Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 80

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim Eduth. Awit ni Asaph.

80 Dinggin mo, Oh Pastor ng Israel,
Ikaw na pumapatnubay (A)sa Jose na (B)parang kawan;
(C)Ikaw na nauupo sa ibabaw ng mga querubin, sumilang ka.
Sa harap ng Ephraim, ng Benjamin at ng Manases, ay (D)mapukaw nawa ang kapangyarihan mo,
At parito kang iligtas mo kami.
Papanumbalikin mo kami, (E)Oh Dios;
At pasilangin mo ang iyong mukha, at maliligtas kami.
(F)Oh Panginoong Dios ng mga hukbo,
Hanggang kailan magagalit ka laban sa dalangin ng iyong bayan?
(G)Iyong pinakain sila ng tinapay na mga luha,
At binigyan mo sila ng mga luha upang inumin ng sagana.
(H)Iyong ginawa kaming kaalitan sa aming mga kalapit bansa:
At ang mga kaaway namin ay nagtatawanan.
Ibalik mo kami, Oh Dios ng mga hukbo;
At pasilangin mo ang iyong mukha at kami ay maliligtas.
Ikaw ay nagdala ng (I)isang puno ng ubas mula sa Egipto;
(J)Iyong pinalayas ang mga bansa, at itinanim mo yaon.
Ikaw ay naghanda ng dako sa harap niya,
At napailalim ang ugat, at pinuno ang lupain.
10 Ang mga bundok ay natakpan ng lilim niyaon,
At ang mga sanga niyaon ay gaya ng mga sedro ng Dios.
11 Kaniyang pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat,
At ang kaniyang mga suwi hanggang (K)sa ilog.
12 (L)Bakit mo ibinagsak ang kaniyang mga bakod,
Na anopa't siya'y binubunot nilang lahat na nangagdadaan?
13 Sinisira ng baboy-ramo.
At sinasabsab ng mailap na hayop sa parang.
14 Bumalik ka uli, isinasamo ko sa iyo, Oh Dios ng mga hukbo:
Tumungo ka mula sa langit, at iyong masdan, at dalawin mo ang puno ng ubas na ito,
15 At ang ubasan na itinanim ng iyong kanan,
At ang (M)suwi na iyong pinalakas para sa iyong sarili.
16 (N)Nasunog ng apoy, at naputol:
Sila'y nalipol sa saway ng iyong mukha.
17 (O)Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan.
(P)Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili.
18 Sa gayo'y hindi kami magsisitalikod sa iyo:
Buhayin mo kami, at tatawagan namin ang iyong pangalan.
19 (Q)Papanumbalikin mo kami, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo;
Pasilangin mo ang iyong mukha at maliligtas kami.

Mga Awit 77

Sa Pangulong Manunugtog; ayon sa paraan ni Jeduthun. Awit ni Asaph.

77 Ako'y dadaing ng aking tinig sa Dios;
Sa Dios ng aking tinig; at kaniyang didinggin ako.
(A)Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay hinahanap ko ang Panginoon:
Ang kamay ko'y nakaunat sa gabi, at hindi nangangalay;
(B)Tumatangging maaliw ang kaluluwa ko.
Naaalaala ko ang Dios, at ako'y nababalisa:
Ako'y (C)nagdaramdam, at ang diwa ko'y nanglulupaypay. (Selah)
Iyong pinupuyat ang mga mata ko:
Ako'y totoong nababagabag na hindi ako makapagsalita.
(D)Aking ginunita ang mga araw ng una,
Ang mga taon ng dating mga panahon.
Aking inaalaala ang awit ko (E)sa gabi:
Sumasangguni ako sa aking sariling puso;
At ang diwa ko'y masikap na nagsiyasat.
(F)Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailan man?
At (G)hindi na baga siya lilingap pa?
Ang kaniya bang kagandahangloob ay lubos na nawala magpakailan man?
Natapos na bang walang hanggan (H)ang kaniyang pangako?
Nakalimot na ba ang Dios na (I)magmaawain?
Kaniya bang tinakpan ng kagalitan ang kaniyang malumanay na mga kaawaan? (Selah)
10 At aking sinabi, (J)Ito ang sakit ko;
Nguni't aalalahanin ko ang mga taon ng kanan ng Kataastaasan.
11 (K)Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon;
Sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una.
12 Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa,
At magmumuni tungkol sa iyong mga gawa.
13 Ang iyong daan, Oh Dios, ay (L)nasa santuario:
(M)Sino ang dakilang dios na gaya ng Dios?
14 Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas:
Iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao.
15 Iyong tinubos (N)ng kamay mo ang iyong bayan,
Ang mga anak ng Jacob (O)at ng Jose. (Selah)
16 (P)Nakita ka ng tubig, Oh Dios;
Nakita ka ng tubig, sila'y nangatakot:
Ang mga kalaliman din naman ay nanginig.
17 Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig;
(Q)Ang langit ay humugong:
Ang mga (R)pana mo naman ay nagsihilagpos.
18 Ang (S)tinig ng iyong kulog, ay nasa ipoipo;
Tinanglawan (T)ng mga kidlat ang sanglibutan:
Ang lupa ay nayanig at umuga.
19 Ang daan mo'y (U)nasa dagat,
At ang mga landas mo'y nasa malalawak na tubig,
At ang bakas mo'y hindi nakilala.
20 (V)Iyong pinapatnubayan ang iyong bayan na (W)parang kawan,
Sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron.

Mga Awit 79

Hinagpis dahil sa pagka sira ng Jerusalem, at panalangin sa paghingi ng tulong. Awit ni Asaph.

79 Oh Dios, (A)ang mga bansa ay dumating sa (B)iyong mana;
(C)Ang iyong banal na templo ay kanilang nilapastangan;
(D)Kanilang pinapaging bunton ang Jerusalem.
Ang mga bangkay ng iyong mga lingkod ay (E)ibinigay nila na pagkain sa mga ibon sa himpapawid,
Ang laman ng iyong mga banal ay sa mga hayop sa lupa.
Ang kanilang dugo ay ibinubo nila na parang tubig sa palibot ng Jerusalem;
(F)At walang naglibing sa kanila.
(G)Kami ay naging kadustaan sa aming kalapit,
Kasabihan at kakutyaan nilang nangasa palibot namin.
Hanggang kailan, Oh Panginoon, magagalit ka magpakailan man?
(H)Magaalab ba ang iyong paninibugho na parang apoy?
(I)Ibugso mo ang iyong pagiinit sa mga bansa na hindi nangakakakilala sa iyo,
At sa mga kaharian na hindi nagsisitawag sa iyong pangalan.
Sapagka't kanilang nilamon ang Jacob,
At inilagay na sira ang kaniyang tahanan.
(J)Huwag mong alalahanin laban sa amin ang kasamaan ng aming mga magulang:
Magmadali ang iyong mga malumanay na kaawaan na tulungan kami:
Sapagka't kami ay totoong hinamak.
Iyong tulungan kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, dahil sa kaluwalhatian ng iyong pangalan:
At iyong iligtas kami, at linisin mo ang aming mga kasalanan, (K)dahil sa iyong pangalan.
10 (L)Bakit sasabihin ng mga bansa,
Saan nandoon ang kanilang Dios?
Ang (M)kagantihan sa dugo na nabubo sa iyong mga lingkod
Maalaman nawa ng mga bansa sa aming paningin.
11 (N)Dumating nawa sa harap mo ang buntong-hininga ng bihag;
Ayon sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay palagiin mo yaong nangatakda sa kamatayan:
12 At ibalik mo sa aming mga kalapit-bansa sa (O)makapito (P)sa kanilang sinapupunan,
Ang kanilang pagduwahagi na kanilang idinuwahagi sa iyo, Oh Panginoon.
13 Sa gayo'y (Q)kaming iyong bayan at mga tupa sa pastulan mo
Mangagpapasalamat sa iyo magpakailan man:
Aming ipakikilala ang iyong kapurihan sa lahat ng mga lahi.

Genesis 25:19-34

19 At ito ang mga sali't saling lahi ni Isaac, na anak ni Abraham: naging anak ni (A)Abraham si Isaac,

20 At si Isaac ay may apat na pung taon, nang siya'y magasawa kay Rebeca, na (B)anak ni Bethuel na taga Siria sa Padan-aram, (C)kapatid na babae ni Laban na taga Siria.

21 At nanalangin si Isaac sa Panginoon dahil sa kaniyang asawa, sapagka't baog; (D)at nadalanginan niya ang Panginoon, at si Rebeca na kaniyang asawa ay naglihi.

22 At nagbubuno ang mga bata sa loob niya; at kaniyang sinabi, Kung ganito'y bakit nabubuhay pa ako? (E)At siya'y yumaong nagsiyasat sa Panginoon.

23 At sinabi sa kaniya ng Panginoon,

Dalawang bansa ay nasa iyong bahay-bata,
At (F)dalawang bayan ay papaghihiwalayin mula sa iyong tiyan:
At ang isang (G)bayan ay magiging malakas kaysa isang bayan;
(H)At ang matanda ay maglilingkod sa bata.

Panganganak kay Esau at kay Jacob.

24 At nang matupad ang mga araw ng kaniyang kapanganakan, narito't kambal sa kaniyang bahay-bata.

25 At ang unang lumabas ay mapula na (I)buong katawa'y parang mabalahibong damit; at siya'y pinanganlang Esau.

26 At pagkatapos ay lumabas ang kaniyang kapatid, at ang kaniyang kamay ay (J)nakakapit sa sakong ni Esau; (K)at ipinangalan sa kaniya ay Jacob: at si Isaac ay may anim na pung taon na, nang sila'y ipanganak ni Rebeca.

Ipinagbili ni Esau ang kaniyang pagkapanganay.

27 At nagsilaki ang mga bata; (L)at si Esau ay naging maliksi sa pangangaso, lalake sa parang; at si Jacob ay lalaking tahimik, na tumatahan sa mga tolda.

28 Minamahal nga ni Isaac si Esau, (M)sapagka't kumakain ng kaniyang pinangangasuhan: (N)at minamahal ni Rebeca si Jacob.

29 At nagluto si Jacob ng lutuin: at dumating si Esau na galing sa parang, at siya'y nanglalambot:

30 At sinabi ni Esau kay Jacob, Ipinamamanhik ko sa iyo na pakanin mo ako niyaong mapulang lutuin; sapagka't ako'y nanglalambot: kaya't tinawag ang pangalan niya na Edom.

31 At sinabi ni Jacob, Ipagbili mo muna sa akin ang iyong pagkapanganay.

32 At sinabi ni Esau, Narito, ako'y namamatay: at saan ko mapapakinabangan ang pagkapanganay?

33 At sinabi ni Jacob, Isumpa mo muna sa akin; at isinumpa niya sa kaniya: (O)at kaniyang ipinagbili ang kaniyang pagkapanganay kay Jacob.

34 At binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilutong lentehas; at siya'y kumain, at uminom, at bumangon at yumaon: gayon niwalang halaga ni Esau ang kaniyang pagkapanganay.

Mga Hebreo 13:1-16

13 Mamalagi nawa ang (A)pagibig sa mga kapatid.

Huwag ninyong limutin ang pagpapakita ng pagibig sa mga taga ibang lupa: sapagka't sa pamamagitan nito ang iba'y (B)walang malay na nakapagpapatuloy ng mga anghel.

Alalahanin ninyo (C)ang mga may tanikala, gaya ng kayo'y nangagagapos na kasama nila; ang mga tinatampalasan na gaya ng kayo naman ay tinatampalasan sa katawan.

(D)Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: (E)sapagka't ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios.

Mangilag kayo sa pagibig sa salapi; (F)mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka't siya rin ang nagsabi, Sa anomang paraan ay (G)hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan.

Ano pa't ating masasabi ng buong tapang,

(H)Ang Panginoon ang aking katulong; hindi ako matatakot:
Anong magagawa sa akin ng tao?

Alalahanin ninyo ang nangagkaroon ng pagpupuno sa inyo na siyang nangagsalita sa inyo ng salita ng Dios; at sa pagdidilidili ng wakas ng (I)kanilang pamumuhay, ay inyong tularan ang kanilang pananampalataya.

Si Jesucristo ay (J)siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.

Huwag nga kayong padala (K)sa mga turong sarisari at di kilala: sapagka't mabuti na ang puso ay patibayin sa pamamagitan ng biyaya; (L)hindi sa pamamagitan ng mga pagkain, na di pinakikinabangan ng mga nagabala sa kanila.

10 Tayo ay may isang dambana, na hindi matuwid kainan ng mga nagsisipaglingkod sa tabernakulo.

11 Sapagka't (M)ang mga katawan ng mga hayop na ang mga dugo'y dinadala ng dakilang saserdote sa dakong banal na handog na patungkol sa kasalanan, ay sinusunog sa labas ng kampamento.

12 Kaya naman si Jesus, upang (N)mapaging banal sa pamamagitan ng kanilang sariling dugo ang bayan, ay (O)nagbata sa labas ng pintuan.

13 Atin nga siyang labasin sa labas ng kampamento na dalhin natin ang (P)kaniyang pagkadusta.

14 Sapagka't dito'y (Q)wala tayong bayan na namamalagi, nguni't hinahanap natin ang bayan na darating.

15 Sa pamamagitan nga niya ay (R)maghandog tayong palagi ng (S)hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng (T)bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan.

16 Datapuwa't ang paggawa ng mabuti at (U)ang pagabuloy ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't (V)sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod.

Juan 7:37-52

37 Nang huling araw nga, na (A)dakilang araw ng kapistahan, si Jesus ay tumayo at sumigaw, na nagsasabi, (B)Kung ang sinomang tao'y nauuhaw, ay pumarito siya sa akin, at uminom.

38 Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, (C)ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay.

39 Nguni't ito'y sinalita niya tungkol sa (D)Espiritu, na tatanggapin ng mga magsisisampalataya sa kaniya: (E)sapagka't hindi pa (F) ipinagkakaloob ang Espiritu; (G)sapagka't si Jesus ay hindi pa niluluwalhati.

40 Ang ilan nga sa karamihan, nang marinig ang mga salitang ito, ay nangagsabi, Tunay na ito (H)ang propeta.

41 Sinasabi ng mga iba, (I)Ito nga ang Cristo. Datapuwa't sinasabi ng ilan, (J)Ano, sa Galilea baga manggagaling ang Cristo?

42 Hindi baga sinabi ng kasulatan (K)na ang Cristo ay manggagaling sa lahi ni David, at mula sa (L)Bet-lehem, ang nayong (M)kinaroonan ni David?

43 Kaya nangyaring nagkaroon ng pagkakabahabahagi sa karamihan dahil sa kaniya.

44 At ibig ng ilan sa kanila na siya'y hulihin; datapuwa't walang taong sumunggab sa kaniya.

45 Nagsidating nga ang (N)mga punong kawal sa mga pangulong saserdote at sa mga Fariseo; at sinabi nila sa kanila, Bakit hindi ninyo siya dinala?

46 Nagsisagot ang mga punong kawal, Kailan ma'y walang taong nagsalita ng gayon.

47 Sinagot nga sila ng mga Fariseo, Kayo baga naman ay nangailigaw rin?

48 Sumampalataya baga sa kaniya ang sinoman sa mga pinuno, o ang sinoman sa mga Fariseo?

49 Datapuwa't ang karamihang ito na hindi nakaaalam ng kautusan ay sinumpa.

50 Sinabi sa kanila ni (O)Nicodemo (yaong pumaroon kay Jesus nang una, na isa sa kanila),

51 Hinahatulan baga ng ating kautusan ang isang tao, (P)malibang siya muna'y dinggin at talastasin kung ano ang kaniyang ginagawa?

52 Sila'y nagsisagot at sinabi sa kaniya, Ikaw baga'y taga Galilea rin? Siyasatin mo, at tingnan mo na sa Galilea ay walang lumitaw na propeta.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978