Add parallel Print Page Options

12 Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, at lilinisin niyang lubos ang kaniyang giikan; at titipunin niya ang kaniyang trigo sa bangan, (A)datapuwa't ang dayami ay susunugin sa apoy na hindi mapapatay.

Read full chapter

(A)Ayon sa pagkasulat kay Isaias na propeta,

(B)Narito, sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha,
Na maghahanda ng iyong daan;
(C)Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon,
Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas;

Dumating si Juan, na nagbabautismo sa ilang (D)at ipinangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.

At nilalabas siya ng buong lupain ng Judea, at nilang lahat na mga taga Jerusalem; at sila'y binabautismuhan niya sa ilog ng Jordan, na nangagpapahayag ng kanilang mga kasalanan.

At si Juan ay nananamit ng balahibo ng kamelyo, at may isang pamigkis na katad sa palibot ng kaniyang baywang, at kumakain ng mga balang at pulot-pukyutan.

At siya'y nangangaral, na nagsasabi, Sumusunod sa hulihan ko ang lalong makapangyarihan kay sa akin; hindi ako karapatdapat yumukod at kumalag ng tali ng kaniyang mga pangyapak.

Binabautismuhan ko kayo sa tubig; datapuwa't kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo.

Read full chapter

Nang kasalukuyang mga pangulong saserdote (A)si Anas at (B)si Caifas, ay dumating ang salita ng Dios kay (C)Juan, anak ni Zacarias, sa (D)ilang.

At siya'y napasa buong lupain sa palibotlibot ng Jordan, na ipinangangaral ang bautismo ng pagsisisi (E)sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan;

Gaya ng nasusulat sa aklat ng salita ng propeta Isaias,

(F)Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon,
Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.
Lahat ng libis ay tatambakan,
At pababain ang bawa't bundok at burol;
At ang liko ay matutuwid,
At ang mga daang bakobako ay mangapapatag;
At makikita ng lahat ng laman ang pagliligtas ng Dios.

Sinasabi nga niya sa mga karamihang nagsisilabas upang mangagpabautismo sa kaniya, Kayong lahi ng mga ulupong, sino ang sa inyo'y nagudyok upang tumakas sa galit na darating?

Kayo nga'y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi, at huwag mangagpasimulang mangagsabi sa inyong sarili, Si Abraham ang siya naming ama; sapagka't sinasabi ko sa inyo, na makapagpapabangon ang Dios ng mga anak ni Abraham maging sa mga batong ito.

At ngayon pa'y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy: ang bawa't punong kahoy nga na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol, at inihahagis sa apoy.

10 At tinanong siya ng karamihan, na nangagsasabi, (G)Ano ngang dapat namin gawin?

11 At sinagot niya at sinabi sa kanila, (H)Ang may dalawang tunika ay magbahagi sa wala; at ang may pagkain ay gayon din ang gawin.

12 At dumating naman ang (I)mga maniningil ng buwis upang mangagpabautismo, at sinabi nila sa kaniya, Guro, anong dapat naming gawin?

13 At sinabi niya sa kanila, (J)Huwag na kayong sumingil pa ng higit kay sa utos sa inyo.

14 At tinanong naman siya ng mga kawal, na nangagsasabi, At kami, anong dapat naming gawin? At sa kanila'y sinabi niya, Huwag kayong kumuhang may karahasan sa kanino man, ni mangagparatang; at mangagkasiya kayo sa bayad sa inyo.

15 At samantalang ang mga tao'y nagsisipaghintay at pinagbubulaybulay ng lahat sa kanilang puso ang tungkol kay Juan, (K)kung siya kaya ang Cristo;

16 Ay sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat, Katotohanang binabautismuhan ko kayo ng tubig; datapuwa't dumarating ang lalong makapangyarihan kay sa akin; ako'y hindi karapatdapat magkalag ng (L)panali ng kaniyang mga pangyapak: kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy:

17 Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, upang linising lubos ang kaniyang giikan, at tipunin ang trigo sa kaniyang bangan; datapuwa't susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mapapatay.

Read full chapter