Book of Common Prayer
Awit ni David.
101 Aking aawitin ang kagandahang-loob at kahatulan:
Sa iyo, Oh Panginoon, aawit ako ng mga pagpupuri.
2 Ako'y magpapakapantas sa sakdal na lakad:
Oh kailan ka pasasa akin?
Ako'y lalakad sa loob ng aking bahay na (A)may sakdal na puso.
3 Hindi ako maglalagay (B)ng hamak na bagay sa harap ng aking mga mata:
(C)Aking ipinagtanim ang gawa nilang lisya:
Hindi kakapit sa akin.
4 (D)Ang suwail na puso ay hihiwalay sa akin:
(E)Hindi ako makakaalam ng masamang bagay.
5 Ang sumisirang puri na lihim sa kaniyang kapuwa (F)ay aking ibubuwal:
Siya na may mapagmataas na tingin at may palalong puso ay hindi ko titiisin.
6 Ang mga mata ko'y itititig ko sa mga tapat sa lupain, upang sila'y makatahan na kasama ko:
Siya na lumalakad sa sakdal na daan, siya'y mangangasiwa sa akin.
7 Siyang gumagawa ng karayaan ay hindi tatahan sa loob ng aking bahay:
Siyang nagsasalita ng kabulaanan ay hindi matatatag sa harap ng aking mga mata.
8 Tuwing umaga ay aking lilipulin ang lahat na masama sa lupain;
Upang ihiwalay ang lahat na manggagawa ng kasamaan (G)sa bayan ng Panginoon.
Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
109 Huwag kang mapayapa, (A)Oh Dios na aking kapurihan;
2 Sapagka't ang bibig ng masama at ang bibig ng magdaraya ay ibinuka nila laban sa akin:
Sila'y nangagsalita sa akin na may sinungaling na dila.
3 Kanilang kinulong ako sa palibot ng mga salitang pagtatanim,
At nagsilaban sa akin (B)ng walang kadahilanan.
4 Sa kabayaran ng aking pagibig ay mga kaaway ko sila:
Nguni't ako'y tumatalaga sa dalangin.
5 At iginanti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti,
At pagtatanim sa pagibig ko.
6 (C)Lagyan mo ng masamang tao siya:
At tumayo nawa ang isang (D)kaaway sa kaniyang kanan.
7 (E)Pagka siya'y nahatulan, lumabas nawa siyang salarin;
At maging kasalanan nawa ang (F)kaniyang dalangin.
8 (G)Maging kaunti nawa ang kaniyang mga kaarawan;
At kunin nawa ng iba ang kaniyang katungkulan.
9 (H)Maulila nawa ang kaniyang mga anak,
At mabao ang kaniyang asawa.
10 (I)Magsilaboy nawa ang kaniyang mga anak, at mangagpalimos;
At hanapin nila ang kanilang pagkain sa kanilang mga dakong guho.
11 Kunin nawa ng manglulupig ang lahat niyang tinatangkilik;
At samsamin ng mga (J)taga ibang lupa ang kaniyang mga gawa.
12 Mawalan nawa ng maawa sa kaniya;
At mawalan din ng maawa sa kaniyang mga anak na ulila.
13 Mahiwalay nawa ang (K)kaniyang kaapuapuhan;
Sa lahing darating ay mapawi ang kaniyang pangalan.
14 (L)Maalaala nawa ng Panginoon ang kasamaan ng kaniyang mga magulang;
At huwag mapawi ang kasalanan ng kaniyang ina,
15 Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon,
Upang ihiwalay (M)niya ang alaala sa kanila sa lupa.
16 Sapagka't hindi niya naalaalang magpakita ng kaawaan,
Kundi hinabol ang (N)dukha at mapagkailangan,
At ang may bagbag na puso, upang patayin.
17 (O)Oo, kaniyang inibig ang sumpa, at dumating sa kaniya;
At hindi siya nalulugod sa pagpapala, at malayo sa kaniya.
18 (P)Nagsusuot naman siya ng sumpa na parang kaniyang damit,
At nasok sa kaniyang mga loob na bahagi na parang tubig,
At parang langis sa kaniyang mga buto.
19 Sa kaniya'y maging gaya nawa ng balabal na ibinabalabal,
At gaya ng bigkis na ibinibigkis na lagi.
20 Ito ang kagantihan sa aking mga kaaway na mula sa Panginoon,
At sa kanilang nangagsasalita ng kasamaan laban sa aking kaluluwa.
21 Nguni't gumawa kang kasama ko, Oh Dios na Panginoon, (Q)alang-alang sa iyong pangalan:
(R)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti, iligtas mo ako,
22 Sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan,
At ang aking puso ay nasaktan sa loob ko.
23 Ako'y yumayaong (S)gaya ng lilim pagka kumikiling:
Ako'y itinataas at ibinababa ng hangin na parang balang.
24 Ang aking mga (T)tuhod ay mahina sa pagaayuno,
At ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan.
25 Ako nama'y naging (U)kadustaan sa kanila:
Pagka kanilang nakikita ako, kanilang (V)pinagagalawgalaw ang kanilang ulo.
26 (W)Tulungan mo ako, Oh Panginoon kong Dios;
Oh iligtas mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob:
27 Upang kanilang maalaman na ito'y iyong kamay;
Na ikaw, Panginoon, ang may gawa.
28 Sumumpa sila, nguni't magpapala ka:
Pagka sila'y nagsibangon, sila'y mangapapahiya,
Nguni't ang iyong lingkod ay (X)magagalak.
29 (Y)Manamit ng kasiraang puri ang mga kaaway ko,
At matakpan sila ng kanilang sariling kahihiyan na parang balabal.
30 Ako'y magpapasalamat ng marami ng aking bibig sa Panginoon;
Oo, aking pupurihin (Z)siya sa gitna ng karamihan.
AIN.
121 Ako'y gumawa ng kahatulan at kaganapan:
Huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin.
122 (A)Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti:
Huwag mong ipapighati ako sa palalo.
123 Pinangangalumatahan (B)ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,
At ang iyong matuwid na salita.
124 Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob,
At ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
125 (C)Ako'y lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa;
Upang aking maalaman ang mga patotoo mo,
126 Kapanahunan sa Panginoon na gumawa;
Sapagka't kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo.
127 (D)Kaya't aking iniibig ang mga utos mo
Ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto.
128 Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay;
At ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad.
PE.
129 Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas;
Kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa.
130 (E)Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag;
(F)Nagbibigay ng unawa sa walang muwang.
131 Aking binuka ng maluwang ang bibig ko, at ako'y nagbuntong-hininga;
Sapagka't aking pinanabikan ang mga utos mo.
132 Manumbalik ka sa akin, at maawa ka sa akin,
Gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan.
133 (G)Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita;
At huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang (H)anomang kasamaan.
134 Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao:
Sa gayo'y aking tutuparin ang mga tuntunin mo.
135 (I)Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod;
At ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
136 Ang mga mata ko'y nagsisiagos ng mga (J)ilog ng tubig;
Sapagka't hindi nila tinutupad ang kautusan mo.
TZADDI.
137 (K)Matuwid ka, Oh Panginoon,
At matuwid ang mga kahatulan mo.
138 Iniutos mo ang (L)mga patotoo mo sa katuwiran
At totoong may pagtatapat.
139 Tinunaw ako ng (M)aking sikap,
Sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo.
140 Ang salita mo'y (N)totoong malinis;
Kaya't iniibig ito ng iyong lingkod.
141 Ako'y maliit at hinahamak:
Gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo.
142 Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran,
At ang kautusan mo'y (O)katotohanan.
143 Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin:
Gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan.
144 Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man:
(P)Bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako.
25 At inabutan ni Laban si Jacob, At naitirik na ni Jacob ang kaniyang tolda sa bundok; at si Laban sangpu ng kaniyang mga kapatid ay nagtirik din sa bundok ng Gilead.
26 At sinabi ni Laban kay Jacob, Anong ginawa mo na tumanan ka ng di ko nalalaman, at dinala mo ang aking mga anak na parang mangabihag sa tabak?
27 Bakit ka tumakas ng lihim, at tumanan ka sa akin; at hindi mo ipinaalam sa akin, upang ikaw ay napagpaalam kong may sayahan at may awitan, may tambol at may alpa;
28 At hindi mo man lamang ipinahintulot sa aking (A)humalik sa aking mga anak na lalake at babae? Ngayon nga'y gumawa ka ng kamangmangan.
29 (B)Nasa kapangyarihan ng aking kamay ang gawan ko kayo ng masama: (C)nguni't ang Dios ng inyong ama ay kinausap ako kagabi, na sinasabi, Ingatan mong huwag kang magsalita kay Jacob ng mabuti o masama man.
30 At ngayon, bagaman iyong inibig yumaon, sapagka't pinagmimithian mong datnin ang bahay ng iyong ama ay (D)bakit mo ninakaw ang aking mga dios?
31 At sumagot si Jacob, at sinabi kay Laban, Sapagka't ako'y natakot: sapagka't sinabi kong baka mo alising sapilitan sa akin ang iyong mga anak.
32 Kaya kung kanino mo masumpungan ang iyong mga dios, ay (E)huwag mabuhay: sa harap ng ating mga kapatid ay iyong kilalanin kung anong mayroon akong iyo, at dalhin mo sa iyo. Sapagka't hindi nalalaman ni Jacob na si Raquel ang nagnakaw.
33 At pumasok si Laban sa tolda ni Jacob, at sa tolda ni Lea, at sa tolda ng dalawang alilang babae, datapuwa't hindi niya nasumpungan; at lumabas sa tolda ni Lea, at pumasok sa tolda ni Raquel.
34 Nakuha nga ni Raquel ang mga larawan, at naisiksik sa mga daladalahan ng kamello at kaniyang inupuan. At inapuhap ni Laban ang buong palibot ng tolda, nguni't hindi niya nasumpungan.
35 At sinabi niya sa kaniyang ama, Huwag magalit ang aking panginoon na ako'y hindi (F)makatindig sa harap mo; sapagka't ako'y mayroon ng kaugalian ng mga babae. At kaniyang hinanap, datapuwa't hindi masumpungan ang mga larawan.
Ang galit na sagot ni Jacob.
36 At naginit si Jacob at nakipagtalo kay Laban, at sumagot si Jacob, at sinabi kay Laban, Ano ang aking sinalangsang at ang aking kasalanan, upang ako'y habulin mong may pagiinit?
37 Yamang inapuhap mo ang lahat ng aking kasangkapan, anong nasumpungan mong kasangkapan, ng iyong bahay? Ilagay mo rito sa harap ng aking mga kapatid at ng iyong mga kapatid, upang hatulan nila tayong dalawa.
38 Ako'y natira sa iyo nitong dalawang pung taon: ang iyong mga babaing tupa, at ang iyong mga babaing kambing ay hindi nawalan ng kanilang mga anak, at ang mga tupang lalake ng iyong kawan ay hindi ko kinain.
39 (G)Ang nilapa ng mga ganid ay hindi ko dinala sa iyo; ako ang nagbata ng kawalan; sa aking kamay mo hiningi, maging nanakaw sa araw, o nanakaw sa gabi.
40 Ganito nakaraan ako; sa araw ay pinupugnaw ako ng init, at ng lamig sa gabi; at ang pagaantok ay tumatakas sa aking mga mata.
41 Nitong dalawang pung taon ay natira ako sa iyong bahay; pinaglingkuran kitang (H)labing apat na taon dahil sa iyong dalawang anak, at anim na taon dahil sa iyong kawan: at (I)binago mo ang aking kaupahan na makasangpu.
42 (J)Kung hindi sumaakin ang Dios ng aking ama, ang Dios ni Abraham, (K)at ang Katakutan ni Isaac, ay walang pagsalang palalayasin mo ako ngayong walang dala. (L)Nakita ng Dios ang aking kapighatian, ang kapaguran ng aking mga kamay, (M)at sinaway ka niya kagabi.
Tipan sa Galaad.
43 At sumagot si Laban at sinabi kay Jacob, Ang mga anak na babaing ito, ay aking mga anak at itong mga anak ay mga anak ko, at ang mga kawan ay mga kawan ko, at ang lahat ng iyong nakikita ay akin: at anong magagawa ko ngayon sa mga anak kong babae, o sa kanilang mga anak na ipinanganak nila?
44 At ngayo'y halika, (N)gumawa tayo ng isang tipan, ako't ikaw na (O)maging patotoo sa akin at sa iyo.
45 At (P)kumuha si Jacob ng isang bato, at itinindig na pinakaalaala.
46 At sinabi ni Jacob sa kaniyang mga kapatid, Manguha kayo ng mga bato; at kumuha sila ng mga bato at kanilang ginawang isang bunton: at sila'y nagkainan doon sa malapit sa bunton.
47 At pinanganlan ni Laban na Jegarsahadutha, datapuwa't pinanganlan ni Jacob na Galaad.
48 At sinabi ni Laban, Ang (Q)buntong ito ay saksi sa akin at sa iyo ngayon. Kaya't ang pangalan niya'y tinawag na Galaad;
49 At (R)Mizpa sapagka't kaniyang sinabi, Bantayan ng Panginoon ako at ikaw, pag nagkakahiwalay tayo.
50 Kung pahirapan mo ang aking mga anak, o kung magasawa ka sa iba bukod sa aking mga anak, ay wala tayong ibang kasama; tingnan mo, ang (S)Dios ay saksi sa akin at sa iyo.
12 Kayo'y sinusulatan ko, mumunti kong mga anak, sapagka't ipinatawad sa inyo ang (A)inyong mga kasalanan dahil sa kaniyang pangalan.
13 Kayo'y sinusulatan ko, mga ama, sapagka't inyong nakikilala yaong buhat pa nang pasimula (B)ay siya na. Kayo'y sinusulatan ko, mga binata, sapagka't inyong dinaig (C)ang masama. Kayo'y aking sinulatan, mumunting mga anak, sapagka't inyong nakikilala ang Ama.
14 Kayo'y aking sinulatan, mga ama, sapagka't inyong nakikilala yaong buhat pa nang pasimula ay siya na. Kayo'y aking sinulatan, mga binata, sapagka't kayo'y malalakas, at ang salita ng Dios ay nananahan sa inyo, at inyong dinaig ang masama.
15 Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, (D)ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. (E)Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama.
16 Sapagka't ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at (F)ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan.
17 At (G)ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon; datapuwa't ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man.
10 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang pumapasok sa hindi pintuan ng kulungan ng mga tupa kundi umaakyat sa ibang daan, ang gayon ay tulisan at magnanakaw.
2 Datapuwa't ang pumapasok sa pintuan ay siyang pastor ng mga tupa.
3 Binubuksan siya ng bantay-pinto; at dinirinig ng mga tupa ang kaniyang tinig: at tinatawag ang kaniyang sariling mga tupa sa pangalan, at sila'y inihahatid sa labas.
4 Pagka nailabas na niya ang lahat ng sariling kaniya, ay pinangungunahan niya sila, at nagsisisunod sa kaniya ang mga tupa: sapagka't nakikilala nila ang kaniyang tinig.
5 At sa iba'y hindi sila magsisisunod, kundi magsisitakas sa kaniya: sapagka't hindi nila nakikilala ang tinig ng mga iba.
6 Sinalita ni Jesus sa kanila ang talinghagang ito: (A)datapuwa't hindi nila napagunawa kung anong mga bagay ang sa kanila'y sinasalita.
7 Muli ngang sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako ang pintuan ng mga tupa.
8 Ang lahat ng nangauna sa aking nagsiparito ay mga magnanakaw at mga tulisan: datapuwa't hindi sila dininig ng mga tupa.
9 Ako (B)ang pintuan; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya'y maliligtas, at papasok at lalabas, at (C)makasusumpong ng pastulan.
10 Hindi pumaparito ang magnanakaw, kundi upang magnakaw, at pumatay, at pumuksa: ako'y naparito upang sila'y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito.
11 Ako ang mabuting pastor: (D)ibinibigay ng mabuting pastor ang kaniyang buhay dahil sa mga tupa.
12 Ang nagpapaupa, at hindi ang pastor, na hindi may-ari ng mga tupa, ay nakikitang dumarating ang lobo, at (E)pinababayaan ang mga tupa, at tumatakas, at inaagaw sila ng lobo, at pinapangangalat:
13 Siya'y tumatakas sapagka't siya'y upahan, at hindi ipinagmamalasakit ang mga tupa.
14 Ako ang mabuting pastor; at (F)nakikilala ko ang sariling akin, at ang sariling akin ay nakikilala ako,
15 Gaya ng pagkakilala (G)sa akin ng Ama, at ng sa Ama ay pagkakilala ko; (H)at ibinibigay ko ang aking buhay dahil sa mga tupa.
16 At mayroon akong (I)ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: (J)sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor.
17 (K)Dahil dito'y sinisinta ako ng Ama, (L)sapagka't ibinibigay ko ang aking buhay, upang kunin kong muli.
18 Sinoma'y hindi nagaalis sa akin nito, kundi kusa kong ibinibigay. May kapangyarihan akong magbigay nito, at (M)may kapangyarihan akong kumuhang muli. Tinanggap ko ang utos na (N)ito sa aking Ama.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978