Book of Common Prayer
Si Cristo ang Ating Tagapagtanggol
2 Mahal kong mga anak, isinusulat ko ang mga ito sa inyo upang hindi kayo magkasala. Ngunit kung magkasala ang sinuman, mayroon tayong Tagapagtanggol sa harap ng Ama, si Jesu-Cristo na matuwid. 2 Siya ang inialay bilang kabayaran sa ating mga kasalanan, hindi lamang sa ating mga kasalanan kundi maging ng buong sanlibutan.
3 Sa pamamagitan nito, natitiyak nating kilala natin siya, kung sinusunod natin ang kanyang mga utos. 4 Ang sinumang nagsasabing, “Kilala ko ang Diyos,” subalit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay isang sinungaling; wala sa taong iyon ang katotohanan. 5 Ngunit ang sinumang tumutupad sa salita ng Diyos, magiging ganap ang kanyang pag-ibig sa Diyos. Sa pamamagitan nito ay matitiyak natin na tayo ay nasa kanya. 6 Ang sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay kung paano namuhay si Jesus.
Ang Bagong Utos
7 Mga minamahal, hindi isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo. Sa halip, ito ay dating utos na tinanggap na ninyo noong una pa man. Ang utos na ito'y ang salita na inyo nang narinig. 8 Gayunman, bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, na totoong nasa kanya at nasa inyo, sapagkat ang kadiliman ay naglalaho at ang tunay na liwanag ay tumatanglaw na. 9 Ang sinumang nagsasabing siya ay nasa liwanag subalit napopoot naman siya sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa. 10 Ang sinumang nagmamahal sa kanyang kapatid ay nananatili sa liwanag, at hindi siya matitisod sa anuman. 11 Ngunit ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman, at namumuhay pa sa kadiliman. Hindi niya alam kung saan siya pumupunta sapagkat binulag siya ng kadiliman.
12 (A)Habang ako ay kasama pa nila, iningatan ko sila sa pamamagitan ng iyong pangalan na ibinigay mo sa akin. Binantayan ko sila, at wala akong naiwala ni isa man sa kanila maliban sa isa na anak ng kapahamakan, upang ang Kasulatan ay matupad. 13 Ngayon, pupunta na ako sa iyo, at sinasabi ko ang mga ito habang ako'y nasa sanlibutan pa upang makamtan nila ang aking lubos na kagalakan. 14 Ibinigay ko pa sa kanila ang iyong salita, at kinapootan sila ng sanlibutan sapagkat sila ay hindi tagasanlibutan, tulad ko na hindi tagasanlibutan. 15 Hindi ko hinihiling na alisin mo sila sa sanlibutan, kundi ingatan mo sila mula sa Masama. 16 Hindi sila tagasanlibutan, tulad ko na hindi tagasanlibutan. 17 Pakabanalin mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ay katotohanan. 18 Kung paanong isinugo mo ako sa sanlibutan, isinugo ko rin sila sa sanlibutan. 19 At alang-alang sa kanila ay inilalaan ko ang aking sarili sa iyo upang sila'y mailaan din sa iyo sa pamamagitan ng katotohanan.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.