Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 131-135

Wagas na pagtitiwala sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

131 Panginoon, hindi hambog ang (A)aking puso, ni mayabang man ang aking mga mata;
(B)Ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay,
O sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin.
Tunay na aking itiniwasay at itinahimik ang aking kaluluwa;
(C)Parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina,
Ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay na bata sa suso.
(D)Oh Israel, umasa ka sa Panginoon
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

Panalangin upang basbasan ng Panginoon ang Santuario. Awit sa mga Pagsampa.

132 Panginoon, alalahanin mo para kay David
Ang lahat niyang kadalamhatian;
Kung paanong (E)sumumpa siya sa Panginoon,
At nanata sa (F)Makapangyarihan ni Jacob:
Tunay na hindi ako papasok sa tabernakulo ng aking bahay,
Ni sasampa man sa aking higaan,
(G)Hindi ako magbibigay ng pagkakatulog sa aking mga mata,
O magpapaidlip man sa aking mga talukap-mata;
(H)Hanggang sa ako'y makasumpong ng dakong ukol sa Panginoon,
Ng tabernakulo ukol sa Makapangyarihan ni Jacob.
Narito, (I)narinig namin (J)sa Ephrata:
Aming nasumpungan sa mga parang ng gubat.
Kami ay magsisipasok sa kaniyang tabernakulo;
Kami ay magsisisamba sa harap ng kaniyang tungtungan.
(K)Bumangon ka, Oh Panginoon, sa iyong pahingahang dako:
Ikaw, at ang kaban ng iyong kalakasan.
(L)Magsipagsuot ang iyong mga saserdote ng katuwiran;
At magsihiyaw ang iyong mga banal dahil sa kagalakan.
10 Dahil sa iyong lingkod na kay David
Huwag mong ipihit ang mukha ng (M)iyong pinahiran ng langis.
11 Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan;
Hindi niya babaligtarin:
(N)Ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan.
12 Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan.
At ang aking patotoo na aking ituturo,
Magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong luklukan magpakailan man.
13 Sapagka't pinili ng Panginoon ang Sion;
Kaniyang ninasa na pinaka tahanan niya.
14 Ito'y aking pahingahang dako magpakailan man.
Dito ako (O)tatahan; sapagka't aking ninasa.
15 Aking pagpapalain siyang sagana sa pagkain;
Aking bubusugin ng pagkain ang kaniyang dukha.
16 (P)Ang kaniya namang mga saserdote ay susuutan ko ng kaligtasan:
At ang kaniyang mga banal ay magsisihiyaw ng malakas sa kagalakan.
17 (Q)Doo'y aking pamumukuhin ang sungay ni David:
Aking ipinaghanda ng ilawan ang aking (R)pinahiran ng langis.
18 Ang kaniyang mga kaaway ay susuutan ko ng kahihiyan:
Nguni't sa kaniya'y mamumulaklak ang kaniyang putong.

Ang kabutihan ng pagkakaisang parang magkakapatid. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

133 Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya
Sa mga magkakapatid na (S)magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!
Parang (T)mahalagang langis (U)sa ulo,
Na tumutulo sa balbas,
Sa makatuwid baga'y sa balbas ni Aaron.
Na tumulo sa laylayan ng kaniyang mga suot;
Gaya ng hamog sa (V)Hermon,
Na tumutulo sa mga (W)bundok ng Sion:
Sapagka't (X)doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala,
Sa makatuwid baga'y ang buhay na magpakailan pa man.

Pagbabatian ng mga bantay sa gabi. Awit sa mga Pagsampa.

134 Narito, purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na lingkod ng Panginoon.
(Y)Ninyong (Z)nagsisitayo sa kinagabihan sa bahay ng Panginoon.
(AA)Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong santuario,
At purihin ninyo ang Panginoon.
(AB)Pagpalain ka nawa ng Panginoon mula sa Sion;
Sa makatuwid baga'y niyaong gumawa ng langit at lupa.

Pagpuri sa mga kahangahangang gawa ng Panginoon sa Israel.

135 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon;
(AC)Purihin ninyo siya, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon:
Ninyong nagsisitayo sa bahay ng Panginoon.
Sa (AD)mga looban ng bahay ng ating Dios.
Purihin ninyo ang Panginoon; sapagka't ang Panginoon ay mabuti:
Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniyang pangalan; (AE)sapagka't maligaya.
Sapagka't pinili ng (AF)Panginoon para sa kaniya si Jacob,
At ang Israel na kaniyang pinakatanging (AG)kayamanan.
Sapagka't nalalaman ko (AH)na ang Panginoon ay dakila,
At ang ating Panginoon ay higit sa lahat na dios.
Anomang kinalugdan ng Panginoon, ay kaniyang ginawa,
Sa langit at sa lupa, sa mga dagat, at sa lahat ng mga kalaliman.
Kaniyang pinailanglang ang mga singaw na mula sa mga wakas ng lupa;
Kaniyang ginagawa ang mga kidlat na ukol sa ulan;
Kaniyang inilalabas ang hangin (AI)mula sa kaniyang mga ingatang-yaman.
Na siyang sumakit sa mga panganay sa Egipto,
Sa tao at gayon din sa hayop.
(AJ)Siya'y nagsugo ng mga tanda at mga kababalaghan sa gitna mo, Oh Egipto,
Kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod.
10 (AK)Na siyang sumakit sa maraming bansa,
At pumatay sa mga makapangyarihang hari;
11 Kay (AL)Sehon na hari ng mga Amorrheo,
At kay Og na hari sa Basan,
At (AM)sa lahat ng mga kaharian ng Canaan:
12 At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana,
Isang pinakamana sa Israel sa kaniyang bayan.
13 Ang iyong pangalan, (AN)Oh Panginoon, ay magpakailan man;
Ang alaala sa iyo, Oh Panginoon, ay sa lahat ng sali't saling lahi.
14 Sapagka't hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan,
At (AO)magsisisi tungkol sa kaniyang mga lingkod.
15 (AP)Ang mga diosdiosan ng mga bansa ay pilak at ginto,
Na gawa ng mga kamay ng mga tao.
16 Sila'y may mga bibig, nguni't hindi sila nangagsasalita;
Mga mata ay mayroon sila, ngunit hindi sila nangakakakita;
17 Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig;
At wala mang anomang hinga sa kanilang mga bibig.
18 Silang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila;
Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
19 (AQ)Oh sangbahayan ni Israel, purihin ninyo ang Panginoon:
Oh sangbahayan ni Aaron, purihin ninyo ang Panginoon:
20 Oh sangbahayan ni Levi, purihin ninyo ang Panginoon:
Ninyong nangatatakot sa Panginoon, purihin ninyo ang Panginoon.
21 Purihin ang Panginoon mula sa Sion,
(AR)Na siyang tumatahan sa Jerusalem.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Mga Kawikaan 7

Ang kamangmangan ng pakikitungo sa nais ng masamang babae.

(A)Anak ko ingatan mo ang aking mga salita,
At impukin mo sa iyo ang aking mga utos.
(B)Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka;
At ang aking kautusan na parang (C)itim ng iyong mata.
(D)Itali mo sa iyong mga daliri;
Ikintal mo sa iyong puso.
Sabihin mo sa karunungan, Ikaw ay (E)aking kapatid na babae;
At tawagin mong iyong kamaganak na babae ang unawa:
(F)Upang kanilang maingatan ka sa babaing masama;
Sa babaing di kilala na nagtatabil ng kaniyang mga salita.
Sapagka't sa dungawan ng aking bahay
Tumitingin ako sa aking solihia;
At ako'y tumingin sa mga musmos,
Ako'y nagmasid sa mga may kabataan,
Sa may kabataang (G)walang bait,
Na dumaraan sa lansangan na malapit sa kaniyang sulok,
At siya'y yumaon sa daan na patungo sa kaniyang bahay;
[a]Sa pagtatakip silim, sa kinagabihan ng araw,
Sa kalahatian ng gabi, at sa kadiliman.
10 At, narito, doo'y nasalubong niya ang isang babae
Na nakagayak ng tila isang patutot, at tuso sa puso.
11 (H)Siya'y madaldal at matigas ang ulo;
(I)Ang kaniyang mga paa ay hindi nagsisitahan sa kaniyang bahay:
12 Ngayo'y nasa mga lansangan siya, mamaya'y nasa mga luwal na dako siya,
At nagaabang sa bawa't sulok,
13 Sa gayo'y hinahawakan niya siya at hinahagkan siya,
At may mukhang walang hiya na nagsasabi siya sa kaniya:
14 Mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay sa akin;
Sa araw na ito ay tinupad ko ang aking mga panata.
15 Kaya't lumabas ako upang salubungin ka,
Hinanap kong masikap ang iyong mukha, at nasumpungan kita.
16 Aking inilatag ang aking higaan na may mga coltsong may burda,
Na yari sa (J)guhitguhit na kayong lana sa Egipto.
17 At aking pinabanguhan ang aking higaan
Ng mira, mga oleo, at sinamomo.
18 Parito ka, tayo'y magpakasiya sa pagsisintahan hanggang sa kinaumagahan;
Magpakasaya tayo sa mga pagsisintahan.
19 Sapagka't ang lalake ay wala sa bahay,
Siya'y naglakbay sa malayo
20 Siya'y nagdala ng supot ng salapi;
Siya'y uuwi sa bahay sa kabilugan ng buwan.
21 Kaniyang pinasusuko siya ng karamihan (K)ng kaniyang mga matamis na salita,
Hinihila niya siya (L)ng katabilan ng kaniyang mga labi.
22 Pagdaka ay sumusunod siya sa kaniya,
Gaya ng toro na naparoroon sa patayan,
O gaya ng sa mga tanikala sa sawayan sa mangmang;
23 Hanggang sa lagpasan ng isang palaso ang kaniyang atay;
Gaya (M)ng ibong nagmamadali sa bitag,
At hindi nakakaalam na yao'y sa kaniyang buhay.
24 Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako,
At makinig kayo ng mga salita ng aking bibig.
25 Huwag humilig ang iyong puso sa kaniyang mga lakad,
Huwag kang lumiko sa kaniyang mga landas.
26 Sapagka't kaniyang inihiga ang maraming may sugat:
Oo, lahat niyang pinatay ay (N)isang makapangyarihang hukbo.
27 Ang kaniyang bahay ay (O)daang patungo sa Sheol.
Pababa sa mga (P)silid ng kamatayan.

1 Juan 5:13-21

13 (A)Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios.

14 At ito ang nasa ating (B)pagkakatiwala sa kaniya, na kung tayo'y humingi ng anomang bagay na (C)ayon sa kaniyang kalooban, ay dinidinig tayo niya:

15 At kung ating nalalaman na tayo'y dinidinig niya sa anomang ating hingin, ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa kaniya'y ating hiningi.

16 Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at (D)bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. (E)May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya.

17 Lahat ng (F)kalikuan ay kasalanan: at may kasalanang hindi ikamamatay.

18 Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; (G)datapuwa't ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama.

19 Nalalaman natin na tayo'y sa Dios (H)at ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama.

20 At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala (I)siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang (J)buhay na walang hanggan.

21 Mga anak ko, (K)mangagingat kayo sa mga diosdiosan.

Juan 11:55-12:8

55 Ang paskua nga ng mga Judio (A)ay malapit na: at maraming nagsiahon sa Jerusalem mula sa lupaing yaon bago magpaskua, (B)upang magsipaglinis.

56 Pinaghahanap nga nila si Jesus, at pinaguusapan ng isa't isa, samantalang nangakatayo sila sa templo, Anong akala ninyo? Na hindi na kaya siya paririto sa pista?

57 Ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo nga ay nangagutos, na, kung ang sinomang tao'y nakakaalam ng kung saan siya naroroon, ay dapat niyang ihayag, upang kanilang madakip siya.

12 Anim na araw nga bago (C)magpaskua ay naparoon (D)si Jesus sa Betania, na kinaroroonan ni (E)Lazaro, na ibinangon ni Jesus mula sa mga patay.

(F)Kaya't iginawa siya doon ng isang hapunan: at si Marta ay naglilingkod; datapuwa't si Lazaro ay isa sa nangakaupo sa pagkain na kasalo niya.

Si Maria nga'y kumuha ng (G)isang libra ng unguentong taganas na nardo, na totoong mahalaga, at (H)pinahiran ang mga paa ni Jesus, at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok: at ang bahay ay napuno ng amoy ng unguento.

Datapuwa't (I)si Judas Iscariote, na isa sa kaniyang mga alagad, na sa kaniya'y magkakanulo, ay nagsabi,

Bakit hindi ipinagbili ang unguentong ito ng tatlong daang denario, at ibigay sa mga dukha?

Ito'y sinabi nga niya, hindi sapagka't ipinagmalasakit niya ang mga dukha; kundi sapagka't siya'y magnanakaw, (J)at yamang nasa kaniya ang supot ay kinukuha niya ang doon ay inilalagay.

Sinabi nga ni Jesus, Pabayaan ninyong (K)ilaan niya ito ukol sa araw ng paglilibing sa akin.

Sapagka't ang mga dukha ay laging nasa inyo; nguni't ako'y hindi laging nasa inyo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978