Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 41

Ang mangaawit ay may sakit. May mga kaaway at bulaang kaibigan. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

41 (A)Mapalad siya na (B)nagpapakundangan sa dukha:
(C)Ililigtas siya ng Panginoon sa panahon ng kaligaligan.
Pananatilihin siya, at iingatan siyang buháy ng Panginoon,
At siya'y pagpapalain sa ibabaw ng lupa;
(D)At huwag mong ibigay siya sa kalooban ng kaniyang mga kaaway.
Aalalayan siya ng Panginoon sa hiligan ng panghihina:
Iyong inaayos ang buo niyang higaan sa kaniyang pagkakasakit.
Aking sinabi, Oh Panginoon, maawa ka sa akin:
(E)Pagalingin mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y nagkasala laban sa iyo.
Ang aking mga kaaway ay nangagsasalita ng kasamaan laban sa akin, na nangagsasabi,
Kailan siya mamamatay, at mapapawi ang kaniyang pangalan?
At kung siya'y pumaritong tingnang ako (F)siya'y nagsasalita ng walang kabuluhan;
Ang kaniyang puso ay nagpipisan ng kasamaan sa kaniyang sarili;
Pagka siya'y lumabas, isinasaysay niya.
Yaong lahat na nangagtatanim sa akin ay nangagbubulong-bulungan laban sa akin:
Laban sa akin ay nagsisikatha ng panghamak.
Isang masamang sakit, wika nila, ay kumapit na madali sa kaniya;
At ngayon siyang nahihiga ay hindi na babangon pa.
(G)Oo, ang aking kasamasamang kaibigan, na aking tiniwalaan,
Na kumain ng aking tinapay,
Nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.
10 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, maawa ka sa akin, at ibangon mo ako,
Upang aking magantihan sila.
11 Sa pamamagitan nito ay natatalastas ko na nalulugod ka sa akin,
Sapagka't ang aking kaaway ay hindi nagtatagumpay sa akin.
12 At tungkol sa akin, iyong inaalalayan ako (H)sa aking pagtatapat,
At (I)inilalagay mo ako sa harap ng iyong mukha magpakailanman.
13 (J)Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel,
Mula sa walang pasimula at hanggang sa walang hanggan.
(K)Siya nawa, at Siya nawa.

Mga Awit 52

Sa Pangulong Manunugtog. Masquil ni David; nang dumating at magsaysay kay Saul si (A)Doeg na Idomeo, at magsabi sa kaniya, Si David ay naparoon sa bahay ni Ahimelech.

52 Bakit ka naghahambog sa kasamaan, Oh (B)makapangyarihang tao?
Ang kagandahang-loob ng Dios ay palagi.
(C)Ang dila mo'y kumakatha ng totoong masama;
Gaya ng matalas na (D)pangahit, na gumagawang may karayaan.
Iniibig mo ang kasamaan ng higit kay sa kabutihan;
(E)At ang pagsisinungaling kay sa pagsasalita ng katuwiran. (Selah)
Iniibig mo ang lahat na mananakmal na salita,
Oh ikaw na magdarayang dila.
Ilulugmok ka ring gayon ng Dios magpakailan man,
Itataas ka niya, at ilalabas ka sa iyong tolda,
At (F)bubunutin ka niya sa (G)lupain ng may buhay. (Selah)
(H)Makikita naman ng matuwid, at matatakot,
(I)At tatawa sa kaniya, na magsasabi,
Narito, ito ang tao na hindi ginawang kaniyang katibayan, ang Dios;
Kundi (J)tumiwala sa kasaganaan ng kaniyang mga kayamanan,
At nagpakalakas sa kaniyang kasamaan.
Nguni't tungkol sa akin, (K)ay gaya ako ng sariwang punong kahoy ng olibo sa bahay ng Dios:
Tumitiwala ako sa kagandahangloob ng Dios magpakailan-kailan man.
Ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man, sapagka't iyong ginawa:
At ako'y maghihintay sa iyong pangalan (L)sapagka't mabuti, sa harapan ng (M)iyong mga banal.

Mga Awit 44

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core. Masquil.

44 Narinig namin ng aming mga pakinig, Oh Dios,
Isinaysay sa amin (A)ng aming mga magulang,
Kung anong gawa ang iyong ginawa sa kanilang mga kaarawan,
Ng mga kaarawan ng una.
(B)Iyong itinaboy ng iyong kamay ang mga bansa,
Nguni't itinatag mo sila;
Iyong dinalamhati ang mga bayan,
Nguni't iyong pinangalat sila.
(C)Sapagka't hindi nila tinamo ang lupain na pinakaari sa pamamagitan ng kanilang sariling tabak,
Ni iniligtas man sila ng kanilang sariling kamay:
Kundi ng iyong kanan, at ng iyong bisig, at ng (D)liwanag ng iyong mukha,
(E)Sapagka't iyong nilingap sila.
(F)Ikaw ang aking Hari, Oh Dios:
(G)Magutos ka ng kaligtasan sa Jacob.
Dahil sa iyo'y (H)itutulak namin ang aming mga kaaway:
Sa iyong pangalan ay (I)yayapakan namin sila na nagsisibangon laban sa amin.
Sapagka't (J)hindi ako titiwala sa aking busog.
Ni ililigtas man ako ng aking tabak.
Nguni't iniligtas mo kami sa aming mga kaaway,
At inilagay mo sila sa kahihiyan na nangagtatanim sa amin.
Sa Dios ay naghahambog kami buong araw,
At mangagpapasalamat kami sa iyong pangalan magpakailan man. (Selah)
Nguni't ngayo'y itinakuwil mo (K)kami, at inilagay mo kami sa kasiraang puri;
At hindi ka lumalabas na kasama ng aming mga hukbo.
10 Iyong pinatatalikod kami sa kaaway:
At silang nangagtatanim sa amin ay nagsisisamsam ng sa ganang kanilang sarili.
11 (L)Iyong ibinigay kaming gaya ng mga tupa na pinaka pagkain;
At (M)pinangalat mo kami sa mga bansa.
12 (N)Iyong ipinagbibili ang iyong bayan na walang bayad,
At hindi mo pinalago ang iyong kayamanan sa pamamagitan ng kanilang halaga.
13 (O)Ginawa mo kaming katuyaan sa aming mga kapuwa,
Isang kasabihan at kadustaan nila na nangasa palibot namin.
14 (P)Iyong ginawa kaming kawikaan sa gitna ng mga bansa,
(Q)At kaugaan ng ulo sa gitna ng mga bayan.
15 Buong araw ay nasa harap ko ang aking kasiraang puri,
At ang kahihiyan ng aking mukha ay tumakip sa akin,
16 Dahil sa tinig niya na dumuduwahagi at tumutungayaw;
(R)Dahil sa kaaway at sa manghihiganti.
17 Lahat ng ito'y dumating sa amin; gayon ma'y hindi namin kinalimutan ka,
Ni (S)gumawa man kami na may karayaan sa iyong tipan.
18 Ang aming puso ay hindi tumalikod,
(T)Ni ang amin mang mga hakbang ay humiwalay sa iyong daan;
19 Na kami ay iyong lubhang nilansag (U)sa dako ng mga chakal,
At tinakpan mo kami (V)ng lilim ng kamatayan.
20 Kung aming nilimot ang pangalan ng aming Dios,
(W)O aming iniunat ang aming mga kamay sa ibang dios;
21 (X)Hindi ba sisiyasatin ito ng Dios?
Sapagka't nalalaman niya ang mga lihim ng puso.
22 (Y)Oo, dahil sa iyo ay pinapatay kami buong araw;
Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan.
23 (Z)Ikaw ay gumising, bakit ka natutulog, Oh Panginoon?
Ikaw ay bumangon, huwag mo kaming itakuwil magpakailan man.
24 (AA)Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha,
At kinalilimutan mo ang aming kadalamhatian at aming kapighatian?
25 Sapagka't ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok:
Ang aming katawan ay nadidikit sa lupa.
26 Ikaw ay bumangon upang kami ay tulungan,
At tubusin mo kami dahil sa iyong kagandahang-loob.

Isaias 8:16-9:1

16 Talian mo ang patotoo, tatakan mo ang kautusan sa gitna ng aking mga alagad.

17 At aking hihintayin ang Panginoon na (A)nagkukubli ng kaniyang mukha sa sangbahayan ni Jacob, at aking (B)hahanapin siya.

18 Narito, (C)ako at (D)ang mga anak na ibinigay ng Panginoon sa akin ay mga (E)pinakatanda at (F)pinaka kababalaghan sa Israel na mula sa Panginoon ng mga hukbo, na tumatahan sa bundok ng Sion.

Masasamang espiritu at manghuhula ay sinumpa.

19 At pagka kanilang sasabihin sa inyo, (G)Hanapin ninyo silang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu at mga manghuhula, na (H)nagsisihuni at nagsisibulong; (I)hindi ba marapat na sanggunian ng bayan ang kanilang Dios? (J)dahil baga sa mga buháy ay sasangguni sila sa mga patay?

20 (K)Sa kautusan at sa patotoo! (L)kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, (M)tunay na walang umaga sa kanila.

21 At sila'y magsisidaan doon, na nahihirapan at gutom: at mangyayari, na pagka sila'y mangagugutom, sila'y mangagagalit, at (N)magsisisumpa alangalang sa kanilang hari at sa kanilang Dios, at ititingala nila ang kanilang mga mukha:

22 At (O)sila'y titingin sa lupa, at, narito, kahirapan at kadiliman, (P)ulap ng kahapisan, at sa salimuot na kadiliman ay itataboy sila.

Kapanganakan at paghahari ng prinsipe ng kapayapaan.

Gayon man ay (Q)hindi magkakaroon ng paguulap sa kaniya na nasa kahapisan. (R)Nang unang panahon ay dinala niya sa pagkawalang kabuluhan ang (S)lupain ng Zabulon at ang lupain ng Nephtali, nguni't sa huling panahon ay ginawa niyang maluwalhati, sa daang patungo sa dagat, sa dako roon ng Jordan, ng Galilea ng mga bansa.

2 Pedro 1:1-11

Si Simon Pedro, na (A)alipin at apostol ni Jesucristo, sa nagsipagkamit na kasama namin ng mahalagang pananampalataya (B)sa katuwiran (C)ng ating Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo:

Biyaya at kapayapaan ang (D)sa inyo'y dumami (E)sa pagkakilala sa Dios at kay Jesus na Panginoon natin;

Yamang ipinagkaloob sa atin ng kaniyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa (F)kabanalan, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na (G)tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kagalingan;

Na dahil dito ay ipinagkaloob niya sa atin ang kaniyang mahahalaga at napakadakilang pangako; upang sa pamamagitan ng mga ito ay (H)makabahagi kayo sa kabanalang mula sa Dios, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita.

Oo, at dahil din dito, sa pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampalataya ang kagalingan; at sa kagalingan ay ang (I)kaalaman;

At sa kaalaman ay ang (J)pagpipigil; at sa pagpipigil ay ang (K)pagtitiis; at sa pagtitiis ay ang (L)kabanalan;

At sa kabanalan ay ang (M)mabuting kalooban sa kapatid; at sa mabuting kalooban sa kapatid ay ang (N)pagibig.

Sapagka't kung nasa inyo ang mga bagay na ito at sumasagana, ay hindi kayo pababayaang maging mga tamad o mga walang bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo.

Sapagka't yaong wala ng mga bagay na ito (O)ay bulag, na ang nakikita lamang ay ang nasa malapit, sa pagkalimot ng (P)paglilinis ng kaniyang dating mga kasalanan.

10 Kaya, mga kapatid, lalong pagsikapan ninyo na mangapanatag kayo sa (Q)pagkatawag at pagkahirang sa inyo: sapagka't kung gawin ninyo ang mga bagay na ito ay (R)hindi kayo mangatitisod kailan man:

11 Sapagka't sa gayon ay ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok (S)sa kahariang walang hanggan ng Panginoon natin at Tagapagligtas na si Jesucristo.

Lucas 22:39-53

39 At siya'y lumabas, (A)at pumaroon, ayon sa kaniyang kaugalian, sa bundok ng mga Olivo; at nagsisunod naman sa kaniya ang mga alagad.

40 At nang siya'y dumating sa dakong yaon, ay sinabi niya (B)sa kanila, Magsipanalangin kayo nang huwag kayong magsipasok sa tukso.

41 At siya'y humiwalay sa kanila na may agwat na isang itsang bato; at siya'y nanikluhod at nanalangin,

42 Na sinasabi, Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang iyo.

43 At napakita sa kaniya ang isang anghel na mula sa langit, na nagpalakas sa kaniya.

44 At nang siya'y nanglulumo ay (C)nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa.

45 At nang magtindig siya sa kaniyang pananalangin, ay lumapit siya sa mga alagad, at naratnan silang nangatutulog dahil sa hapis,

46 At sinabi sa kanila, Bakit kayo nangatutulog? mangagbangon (D)kayo at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso.

47 (E)Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang karamihan, at siyang tinatawag na Judas, na isa sa labingdalawa, ay nangunguna sa kanila; at siya'y lumapit kay Jesus upang ito'y hagkan.

48 Datapuwa't sinabi ni Jesus sa kaniya, Judas, sa isang halik baga ay ipinagkakanulo mo ang Anak ng tao?

49 At nang makita ng mga kasama niya ang mangyayari, ay kanilang sinabi, Panginoon, magsisipanaga baga kami (F)ng tabak?

50 At tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng dakilang saserdote, at tinigpas ang kanang tainga niya.

51 Datapuwa't sumagot si Jesus, na nagsabi, Pabayaan ninyo sila hanggan dito. At (G)hinipo niya ang tainga ng alipin, at ito'y pinagaling.

52 At sinabi ni Jesus sa mga pangulong saserdote, at sa mga (H)punong kawal sa templo, at sa mga matanda, na nagsidating laban sa kaniya, Kayo'y nagsilabas, na tila laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas?

53 Nang ako'y kasama ninyo sa templo araw-araw, ay hindi ninyo iniunat ang inyong mga kamay laban sa akin; datapuwa't ito ang (I)inyong oras, at (J)ang kapangyarihan ng kadiliman.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978