Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 101

Awit ni David.

101 Aking aawitin ang kagandahang-loob at kahatulan:
Sa iyo, Oh Panginoon, aawit ako ng mga pagpupuri.
Ako'y magpapakapantas sa sakdal na lakad:
Oh kailan ka pasasa akin?
Ako'y lalakad sa loob ng aking bahay na (A)may sakdal na puso.
Hindi ako maglalagay (B)ng hamak na bagay sa harap ng aking mga mata:
(C)Aking ipinagtanim ang gawa nilang lisya:
Hindi kakapit sa akin.
(D)Ang suwail na puso ay hihiwalay sa akin:
(E)Hindi ako makakaalam ng masamang bagay.
Ang sumisirang puri na lihim sa kaniyang kapuwa (F)ay aking ibubuwal:
Siya na may mapagmataas na tingin at may palalong puso ay hindi ko titiisin.
Ang mga mata ko'y itititig ko sa mga tapat sa lupain, upang sila'y makatahan na kasama ko:
Siya na lumalakad sa sakdal na daan, siya'y mangangasiwa sa akin.
Siyang gumagawa ng karayaan ay hindi tatahan sa loob ng aking bahay:
Siyang nagsasalita ng kabulaanan ay hindi matatatag sa harap ng aking mga mata.
Tuwing umaga ay aking lilipulin ang lahat na masama sa lupain;
Upang ihiwalay ang lahat na manggagawa ng kasamaan (G)sa bayan ng Panginoon.

Mga Awit 109:1-30

Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

109 Huwag kang mapayapa, (A)Oh Dios na aking kapurihan;
Sapagka't ang bibig ng masama at ang bibig ng magdaraya ay ibinuka nila laban sa akin:
Sila'y nangagsalita sa akin na may sinungaling na dila.
Kanilang kinulong ako sa palibot ng mga salitang pagtatanim,
At nagsilaban sa akin (B)ng walang kadahilanan.
Sa kabayaran ng aking pagibig ay mga kaaway ko sila:
Nguni't ako'y tumatalaga sa dalangin.
At iginanti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti,
At pagtatanim sa pagibig ko.
(C)Lagyan mo ng masamang tao siya:
At tumayo nawa ang isang (D)kaaway sa kaniyang kanan.
(E)Pagka siya'y nahatulan, lumabas nawa siyang salarin;
At maging kasalanan nawa ang (F)kaniyang dalangin.
(G)Maging kaunti nawa ang kaniyang mga kaarawan;
At kunin nawa ng iba ang kaniyang katungkulan.
(H)Maulila nawa ang kaniyang mga anak,
At mabao ang kaniyang asawa.
10 (I)Magsilaboy nawa ang kaniyang mga anak, at mangagpalimos;
At hanapin nila ang kanilang pagkain sa kanilang mga dakong guho.
11 Kunin nawa ng manglulupig ang lahat niyang tinatangkilik;
At samsamin ng mga (J)taga ibang lupa ang kaniyang mga gawa.
12 Mawalan nawa ng maawa sa kaniya;
At mawalan din ng maawa sa kaniyang mga anak na ulila.
13 Mahiwalay nawa ang (K)kaniyang kaapuapuhan;
Sa lahing darating ay mapawi ang kaniyang pangalan.
14 (L)Maalaala nawa ng Panginoon ang kasamaan ng kaniyang mga magulang;
At huwag mapawi ang kasalanan ng kaniyang ina,
15 Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon,
Upang ihiwalay (M)niya ang alaala sa kanila sa lupa.
16 Sapagka't hindi niya naalaalang magpakita ng kaawaan,
Kundi hinabol ang (N)dukha at mapagkailangan,
At ang may bagbag na puso, upang patayin.
17 (O)Oo, kaniyang inibig ang sumpa, at dumating sa kaniya;
At hindi siya nalulugod sa pagpapala, at malayo sa kaniya.
18 (P)Nagsusuot naman siya ng sumpa na parang kaniyang damit,
At nasok sa kaniyang mga loob na bahagi na parang tubig,
At parang langis sa kaniyang mga buto.
19 Sa kaniya'y maging gaya nawa ng balabal na ibinabalabal,
At gaya ng bigkis na ibinibigkis na lagi.
20 Ito ang kagantihan sa aking mga kaaway na mula sa Panginoon,
At sa kanilang nangagsasalita ng kasamaan laban sa aking kaluluwa.
21 Nguni't gumawa kang kasama ko, Oh Dios na Panginoon, (Q)alang-alang sa iyong pangalan:
(R)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti, iligtas mo ako,
22 Sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan,
At ang aking puso ay nasaktan sa loob ko.
23 Ako'y yumayaong (S)gaya ng lilim pagka kumikiling:
Ako'y itinataas at ibinababa ng hangin na parang balang.
24 Ang aking mga (T)tuhod ay mahina sa pagaayuno,
At ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan.
25 Ako nama'y naging (U)kadustaan sa kanila:
Pagka kanilang nakikita ako, kanilang (V)pinagagalawgalaw ang kanilang ulo.
26 (W)Tulungan mo ako, Oh Panginoon kong Dios;
Oh iligtas mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob:
27 Upang kanilang maalaman na ito'y iyong kamay;
Na ikaw, Panginoon, ang may gawa.
28 Sumumpa sila, nguni't magpapala ka:
Pagka sila'y nagsibangon, sila'y mangapapahiya,
Nguni't ang iyong lingkod ay (X)magagalak.
29 (Y)Manamit ng kasiraang puri ang mga kaaway ko,
At matakpan sila ng kanilang sariling kahihiyan na parang balabal.
30 Ako'y magpapasalamat ng marami ng aking bibig sa Panginoon;
Oo, aking pupurihin (Z)siya sa gitna ng karamihan.

Mga Awit 119:121-144

AIN.

121 Ako'y gumawa ng kahatulan at kaganapan:
Huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin.
122 (A)Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti:
Huwag mong ipapighati ako sa palalo.
123 Pinangangalumatahan (B)ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,
At ang iyong matuwid na salita.
124 Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob,
At ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
125 (C)Ako'y lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa;
Upang aking maalaman ang mga patotoo mo,
126 Kapanahunan sa Panginoon na gumawa;
Sapagka't kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo.
127 (D)Kaya't aking iniibig ang mga utos mo
Ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto.
128 Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay;
At ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad.

PE.

129 Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas;
Kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa.
130 (E)Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag;
(F)Nagbibigay ng unawa sa walang muwang.
131 Aking binuka ng maluwang ang bibig ko, at ako'y nagbuntong-hininga;
Sapagka't aking pinanabikan ang mga utos mo.
132 Manumbalik ka sa akin, at maawa ka sa akin,
Gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan.
133 (G)Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita;
At huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang (H)anomang kasamaan.
134 Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao:
Sa gayo'y aking tutuparin ang mga tuntunin mo.
135 (I)Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod;
At ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
136 Ang mga mata ko'y nagsisiagos ng mga (J)ilog ng tubig;
Sapagka't hindi nila tinutupad ang kautusan mo.

TZADDI.

137 (K)Matuwid ka, Oh Panginoon,
At matuwid ang mga kahatulan mo.
138 Iniutos mo ang (L)mga patotoo mo sa katuwiran
At totoong may pagtatapat.
139 Tinunaw ako ng (M)aking sikap,
Sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo.
140 Ang salita mo'y (N)totoong malinis;
Kaya't iniibig ito ng iyong lingkod.
141 Ako'y maliit at hinahamak:
Gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo.
142 Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran,
At ang kautusan mo'y (O)katotohanan.
143 Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin:
Gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan.
144 Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man:
(P)Bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako.

Mga Bilang 16:36-50

Ginawang laminang pinukpok ang mga suuban ng mga manghihimagsik.

36 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

37 Salitain mo kay (A)Eleazar na anak ni Aaron na saserdote, na kaniyang kunin ang mga suuban sa sunog, at magkalat ng apoy doon; sapagka't mga banal yaon;

38 Pati ng mga suuban ng mga (B)makasalanang ito laban sa kanilang sariling buhay, at gawin mo sa kanilang mga laminang pinukpok na pinaka pangtakip sa dambana: sapagka't kanilang inihandog sa harap ng Panginoon: kaya't mga banal: at (C)magiging isang tanda sa mga anak ni Israel.

39 At kinuha ni Eleazar na saserdote ang mga tansong suuban na inihandog ng mga nasunog; at kanilang pinukpok na ginawang pinaka pangtakip sa dambana:

40 Upang maging pinakaalaala sa mga anak ni Israel, (D)upang sinomang ibang tao na hindi sa mga anak ni Aaron ay huwag lumapit na magsunog ng kamangyan sa harap ng Panginoon; upang huwag magaya kay Core at sa kaniyang mga kasama: gaya ng sinalita ng Panginoon sa kaniya sa pamamagitan ni Moises.

Inpasala ng kapisanan si Moises at si Aaron; Ipinadala ang salot.

41 Datapuwa't sa kinabukasan ay inupasala ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel si Moises at si Aaron, na sinasabi, Inyong pinatay ang bayan ng Panginoon.

42 At nangyari, nang magpipisan ang kapisanan laban kay Moises at laban kay Aaron, na sila'y tumingin sa dako ng tabernakulo ng kapisanan; at, narito, tinakpan ng (E)ulap (F)at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw.

43 At si Moises at si Aaron ay naparoon sa tapat ng tabernakulo ng kapisanan.

44 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

45 (G)Lumayo kayo sa gitna ng kapisanang ito, upang aking lipulin sila sa isang sangdali. At sila'y nagpatirapa.

46 At sinabi ni Moises kay Aaron, Kunin mo ang iyong suuban, at lagyan mo ng apoy mula sa dambana at patungan ng kamangyan, at dalhin mong madali sa kapisanan, at itubos mo sa kanila: (H)sapagka't may galit na lumabas sa harap ng Panginoon; ang salot ay nagpapasimula na.

47 At kinuha ni Aaron gaya ng sinalita ni Moises, at siya'y tumakbo sa gitna ng kapulungan; at, narito, ang salot ay nagpasimula sa gitna ng bayan; at siya'y naglagay ng kamangyan at itinubos sa bayan.

48 At siya'y tumayo sa gitna ng mga patay at ng mga buhay; at ang salot ay (I)tumigil.

49 Ang nangamatay nga sa salot ay labing apat na libo at pitong daan, (J)bukod pa yaong nangamatay dahil kay Core.

50 At si Aaron ay nagbalik kay Moises sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: at ang salot ay tumigil.

Roma 4:13-25

13 Sapagka't hindi sa pamamagitan ng kautusan ginawa (A)ang pangako kay Abraham o sa kaniyang binhi na siyang magmamana ng sanglibutan, kundi sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya.

14 Sapagka't (B)kung silang nangasa kautusan ay siyang mga tagapagmana, ay walang kabuluhan ang pananampalataya, at nawawalang kabuluhan ang pangako:

15 Sapagka't (C)ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa't kung (D)saan walang kautusan ay wala ring pagsalangsang.

16 Dahil dito'y sa pananampalataya, upang maging ayon (E)sa biyaya; upang ang pangako ay lumagi sa lahat ng binhi; hindi lamang sa nasa kautusan, kundi pati naman sa nasa pananampalataya ni Abraham, (F)na ama nating lahat.

17 (Gaya ng nasusulat, (G)Ginawa kitang ama ng maraming bansa) sa harapan niyaong kaniyang pinanampalatayanan, sa makatuwid baga'y ang Dios, (H)na nagbibigay ng buhay sa mga patay, at tumatawag sa (I)mga bagay na hindi pa hayag na tila hayag na.

18 Siya na sumampalataya na nasa pagasa laban sa pagasa, upang maging ama ng maraming bansa ayon sa sabi, (J)Magiging gayon ang iyong binhi.

19 At hindi humina sa pananampalataya (K)na ipinalagay man ang kaniyang katawang tulad sa patay na (gayon siya'y may mga isang daang taon na), at ang pagkabaog ng bahay-bata ni Sara;

20 Kundi, sa pagtingin niya sa pangako ng Dios, ay hindi nagalinlangan sa pamamagitan ng di pananampalataya, kundi lumakas ng lumakas sa pamamagitan ng pananampalataya, na niluluwalhati ang Dios,

21 At lubos nanalig na ang Dios na nangako (L)ay may kapangyarihang makagawa noon.

22 Dahil dito'y ibinilang naman na katuwiran sa kaniya.

23 Ngayo'y (M)hindi lamang dahil sa kaniya isinulat, na sa kaniya'y ibinilang;

24 Kundi dahil din naman sa atin, na ibibilang sa ating mga nagsisisampalataya (N)sa kaniya na bumuhay na maguli sa mga patay, kay Jesus na ating Panginoon,

25 Na ibinigay (O)dahil sa ating mga kasuwayan, at binuhay na maguli sa (P)ikaaaring-ganap natin.

Mateo 20:1-16

20 (A)Sapagka't ang kaharian ng langit ay tulad sa isang tao na puno ng sangbahayan, na lumabas pagkaumagang-umaga, upang umupa ng manggagawa sa kaniyang ubasan.

At nang makipagkasundo na siya sa mga manggagawa sa isang denario sa bawa't araw, ay isinugo niya sila sa kaniyang ubasan.

At siya'y lumabas nang malapit na ang ikatlong oras, at nakita ang mga iba sa pamilihan na nangakatayong walang ginagawa;

At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon din naman kayo sa ubasan, at bibigyan ko kayo ng nasa katuwiran. At nagsiyaon ng kanilang lakad sa ubasan.

Lumabas siyang muli nang malapit na ang mga oras na ikaanim at ikasiyam, at gayon din ang ginawa.

At lumabas siya nang malapit na ang ikalabingisang oras at nakasumpong siya ng mga iba na nangakatayo; at sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangakatayo rito sa buong maghapon na walang ginagawa?

At sinabi nila sa kaniya, Sapagka't sinoma'y walang umupa sa amin. Sinabi niya sa kanila, Magsiparito din naman kayo sa ubasan.

At (B)nang dumating ang hapon, sinabi ng panginoon ng ubasan sa kaniyang katiwala, Tawagin mo ang mga manggagawa, at bayaran mo sila ng kaupahan sa kanila, na mula sa mga huli hanggang sa mga una.

At paglapit ng mga inupahan nang malapit na ang ikalabingisang oras ay tumanggap bawa't tao ng isang denario.

10 At nang magsilapit ang mga nauna, ang isip nila'y magsisitanggap sila ng higit; at sila'y nagsitanggap din bawa't tao ng isang denario.

11 At nang kanilang tanggapin ay nangagbulongbulong laban sa puno ng sangbahayan,

12 Na nangagsasabi, Isa lamang oras ang ginugol nitong mga huli, sila'y ipinantay mo sa amin, na aming binata ang hirap sa maghapon at ang init na nakasusunog.

13 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi sa isa sa kanila, Kaibigan, hindi kita iniiring: hindi baga nakipagkayari ka sa akin sa isang denario?

14 Kunin mo ang ganang iyo, at humayo ka sa iyong lakad; ibig kong bigyan itong huli, nang gaya rin sa iyo.

15 Hindi baga matuwid sa aking (C)gawin ang ibig ko sa aking pagaari? o (D)masama ang mata mo, sapagka't ako'y mabuti?

16 Kaya't (E)ang mga una'y mangahuhuli, at ang mga huli ay mangauuna.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978