lalo (BB)silang tinawag ng mga propeta, ay lalo naman silang nagsihiwalay sa kanila: sila'y nangaghahain (BC)sa mga Baal, at nangagsusunug ng mga kamangyan sa mga larawang inanyuan.

Gayon ma'y aking tinuruan ang Ephraim (BD)na lumakad; (BE)aking kinalong sila sa aking mga bisig; nguni't hindi nila kinilala na aking pinagaling sila.

Akin silang pinatnubayan (BF)ng mga tali ng tao, ng mga panali ng pag-ibig; at ako'y naging sa kanila'y parang nagaalis ng paningkaw sa kanilang mga panga; at ako'y naglagay ng pagkain sa harap nila.

Sila'y hindi babalik sa lupain ng Egipto; (BG)kundi ang taga Asiria ay magiging kanilang hari, sapagka't sila'y nagsisitangging manumbalik sa akin.

At ang tabak ay lalagak sa kanilang mga bayan, at susupukin ang kanilang mga halang, at lalamunin sila, (BH)dahil sa kanilang sariling mga payo.

At ang aking bayan ay mahilig ng pagtalikod sa akin: bagaman kanilang tinatawag siya na nasa itaas, walang lubos na magtataas sa kaniya.

(BI)Paanong pababayaan kita, Ephraim? paanong itatakuwil kita, Israel? (BJ)paanong gagawin kitang parang Adma? paanong ilalagay kitang parang (BK)Zeboim? ang aking puso ay nabagbag sa loob ko, ang aking mga habag ay nangagalab.

Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: (BL)sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.

10 Sila'y magsisilakad ng ayon sa Panginoon, na siyang uungal, na parang leon; sapagka't (BM)siya'y uungal, at ang mga anak ay magsisidating na nanginginig na (BN)mula sa kalunuran.

11 Sila'y darating na nanginginig na parang ibon na mula sa Egipto, at parang kalapati na mula sa lupain ng Asiria; (BO)at aking patatahanin sila sa kanilang mga bahay, sabi ng Panginoon.

12 Kinukulong ako ng Ephraim ng kabulaanan sa palibot, at ng sangbahayan ni Israel sa pamamagitan ng daya; nguni't ang Juda'y nagpupuno pang kasama ng Dios, at tapat na kasama ng Banal.

Ang pagkaidolatria ng Ephraim ay tinutulan.

12 Ang Ephraim (BP)ay kumakain ng hangin, at sumusunod sa hanging silanganan: siya'y laging (BQ)nagpaparami ng mga kabulaanan at kasiraan; at sila'y nakikipagtipan sa Asiria, at ang langis ay dinadala sa Egipto.

Ang Panginoon ay may pakikipagkaalit din sa Juda, at parurusahan niya ang Jacob ayon sa kaniyang mga lakad; ayon sa kaniyang mga gawa ay gagantihan niya siya.

Sa bahay-bata ay (BR)kaniyang hinawakan sa sakong ang kaniyang kapatid; at sa kaniyang kabinataan ay (BS)nagtaglay ng kapangyarihan ng Dios:

Oo, siya'y nagtaglay ng kapangyarihan sa anghel, at nanaig: siya'y tumangis, at namanhik sa kaniya: nasumpungan niya siya sa (BT)Beth-el, at doo'y nakipagsalitaan siya sa atin.

Sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo; ang Panginoon ay (BU)kaniyang alaala.

Kaya't magbalik-loob ka sa iyong Dios magingat ka ng kaawaan at ng kahatulan, at hintayin mong lagi ang iyong Dios.

Mangangalakal siya na may timbangang magdaraya sa kaniyang kamay: maibigin ng pagpighati.

At sinabi ng Ephraim, (BV)Tunay na ako'y naging mayaman, ako'y nakasumpong ng kayamanan; sa lahat ng aking gawin, walang masusumpungan sila sa akin na kasamaan,

Nguni't ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto, akin (BW)pa kitang patatahanin uli sa mga tolda, gaya sa mga kaarawan ng takdang kapistahan.

10 Ako rin naman ay nagsalita sa mga propeta, at ako'y nagparami ng mga pangitain; at sa pangangasiwa ng mga propeta ay gumamit ako ng mga talinhaga.

11 Ang Galaad baga'y kasamaan? sila'y pawang walang kabuluhan; sa Gilgal ay nangaghahain sila ng mga toro; oo, ang kanilang dambana ay parang mga bunton sa mga bungkal ng bukid.

12 At si Jacob ay (BX)tumakas na napatungo sa parang ng Aram, at (BY)naglingkod si Israel dahil sa isang asawa, at dahil sa isang asawa ay nagalaga ng mga tupa.

13 (BZ)At sa pamamagitan ng isang propeta ay (CA)isinampa ng Panginoon ang Israel mula sa Egipto, at sa pamamagitan ng isang propeta, siya'y naingatan.

14 Ang Ephraim ay namungkahi ng di kawasang galit: kaya't ang kaniyang dugo ay maiiwan sa kaniya, at ibabalik ng kaniyang Panginoon sa kaniya ang kakutyaan sa kaniya.

Binigyan ng mga babala.

13 Nang magsalita ang Ephraim, ay nagkaroon ng panginginig; siya'y nagpapakalaki sa kaniyang sarili sa Israel; nguni't nang (CB)siya'y magkasala tungkol kay Baal ay namatay siya.

At ngayo'y nangagkasala sila ng higit at higit, at nagsigawa sila ng mga larawang binubo sa kanilang pilak, mga diosdiosan na ayon sa kanilang unawa, lahat ng yaon ay gawa ng manggagawa: sinasabi nila tungkol sa mga yaon; Magsihalik sa mga guya ang mga tao na nangaghahain.

Kaya't sila'y magiging parang ulap sa umaga, at parang hamog na nawawalang maaga, na (CC)gaya ng dayami na tinatangay ng ipoipo mula sa giikan, at (CD)parang usok na lumalabas sa Chimenea:

Gayon ma'y ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto; at wala kang makikilalang Dios kundi ako, at liban sa akin (CE)ay walang tagapagligtas.

Nakilala kita (CF)sa ilang, (CG)sa lupain ng malaking katuyuan.

Ayon sa pastulan sa kanila, gayon sila nangabusog; (CH)sila'y nangabusog, at ang kanilang puso ay nagmalaki: kaya't kinalimutan nila ako.

Kaya't ako'y magiging parang leon sa kanila; parang leopardo na ako'y magbabantay sa tabi ng daan;

Aking sasalubungin sila na gaya ng oso na ninakawan ng kaniyang mga anak, at aking babakahin ang lamak ng kanilang puso; at doo'y lalamunin ko sila ng gaya ng leon; lalapain sila ng mabangis na hayop.

Siyang iyong kapahamakan (CI)Oh Israel, (CJ)na ikaw ay laban sa akin, laban sa iyong katulong.

10 Saan nandoon ngayon ang iyong hari upang mailigtas ka niya sa lahat ng iyong bayan? at ang iyong mga hukom, na (CK)iyong pinagsasabihan, Bigyan mo ako ng hari at mga prinsipe?

11 Aking binigyan ka ng (CL)hari sa aking kagalitan, at inalis ko siya sa aking poot.

12 Ang kasamaan ng Ephraim ay nababalot; ang kaniyang kasalanan ay nabubunton.

13 Ang mga kapanglawan ng nagdaramdam na babae ay dadanasin niya: siya'y hindi pantas na anak; sapagka't panahon na hindi sana siya marapat maghirap (CM)sa pagwawaksi ng mga yaon.

14 Aking tutubusin sila mula sa kapangyarihan ng Sheol; aking tutubusin sila mula sa kamatayan. (CN)Oh kamatayan, saan nandoon ang iyong mga salot? Oh Sheol, saan nandoon ang iyong kasiraan? (CO)pagsisisi ay malilingid sa aking mga mata.

15 Bagaman siya'y mabunga sa kaniyang mga kapatid, isang hanging silanganan ay (CP)darating, ang hinga ng Panginoon ay umiilanglang mula sa ilang; at ang kaniyang tipunan ng tubig ay magiging tuyo, at ang kaniyang bukal ay matutuyo: kaniyang sasamsamin ang kayamanan ng lahat na maligayang kasangkapan.

16 Tataglayin ng Samaria ang kaniyang sala; sapagka't siya'y nanghimagsik laban sa kaniyang Dios: (CQ)sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga sanggol ay pagluluraylurayin at ang kanilang mga nagdadalang tao ay paluluwain ang bituka.

Ang Israel ay sinamo upang magbalik sa Panginoon.

14 Oh Israel, manumbalik ka sa (CR)Panginoon mong Dios; sapagka't ikaw ay nabuwal dahil sa iyong kasamaan.

Magpahayag kayo na may pagsisisi, at magsipanumbalik kayo sa Panginoon: sabihin ninyo sa kaniya, Alisin mo ang boong kasamaan, at tanggapin mo ang mabuti: sa gayo'y aming ilalagak na parang (CS)mga toro ang handog ng aming mga labi.

Hindi (CT)kami ililigtas ng Asiria; kami ay (CU)hindi sasakay sa mga kabayo; ni magsasabi pa man kami sa gawa ng aming mga kamay, Kayo'y aming mga dios; (CV)sapagka't dahil sa iyo'y nakakasumpong ng kaawaan ang ulila.

Aking gagamutin ang kanilang pagtalikod, (CW)akin silang iibiging may kalayaan; sapagka't ang aking galit ay humiwalay sa kaniya.

Ako'y (CX)magiging parang hamog sa Israel: siya'y bubukang parang lila, at kakalat ang kaniyang ugat na parang Libano.

Ang kaniyang mga sanga ay magsisiyabong, at ang kaniyang kagandahan ay magiging parang puno ng olibo, at ang kaniyang bango ay parang Libano.

(CY)Silang nagsisitahan sa kaniyang lilim ay manunumbalik; sila'y mangabubuhay uling gaya ng trigo, at mangamumulaklak na gaya ng puno ng ubas: at ang amoy ay magiging gaya ng alak ng Libano.

Sasabihin ng Ephraim, Ano pa ang aking gagawin sa mga dios-diosan? Ako'y sasagot, at aking hahalatain siya: ako'y parang sariwang abeto; (CZ)mula sa akin ay nasusumpungan ang iyong bunga.

Sino (DA)ang pantas, at siya'y makakaunawa ng mga bagay na ito? at mabait, at kaniyang mangalalaman? (DB)sapagka't ang mga daan ng Panginoon ay matutuwid, at lalakaran ng mga ganap; nguni't kabubuwalan ng mga mananalangsang.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978