Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 18 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Daniel 2:31-49' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
1 Juan 2:18-29

Ang Anti-Cristo

18 Munting mga anak, huling oras na! Tulad ng inyong narinig, ang anti-Cristo ay darating. At ngayon, marami na ngang anti-Cristo ang dumating. Kaya't alam natin na huling oras na. 19 Sila ay humiwalay sa atin, bagama't hindi naman talaga sila naging bahagi natin. Sapagkat kung sila'y naging bahagi natin, nanatili sana sila sa atin. Subalit ang kanilang pag-alis ay naghahayag lamang na walang sinuman sa kanila ang kabilang sa atin. 20 Subalit tumanggap kayo ng kaloob mula sa kanya na Banal, kaya't nalalaman ninyo ang buong katotohanan. 21 Sumusulat ako sa inyo hindi dahil hindi ninyo alam ang katotohanan, kundi dahil nalalaman ninyo ito at nalalaman ninyo na walang kasinungalingang nagmumula sa katotohanan. 22 Sino ang sinungaling? Hindi ba't ang tumatangging si Jesus ang Cristo? Ito ang anti-Cristo, ang nagtatakwil sa Ama at sa Anak. 23 Ang sinumang ayaw tumanggap sa Anak ay hindi kinaroroonan ng Ama. Ang kumikilala sa Anak ay kinaroroonan ng Ama. 24 Hayaan ninyong manatili sa inyo ang anumang narinig ninyo mula pa nang simula, at mananatili kayo sa Anak at sa Ama. 25 At ito ang pangakong ibinigay niya sa atin—ang buhay na walang hanggan.

26 Isinulat ko sa inyo ang mga ito tungkol sa mga tao na magliligaw sa inyo. 27 At kayo ay tumanggap ng kaloob mula sa kanya, nananatili sa inyo, at hindi ninyo kailangan ang sinuman upang magturo sa inyo. Subalit ang ipinagkaloob niya sa inyo ang magtuturo sa inyo tungkol sa lahat ng bagay. Ito ay totoo at hindi kasinungalingan; at gaya ng itinuro nito sa inyo, manatili kayo sa kaloob na ito.

Mga anak ng Diyos

28 At ngayon, mga anak, manatili kayo sa kanya, upang sa panahong siya'y mahayag ay magkaroon tayo ng katiyakan at hindi tayo mapahiya sa harapan niya sa kanyang pagdating.

29 Kung alam ninyo na siya'y matuwid, matitiyak ninyo na ang bawat gumagawa ng katuwiran ay anak ng Diyos.

Lucas 3:1-14

Ang Pangangaral ni Juan na Tagapagbautismo(A)

Nang ikalabinlimang taon ng paghahari ni Emperador Tiberio, habang si Poncio Pilato ang gobernador ng Judea, si Herodes ang pinuno[a] ng Galilea, si Felipe na kanyang kapatid ang pinuno ng Iturea at Traconite, at si Lysanias naman ang pinuno ng Abilinia; at sina Anas at Caifas naman ang mga Kataas-taasang Pari, dumating ang salita ng Diyos sa anak ni Zacarias na si Juan na nasa ilang. Tinungo niya ang buong lupain sa palibot ng Jordan upang ipangaral ang bautismo ng pagsisisi para sa kapatawaran ng kasalanan. Gaya ng nasusulat sa aklat ni propetang si Isaias,

“Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon,
    tuwirin ninyo ang kanyang mga landas.
Tatambakan ang bawat lambak,
    at papatagin ang bawat bundok at burol.
Itutuwid ang likong daan,
    at papatagin ang daang lubak-lubak.
At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas ng Diyos.’ ”

Sinabi ni Juan sa maraming mga taong nagdatingan upang magpabautismo sa kanya, “Mga anak ng ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo na tumakas sa darating na poot? Kaya mamunga kayo ng mga bungang karapat-dapat sa pagsisisi. Huwag ninyong sabihin sa isa't isa, ‘Ama namin si Abraham.’ Sinasabi ko sa inyo na mula sa mga batong ito ay kaya ng Diyos na lumikha ng mga anak para kay Abraham. Ngayon pa man ay nakaamba na ang palakol sa ugat ng mga punongkahoy. Pinuputol ang bawat punongkahoy na hindi nagbubunga ng mabuti at itinatapon sa apoy.” 10 Kaya't tinanong siya ng maraming tao, “Ano ngayon ang kailangan naming gawin?” 11 At pagsagot ay sinabi niya sa kanila, “Ang may dalawang damit panloob ay bigyan ang wala at ang may pagkain ay gayon din ang gawin.” 12 May mga nagdatingan ding mga maniningil ng buwis na magpapabautismo na nagsabi sa kanya, “Guro, ano ang nararapat naming gawin?” 13 Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong sumingil nang labis sa ipinag-uutos sa inyo.” 14 Nagtanong din sa kanya ang mga kawal, “At kami naman, ano naman ang dapat naming gawin?” At sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong mangikil ni magbintang nang mali. Makuntento kayo sa inyong sinasahod.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.