Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Sa Pangulong Manunugtog; ayon sa paraan ni Jeduthun. Awit ni Asaph.
11 (A)Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon;
Sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una.
12 Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa,
At magmumuni tungkol sa iyong mga gawa.
13 Ang iyong daan, Oh Dios, ay (B)nasa santuario:
(C)Sino ang dakilang dios na gaya ng Dios?
14 Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas:
Iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao.
15 Iyong tinubos (D)ng kamay mo ang iyong bayan,
Ang mga anak ng Jacob (E)at ng Jose. (Selah)
16 (F)Nakita ka ng tubig, Oh Dios;
Nakita ka ng tubig, sila'y nangatakot:
Ang mga kalaliman din naman ay nanginig.
17 Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig;
(G)Ang langit ay humugong:
Ang mga (H)pana mo naman ay nagsihilagpos.
18 Ang (I)tinig ng iyong kulog, ay nasa ipoipo;
Tinanglawan (J)ng mga kidlat ang sanglibutan:
Ang lupa ay nayanig at umuga.
19 Ang daan mo'y (K)nasa dagat,
At ang mga landas mo'y nasa malalawak na tubig,
At ang bakas mo'y hindi nakilala.
20 (L)Iyong pinapatnubayan ang iyong bayan na (M)parang kawan,
Sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron.
Sinalakay ang Ramoth-galaad.
29 Sa gayo'y ang hari sa Israel, at si Josaphat na hari sa Juda ay nagsiahon sa Ramoth-galaad.
30 At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat, Ako'y magpapakunwaring iba, at paroroon sa pagbabaka; nguni't ikaw ay magsuot ng iyong mga balabal-hari. At ang hari ng Israel ay (A)nagpakunwaring iba, at naparoon sa pagbabaka.
31 Ang hari nga ng Siria ay nagutos sa (B)tatlong pu't dalawang punong kawal ng kaniyang mga karo, na nagsasabi, Huwag kayong magsilaban kahit sa maliit o sa malaki man, liban lamang sa hari sa Israel.
32 At nangyari, nang makita ng mga punong kawal ng mga karo si Josaphat na kanilang sinabi, Walang pagsalang hari sa Israel; at sila'y nagsibalik upang magsilaban sa kaniya: at si Josaphat ay (C)humiyaw.
33 At nangyari, nang makita ng mga punong kawal ng mga karo na hindi siyang hari sa Israel, na sila'y humiwalay ng paghabol sa kaniya.
34 At inihilagpos ng isang lalake ang kaniyang pana sa pagbabakasakali, at tinamaan ang hari sa Israel sa pagitan ng mga pagkakasugpong ng sakbat; kaya't kaniyang sinabi sa nagpapatakbo ng kaniyang karo, Ipihit mo ang iyong kamay, at ihiwalay mo ako sa hukbo; sapagka't ako'y nasugatan ng malubha.
35 At ang pagbabaka ay lumala nang araw na yaon; at ang hari ay natigil sa kaniyang karo sa harap ng mga taga Siria, at namatay sa kinahapunan: at ang dugo ay bumuluwak sa sugat sa pinakaloob ng karo.
36 At nagkaroon ng hiyawan sa buong hukbo sa may paglubog ng araw, na nagsasabi, Bawa't lalake ay sa kaniyang bayan, at bawa't lalake ay sa kaniyang lupain.
Si Achab ay napatay sa digma.
37 Sa gayo'y namatay ang hari at dinala sa Samaria; at kanilang inilibing ang hari sa Samaria.
38 At kanilang hinugasan ang karo sa tabi ng tangke ng Samaria; at hinimuran ng mga aso ang kaniyang dugo (ang mga masamang babae nga ay nagsipaligo roon;) (D)ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang sinalita.
39 Ang iba nga sa mga gawa ni Achab, at ang lahat niyang ginawa, at ang (E)bahay na garing na kaniyang itinayo, at ang lahat na bayan na kaniyang itinayo, di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?
40 Sa gayo'y natulog si Achab na kasama ng kaniyang mga magulang; at si Ochozias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
Si Ochozias ay naghari sa Israel.
51 Si Ochozias na anak ni Achab ay nagpasimulang maghari sa Israel sa Samaria, nang ikalabing pitong taon ni Josaphat na hari sa Juda, at siya'y nagharing dalawang taon sa Israel.
52 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, at (A)lumakad sa lakad ng kaniyang ama, at sa lakad ng kaniyang ina, at (B)sa lakad ni Jeroboam na anak ni Nabat, na ipinagkasala niya sa Israel.
53 At siya'y naglingkod kay Baal, at sumamba sa kaniya, at minungkahi sa galit ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang ama.
5 Siyasatin ninyo ang inyong sarili, (A)kung kayo'y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili, na si (B)Jesucristo ay nasa inyo? maliban na nga kung kayo'y (C)itinakuwil na.
6 Nguni't inaasahan ko na inyong mangakikilala na kami ay hindi itinakuwil.
7 Ngayo'y idinadalangin namin sa Dios na kayo'y huwag magsigawa ng masama; hindi upang kami'y mangakitang subok, kundi upang gawin ninyo ang may karangalan, kahit kami'y maging gaya ng itinakuwil.
8 Sapagka't kami'y walang anomang magagawang laban sa katotohanan, kundi ayon sa katotohanan.
9 Sapagka't kami'y natutuwa (D)kung kami'y mahihina, at kayo'y malalakas: at (E)ito naman ang idinadalangin namin, sa makatuwid baga'y ang inyong pagkasakdal.
10 Dahil dito'y (F)sinusulat ko ang mga bagay na ito samantalang ako'y wala sa harapan, upang kung nasa harapan ay huwag akong gumamit ng kabagsikan, ayon sa kapamahalaang ibinibigay sa akin ng Panginoon sa ikatitibay, at hindi sa ikagigiba.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978