Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 55

Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Masquil ni David.

55 (A)Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios;
At huwag kang magkubli sa aking pananaing.
Pakinggan mo ako, at iyong sagutin ako:
(B)Ako'y walang katiwasayan sa aking pagdaramdam, at ako'y dumadaing;
Dahil sa tinig ng kaaway,
Dahil sa pagpighati ng masama;
(C)Sapagka't sila'y naghagis ng kasamaan sa akin,
At sa galit ay inuusig nila ako.
(D)Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko:
At ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin.
(E)Katakutan at panginginig ay dumating sa akin,
At tinakpan ako ng (F)kakilabutan.
At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati!
Lilipad nga ako, at magpapahinga.
Narito, kung magkagayo'y gagala ako sa malayo,
Ako'y titigil sa ilang. (Selah)
Ako'y magmamadaling sisilong
Mula sa malakas na hangin at bagyo.
Ipahamak mo, Oh Panginoon, at guluhin mo ang kanilang wika:
Sapagka't ako'y nakakita ng (G)pangdadahas at pagaaway sa bayan.
10 Araw at gabi ay nagsisiligid sila sa mga kuta niyaon:
Kasamaan man at kahirapan ay nangasa gitna rin niyaon.
11 Kasamaan ay nasa gitna niyaon;
Ang pagpighati at pagdaraya ay hindi humihiwalay sa kaniyang mga lansangan.
12 Sapagka't hindi kaaway ang dumuwahagi sa akin;
Akin nga sanang nabata:
(H)Ni hindi rin ang nagtatanim sa akin ang nagmamalaki laban sa akin;
Nagtago nga sana ako sa kaniya:
13 Kundi ikaw, lalake na kagaya ko,
(I)Aking kasama at aking kaibigang matalik.
14 Tayo ay maligayang nagpapayuhang magkasama,
Tayo'y lumalakad na magkaakbay (J)sa bahay ng Dios.
15 Dumating nawang bigla sa kanila ang kamatayan,
(K)Mababa nawa silang buháy sa (L)Sheol:
Sapagka't kasamaan ay nasa kanilang tahanan, sa gitna nila.
16 Tungkol sa akin, ay tatawag ako sa Dios;
At ililigtas ako ng Panginoon.
17 (M)Sa hapon at sa umaga, at sa katanghaliang tapat, ako'y dadaing at hihibik:
At kaniyang didinggin ang aking tinig.
18 Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa kapayapaan mula sa pagbabaka laban sa akin:
(N)Sapagka't sila'y marami na nakikipaglaban sa akin.
19 Didinggin ng Dios, at paghihigantihan sila,
Siyang tumatahan ng una. (Selah)
Ang mga tao na walang mga pagbabago,
At hindi nangatatakot sa Dios.
20 Kaniyang iniunat ang kaniyang mga kamay laban sa gayon na nasa kapayapaan sa kaniya:
Kaniyang nilapastangan ang kaniyang tipan.
21 (O)Ang kaniyang bibig ay malambot na parang mantekilya:
Nguni't ang kaniyang puso ay pakikidigma:
Ang kaniyang mga salita ay lalong mabanayad kay sa langis,
(P)Gayon ma'y mga bunot na tabak.
22 (Q)Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka:
Hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid.
23 Nguni't ikaw, Oh Dios, ibababa mo sila sa hukay ng kapahamakan:
Mga mabagsik at magdarayang tao ay (R)hindi darating sa kalahati ng kanilang mga kaarawan;
Nguni't titiwala ako sa iyo.

Mga Awit 138:1-139:23

Pagpapasalamat sa pagkatig ng Panginoon. Awit ni David.

138 Ako'y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso:
(A)Sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
Ako'y sasamba sa dako ng iyong banal na templo,
At (B)magpapasalamat sa iyong pangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan:
Sapagka't iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan.
Nang araw na ako'y tumawag ay sinagot mo ako,
Iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa.
Lahat ng mga hari sa lupa (C)ay mangagpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon,
Sapagka't kanilang narinig ang mga salita ng iyong bibig.
Oo, sila'y magsisiawit tungkol sa mga daan ng Panginoon;
Sapagka't dakila ang kaluwalhatian ng Panginoon.
(D)Sapagka't bagaman ang Panginoon ay mataas, (E)gumagalang din sa mababa:
Nguni't ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo.
(F)Bagaman ako'y lumakad sa gitna ng kabagabagan, iyong bubuhayin ako;
Iyong iuunat ang iyong kamay laban sa poot ng aking mga kaaway,
At ililigtas ako ng iyong kanan.
(G)Pasasakdalin ng Panginoon ang tungkol sa akin:
Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay magpakailan man;
(H)Huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong sariling mga kamay.

Ang Panginoon ay sumasa lahat at nakaaalam ng lahat. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

139 Oh Panginoon, (I)iyong siniyasat ako, at nakilala ako.
(J)Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig,
(K)Iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo.
Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan,
At iyong kilala ang lahat kong mga lakad.
Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila,
Nguni't, narito, Oh Panginoon, (L)natatalastas mo nang buo.
(M)Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan,
At inilapag mo ang iyong kamay sa akin.
Ang ganyang kaalaman (N)ay totoong kagilagilalas sa akin;
Ito'y mataas, hindi ko maabot.
(O)Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu?
O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan?
(P)Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka:
(Q)Kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon.
Kung aking kunin ang mga (R)pakpak ng umaga,
At tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat;
10 Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay,
At ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin.
11 Kung aking sabihin, (S)Tunay na tatakpan ako ng kadiliman,
At ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi;
12 (T)Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo,
Kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw:
Ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo
13 (U)Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob:
(V)Iyo akong tinakpan sa bahaybata ng aking ina.
14 Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas:
Kagilagilalas ang iyong mga gawa;
At nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.
15 Ang katawan ko'y (W)hindi nakubli sa iyo,
Nang ako'y gawin sa lihim,
At yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.
16 Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal,
At sa iyong aklat ay pawang nangasulat,
Kahit na ang mga araw na itinakda sa akin,
Nang wala pang anoman sa kanila,
17 (X)Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios!
Pagka dakila ng kabuoan nila!
18 Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin:
Pagka ako'y nagigising ay laging nasa iyo ako.
19 Walang pagsalang iyong (Y)papatayin ang masama, Oh Dios:
Hiwalayan nga ninyo ako, Oh mga mabagsik na tao.
20 Sapagka't sila'y nangagsasalita laban sa iyo ng kasamaan,
At (Z)ginagamit ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan sa walang kabuluhan.
21 (AA)Hindi ko ba ipinagtatanim sila, Oh Panginoon, na nagtatanim sa iyo?
At hindi ba kinapapanglawan ko ang mga yaon na nagsisibangon laban sa iyo?
22 Aking ipinagtatanim sila ng lubos na kapootan:
Sila'y naging mga kaaway ko.
23 (AB)Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso;
Subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip:

Isaias 10:20-27

Ang mga nalabi ay babalik.

20 At mangyayari (A)sa araw na yaon, na ang nalabi sa Israel, at (B)ang nangakatanan sa sangbahayan ni Jacob, (C)hindi na titiwala pa uli sa kaniya na sumakit sa kanila; kundi titiwala sa Panginoon, sa Banal ng Israel, sa katotohanan.

21 (D)Isang nalabi ay manunumbalik, sa makatuwid baga'y ang nalabi sa Jacob, sa makapangyarihang Dios.

22 Sapagka't bagaman ang iyong bayang Israel ay magiging parang buhangin sa dagat, (E)ang isang nalabi lamang sa kanila ang manunumbalik: ang pagkalipol ay naipasiya, na magtataglay ng katuwiran.

23 Sapagka't ang kagibaan, at ang ipinasiya, gagawin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, sa gitna ng buong lupa.

Sumama rin ang Asiria.

24 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, Oh bayan kong tumatahan sa Sion, huwag kang matakot sa taga Asiria: bagaman ikaw ay sinaktan niya ng pamalo at nagtaas ng kaniyang tungkod laban sa iyo, ayon sa paraan ng Egipto.

25 Sapagka't (F)sangdali pa, at ang pagkagalit ay magaganap, at ang aking galit, sa kanilang ikamamatay.

26 At ibabangon ng Panginoon ng mga hukbo, ang kasakunaan laban sa kaniya, na gaya ng pagpatay sa (G)Madian sa bato ng Oreb: at ang (H)kaniyang panghampas ay malalagay sa dagat, at kaniyang itataas ng ayon sa paraan ng Egipto.

27 At mangyayari (I)sa araw na yaon, na ang atang niya ay mahihiwalay sa iyong balikat, at ang kaniyang ipinasan sa iyong leeg, at ang ipinasan ay malalagpak dahil sa (J)pinahiran.

Judas 17-25

17 Nguni't kayo, mga minamahal, (A)ay alalahanin ninyo ang mga salitang nang una'y sinabi ng mga apostol ng ating Panginoong Jesucristo;

18 Kung paanong sinabi sa inyo, (B)Magkakaroon ng mga manunuya sa huling panahon, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita.

19 Ang mga ito (C)ang nagsisigawa ng paghihiwalay, (D)malalayaw, na (E)walang taglay na Espiritu.

20 Nguni't kayo, mga minamahal, (F)papagtibayin ninyo ang inyong sarili sa inyong lubhang banal na pananampalataya, (G)na manalangin sa Espiritu Santo,

21 Na magsipanatili kayo sa pagibig sa Dios, (H)na inyong asahan ang awa ng ating Panginoong Jesucristo sa ikabubuhay na walang hanggan.

22 At (I)ang ibang nagaalinlangan ay inyong kahabagan;

23 At ang (J)iba'y inyong iligtas, (K)na agawin ninyo sa apoy; at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati (L)ng damit na nadungisan ng laman.

24 Ngayon doon sa makapagiingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo'y (M)makapaghaharap na walang kapintasan na may malaking galak, sa harapan ng kaniyang kaluwalhatian.

25 Sa (N)iisang Dios na (O)ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Panginoon, ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian, ang karangalan, ang paghahari, at ang kapangyarihan, sa kaunaunahang panahon, at ngayon at magpakailan man. Siya nawa.

Lucas 3:1-9

Nang ikalabinglimang taon nga ng paghahari ni (A)Tiberio Cesar, (B)na noo'y gobernador sa Judea si Poncio Pilato, at tetrarka sa Galilea (C)si Herodes, at ang kaniyang kapatid na (D)si Felipe ay tetrarka sa lalawigan ng Iturea at Traconite, at si Lisanias ay tetrarka sa Abilinia,

Nang kasalukuyang mga pangulong saserdote (E)si Anas at (F)si Caifas, ay dumating ang salita ng Dios kay (G)Juan, anak ni Zacarias, sa (H)ilang.

At siya'y napasa buong lupain sa palibotlibot ng Jordan, na ipinangangaral ang bautismo ng pagsisisi (I)sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan;

Gaya ng nasusulat sa aklat ng salita ng propeta Isaias,

(J)Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon,
Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.
Lahat ng libis ay tatambakan,
At pababain ang bawa't bundok at burol;
At ang liko ay matutuwid,
At ang mga daang bakobako ay mangapapatag;
At makikita ng lahat ng laman ang pagliligtas ng Dios.

Sinasabi nga niya sa mga karamihang nagsisilabas upang mangagpabautismo sa kaniya, Kayong lahi ng mga ulupong, sino ang sa inyo'y nagudyok upang tumakas sa galit na darating?

Kayo nga'y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi, at huwag mangagpasimulang mangagsabi sa inyong sarili, Si Abraham ang siya naming ama; sapagka't sinasabi ko sa inyo, na makapagpapabangon ang Dios ng mga anak ni Abraham maging sa mga batong ito.

At ngayon pa'y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy: ang bawa't punong kahoy nga na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol, at inihahagis sa apoy.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978