Book of Common Prayer
Ang Panginoon ang hahatol sa matuwid at sa masama. (A)Awit ni Asaph.
50 Ang makapangyarihang Dios, ang Dios na Panginoon, ay nagsalita,
At tinawag ang lupa (B)mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon.
2 Mula sa Sion na (C)kasakdalan ng kagandahan,
(D)Sumilang ang Dios.
3 Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik;
(E)Isang apoy na mamumugnaw sa harap niya,
At magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya.
4 (F)Siya'y tatawag sa langit sa itaas,
At sa lupa upang mahatulan niya ang kaniyang bayan:
5 Pisanin mo ang (G)aking mga banal sa akin;
(H)Yaong nangakikipagtipan sa akin sa pamamagitan ng hain.
6 At (I)ipahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran;
Sapagka't ang Dios ay siyang hukom. (Selah)
7 (J)Iyong dinggin, Oh aking bayan, at ako'y magsasalita;
Oh Israel, at ako'y magpapatotoo sa iyo:
(K)Ako'y Dios, iyong Dios.
8 (L)Hindi kita sasawayin dahil sa iyong mga hain;
At ang iyong mga handog na susunugin ay laging nangasa harap ko.
9 (M)Hindi ako kukuha ng baka sa iyong bahay,
Ni ng kambing na lalake sa iyong mga kawan.
10 Sapagka't bawa't hayop sa gubat ay akin,
At ang hayop sa libong burol.
11 Nakikilala ko ang lahat ng mga ibon sa mga bundok:
At (N)ang mga mabangis na hayop sa parang ay akin.
12 Kung ako'y magutom ay hindi ko sasaysayin sa iyo:
(O)Sapagka't ang sanglibutan ay akin, at ang buong narito.
13 Kakanin ko ba ang laman ng mga toro,
O iinumin ang dugo ng mga kambing?
14 (P)Ihandog mo sa Dios ang haing pasasalamat:
At (Q)tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataastaasan:
15 At (R)tumawag ka sa akin sa kaarawan ng kabagabagan;
Ililigtas kita, at iyong luluwalhatiin ako.
16 Nguni't sa masama ay sinasabi ng Dios,
Anong iyong gagawin upang ipahayag ang aking mga palatuntunan,
At iyong kinuha ang aking tipan sa iyong bibig?
17 Palibhasa't iyong kinapopootan ang pagtuturo,
At iyong iniwawaksi ang aking mga salita sa likuran mo.
18 Pagka nakakita ka ng magnanakaw, pumipisan ka sa kaniya,
At naging kabahagi ka ng mga mapangalunya.
19 Iyong ibinubuka ang iyong bibig sa kasamaan,
At ang iyong dila ay kumakatha ng karayaan.
20 Ikaw ay nauupo, at (S)nagsasalita laban sa iyong kapatid;
Iyong dinudusta ang anak ng iyong sariling ina.
21 Ang mga bagay na ito ay iyong ginawa, (T)at ako'y tumahimik;
Iyong inisip na tunay na ako'y gayong gaya mo:
Nguni't sasawayin kita, at (U)aking isasaayos sa harap ng iyong mga mata.
22 Gunitain nga ninyo ito, ninyong nangakalilimot sa Dios,
Baka kayo'y aking pagluraylurayin at walang magligtas:
23 (V)Ang naghahandog ng haing pasasalamat ay lumuluwalhati sa akin;
At sa kaniya na nagaayos ng kaniyang pakikipagusap
Aking ipakikita ang pagliligtas ng Dios.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. (A)Awit ni David. Michtam: nang magsugo si Saul, at kanilang bantayan ang bahay upang patayin siya.
59 Iligtas mo ako (B)sa aking mga kaaway, Oh Dios ko:
Ilagay mo ako sa mataas sa kanila na nagsisibangon laban sa akin.
2 Iligtas mo ako sa mga manggagawa ng kasamaan,
At iligtas mo ako sa mga mabagsik na tao.
3 Sapagka't narito, kanilang binabakayan ang aking kaluluwa;
Ang mga makapangyarihan ay (C)nagpipisan laban sa akin:
(D)Hindi dahil sa aking pagsalangsang, o sa aking kasalanan man, Oh Panginoon.
4 Sila'y nagsisitakbo at nagsisihanda na wala akong sala:
(E)Ikaw ay gumising na tulungan mo ako, at masdan mo.
5 Sa makatuwid baga'y ikaw, (F)Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, na Dios ng Israel,
Ikaw ay bumangon upang iyong dalawin ang lahat ng mga bansa:
Huwag kang maawa sa kanino mang masamang mananalangsang. (Selah)
6 Sila'y nagsibalik sa kinahapunan, (G)sila'y nagsitahol na parang aso,
At nililigid ang bayan.
7 Narito, sila'y nanunungayaw ng kanilang bibig;
(H)Mga tabak ay nangasa kanilang mga labi:
Sapagka't (I)sino, sabi nila, ang nakikinig?
8 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, (J)tatawa sa kanila;
Iyong tutuyain ang lahat ng mga bansa.
9 Dahil sa kaniyang kalakasan, didinggin kita;
(K)Sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog.
10 (L)Ang aking Dios pati ng kaniyang kagandahang-loob ay sasalubong sa akin:
Ipakikita ng Dios (M)sa akin ang aking nasa sa aking mga kaaway.
11 (N)Huwag mo silang patayin, baka makalimot ang aking bayan;
Pangalatin mo sila ng iyong kapangyarihan, at ibaba mo sila,
Oh Panginoon na kalasag namin.
12 (O)Dahil sa kasalanan ng kanilang bibig, at sa mga salita ng kanilang mga labi,
Makuha nawa sila sa kanilang kapalaluan,
At dahil sa sumpa at pagsisinungaling na kanilang sinalita.
13 (P)Pugnawin mo sila sa poot, pugnawin mo sila, upang sila'y mawala:
At (Q)ipakilala mo sa kanila na ang Dios ay nagpupuno sa Jacob,
Hanggang sa mga wakas ng lupa. (Selah)
14 At sa kinahapunan ay papagbalikin mo sila, pahagulhulin mo silang parang aso,
At libutin nila ang bayan.
15 (R)Sila'y gagala na magmamanhik-manaog dahil sa pagkain,
At maghihintay buong gabi kung hindi sila mabusog.
16 Nguni't aking aawitin ang iyong kalakasan;
Oo, aking aawiting malakas ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan:
Sapagka't ikaw ay naging aking matayog na moog,
At kanlungan sa kaarawan ng aking kabagabagan.
17 Sa iyo, Oh (S)kalakasan ko, aawit ako ng mga pagpuri:
Sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog, ang Dios ng aking kaawaan.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Susan-Heduth: Michtam ni David, upang ituro: nang siya'y makipagaway kay (T)Aram-naharaim at kay Aram-soba, at bumalik si Joab, at sumugat sa Edom sa Libis ng Asin ng labing dalawang libo.
60 Oh Dios, (U)iniwaksi mo kami, ibinagsak mo kami;
Ikaw ay nagalit; Oh papanauliin mo kami.
2 Iyong niyanig ang lupain; iyong pinabuka:
(V)Pagalingin mo ang mga sira niyaon: sapagka't umuuga.
3 (W)Nagpakita ka sa iyong bayan ng mahihirap na bagay:
(X)Iyong ipinainom sa amin ang alak na pangpagiray.
4 (Y)Nagbigay ka ng watawat sa nangatatakot sa iyo,
Upang maiwagayway dahil sa katotohanan. (Selah)
5 (Z)Upang ang (AA)iyong minamahal ay makaligtas,
Magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.
6 (AB)Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya:
(AC)Aking hahatiin ang (AD)Sichem, at aking susukatin (AE)ang libis ng Succoth,
7 Galaad ay (AF)akin, at Manases ay akin;
Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo;
Juda ay (AG)aking setro.
8 (AH)Moab ay aking hugasan;
(AI)Sa Edom ay aking ihahagis ang aking panyapak;
Filistia, (AJ)humiyaw ka dahil sa akin.
9 Sinong magdadala sa akin sa matibay na bayan?
Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?
10 (AK)Hindi mo ba kami iniwaksi, Oh Dios?
At hindi ka lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo.
11 Tulungan mo kami laban sa kaaway;
Sapagka't (AL)walang kabuluhan ang tulong ng tao.
12 Sa pamamagitan ng Dios ay (AM)gagawa kaming may katapangan:
Sapagka't siya ang (AN)yumayapak sa aming mga kaaway.
Papuri sa Lumalang at sa tagaingat.
33 Mangagalak kayo sa Panginoon, (A)Oh kayong mga matuwid:
Pagpuri ay maganda (B)sa ganang matuwid.
2 Kayo'y mangagpasamalat sa Panginoon na may alpa:
Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya na may salterio na sangpung kuerdas.
3 (C)Magsiawit kayo sa kaniya ng bagong awit;
Magsitugtog kayong matalino na may malaking ingay.
4 Sapagka't ang salita ng Panginoon ay matuwid;
At lahat niyang gawa ay ginawa sa pagtatapat.
5 (D)Iniibig niya ang katuwiran at kahatulan:
Ang lupa ay puno (E)ng kagandahang-loob ng Panginoon.
6 (F)Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit;
At lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig.
7 (G)Kaniyang pinipisan ang tubig ng dagat na parang isang bunton:
Inilalagay niya ang mga kalaliman sa mga kalawakan.
8 Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon:
Magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya.
9 Sapagka't (H)siya'y nagsalita, at nangyari;
Siya'y nagutos, at tumayong matatag.
10 (I)Dinadala ng Panginoon sa wala ang payo ng mga bansa:
Kaniyang niwawalang halaga ang mga pagiisip ng mga bayan.
11 Ang payo ng Panginoon ay nanganayong matibay magpakailan man,
Ang mga pagiisip ng kaniyang puso sa lahat ng sali't saling lahi.
12 (J)Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon;
Ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana.
13 Ang Panginoon ay tumitingin mula sa langit;
Kaniyang minamasdan ang lahat na anak ng mga tao;
14 Mula sa dakong kaniyang tahanan ay tumitingin siya
Sa lahat na nangananahan sa lupa;
15 Siyang naghuhugis ng mga puso nilang lahat,
Na nagmamasid sa lahat nilang mga gawa.
16 (K)Walang hari na nakaliligtas sa pamamagitan ng karamihan ng hukbo:
Ang makapangyarihang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng malaking kalakasan.
17 Ang kabayo ay (L)walang kabuluhang bagay sa pagliligtas:
Ni hindi niya iniligtas ang sinoman sa pamamagitan ng kaniyang malaking kalakasan;
18 (M)Narito, ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa kanila na nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob;
19 Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan,
At (N)upang ingatan silang buháy sa kagutom.
20 Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon:
(O)Siya'y aming saklolo at aming kalasag.
21 Sapagka't ang aming puso ay magagalak (P)sa kaniya,
Sapagka't kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan.
22 Sumaamin nawa ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,
Ayon sa aming pagasa sa iyo.
18 Sapagka't ang kasamaan ay (A)sumusunog na gaya ng apoy; pumupugnaw ng mga dawag at mga tinikan: oo, nagaalab na sa siitan sa gubat, at umiilanglang na paitaas sa mga masinsing ulap na usok.
19 Sa poot ng Panginoon ng mga hukbo ay nasusunog ang lupain: ang bayan naman ay gaya ng panggatong sa apoy; (B)walang taong mahahabag sa kaniyang kapatid.
20 At isa'y susunggab ng kanang kamay, at magugutom; at kakain ng kaliwa, (C)at hindi sila mabubusog: sila'y magsisikain (D)bawa't isa ng laman ng kaniyang sariling bisig:
21 (E)Ang Manases, ay kakanin ang Ephraim; at ang Ephraim, ay ang Manases: at (F)sila kapuwa ay magiging laban sa Juda. (G)Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.
Ang galit ng Panginoon ay ginanap ng Asiria, na sa huli ay parurusahan din.
10 Sa aba nila na (H)nagpapasiya ng mga likong pasiya, at ng mga manunulat na sumusulat ng mga kasuwailan:
2 Upang iligaw sa kahatulan ang mapagkailangan, at upang alisin ang katuwiran ng (I)dukha ng aking bayan, upang ang mga babaing bao ay maging kanilang samsam, at upang kanilang gawing kanilang huli ang mga ulila!
3 At ano ang inyong gagawin sa (J)araw ng pagdalaw, at sa kagibaan na manggagaling sa malayo? sa kanino kayo magsisitakas upang kayo'y tulungan? at saan ninyo iiwan ang inyong kaluwalhatian?
4 Sila'y magsisiyukod na gaya ng mga bilanggo, at mangabubuwal sa bunton ng mga patay. Sa lahat ng ito ang galit niya ay hindi (K)napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.
10 Datapuwa't lalong-lalo na ng (A)mga nagsisilakad ng ayon sa laman sa masamang pita ng karumihan, at nangapopoot sa pagkasakop. Mga pangahas, (B)mapagsariling kalooban, sila'y hindi natatakot na (C)magsialipusta sa mga pangulo:
11 Samantalang ang (D)mga anghel, bagama't lalong dakila ang lakas at kapangyarihan, ay hindi nagtataglay ng paghatol na may alipusta laban sa kanila sa harapan ng Panginoon.
12 Datapuwa't ang mga ito, na (E)gaya ng mga kinapal na walang bait, na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin, na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol.
13 Na nangagbabata ng masama na (F)kabayaran ng gawang masama; palibhasa'y inaari nilang isang kaligayahan ang (G)magpakalayaw kung araw, (H)mga dungis at kapintasan, na nangagpapakalayaw (I)sa kanilang mga daya, samantalang sila'y (J)nangakikipagpiging sa inyo;
14 Na may mga matang puspos ng pangangalunya, at hindi maaaring maglikat sa pagkakasala; na umaakit sa mga kaluluwang walang tiyaga; na may pusong sanay sa kasakiman; mga anak ng paglait,
15 Na pagkaalis sa daang matuwid ay nangaligaw sila, palibhasa'y nagsisunod (K)sa daan ni Balaam na anak ni Beor, na nagibig ng kabayaran ng gawang masama;
16 Datapuwa't siya'y sinasaway dahil sa kaniyang sariling pagsalangsang: na isang asnong (L)pipi ay nangusap ng tinig ng tao at pinigil ang kaululan ng propeta.
3 At nang mga araw na yaon ay dumating si (A)Juan Bautista, na nangangaral (B)sa ilang ng Judea, na nagsasabi,
2 Mangagsisi kayo; sapagka't (C)malapit na ang kaharian ng langit.
3 Sapagka't ito yaong sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi,
Ang (D)tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon,
Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.
4 Si Juan nga ay nananamit (E)ng balahibo ng kamelyo, at may isang pamigkis na katad sa palibot ng kaniyang baywang; at ang kaniyang pagkain ay mga (F)balang (G)at pulot-pukyutan.
5 Nang magkagayo'y nilabas siya ng Jerusalem, at ng buong Judea, at ng buong lupain sa palibotlibot ng Jordan;
6 At sila'y kaniyang binabautismuhan sa ilog ng Jordan, na ipinahahayag nila ang kanilang mga kasalanan.
7 Datapuwa't nang makita niyang marami sa mga Fariseo at (H)Saduceo na nagsisiparoon sa kaniyang pagbabautismo, ay sinabi niya sa kanila, Kayong lahi ng mga ulupong, (I)sino ang sa inyo'y nagpaunawa upang magsitakas sa galit na darating?
8 Kayo nga'y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi:
9 At huwag kayong mangagisip na mangagsabi sa inyong sarili, Si Abraham ang aming ama; (J)sapagka't sinasabi ko sa inyo, na mangyayaring makapagpalitaw ang Dios ng mga anak ni Abraham sa mga batong ito.
10 At ngayon pa'y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy: ang bawa't punong kahoy nga na hindi nagbubungang mabuti ay pinuputol at (K)inihahagis sa apoy.
11 Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig (L)sa pagsisisi: (M)datapuwa't ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: (N)siya ang sa inyo'y magbabautismo sa Espiritu Santo at (O)apoy:
12 Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, at lilinisin niyang lubos ang kaniyang giikan; at titipunin niya ang kaniyang trigo sa bangan, (P)datapuwa't ang dayami ay susunugin sa apoy na hindi mapapatay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978