Book of Common Prayer
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim. Awit ng mga anak ni Core. Masquil. Awit tungkol sa pagibig.
45 Ang aking puso ay nananagana sa isang mainam na bagay:
Aking sinasalita ang mga bagay na aking ginawa tungkol sa hari:
Ang aking dila ay panulat (A)ng bihasang manunulat.
2 Ikaw ay maganda kay sa mga anak ng mga tao;
(B)Biyaya ay nabubuhos sa iyong mga labi:
Kaya't pinagpala ka ng Dios magpakailan man.
3 Ibigkis mo ang iyong (C)tabak sa iyong hita, Oh makapangyarihan,
Kalakip ang iyong (D)kaluwalhatian at ang iyong kamahalan.
4 At sa iyong kamahalan ay sumakay kang may kaginhawahan, Dahil sa katotohanan, at sa kaamuan, at sa katuwiran:
At ang iyong kanan ay magtuturo sa iyo ng (E)kakilakilabot na mga bagay.
5 Ang iyong mga (F)palaso ay matulis;
Ang mga bayan ay nangabubuwal sa ilalim mo:
Sila'y nangasa puso ng mga kaaway ng hari.
6 (G)Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan-kailan man:
Cetro ng kaganapan ang cetro ng iyong kaharian.
7 (H)Iyong iniibig ang katuwiran, at pinagtataniman ang kasamaan:
Kaya't ang Dios, ang iyong Dios, ay nagpahid sa iyo (I)ng langis
Ng langis (J)ng kasayahan na higit kay sa iyong mga kasama.
8 Ang lahat ng iyong mga damit ay amoy mira, at aloe, at kasia:
Mula sa bahay-haring garing ay pinasasaya ka ng mga panugtog na kawad.
9 (K)Ang mga anak na babae ng hari ay nangasa gitna ng iyong mga marangal na babae:
(L)Sa iyong kanan ay nakatayo ang reyna na may (M)ginto sa Ophir.
10 Iyong dinggin, Oh anak na babae, at iyong pakundanganan, at ikiling mo ang iyong pakinig;
(N)Kalimutan mo naman ang iyong sariling bayan, at ang bahay ng iyong magulang;
11 Sa gayo'y nanasain ng hari ang iyong kagandahan;
Sapagka't siya'y iyong panginoon; at sumamba ka sa kaniya.
12 At ang anak na babae ng Tiro ay dodoon na (O)may kaloob;
Pati ng mayaman sa gitna ng iyong bayan ay (P)mamamanhik ng iyong lingap.
13 Ang anak na babae ng hari ay totoong maluwalhati sa bahay-hari.
Ang kaniyang suot ay yaring may ginto.
14 Siya'y ihahatid sa hari na (Q)may suot na bordado:
Ang mga dalaga, na kaniyang mga kasama na nagsisisunod sa kaniya, ay
Dadalhin sa iyo.
15 May kasayahan at kagalakan na ihahatid sila:
Sila'y magsisipasok sa bahay-hari.
16 Sa halip ng iyong mga magulang ay ang iyong mga anak,
(R)Na siya mong gagawing mga pangulo sa buong lupa.
17 Aking ipaaalaala ang iyong pangalan sa lahat ng sali't saling lahi:
Kaya't ang mga bayan ay mangagpapasalamat sa iyo magpakailan-kailan man.
Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.
47 Oh (A)ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan;
Magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay.
2 Sapagka't ang Panginoong kataastaasan (B)ay kakilakilabot;
(C)Siya'y dakilang Hari sa buong lupa.
3 (D)Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin,
At ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa.
4 Kaniyang ipipili tayo (E)ng ating mana,
(F)Ang karilagan ni Jacob na kaniyang minahal. (Selah)
5 (G)Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan,
Ang Panginoon na may tunog ng pakakak.
6 Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri:
Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri.
7 Sapagka't ang Dios (H)ay Hari ng buong lupa:
(I)Magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa.
8 (J)Ang Dios ay naghahari sa mga bansa:
Ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan.
9 Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan
Upang maging bayan ng Dios ni Abraham;
Sapagka't ang mga (K)kalasag ng lupa ay ukol sa Dios;
Siya'y totoong bunyi.
Awit; Salmo ng mga anak ni Core.
48 Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin,
(L)Sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang (M)banal na bundok.
2 (N)Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong (O)lupa,
Siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan,
(P)Na bayan ng dakilang Hari.
3 Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan.
4 Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong,
Sila'y nagsidaang magkakasama.
5 Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga sila;
Sila'y nanganglupaypay, sila'y (Q)nangagmadaling tumakas.
6 (R)Panginginig ay humawak sa kanila roon;
Sakit, gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.
7 (S)Sa pamamagitan ng hanging silanganan
Iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis.
8 Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita
Sa (T)bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios:
(U)Itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah)
9 Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios,
Sa gitna ng iyong templo.
10 Kung ano ang (V)iyong pangalan, Oh Dios,
Gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa;
Ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran.
11 Matuwa ka bundok ng Sion,
Magalak ang mga (W)anak na babae ng Juda,
Dahil sa iyong mga kahatulan.
12 Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya:
Inyong saysayin ang mga moog niyaon.
13 Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta,
Inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari;
Upang inyong maisaysay ito sa (X)susunod na lahi.
14 Sapagka't ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man:
Siya'y magiging ating (Y)patnubay hanggang sa kamatayan.
Kapanganakan at paghahari ng prinsipe ng kapayapaan.
9 Gayon man ay (A)hindi magkakaroon ng paguulap sa kaniya na nasa kahapisan. (B)Nang unang panahon ay dinala niya sa pagkawalang kabuluhan ang (C)lupain ng Zabulon at ang lupain ng Nephtali, nguni't sa huling panahon ay ginawa niyang maluwalhati, sa daang patungo sa dagat, sa dako roon ng Jordan, ng Galilea ng mga bansa.
2 Ang (D)bayan na (E)lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag: silang nagsisitahan sa lupain ng lilim ng kamatayan, sa kanila sumilang ang liwanag.
3 (F)Iyong pinarami ang bansa, iyong pinalago ang kanilang kagalakan: sila'y nangagagalak sa harap mo ayon sa kagalakan sa pagaani, gaya ng mga tao na nangagagalak pagka nangagbabahagi ng samsam.
4 Sapagka't ang pamatok na kaniyang (G)pasan, at ang pingga sa kaniyang balikat, ang panghampas ng mamimighati sa kaniya, ay iyong sinira na gaya sa kaarawan ng (H)Madian.
5 Sapagka't ang lahat na sakbat ng nasasakbatang tao sa kaguluhan, at ang mga kasuutang puno ng dugo ay magiging para sa pagkasunog, para sa mitsa ng apoy.
6 Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang (I)isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang (J)anak na lalake; at ang (K)pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging (L)Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, (M)Pangulo ng Kapayapaan.
7 Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay (N)hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at (O)upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng (P)sikap ng Panginoon ng mga hukbo.
12 Kaya't magiging handa akong lagi na ipaalaala ko sa inyo ang mga bagay na ito, (A)bagama't inyong nalalaman, at kayo'y (B)pinatitibay sa katotohanang nasa inyo.
13 At inaakala kong matuwid, na samantalang ako'y nasa tabernakulong (C)ito, ay kilusin ko kayo na ipaalaala ko sa inyo;
14 Yamang aking nalalaman na dumarating na madali ang paghiwalay ko sa aking tabernakulo, na (D)gaya ng ipinahiwatig sa akin ng Panginoon nating Jesucristo.
15 Oo, pagsisikapan ko na sa tuwituwi na, pagkamatay ko'y inyong maalaala ang mga bagay na ito.
16 Sapagka't kami ay hindi nagsisunod sa (E)mga kathang ginawang mainam, noong aming ipinakilala sa inyo ang kapangyarihan at (F)pagparito ng ating Panginoong Jesucristo, (G)kundi kami ay naging mga saksing nakakita ng kaniyang karangalan.
17 Sapagka't siya'y tumanggap sa Dios Ama ng (H)karangalan at kaluwalhatian, nang dumating sa kaniya ang isang tinig mula sa Marangal na Kaluwalhatian, (I)Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan:
18 At ang tinig na ito ay aming narinig na nanggaling sa langit, nang kami ay kasama niya sa banal na bundok.
19 At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito'y inyong sinusundan, na gaya ng sa isang (J)ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim, hanggang sa pagbubukang liwayway, at (K)ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso:
20 Na maalaman muna ito, na (L)alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag.
21 Sapagka't hindi sa kalooban ng tao dumating (M)ang hula kailanman: (N)kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.
54 At kanilang dinakip siya, at (A)dinala siya, at ipinasok siya sa bahay ng pangulong saserdote. (B)Datapuwa't sa malayo'y sumusunod si Pedro.
55 (C)At nang makapagpadikit nga sila ng apoy sa gitna ng (D)looban, at mangakaupong magkakasama, si Pedro ay nakiumpok sa gitna nila.
56 At isang alilang babae, na nakakakita sa kaniya samantalang siya'y nakaupo sa liwanag ng apoy, ay tinitigan siya, at sinabi, Ang taong ito ay kasama rin niya.
57 Datapuwa't siya'y nagkaila, na nagsasabi, Babae, hindi ko siya nakikilala.
58 At pagkaraan ng isang sangdali ay nakita siya ng iba, at sinabi, Ikaw man ay isa sa kanila. Datapuwa't sinabi ni Pedro, Lalake, ako'y hindi.
59 At nang makaraan ang may isang oras, ay pinatotohanan ng iba pa, na nagsasabi, Sa katotohanan, ang taong ito'y kasama rin niya; sapagka't siya'y Galileo.
60 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Lalake, hindi ko nalalaman ang sinasabi mo. At pagdaka, samantalang siya'y nagsasalita pa, ay tumilaok ang manok.
61 At lumingon ang Panginoon, at tinitigan si Pedro. At naalaala ni Pedro ang salita ng Panginoon, kung paanong sinabi niya sa kaniya, (E)Bago tumilaok ang manok ngayon, ay ikakaila mo akong makaitlo.
62 At siya'y lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan.
63 (F)At nililibak si Jesus, at siya'y sinasaktan ng mga taong nangagbabantay.
64 At siya'y piniringan nila, at tinatanong siya, na sinasabi, Hulaan mo; sino ang sa iyo'y humampas?
65 At sinabi nila ang ibang maraming bagay laban sa kaniya, na siya'y inaalimura.
66 At nang araw na, ay nagkatipon ang kapulungan ng matatanda sa bayan, ang mga pangulong saserdote, at gayon din ang mga eskriba, at dinala siya sa kanilang Sanedrin, na sinasabi,
67 Kung ikaw ang Cristo, ay sabihin mo sa amin. Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Kung sabihin ko sa inyo, ay hindi ninyo ako paniniwalaan:
68 At kung kayo'y aking tanungin, ay hindi kayo magsisisagot.
69 Datapuwa't (G)magmula ngayon ang Anak ng tao ay mauupo sa kanan ng kapangyarihan ng Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978