Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 75-76

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. Salmo ni Asaph, Awit.

75 Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios:
Kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay (A)malapit:
Isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa.
Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan,
Hahatol ako ng matuwid.
Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw:
Aking itinayo ang mga (B)haligi niyaon. (Selah)
Aking sinabi sa (C)hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan:
At sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay:
Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas;
Huwag kang magsalitang may (D)matigas na ulo.
Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran,
O mula man sa timugan, ang pagkataas.
Kundi ang (E)Dios ay siyang hukom:
(F)Kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa.
Sapagka't (G)sa kamay ng Panginoon ay may (H)isang saro, at ang alak ay bumubula;
Puno ng pagkakahalohalo, at kaniyang inililiguwak din:
Tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak, at iinumin.
Nguni't aking ipahahayag magpakailan man,
Ako'y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob.
10 (I)Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay;
Nguni't (J)ang mga sungay ng matuwid ay matataas.

Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Salmo ni Asaph, Awit.

76 Sa Juda (K)ay kilala ang Dios:
Ang kaniyang pangalan ay dakila sa Israel.
Nasa Salem naman ang kaniyang tabernakulo,
At ang kaniyang dakong tahanan ay sa Sion.
(L)Doo'y binali niya ang mga pana ng busog;
At kalasag, at ang tabak, at ang pagbabaka. (Selah)
Maluwalhati ka at marilag, (M)Mula sa mga bundok na hulihan.
Ang mga puso na matapang ay nasamsaman,
Sila'y (N)nangatulog ng kanilang pagtulog;
At wala sa mga lalaking makapangyarihan na nakasumpong ng kanilang mga kamay.
(O)Sa iyong saway Oh Dios ni Jacob,
Ang karo at gayon din ang kabayo ay nahandusay sa mahimbing na pagkakatulog.
Ikaw, ikaw ay katatakutan:
At (P)sinong makatatayo sa iyong paningin, sa minsang ikaw ay magalit?
Iyong ipinarinig ang hatol mula sa langit;
Ang lupa ay natakot, at tumahimik,
Nang ang Dios ay bumangon sa paghatol,
Upang iligtas ang lahat ng maamo sa lupa. (Selah)
10 (Q)Tunay na pupurihin ka ng poot ng tao:
Ang nalabi sa poot ay ibibigkis mo sa iyo.
11 (R)Manata ka at tuparin mo sa Panginoon mong Dios:
Magdala ng mga kaloob sa kaniya na marapat katakutan, (S)yaong lahat na nangasa buong palibot niya.
12 Kaniyang ihihiwalay ang diwa ng mga pangulo:
Siya'y kakilakilabot sa mga hari sa lupa.

Mga Awit 23

Ang Panginoon ay pastol ng mangaawit. Awit ni David.

23 Ang Panginoon ay (A)aking pastor; hindi ako mangangailangan.
Kaniyang pinahihiga ako (B)sa sariwang pastulan:
Pinapatnubayan niya ako (C)sa siping ng mga tubig na pahingahan,
Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa:
(D)Pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran (E)alangalang sa kaniyang pangalan.
Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan,
(F)Wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin:
Ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.
(G)Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway:
(H)Iyong pinahiran ang aking ulo ng langis;
(I)Ang aking saro ay inaapawan.
Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay:
At ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man.

Mga Awit 27

Awit ng walang takot na pagtitiwala sa Panginoon. Awit ni David.

27 Ang Panginoon (A)ay aking liwanag, at (B)aking kaligtasan: kanino ako matatakot?
Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak?
Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman,
Ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y nangatisod at nangarapa.
(C)Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin,
Hindi matatakot ang aking puso:
Bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin,
Gayon ma'y titiwala rin ako.
(D)Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin;
Na ako'y makatahan (E)sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay,
Upang malasin (F)ang kagandahan ng Panginoon,
At magusisa sa kaniyang templo.
(G)Sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong:
Sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako;
Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato.
At ngayo'y matataas ang (H)aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko;
At ako'y maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan;
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri sa Panginoon.
Dinggin mo, Oh Panginoon, pagka ako'y sumisigaw ng aking tinig:
Maawa ka rin sa akin, at sagutin mo ako.
Nang iyong sabihin, (I)Hanapin ninyo ang aking mukha; ang aking puso ay nagsabi sa iyo,
Ang iyong mukha, Panginoon, ay hahanapin ko.
(J)Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit:
Ikaw ay naging aking saklolo;
Huwag mo akong itakuwil, o pabayaan man, (K)Oh Dios ng aking kaligtasan.
10 (L)Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina,
Gayon ma'y dadamputin ako ng Panginoon.
11 (M)Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon:
At patnubayan mo ako sa patag na landas,
Dahil sa aking mga kaaway.
12 Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway:
Sapagka't mga sinungaling na saksi ay (N)nagsibangon laban sa akin,
At ang (O)nagsisihinga ng kabagsikan.
13 Ako sana'y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ng Panginoon.
(P)Sa lupain ng may buhay.
14 (Q)Magantay ka sa Panginoon:
Ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso;
Oo, umasa ka sa Panginoon.

Genesis 24:28-38

28 At tumakbo ang dalaga at isinaysay sa sangbahayan ng kaniyang ina ang ayon sa mga salitang ito.

29 At mayroon si Rebeca na isang kapatid na nagngangalang (A)Laban: at tinakbo ni Laban ang lalake sa labas, sa bukal.

30 At nangyari, pagkakita ng singsing, at ng mga pulsera sa mga kamay ng kaniyang kapatid, at pagkarinig ng mga salita ni Rebeca na kaniyang kapatid, na sinasabi, Gayon sinalita sa akin ng lalake; na naparoon siya sa lalake; at narito, ito'y nakatayo sa siping ng mga kamelyo, sa bukal.

31 At sinabi niya, (B)Pumasok ka, pinagpala ng Panginoon; bakit ka nakatayo sa labas? sapagka't inihanda ko ang bahay, at ang dako ng mga kamelyo.

32 At pumasok ang lalake sa bahay, at kinalagan ang mga kamelyo; at (C)binigyan ni Laban ng dayami at pagkain ang mga kamelyo, at ng tubig upang ipaghugas ng kaniyang mga paa, at ng mga paa ng mga taong kasama niya.

33 At siya'y hinainan nila ng pagkain: datapuwa't kaniyang sinabi, Hindi ako kakain hanggang hindi ko nasasabi ang aking sadya. At sinabi ni Laban, Magsalita ka.

34 At kaniyang sinabi, Alilang katiwala ako ni Abraham.

35 (D)At pinagpalang mainam ng Panginoon ang aking panginoon; at siya'y naging dakila: at siya'y binigyan ng kawan at bakahan, at ng pilak at ng ginto, at ng mga aliping lalake, at babae, at ng mga kamelyo, at ng mga asno.

36 At si Sara na asawa ng aking panginoon, ay (E)nagkaanak ng (F)lalake sa aking panginoon, nang siya'y matanda na: at siyang pinagbigyan ni Abraham ng kaniyang lahat na inaari.

37 At pinapanumpa (G)ako ng aking panginoon, na sinasabi, Huwag mong papag-aasawahin ang aking anak sa mga anak na babae ng mga Cananeo na siyang lupaing aking tinatahanan:

38 Kundi paroroon ka sa bahay ng aking ama at sa aking kamaganakan, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak.

Genesis 24:49-51

49 At ngayon, kung inyong (A)mamagandahing loob at mamatapatin sa aking panginoon ay sabihin ninyo sa akin: at kung hindi, ay sabihin din ninyo sa akin; upang pumihit ako sa kanan o sa kaliwa.

50 Nang magkagayo'y sumagot si Laban at si Bethuel, at sinabi, Sa Panginoon nagmumula ito: kami ay (B)hindi makapagsasabi sa iyo ng masama o ng mabuti.

51 Narito, si Rebeca ay nasa harap mo, dalhin mo, at yumaon ka, at siya'y maging asawa ng anak ng iyong panginoon, na gaya ng sinalita ng Panginoon.

Mga Hebreo 12:12-29

12 Kaya't itaas ninyo (A)ang mga kamay na nakababa, ang mga tuhod namang nanginginig;

13 At magsigawa kayo ng matuwid na landas (B)sa inyong mga paa, upang huwag maligaw ang pilay, (C)kundi bagkus gumaling.

14 Sundin ninyo (D)ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, (E)at ang pagpapakabanal (F)na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon:

15 Na pakaingatan na baka ang sinoma'y di makaabot sa biyaya ng Dios; baka kayo'y bagabagin ng anomang ugat ng kapaitan na sumisibol, at dahil dito'y mahawa ang marami;

16 Baka magkaroon ng sinomang (G)mapakiapid, (H)o mapaglapastangan, gaya ni (I)Esau, na sa isang pinggang pagkain ay ipinagbili ang kaniyang sariling pagkapanganay.

17 Sapagka't nalalaman ninyo na bagama't pagkatapos ay ninanasa niyang magmana ng pagpapala, siya'y itinakuwil; sapagka't wala na siyang nasumpungang pagkakataon ng pagsisisi sa kaniyang ama, bagama't pinagsisikapan niyang mapilit (J)na lumuluha.

18 Sapagka't hindi kayo nagsilapit (K)sa bundok na nahihipo, at nagliliyab sa apoy, at sa kapusikitan, at sa kadiliman, at sa unos,

19 At (L)tunog ng pakakak, at tinig ng mga salita; na ang nakarinig ng tinig na ito ay (M)nagsipamanhik na huwag nang sa kanila'y salitain pa ang anomang salita;

20 Sapagka't hindi matiis ang iniuutos, (N)Kahit ang isang hayop kung tumungtong sa bundok ay babatuhin;

21 At totoong kakilakilabot (O)ang napanood, ano pa't sinabi ni Moises, Ako'y totoong nasisindak at nanginginig:

22 Datapuwa't (P)nagsilapit kayo sa bundok ng Sion, at sa (Q)bayan ng Dios na buhay, ang (R)Jerusalem sa kalangitan, at sa mga di mabilang na hukbo ng mga anghel,

23 Sa pangkalahatang (S)pulong at iglesia ng mga (T)panganay (U)na nangatatala sa langit, at sa Dios na Hukom ng lahat, at mga espiritu ng mga taong ganap na pinasakdal,

24 At kay Jesus (V)na tagapamagitan ng bagong tipan, at (W)dugong pangwisik na nagsasalita ng (X)lalong mabuti kay sa dugo ni Abel.

25 Pagingatan ninyong kayo'y huwag tumanggi sa nagsasalita. Sapagka't (Y)kung hindi nakatanan ang mga nagsitanggi sa (Z)nagbalita sa kanila sa ibabaw ng lupa, ay lalo pa tayong hindi makatatanan na nagsisihiwalay Doon sa nagbabalitang buhat sa langit:

26 (AA)Na ang tinig na yaon ay nagpayanig noon ng lupa: datapuwa't ngayo'y nangako siya, na nagsasabi, (AB)Minsan pang yayanigin ko, hindi lamang ang lupa, kundi pati ng langit.

27 At itong salita, Minsan pang, ay pinakakahuluganan ang pagaalis niyaong mga bagay na niyanig, gaya ng mga bagay na ginawa, upang mamalagi ang mga hindi niyanig.

28 Kaya't pagkatanggap ng isang kahariang hindi magagalaw, ay magkaroon tayo ng biyayang sa pamamagitan nito ay makapaghahandog tayong may paggalang at katakutan ng paglilingkod na nakalulugod sa Dios:

29 Sapagka't ang Dios natin ay isang (AC)apoy na mamumugnaw.

Juan 7:14-36

14 Datapuwa't nang ang kapistahan nga'y nasa kalagitnaan na ay umahon si Jesus sa templo, at nagturo.

15 Nagsipanggilalas nga (A)ang mga Judio, na nangagsasabi, Paanong nakaaalam ang taong ito ng mga karunungan, gayong hindi naman nagaral kailan man?

16 Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, (B)Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin.

17 Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili.

18 Ang nagsasalita (C)ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya'y walang kalikuan.

19 Hindi baga ibinigay sa inyo ni Moises ang kautusan, at gayon ma'y (D)wala sa inyong gumaganap ng kautusan? (E)Bakit ninyo pinagsisikapang ako'y patayin?

20 Sumagot ang karamihan, Mayroon kang (F)demonio: sino ang nagsisikap na ikaw ay patayin?

21 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Isang gawa ang aking ginawa, at kayong lahat ay nagsipanggilalas dahil doon.

22 Ibinigay sa inyo ni (G)Moises ang pagtutuli (hindi sa ito'y kay Moises, (H)kundi sa mga magulang); (I)at tinutuli ninyo sa sabbath ang isang lalake.

23 Kung tinatanggap ng lalake ang pagtutuli sa sabbath, upang huwag labagin ang kautusan ni Moises; nangagagalit baga kayo sa akin, dahil sa pinagaling kong lubos ang isang tao (J)sa sabbath?

24 Huwag kayong magsihatol ayon sa anyo, kundi magsihatol kayo ng matuwid na paghatol.

25 Sinabi nga ng ilang taga Jerusalem, Hindi baga ito ang kanilang pinagsisikapang patayin?

26 At narito, siya'y hayag na nagsasalita, at walang anomang sinasabi sila sa kaniya. (K)Napagkikilala kayang tunay ng mga pinuno na ito ang Cristo?

27 Gayon man ay (L)nakikilala namin ang taong ito kung taga saan siya: datapuwa't pagparito ng Cristo, sinoma'y walang makakaalam (M)kung taga saan siya.

28 Sumigaw nga si Jesus sa templo, na nagtuturo at sinasabi, Ako'y inyong nakikilala at nalalaman din naman ninyo kung taga saan ako; (N)at hindi ako naparito sa aking sarili, datapuwa't ang nagsugo sa akin (O)ay tunay, (P)na hindi ninyo nakikilala.

29 Siya'y nakikilala ko; sapagka't ako'y mula sa kaniya, at siya ang nagsugo sa akin.

30 (Q)Pinagsisikapan nga nilang siya'y hulihin: (R)at walang taong sumunggab sa kaniya, sapagka't hindi (S)pa dumarating ang kaniyang oras.

31 Datapuwa't sa karamihan ay marami ang nagsisampalataya sa kaniya; at kanilang sinasabi, Pagparito ng Cristo, ay gagawa pa baga siya ng lalong maraming tanda kay sa mga ginawa ng taong ito?

32 Nangarinig ng mga Fariseo ang bulongbulungan ng karamihan tungkol sa kaniya; at nangagsugo ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo (T)ng mga punong kawal upang siya'y hulihin.

33 Sinabi nga ni Jesus, Makikisama pa ako sa inyong sangdaling panahon, at ako'y paroroon sa nagsugo sa akin.

34 Hahanapin ninyo ako, (U)at hindi ako masusumpungan: at kung saan ako naroroon, ay hindi kayo makaparoroon.

35 Ang mga Judio nga'y nangagsangusapan, Saan paroroon ang taong ito na hindi natin siya masusumpungan? siya kaya'y paroroon sa (V)nagsisipangalat sa gitna ng mga (W)Griego, at magtuturo sa mga Griego?

36 Ano ang salitang ito na kaniyang sinabi, Hahanapin ninyo ako, at hindi ninyo ako masusumpungan; at kung saan ako naroroon, ay hindi kayo makaparoroon?

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978