Book of Common Prayer
Ang paghahari ng matuwid na hari. Awit ni Salomon.
72 Ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan, Oh Dios,
At ang (A)iyong katuwiran sa anak na lalake ng hari.
2 (B)Kaniyang hahatulan ang iyong bayan, ng katuwiran,
At ang iyong dukha, ng kahatulan.
3 (C)Ang mga bundok ay magtataglay ng kapayapaan sa bayan,
At ang mga gulod, sa katuwiran.
4 Kaniyang hahatulan ang dukha sa bayan,
Kaniyang ililigtas ang mga anak ng mapagkailangan,
At pagwawaraywarayin ang mangaapi.
5 Sila'y mangatatakot sa iyo habang nananatili (D)ang araw,
At habang sumisilang ang buwan, sa lahat ng sali't saling lahi.
6 (E)Siya'y babagsak na parang ulan sa tuyong damo:
Gaya ng ambon na dumidilig sa lupa.
7 Sa kaniyang mga kaarawan ay (F)giginhawa ang mga matuwid;
At saganang kapayapaan, hanggang sa mawala ang buwan.
8 (G)Siya naman ay magtataglay ng pagpapakapanginoon sa dagat at dagat,
At mula sa Ilog hanggang sa mga wakas ng lupa.
9 Silang nagsisitahan sa ilang ay magsisiyukod (H)sa kaniya;
At hihimuran ng (I)kaniyang mga kaaway ang alabok.
10 (J)Ang mga hari ng Tharsis, at (K)sa mga pulo ay mangagdadala ng mga kaloob;
Ang mga hari sa (L)Sheba at (M)Seba ay mangaghahandog ng mga kaloob.
11 Oo, lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya:
Lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya.
12 Sapagka't kaniyang ililigtas ang mapagkailangan pagka dumadaing;
At ang dukha na walang katulong.
13 Siya'y maaawa sa dukha at mapagkailangan,
At ang mga kaluluwa ng mga mapagkailangan ay kaniyang ililigtas.
14 Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa sa kapighatian at karahasan;
(N)At magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kaniyang paningin:
15 At siya'y mabubuhay at sa kaniya'y ibibigay ang ginto ng Sheba:
At dadalanginang lagi siya ng mga tao:
Pupurihin nila siya buong araw.
16 Magkakaroon ng saganang trigo sa lupa sa taluktok ng mga bundok;
Ang bunga niyao'y uugang gaya ng Libano:
At silang sa bayan ay giginhawa na (O)parang damo sa lupa.
17 Ang kaniyang pangalan ay (P)mananatili kailan man;
Ang kaniyang pangalan ay magluluwat na gaya ng araw:
(Q)At ang mga tao ay pagpapalain sa kaniya;
(R)Tatawagin siyang maginhawa ng lahat ng mga bansa.
18 (S)Purihin ang Panginoong Dios, ang Dios ng Israel,
Na siya lamang gumagawa ng mga kababalaghang bagay:
19 At purihin ang kaniyang maluwalhating pangalan magpakailan man;
(T)At mapuno ang buong lupa ng kaniyang kaluwalhatian.
(U)Siya nawa, at Siya nawa.
20 Ang mga dalangin ni David na anak ni Isai ay nangatapos.
JOD.
73 (A)Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay:
(B)Bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos.
74 (C)Silang nangatatakot sa iyo ay makikita ako, at matutuwa;
Sapagka't ako'y umasa (D)sa iyong salita;
75 Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid,
At sa (E)pagtatapat, iyo akong dinalamhati.
76 Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob,
Ayon sa iyong salita sa iyong lingkod.
77 Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang ako'y mabuhay:
Sapagka't (F)ang kautusan mo'y aking kaaliwan.
78 (G)Mahiya ang palalo; sapagka't dinaig nila ako ng walang kadahilanan:
Nguni't (H)ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin.
79 Bumalik nawa sa akin yaong nangatatakot sa iyo,
At silang nangakakakilala ng iyong mga patotoo.
80 Maging sakdal nawa ang aking puso sa iyong mga palatuntunan;
Upang huwag akong mapahiya.
CAPH.
81 Pinanglulupaypayan ng (I)aking kaluluwa ang iyong pagliligtas:
Nguni't umaasa ako sa iyong salita.
82 (J)Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong salita,
Samantalang aking sinasabi, Kailan mo ako aaliwin?
83 Sapagka't ako'y naging parang balat na lalagyan ng alak sa usok;
Gayon ma'y hindi (K)ko kinalilimutan ang iyong mga palatuntunan.
84 (L)Gaano karami ang mga kaarawan ng iyong lingkod?
(M)Kailan ka gagawa ng kahatulan sa kanila na nagsisiusig sa akin?
85 Inihukay ako (N)ng palalo ng mga lungaw
Na hindi mga ayon sa iyong kautusan.
86 Lahat mong mga utos ay tapat.
Kanilang inuusig ako (O)na may kamalian; (P)tulungan mo ako.
87 Kanilang tinunaw ako halos sa ibabaw ng lupa;
Nguni't hindi ko pinabayaan ang mga tuntunin mo.
88 Buhayin mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob;
Sa gayo'y aking iingatan ang patotoo ng iyong bibig.
LAMED.
89 (Q)Magpakailan man, Oh Panginoon,
Ang iyong salita ay natatag sa langit.
90 Ang iyong (R)pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi:
Iyong itinatag ang lupa, (S)at lumalagi.
91 (T)Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin;
Sapagka't lahat ng bagay ay mga lingkod mo.
92 Kundi ang kautusan mo'y naging aking kaaliwan,
Namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian.
93 Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo;
Sapagka't sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako.
94 Ako'y iyo, iligtas mo ako,
Sapagka't aking hinanap ang mga tuntunin mo,
95 Inabatan ako ng masama upang ako'y patayin;
Nguni't aking gugunitain ang iyong mga patotoo.
96 Aking nakita ang wakas (U)ng buong kasakdalan;
Nguni't ang utos mo'y totoong malawak.
Ihahandog ni Abraham si Isaac.
22 At nangyari pagkatapos ng mga bagay na ito, (A)na sinubok ng Dios si Abraham, at sa kaniya'y sinabi, Abraham; at sinabi niya, Narito ako.
2 At kaniyang sinabi, Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng (B)Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo.
3 At si Abraham ay bumangong maaga, at inihanda ang kaniyang asno, at ipinagsama ang dalawa sa kaniyang mga alila, at si Isaac na kaniyang anak: at nagsibak ng kahoy para sa haing susunugin, at bumangon at naparoon sa dakong sinabi sa kaniya ng Dios.
4 Nang ikatlong araw ay itiningin ni Abraham ang kaniyang mga mata at natanaw niya ang dakong yaon sa malayo.
5 At sinabi ni Abraham sa kaniyang mga alila, Maghintay kayo rito sangpu ng asno, at ako at ang bata ay paroroon doon; at kami ay sasamba, at pagbabalikan namin kayo.
6 At kinuha ni Abraham ang kahoy ng handog na susunugin, at (C)ipinasan kay Isaac na kaniyang anak; at dinala sa kaniyang kamay ang apoy at ang sundang; at sila'y kapuwa yumaong magkasama.
7 At nagsalita si Isaac kay Abraham na kaniyang ama, na sinabi, Ama ko: at kaniyang sinabi, Narito ako, anak ko. At sinabi, Narito, ang apoy at ang kahoy, nguni't saan naroon ang korderong pinakahandog na susunugin?
8 At sinabi ni Abraham, (D)Dios ang maghahanda ng korderong pinaka handog na susunugin, anak ko: ano pa't sila'y kapuwa yumaong magkasama.
9 At sila'y dumating sa dakong sa kaniya'y sinabi ng Dios; at nagtayo si Abraham doon ng isang dambana, (E)at inayos ang kahoy, at tinalian si Isaac na kaniyang anak at inilagay sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy.
10 At iniunat ni Abraham ang kaniyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kaniyang anak.
11 At tinawag siya ng anghel ng Panginoon mula sa langit, at sinabi, Abraham, Abraham: at kaniyang sinabi, Narito ako.
12 At sa kaniya'y sinabi, (F)Huwag mong buhatin ang iyong kamay sa bata, o gawan man siya ng anoman: (G)sapagka't talastas ko ngayon, na ikaw ay natatakot sa Dios, sa paraang hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak.
13 At itiningin ni Abraham ang kaniyang mga mata, at nagmalas, at narito, ang isang tupang lalake, sa dakong likuran niya na huli sa dawag sa kaniyang mga sungay: at pumaroon si Abraham, at kinuha ang tupa, at siyang inihandog na handog na susunugin na inihalili sa kaniyang anak.
14 At pinanganlan ni Abraham ang dakong yaon, ng (H)Jehova-jireh: gaya ng kasabihan hanggang sa araw na ito: Sa bundok ng Panginoon ay mahahanda.
15 At tinawag ng anghel ng Panginoon si Abraham na ikalawa mula sa langit.
16 At sinabi, (I)Sa aking sarili ay sumumpa ako, anang Panginoon, sapagka't ginawa mo ito, at hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak;
17 Na sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin ko ang iyong binhi, na (J)gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga (K)buhangin sa baybayin ng dagat; (L)at kakamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kaniyang mga kaaway;
18 (M)At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; (N)sapagka't sinunod mo ang aking tinig.
23 Sa pananampalataya, nang ipanganak si Moises, (A)ay itinagong tatlong buwan ng kaniyang mga magulang, sapagka't kanilang nakitang maganda ang bata; at hindi sila natakot sa utos ng hari.
24 Sa pananampalataya, nang lumaki na si (B)Moises, ay tumangging siya'y tawaging anak ng anak na babae ni Faraon;
25 Na pinili pa ang siya'y tampalasanin na kasama ng bayan ng Dios, kay sa magtamo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala;
26 Na inaring malaking kayamanan (C)ang kadustaan ni Cristo, kay sa mga kayamanan ng Egipto: sapagka't ang kaniyang tinititigan ay (D)ang gantingpalang kabayaran.
27 Sa pananampalataya'y (E)iniwan niya ang Egipto, na hindi natakot sa poot ng hari: sapagka't nagtitiyagang (F)tulad sa nakakita niyaong di nakikita.
28 Sa pananampalataya'y itinatag niya ang paskua, (G)at ang pagwiwisik ng dugo, upang ang manglilipol sa mga panganay ay huwag silang lipulin.
29 Sa pananampalataya'y nagsipagdaan sila sa gitna (H)ng Dagat na Mapula na gaya ng sa lupang tuyo: na nang subuking gawin ito ng mga taga Egipto ay pawang nangalunod.
30 Sa pananampalataya'y (I)nangalagpak ang mga kuta ng Jerico, pagkatapos na makubkob na pitong araw.
31 Sa pananampalataya'y (J)hindi napahamak na kasama ng mga manunuway, ang patutot na si Rahab, na tumanggap na payapa sa mga tiktik.
52 Ang mga Judio nga'y nangagtatalo, na nangagsasabi, Paanong maipakakain sa atin ng taong ito ang kaniyang laman?
53 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, (A)Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo, ay wala kayong buhay sa inyong sarili.
54 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siya'y aking ibabangon sa huling araw.
55 Sapagka't ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin.
56 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan (B)sa akin, at ako'y sa kaniya.
57 Kung paanong sinugo ako ng Amang buhay, at ako'y nabubuhay dahil sa Ama; gayon din naman ang kumakain sa akin, siya nama'y mabubuhay dahil sa akin.
58 Ito ang tinapay na bumabang galing sa langit: (C)hindi gaya ng mga magulang na nagsikain, at nangamatay; ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailan man.
59 Sinabi niya ang mga bagay na ito sa sinagoga, samantalang siya'y nagtuturo sa (D)Capernaum.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978