Book of Common Prayer
Panalangin upang magtagumpay sa kaaway. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
20 Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kabagabagan;
(A)Itaas ka sa mataas ng pangalan ng Dios ni Jacob;
2 Saklolohan ka mula sa (B)santuario,
At palakasin ka mula sa (C)Sion;
3 Alalahanin nawa ang lahat ng iyong mga handog,
At tanggapin niya ang iyong mga haing sinunog; (Selah)
4 (D)Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso,
At tuparin ang lahat ng iyong payo.
5 Kami ay (E)magtatagumpay sa iyong pagliligtas,
At (F)sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat:
Ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi.
6 Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang (G)kaniyang pinahiran ng langis;
Sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit
Ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay.
7 (H)Ang iba ay tumitiwala sa mga karo, at ang iba ay sa mga kabayo:
(I)Nguni't babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios.
8 Sila'y nangakasubsob at buwal:
Nguni't kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid.
9 Magligtas ka, Panginoon:
Sagutin nawa kami ng Hari pagka kami ay nagsisitawag.
Pagpapasalamat sa pagliligtas. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
21 Ang hari ay magagalak sa iyong kalakasan, Oh Panginoon;
At (J)sa iyong pagliligtas gaano kalaki ang ikagagalak niya!
2 Ibinigay mo sa kaniya (K)ang nais ng kaniyang puso,
At hindi mo ikinait ang hiling ng kaniyang mga labi. (Selah)
3 (L)Sapagka't iyong sinalubong siya ng mga kapalaran na kabutihan:
Iyong pinuputungan ng isang (M)putong na dalisay na ginto ang kaniyang ulo.
4 Siya'y humingi ng (N)buhay sa iyo, iyong binigyan siya;
(O)Pati ng kahabaan ng mga kaarawan magpakailan pa man.
5 Ang kaniyang kaluwalhatian ay (P)dakila sa iyong pagliligtas:
Karangalan at kamahalan ay inilalagay mo sa kaniya.
6 Sapagka't ginagawa mo siyang pinakamapalad magpakailan man:
(Q)Iyong pinasasaya siya ng kagalakan sa iyong harapan.
7 Sapagka't ang hari ay tumitiwala sa Panginoon,
At sa kagandahang-loob ng Kataastaasan ay (R)hindi siya makikilos.
8 Masusumpungan ng iyong kamay ang lahat ng iyong mga kaaway:
Masusumpungan ng iyong kanan yaong mga nangagtatanim sa iyo.
9 (S)Iyong gagawin sila na gaya ng mainit na hurno sa panahon ng iyong galit.
Sasakmalin sila ng Panginoon sa kaniyang poot,
At susupukin sila ng (T)apoy.
10 (U)Ang kanilang bunga ay iyong lilipulin mula sa lupa,
At ang kanilang binhi ay mula sa gitna ng mga anak ng mga tao.
11 Sapagka't sila'y nagakala ng kasamaan laban sa iyo:
Sila'y nagpanukala ng lalang na hindi nila maisasagawa.
12 Sapagka't iyong patatalikurin sila,
(V)Ikaw ay maghahanda ng iyong mga bagting ng busog laban sa mukha nila.
13 Mataas ka, Oh Panginoon, sa iyong kalakasan:
Sa gayo'y aming aawitin at pupurihin ang iyong kapangyarihan.
Awit ni David.
110 (A)Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon,
Umupo ka (B)sa aking kanan,
(C)Hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.
2 Pararatingin ng Panginoon (D)ang setro ng iyong kalakasan (E)mula sa Sion:
Magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway.
3 Ang bayan mo'y naghahandog na kusa
Sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan:
Mula sa bukang liwayway ng umaga,
Ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan.
4 (F)Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi,
(G)Ikaw ay (H)saserdote (I)magpakailan man
Ayon sa pagkasaserdote ni (J)Melchisedech.
5 Ang Panginoon (K)sa iyong kanan ay
Hahampas sa mga hari (L)sa kaarawan ng kaniyang poot.
6 Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa,
Kaniyang pupunuin ng mga bangkay ang mga pook;
(M)Siya'y manghahampas ng ulo sa maraming lupain.
7 Siya'y iinom (N)sa batis sa daan:
Kaya't siya'y magtataas ng ulo.
Pagpapasalamat sa pagliligtas mula sa kamatayan.
116 Aking iniibig (A)ang Panginoon, sapagka't (B)kaniyang dininig
Ang aking tinig at aking mga hiling.
2 Sapagka't kaniyang (C)ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin,
Kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay.
3 Ang tali ng kamatayan ay (D)pumulupot sa akin,
At ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin:
Aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan.
4 (E)Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon;
Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa.
5 (F)Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid;
Oo, ang Dios namin ay maawain.
6 Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob:
(G)Ako'y nababa, at kaniyang iniligtas ako.
7 Bumalik ka sa iyong kapahingahan, (H)Oh kaluluwa ko;
Sapagka't ginawan ka ng mabuti ng Panginoon.
8 (I)Sapagka't iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan,
At ang mga mata ko sa mga luha,
At ang mga paa ko sa pagkabuwal.
9 Ako'y lalakad sa harap ng Panginoon,
(J)Sa lupain ng mga buháy.
10 (K)Ako'y sumasampalataya, sapagka't ako'y magsasalita:
Ako'y lubhang nagdalamhati:
11 (L)Aking sinabi sa aking pagmamadali,
Lahat ng tao ay bulaan.
12 Ano ang aking ibabayad sa Panginoon
Dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?
13 Aking kukunin ang (M)saro ng kaligtasan,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
14 (N)Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan.
15 (O)Mahalaga sa paningin ng Panginoon
Ang kamatayan ng kaniyang mga banal.
16 Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod;
Ako'y iyong lingkod, na (P)anak ng iyong lingkod na babae;
Iyong kinalag ang aking mga tali.
17 Aking ihahandog sa iyo ang (Q)hain na pasalamat,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
18 Aking babayaran ang mga panata ko (R)sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;
19 Sa mga looban ng bahay ng Panginoon,
Sa gitna mo, Oh Jerusalem.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Awit ng Pagpapasalamat.
Ang mga natira ay maliligtas.
2 Sa araw na yaon ay magiging maganda at maluwalhati (A)ang sanga ng Panginoon, at ang bunga ng lupain ay magiging magaling at mainam sa kanilang mga taga Israel na nangakatanan.
3 At mangyayari, na siyang naiwan sa Sion, at siyang nalabi sa Jerusalem, (B)tatawaging banal, sa makatuwid baga'y bawa't (C)nasusulat sa mga nabubuhay sa Jerusalem:
4 (D)Pagka huhugasan ng Panginoon ang karumhan ng mga anak na babae ng Sion, at lilinisin ang dugo ng Jerusalem sa gitna ng bayan sa pamamagitan ng bisa ng kahatulan, at sa pamamagitan ng bisa ng pagniningas.
5 At ang Panginoon ay lilikha sa itaas ng buong tahanan ng bundok ng Sion, at sa itaas ng kaniyang mga kapulungan ng isang (E)ulap at usok sa araw, at ng (F)liwanag ng nagniningas na apoy sa gabi: sapagka't sa itaas ng lahat ng kaluwalhatian ay magkakaroon ng isang kubong na kayo.
6 At magkakaroon ng kanlungan upang maging lilim sa kaarawan laban sa init, at (G)upang maging kanlungan at kublihan sa bagyo at sa ulan.
13 Nguni't hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, (A)na walang pagasa.
14 Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon (B)din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya.
15 Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na (C)tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.
16 Sapagka't (D)ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng (E)arkanghel, at may (F)pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay (G)unang mangabubuhay na maguli;
17 Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila (H)sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y (I)sasa Panginoon tayo magpakailan man.
18 Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito.
5 At samantalang sinasalita (A)ng ilan ang tungkol sa templo, kung paanong ito'y pinalamutihan ng magagandang bato at mga hain, ay kaniyang sinabi,
6 Tungkol sa mga bagay na ito na inyong nangakikita, ay darating ang mga araw, (B)na walang maiiwan ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato, na hindi ibabagsak.
7 At kanilang itinanong sa kaniya, na sinasabi, Guro, kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda pagka malapit ng mangyari ang mga bagay na ito?
8 At sinabi niya, Mangagingat kayo na huwag kayong mangailigaw: (C)sapagka't marami ang paririto sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at, Malapit na ang panahon: huwag kayong magsisunod sa kanila.
9 At pagka kayo'y nangakarinig ng mga digmaan at mga kaguluhan, ay huwag kayong mangasindak: sapagka't kinakailangang mangyari muna ang mga bagay na ito; datapuwa't hindi (D)pa malapit ang wakas.
10 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Magtitindig ang isang bansa laban sa bansa, at ang isang kaharian laban sa kaharian;
11 At magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa iba't ibang dako ay magkakagutom at magkakasalot; at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot, at ng mga dakilang tanda mula sa langit.
12 Datapuwa't bago mangyari ang lahat ng mga bagay na ito, ay huhulihin (E)kayo, at paguusigin kayo, na kayo'y ibibigay sa mga sinagoga at (F)sa mga bilangguan, na kayo'y dadalhin sa harapan ng mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan.
13 Ito'y magiging patotoo (G)sa inyo.
14 Pagtibayin nga ninyo ang inyong mga puso, (H)na huwag munang isipin kung paano ang inyong isasagot:
15 Sapagka't bibigyan ko kayo ng (I)isang bibig at karunungan, na hindi mangyayaring masalangsang o matutulan man ng lahat ninyong mga kaalit.
16 Datapuwa't kayo'y ibibigay ng kahit mga magulang, at mga kapatid, at mga kamaganak, at mga kaibigan; at ipapapatay nila ang iba sa inyo.
17 At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan.
18 At hindi mawawala kahit (J)isang buhok ng inyong ulo.
19 Sa inyong (K)pagtitiis ay maipagwawagi ninyo ang inyong mga kaluluwa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978