Book of Common Prayer
COPH.
145 Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon:
Iingatan ko ang iyong mga palatuntunan.
146 Ako'y tumawag sa iyo; iligtas mo ako,
At aking tutuparin ang mga patotoo mo.
147 (A)Ako'y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga, at dumaing ako:
Ako'y umasa sa iyong mga salita.
148 (B)Ang mga mata ko'y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi,
Upang aking magunita ang salita mo.
149 Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob:
(C)Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong mga kahatulan.
150 Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit;
Sila'y malayo sa iyong kautusan.
151 (D)Ikaw ay malapit, Oh Panginoon; At (E)lahat mong utos ay katotohanan.
152 Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo,
Na iyong (F)pinamalagi magpakailan man.
RESH.
153 (G)Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako;
Sapagka't hindi ko kinalilimutan (H)ang iyong kautusan.
154 (I)Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako:
Buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
155 Kaligtasan ay (J)malayo sa masama;
Sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo.
156 Dakila ang mga malumanay mong kaawaan, Oh Panginoon:
(K)Buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan.
157 Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko;
Gayon ma'y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo.
158 Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at (L)ako'y namanglaw;
Sapagka't hindi nila sinusunod ang salita mo.
159 Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo:
Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong kagandahang-loob.
160 Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan;
At bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man.
SIN.
161 Inusig ako (M)ng mga pangulo ng walang kadahilanan;
Nguni't ang puso ko'y nanginginig sa iyong mga salita.
162 Ako'y nagagalak sa iyong salita,
(N)Na parang nakakasumpong ng malaking samsam.
163 Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling;
Nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig.
164 Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo,
Dahil sa iyong matutuwid na kahatulan.
165 (O)Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan.
At sila'y walang kadahilanang ikatitisod.
166 Ako'y umasa sa (P)iyong pagliligtas, Oh Panginoon.
At ginawa ko ang mga utos mo.
167 Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo;
At iniibig kong mainam,
168 Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo;
(Q)Sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo.
TAU.
169 Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon:
Bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita.
170 Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik:
Iligtas mo ako ayon sa iyong salita.
171 Tulutang magbadya ng pagpuri ang (R)aking mga labi;
Sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
172 Awitin ng aking dila ang iyong salita;
Sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran.
173 Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako;
Sapagka't aking pinili ang (S)iyong mga tuntunin.
174 Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon:
At ang (T)iyong kautusan ay aking kaaliwan.
175 Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo;
At tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan.
176 (U)Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod;
Sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.
Ang kapalaran ng katakutan sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
128 Mapalad ang (A)bawa't isa na natatakot sa Panginoon,
Na lumalakad sa kaniyang mga daan.
2 (B)Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay:
Magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo.
3 Ang asawa mo'y magiging (C)parang mabungang puno ng ubas,
Sa mga pinaka-loob ng iyong bahay:
Ang mga anak mo'y (D)parang mga puno ng olibo, Sa palibot ng iyong dulang.
4 Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao,
Na natatakot sa Panginoon.
5 (E)Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion:
At iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay.
6 Oo, iyong (F)makikita ang mga (G)anak ng iyong mga anak.
Kapayapaan nawa'y suma Israel.
Panalangin upang malupig ang kaaway ng Sion. Awit sa mga Pagsampa.
129 Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa (H)aking kabataan,
(I)Sabihin ngayon ng Israel,
2 Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan:
(J)Gayon ma'y hindi sila nanganaig laban sa akin.
3 Ang mga mangaararo ay nagsiararo (K)sa aking likod;
Kanilang pinahaba ang kanilang bungkal.
4 Ang Panginoon ay matuwid:
Kaniyang pinutol ang mga (L)panali ng masama.
5 Mapahiya sila at magsitalikod,
Silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion.
6 Sila'y maging (M)parang damo sa mga bubungan,
Na natutuyo bago lumaki:
7 Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon,
Ni siyang nagtatali man ng mga bigkis, ang kaniyang sinapupunan.
8 Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan,
(N)Ang pagpapala ng Panginoon, ay sumainyo nawa;
Binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon.
Pagasa sa pagpapatawad ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
130 Mula sa (O)mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.
2 Panginoon, dinggin mo ang aking tinig:
Pakinggan ng iyong mga pakinig
Ang tinig ng aking mga pamanhik.
3 Kung ikaw, Panginoon, (P)magtatanda ng mga kasamaan,
Oh Panginoon, sinong (Q)tatayo?
4 Nguni't may (R)kapatawarang taglay ka,
(S)Upang ikaw ay katakutan.
5 (T)Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa,
At (U)sa kaniyang salita ay umaasa ako.
6 Hinihintay ng (V)aking kaluluwa ang Panginoon,
Ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga;
Oo, higit kay sa bantay sa umaga.
7 Oh Israel, (W)umasa ka sa Panginoon;
Sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob.
8 (X)At kaniyang tutubusin ang Israel
Sa lahat niyang kasamaan.
Babala laban sa pagmamataas, katamaran, kalikutan, at pakikiapid.
6 Anak ko, (A)kung ikaw ay naging mananagot sa iyong kapuwa,
Kung iyong ikinamay ang iyong kamay sa di kilala,
2 Ikaw ay nasilo ng mga salita ng iyong bibig,
Ikaw ay nahuli ng mga salita ng iyong bibig.
3 Gawin mo ito ngayon, anak ko, at lumigtas ka,
Yamang ikaw ay nahulog sa kamay ng iyong kapuwa:
Yumaon ka, magpakababa ka, at mangayupapa ka sa iyong kapuwa.
4 (B)Huwag mong bigyan ng tulog ang iyong mga mata.
O magpaidlip man sa iyong mga talukap-mata.
5 Lumigtas ka na parang usa sa kamay ng mangangaso,
At (C)parang ibon sa kamay ng mamimitag.
6 (D)Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad;
Masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka:
7 Na bagaman walang pangulo,
Tagapamahala, o pinuno,
8 (E)Naghahanda ng kaniyang pagkain sa taginit,
At pinipisan ang kaniyang pagkain sa pagaani.
9 Hanggang kailan matutulog ka, Oh (F)tamad?
Kailan ka babangon sa iyong pagkakatulog?
10 Kaunti pang pagkakatulog, kaunti pang pagkaidlip,
Kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:
11 Sa gayo'y ang iyong karalitaan ay (G)darating na parang magnanakaw,
At ang iyong kasalatan na parang lalaking may sandata.
12 Taong walang kabuluhan, taong masama,
Ay siya na lumalakad na may masamang bibig;
13 (H)Na kumikindat ng kaniyang mga mata, na nagsasalita ng kaniyang mga paa,
Na nagsasalita ng kaniyang mga daliri;
14 Pagdaraya ay nasa kaniyang puso, (I)siya'y laging kumakatha ng kasamaan;
Siya'y naghahasik ng pagtatalo.
15 Kaya't darating na bigla ang kaniyang kasakunaan;
Sa kabiglaanan (J)ay mababasag siya, at (K)walang kagamutan.
16 May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon;
Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya:
17 (L)Mga palalong mata, (M)sinungaling na dila,
(N)At mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo;
18 (O)Puso na kumakatha ng mga masamang akala,
(P)Mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan;
19 (Q)Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan,
At ang (R)naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.
5 Ang sinomang nananampalataya na (A)si Jesus ay siyang Cristo (B)ay ipinanganak ng Dios: at (C)ang bawa't umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon.
2 Dito'y ating nakikilala na tayo'y nagsisiibig sa mga anak ng Dios, pagka tayo'y nagsisiibig sa Dios at tinutupad natin ang kaniyang mga utos.
3 Sapagka't (D)ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: (E)at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.
4 Sapagka't ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan: (F)at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya.
5 At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang (G)si Jesus ay anak ng Dios?
6 Ito yaong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, sa makatuwid ay si Jesucristo; (H)hindi sa tubig lamang, kundi sa tubig at sa dugo.
7 At ang Espiritu ang nagpapatotoo, (I)sapagka't ang Espiritu ay katotohanan.
8 Sapagka't may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo: at ang tatlo ay nagkakaisa.
9 (J)Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, ay lalong dakila ang patotoo ng Dios, sapagka't ito ang patotoo ng Dios: (K)sapagka't ito papatotoo tungkol sa kaniyang Anak.
10 Ang nananampalataya sa Anak ng Dios ay (L)may patotoo sa kaniya: ang hindi nananampalataya sa Dios (M)ay ginagawang isang sinungaling ang Dios: sapagka't hindi sumampalataya sa patotoo na ibinigay ng Dios tungkol sa kaniyang Anak.
11 At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Dios ng (N)buhay na walang hanggan, (O)at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak.
12 (P)Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Dios ay hindi kinaroroonan ng buhay.
45 Marami nga sa mga Judio ang nagsiparoon kay Maria (A)at nangakakita ng ginawa niya, ay nagsisampalataya sa kaniya.
46 Datapuwa't ang ilan sa kanila ay nagsiparoon sa (B)mga Fariseo, at sinaysay sa kanila ang mga bagay na ginawa ni Jesus.
47 Ang mga pangulong saserdote nga (C)at ang mga Fariseo ay nangagpulong, at nagsipagsabi, Ano ang ginagawa natin? sapagka't ang taong ito'y gumagawa ng maraming tanda.
48 Kung siya'y ating pabayaang gayon, ang lahat ng mga tao ay magsisisampalataya sa kaniya: at magsisiparito ang mga Romano at pagkukunin ang ating kinaroroonan at gayon din naman ang ating bansa.
49 Nguni't ang isa sa kanila na (D)si Caifas, na dakilang saserdote nang taong (E)yaon, ay nagsabi sa kanila, Kayo'y walang nalalamang anoman.
50 Ni inyong niwawari na sa inyo'y nararapat na ang isang tao ay mamatay dahil sa bayan, at hindi ang buong bansa ay mapahamak.
51 Ito nga'y sinabi niya na hindi sa kaniyang sarili: kundi palibhasa ay dakilang saserdote nang taong yaon, ay hinulaan niya na si Jesus ay dapat mamatay dahil sa bansa;
52 At (F)hindi dahil sa bansa lamang, (G)kundi upang matipon din naman niya sa isa ang mga anak ng Dios na nagsisipangalat.
53 Kaya't mula nang araw na yaon ay pinagsanggunianan nilang ipapatay siya.
54 Si Jesus ay hindi (H)na naglalakad ng hayag sa gitna ng mga Judio, kundi naparoon doon sa lupaing malapit sa ilang, sa isang bayan na tinatawag na Efraim; at siya'y nanahanan doong kasama ng mga alagad.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978