Book of Common Prayer
Ang karangalan ng Panginoon.
93 Ang Panginoon ay (A)naghahari; (B)siya'y nananamit ng karilagan;
Ang Panginoon ay nananamit ng kalakasan; (C)siya'y nagbigkis niyaon:
Ang sanglibutan naman ay (D)natatag, na hindi mababago.
2 (E)Ang luklukan mo'y natatag ng una:
Ikaw ay mula sa walang pasimula.
3 Ang mga baha ay nagtaas, Oh Panginoon,
Ang mga baha ay nagtaas ng kanilang hugong;
Ang mga baha ay nagtaas ng kanilang mga alon.
4 Ng higit sa mga hugong ng maraming tubig,
Malalakas na hampas ng alon sa dagat,
(F)Ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan.
5 Ang iyong mga patotoo ay totoong tunay:
Ang kabanalan ay nararapat sa iyong bahay,
Oh Panginoon, magpakailan man.
Ang tawag upang sumamba sa Panginoon, ang matuwid na tagahatol.
96 (A)Oh magsiawit kayo (B)sa Panginoon ng bagong awit:
Magsiawit kayo sa Panginoon, buong lupa.
2 Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya;
Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw.
3 Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa
Ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan
4 Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihin:
Siya'y kinatatakutang higit kay sa lahat na dios.
5 Sapagka't lahat ng mga dios sa mga bayan ay mga diosdiosan.
(C)Nguni't nilikha ng Panginoon ang langit.
6 Karangalan at kamahalan ay nasa harap niya:
(D)Kalakasan at kagandahan ay nasa kaniyang santuario.
7 Magbigay kayo sa Panginoon, (E)kayong mga angkan ng mga bayan,
Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
8 Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kaniyang pangalan;
(F)Kayo'y mangagdala ng handog, at magsipasok kayo sa kaniyang mga (G)looban.
9 Oh sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan:
Manginig kayo sa harap niya, buong lupa.
10 Sabihin ninyo sa gitna ng mga bansa, Ang Panginoon ay naghahari:
Ang sanglibutan naman ay natatatag na hindi makikilos:
Kaniyang hahatulan ng karapatan ang mga bayan.
11 Matuwa ang langit at magalak ang lupa;
Humugong ang dagat, at ang buong naroon;
12 (H)Sumaya ang bukiran at lahat na nasa kaniya;
Kung magkagayo'y aawit dahil sa kagalakan, ang lahat na punong kahoy sa gubat;
13 Sa harap ng Panginoon; sapagka't siya'y dumarating:
Sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa:
(I)Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan,
At ng kaniyang katotohanan ang mga bayan.
Ang Panginoon ay taga pagbigay at taga pagligtas. (A)Awit ni David; nang siya'y magbago ng kilos sa harap ni Abimelek, na siyang nagpalayas sa kaniya, at siya'y yumaon.
34 Aking pupurihin (B)ang Panginoon sa buong panahon:
Ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig.
2 Ang aking kaluluwa ay maghahambog (C)sa Panginoon:
Maririnig ng maamo at masasayahan.
3 Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon,
At tayo'y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan.
4 (D)Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako,
At iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan.
5 Sila'y nagsitingin sa kaniya, at (E)nangaliwanagan:
At ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man.
6 Itong abang tao'y dumaing, at dininig siya ng Panginoon.
At iniligtas siya sa lahat niyang mga kabagabagan.
7 (F)Ang anghel ng Panginoon ay (G)humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya,
At ipinagsasanggalang sila.
8 (H)Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti:
(I)Mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya.
9 Oh mangatakot kayo sa Panginoon, kayong mga banal niya:
Sapagka't walang kakulangan sa kanila na nangatatakot sa kaniya.
10 Ang mga (J)batang leon ay kinakapos at nagtitiis ng gutom.
(K)Nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay.
11 Magsiparito kayo, kayong mga anak, dinggin ninyo ako:
Aking tuturuan kayo ng pagkatakot sa Panginoon.
12 (L)Sinong tao ang nagnanasa ng buhay,
At umiibig sa maraming kaarawan upang makakita siya ng mabuti?
13 Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama.
At ang iyong mga labi (M)sa pagsasalita ng karayaan.
14 (N)Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti;
(O)Hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo.
15 (P)Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid,
At ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing.
16 (Q)Ang mukha ng Panginoon ay laban sa kanila na nagsisigawa ng kasamaan,
(R)Upang ihiwalay ang alaala sa kanila sa lupa.
17 Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ng Panginoon,
At iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan.
18 Ang Panginoon ay malapit (S)sa kanila na may bagbag na puso,
At inililigtas ang mga may pagsisising diwa.
19 (T)Marami ang kadalamhatian ng matuwid;
Nguni't inililigtas ng Panginoon sa lahat.
20 Kaniyang iniingatan ang lahat niyang mga buto:
(U)Wala isa man sa mga yaon na nababali.
21 Papatayin ng kasamaan ang masama:
At silang nangagagalit sa matuwid na tao ay kikilanling may sala.
22 (V)Tinutubos ng Panginoon ang kaluluwa ng kaniyang mga lingkod:
At wala sa nagsisipagkanlong sa kaniya ay kikilanling may sala.
6 (A)Ako'y naglagay ng mga bantay sa iyong mga kuta, Oh Jerusalem; sila'y hindi magsisitahimik kailan man sa araw o sa gabi: kayong mga mapagalaala sa Panginoon, huwag kayong mangagpahinga,
7 At huwag ninyong bigyan siya ng kapahingahan, hanggang sa siya'y matatag, at hanggang sa kaniyang gawing kapurihan[a] sa lupa ang Jerusalem.
10 Kayo'y magsidaan, kayo'y magsidaan sa mga pintuang-bayan; (A)inyong ihanda ang lansangan ng bayan; inyong patagin; inyong patagin ang maluwang na lansangan; inyong pulutin ang mga bato; (B)mangagtaas kayo ng watawat na ukol sa mga bayan.
11 Narito, ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa, (C)Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion, (D)Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; narito, ang (E)kaniyang kagantihan ay nasa kaniya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya.
12 At tatawagin nila sila (F)Ang banal na bayan, (G)Ang tinubos ng Panginoon: at ikaw ay tatawagin Hinanap, Bayang (H)hindi pinabayaan.
10 (A)Sapagka't marapat sa kaniya na (B)pinagukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian (C)na (D)gawing sakdal siyang may gawa ng kaligtasan nila sa pamamagitan ng mga sakit.
11 Sapagka't (E)ang nagpapagingbanal at ang mga pinapagingbanal ay pawang (F)sa isa: na dahil dito'y (G)hindi siya nahihiyang tawagin silang mga kapatid,
12 Na sinasabi,
(H)Ibabalita ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid,
Sa gitna ng kapisanan ay aawitin ko ang kapurihan mo.
13 At muli, (I)ilalagak ko ang aking pagkakatiwala sa kaniya. At muli, (J)Narito, ako at ang mga (K)anak na ibinigay sa akin ng Dios.
14 Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo, (L)siya nama'y gayon ding nakabahagi sa mga ito; (M)upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid ay ang diablo:
15 At mailigtas silang lahat (N)na dahil sa takot sa kamatayan ay nangasailalim ng pagkaalipin sa buong buhay nila.
16 Sapagka't tunay na hindi niya tinutulungan ang mga anghel, kundi tinutulungan niya ang binhi ni Abraham.
17 Kaya't nararapat sa kaniya na sa lahat ng mga bagay ay matulad sa kaniyang mga kapatid, upang maging isang dakilang saserdoteng (O)maawain at tapat sa mga bagay na nauukol sa Dios, upang gumawa ng pangpalubag-loob patungkol sa mga kasalanan ng bayan.
18 (P)Palibhasa'y nagbata siya sa pagkatukso, siya'y makasasaklolo sa mga tinutukso.
18 (A)Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan (B)ng Espiritu Santo.
19 At si Jose na kaniyang asawa, palibhasa'y lalaking matuwid, at (C)ayaw na ihayag sa madla ang kaniyang kapurihan, ay nagpasiyang hiwalayan siya ng lihim.
20 Datapuwa't samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya (D)sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo.
21 At siya'y manganganak ng isang lalake; (E)at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; (F)sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan (G)sa kanilang mga kasalanan.
22 At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,
23 Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao (H)at manganganak ng isang lalake,
At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel;
na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios.
24 At nagbangon si Jose sa kaniyang pagkakatulog, at ginawa niya ang ayon sa ipinagutos sa kaniya ng anghel ng Panginoon, at tinanggap ang kaniyang asawa;
25 At hindi nakilala siya hanggang sa maipanganak ang isang lalake: at tinawag niya ang kaniyang pangalang JESUS.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978